Filter By
Updating status
AllOngoingCompleted
Sort By
AllPopularRecommendationRatesUpdated
Ang Makasalanang Asawa ni Mr. Whitman

Ang Makasalanang Asawa ni Mr. Whitman

Minahal ni Madeline Crawford si Jeremy Whitman sa loob ng labindalawang taon, subalit siya mismo ang nagpadala sa kanya sa kulungan. Sa gitna ng kanyang sakit at pagdurusa, nakita niya pang nahulog ang lalaking ito sa ibang babae… Limang taon ang nakalipas, nakabalik na siya ng may panibagong lakas, hindi na siya ang parehong babae na pwede nilang maliitin ilang taon na ang nakararaan! Sa bago niyang anyo, sisirain niya ang kahit sinong magpapanggap at aapakan niya ang lahat ng sinumang basura. Kaya nga lang, nang sisimulan niya na ang kanyang paghihiganti sa lalaking sumira sa kanya… Biglang nagbago ang ugali nito. Mula sa pagiging isang malamig at walang emosyong tao, naging isa itong mapag-alaga, maalalahanin, at mapagmahal na lalaki! Hinalikan pa nga nito ang kanyang paa sa harap ng maraming tao habang nangakong, “Madeline, nagkamali ako na magmahal ng iba. Mula ngayon, ibubuhos ko ang natitira kong buhay para bumawi sa iyo.” Tumugon naman si Madeline, “Papatawarin lang kita kapag…. namatay ka na.”
Romance
9.41.7M viewsCompleted
Show Reviews (1316)
Read
Add to library
Resha Valentine
hahaha naiinis aq s kwento ..not too good to be true,, grabe naman legal wife cya ,e cya p nakulong haysss... 😅,grabe naman ang pagiging maimpluwensya ng pamilya whitman hehe,, npakamartir . tsaka kung gnyanin aq ng lalaki nako.kht mahal ko never aq mgpaganyan ,naloka aq s storya ..pro sayang
Soo Jeong Lee
nakakakawa ang kalagayan ni madie bakit ganito kalupit angbkwentong ito. ang sakit ng dinanas nya sa kamay ng asawa nya. dapat matauhan na si madie at magbagong buhay saka na sya bumalik pag mayaman na sya at maging matapang matutong pumatay para katakutan sya ng mga taong nagkasala sa kanya
Read All Reviews
MY EX-HUSBAND'S FIERY BROTHER

MY EX-HUSBAND'S FIERY BROTHER

Isang gabi, nahuli ni Roxanne Guevarra ang kanyang asawa na si Jameson Delgado na nakikipagtalik sa kanyang sekretarya. Hindi siya nagdalawang isip na hiwalayan ito ngunit papaano kung ayaw siya nitong bitawan? Nakahanap naman siya ng kakampi at iyon ay ang nakakatandang kapatid ng asawa, si Devon Delgado na tutulungan siyang makatakas ngunit hindi iyon magiging madali. *** "Bakit mo ba tinutulungan ang asawa ko? Balak mo bang agawin siya sa akin ngayong nagkakalabuan na kami?" Napangisi si Devon sa kabilang linya, "Hmm...hindi ako mahilig mang-agaw pero binibigyan mo ako ng rason na agawin siya sayo." Kumuyom ang mga kamao ni Jameson na marinig ang sinabi nito. "Subukan mo lang." "Why not? Kasi kung hindi ka magbabago, at patuloy mong sinasaktan si Roxanne, then prepare yourself. Mawawala siya sayo sa isang iglap." Babala ni Devon. "You can't do that to me. Maraming babae sa paligid na pwede mong pulutin pero si Roxanne, pag-aari ko 'yan. So don't you dare!"
Romance
9.667.7K viewsOngoing
Read
Add to library
Sweet Disposition

