Pregnant By The Billionaire I Never Saw
“Ako si Alyanna, Ma'am Kaia. Ako po ang ipinadala ni Sir Caelum para maging yaya.”
Nabigla man sa narinig dahil ang akala niya’y may edad na ang magiging yaya ng anak, ay ikinubli ni Kaia ang pagkabigla at inabot ang kamay nito. “I see, ikaw pala,” aniyang tumango-tango pa. “‘Lika, pumasok ka muna sa loob,” anyaya pa niya saka nilakihan ang bukas ng pinto. “Upo ka, Alyanna. Aayusin ko lang ang mga gamit ni Kairo,” dagdag pa niya saka iminuwestra ang single sofa. Mabilis namang tumalima ang babae at naupo.
“Baby, say hi to Tita Alyanna. Si Tita ang mag-aalaga sa’yo, okay?” baling niya kay Kairo na noon ay nakamasid sa bagong dating.
Chapitres populaires