Filter By
Updating status
AllOngoingCompleted
Sort By
AllPopularRecommendationRatesUpdated
After My Ex Fiancé Betrayed Me, I Married His Uncle

After My Ex Fiancé Betrayed Me, I Married His Uncle

Sa araw mismo ng kasal, nawasak ang puso ni Bianca nang mahuli niya ang fiancé niyang si Adrian Montemayor na nakikipagtalik sa kanyang stepsister sa kabilang suite. Tatlong taon niyang minahal ang lalaki tinulungan sa trabaho at sinuportahan sa lahat. Ngunit sa huli, niloko at sinaktan lamang siya nito sa mismong araw ng kanilang kasal. Durog ang puso at nag-aalab sa galit, gumawa si Bianca ng pinaka-nakakabaliw na desisyon sa buong buhay niya. Dumiretso siya sa garden ng hotel kung saan gaganapin ang kasal. Naglakad siya sa gitna ng mga bisita hanggang sa tumigil sa harap ng lalaking kilala bilang isa sa pinakamakapangyarihang miyembro ng pamilya Montemayor...ang tiyuhin ng kanyang ex, ang malamig at misteryosong billionaire tycoon na si Sebastian Alejandro Montemayor. “Mr. Montemayor, let’s get married now,” sambit niya...na ikinasinghap ng lahat ng nakarinig. Ngunit ang lalaking kilalang walang pakialam sa kahit kanino ay ngumiti...isang mapanganib at nakakatunaw na ngiti. “Sigurado ka ba, Ms. Rivera?” tanong niya. “Yes. Marry me, Mr. Montemayor,” sagot ni Bianca nang buong tapang. Tumayo ang lalaki, bahagyang yumuko, at mahinang bumulong sa kanyang tainga. “Kung gusto mong maghiganti, you made a good choice coming to me… at handa akong tulungan ka, Ms. Rivera. Let’s get married.” A relationship full of temptation, power, and forbidden desire. But as the nights pass, one question they cannot escape arises: Which is more dangerous...revenge, or falling for the man you’re not supposed to love?
103.7K viewsOngoingAdded to Library 124 Times as khyber pass
Read
+Library
Joey: Princess Charming 1

Joey: Princess Charming 1

Pagkamatay ng nanay ni Joey ay bigla na lamang nagpakita ang tatay niyang ni sa hinagap ay hindi niya alam na buhay pa. Dinala siya nito sa magarbo nitong bahay at ganon-ganon na lamang nagbago ang buhay ni Joey. *** “Fine, I will let you stay here. But in one condition. You must prove yourself to us. You will enter the Ember University and pass their upcoming exams. If not, you must leave.” Halos lumubog si Joey sa kinatatayuan nito dahil sa bilis ng pagsasalita ng kanyang madrasta. ‘Nag-fli-fliptop ba ‘to?’ tanong niya sa isipan. Pero napakamot na lamang siya ng kanyang ulo. “Do you understand?” Nakaka-pressure pang dagdag na tanong ni Aling Mariebeth. Mas lalo lang tuloy lumalim ang gitla sa noo niya saka siya mabagal na napalunok. “Uhm, ang galing niyo naman pong mag-English. Pwede pong pa-translate?” nakangiwing saad niya rito dahilan para mamula ang mukha nito sa pinaghalong inis at galit. *** Ngunit paano nga ba niya haharapin ang pagbabagong ito ng buhay niya? Mula sa isang kahig, isang tukang paghihirap, ngayon ay anak pala siya ng isa sa pinakamayamang negosyante sa bansa. Idagdag pa ang mukhang laging galit na madrasta niya at prinsesitang hilaw na kapatid niya. Isa lang ang kailangang gawin ni Joey at iyon ang pumasa sa Ember University. At magagawa lamang niya ‘yon kung tutulungan siya ni Ivan Dela Fuente, ang lampa at nerd niyang kaklase. Pero bakit ba bigla-bigla na lang tumitibok ng malakas ang puso niya dahil sa loser na lalaking ito? ‘Bwesit! Hindi nakakaastig ‘to!’ Inis na sita ni Joey sa sarili lalo pa kung ang gusto naman ni Ivan ay ang hilaw niyang kapatid at hindi siya.
654 viewsOngoingAdded to Library 17 Times as khyber pass
Read
+Library
PREV
1234
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status