Sweet Disposition

risingservant
Hanggang kailan ba dapat manalig sa ngalan pag-ibig? Paano pagniningasin ang apoy kung ito’y aandap-andap na? Kakapit ka pa rin ba kahit alam mong wala nang pag-asa? O palalayain na lang nang puso’y ‘di na magdugo pa? Maagang namulat si Juness sa reyalidad ng buhay. Matapos masawi sa unang pag-ibig, akala niya’y hindi na siya makababangon pa. Ngunit hindi ito ang naging dahilan para siya’y sumuko. Natuto siyang maghintay hanggang sa muli niyang makamtan ang tamis ng pag-ibig. Sa hindi inaasahang pangyayari, ang tamis ay unti-unting nahahaluan ng pait. Akala niya, siya na ang magwawakas sa pagiging playboy ni Amos Zerudo ngunit isa lang pala siya sa mga naging laruan nito. Makakaya niya kayang maituwid ang landas ng binata? Paano niya susugpuin ang mga kumakapit na linta? Sadyang mapaglaro ang tadhana, madalas… ito’y nakababahala. Pakiramdam ay pilit na pinaiigting hanggang sa ika’y dumaing. Mapaghilom pa kaya ni Juness ang natamong sugat? O hahayaan niya na ang kirot ay dahan-dahang kumalat?
Romance
104.3K viewsCompleted
Read
Add to library
OUR KINKY LITTLE SECRETS

OUR KINKY LITTLE SECRETS

BeauWP
She was deeply suffering inside, but she chose not to open her mouth about it. He's ignorant about her pain. Until one day, she chose to give up. _______ Fatima Jane Robles, whenever she's with people, she only shows them her faked and staged smiles. Sa bawat matatamis niyang mga ngiti, may nakatagong mga sekretong takot siyang ipaalam sa kahit na sino. She was running away from the past, but the past kept on hunting her. She was silently battling all her struggles alone. Her smiles may be faked and staged because of a different level of pain she felt, nagagawa niyang maramdaman ang tunay na kasiyahan dahil sa iisang lalake, si Vishnu Lloyd Conception. Whenever the both of them were together, enjoying each other's company, especially in bed, she always gives him her genuine smiles. And, her smile never fails to caught him off guard. And as the saying goes, 'love comes in so many ways'. Hindi mo na lang mapapansin na tinamaan ka na pala. Until one day, she just realised that she already had fallen for him. But the thing is, it was too late.
Romance
103.3K viewsCompleted
Read
Add to library
TEMPTATION WITH MY NINONG

TEMPTATION WITH MY NINONG

“Wala ka bang balak magpakasal?" Ang tanong na paulit-ulit na sinusundan si Abraham Consunji, isang kilalang negosyante na sa dami ng ari-arian, wala pa ring sariling tahanan pagdating sa pag-ibig. Hindi dahil bitter siya, kundi dahil masyado siyang abala sa pagpapatakbo ng imperyo ng pamilya. At kung tutuusin, ayaw niya talaga sa istorbo. Malapit na siyang tumuntong ng kwarenta, pero ni minsan, hindi niya naramdamang may kulang. Para sa kanya, sapat na ang katahimikan at kontrol sa buhay—dalawang bagay na sa tingin niya ay mawawala kapag may babae sa paligid. Pero isang pabor ang babaligtad sa takbo ng lahat... ang pag-aalaga sa inaanak niyang si Yvonne, na ngayon ay isa nang makulit at maganda nang dalaga. At sa bawat araw na magkasama sila, hindi lang ang pasensya niya ang sinusubok, pati ang pagpipigil sa sariling naaakit sa isang bagay na hindi dapat. Makakaiwas ba siya? O tuluyan na siyang matatalo sa tukso ng isang bawal na damdamin?
Romance
1025.8K viewsOngoing
Read
Add to library
His Personal Maid

His Personal Maid

Gusto lang naman niya ang maranasan na mahalin. Hanggang kailan kaya mong tiisin para sa pagmamahal? Hanggang kailan kaya mong ipaglaban ang iyong pag-ibig na maraming humahadlang? Hanggang kailan mo ipagsiksikan ang sarili mo sa taong ni minsan hindi mo nakitaan na mayroon din siyang pagmamahal sayo katulad ng pagmamahal na nararamdaman mo para sa kanya? Ang hirap. Iyong lihim mong minamahal ang isang tao at hanggang tanaw ka lang. Nakakapanghina. Kung sabagay, sino ba siya para mapansin at magustuhan ng lalaking gusto niya? Isa lang naman siyang langaw na sampid sa angkan nila. Ilang taon na ba siyang naninilbihan sa pamilyang Montefalco? Halos isang dikada na. Minahal naman siya ng pamilyang ito ngunit yung pagmamahal na inaasam niya...hindi niya pa naramdaman. Palagi nalang siyang nag-aasam. Pait siyang napangiti habang nakatanaw sa lalaking matagal na niyang iniibig. Ang lapit lang nila sa isa't isa ngunit nahihirapan siyang ito ay abutin. Hanggang maid na lang ba ang tingin nito sa kanya?
Romance
1018.3K viewsCompleted
Read
Add to library
FIXING THE BAD BOY'S BROKEN HEART

FIXING THE BAD BOY'S BROKEN HEART

Diosa Mei
“Pinili kong umalis para hindi ka mahirapang pumili at magdesisyon.” Lumuluhang sabi ni Via sa binata. Mapaklang ngumisi si Russell at nakakainsultong tumitig sa mga mata niya. “Do I need to thank you for that? Do you fucking want to hear me say, Oh, thank you for fucking ruin my life!” Napapitlag siya nang sigawan siya nito ngunit hindi siya nagpatinag. Alam niyang kasalanan niya kung bakit nito sinasayang ang buhay nito. “I don’t have any choice—” “Goddamn it, Via! Don’t fucking tell me that you don’t have a damned choice! Pinili mong iwan ako sa kabila nang labis kong pagmamahal sa’yo! You choose to hurt me, so stop telling me your bullshits and get lost!” Nakagat niya ang kanyang labi at pinigilang huwag mapahagulhol. Nasasaktan siya sa sinapit nito, ramdam niya ang matinding galit nito sa kanya. Magagawa niya pa rin bang gamutin ang sugat na tinamo nito nang iwan niya ito? Could she really have a chance to fix the bad boy’s, broken heart?
Romance
1.2K viewsOngoing
Read
Add to library
Married To A Billionaire Beast

Married To A Billionaire Beast

“What did you do to me?!” Galit na galit ang boses ng lalake, mababa at matalim. Nag-panic si Katrice. Hindi niya alam ang nangyayari. Hawak pa rin ang kanyang leeg, napailing siya at pilit nagsalita, “A-Ako, wa-wala po akong ginawa... H-hindi ko alam…” Bigla siyang binitiwan. Pero hindi pa siya nakakahinga nang maayos, naramdaman na lang niyang hinawakan siya sa bewang at idinikit sa katawan ng lalake. Mainit ang balat nito, parang may lagnat, at sobrang lapit nila sa isa’t isa. Nang magsalita ang lalake, halos dumikit sa balat niya ang mainit na hininga, “Binibigyan kita ng pagkakataon. Itulak mo ako. Lumabas ka dito.” Napamulagat si Katrice. Pinalalabas niya ako? Hindi ba siya kuntento? Iniisip ba niyang hindi ako interesado? Pero hindi siya puwedeng umalis. Hindi para sa sarili niya—kundi para sa kapatid niya. Wala na siyang karapatang mag-inarte pa. Nandito na siya. Wala nang atrasan. “Hindi ako lalabas. Tonight… I’m yours,” mahinang bulong niya.
Romance
8.1K viewsOngoing
Read
Add to library
LET'S GET MARRIED, BESTIE

LET'S GET MARRIED, BESTIE

QueenBiankky
Roxan Viex Balbacal, isang sikat na model na may napakastriktong magulang. Ian Cassandro Velasco, isang masipag naman na Architect na hindi tanggap ng magulang sa piniling kasarian. Simula nga nung matagpuan ang isa't isa, sila ay naging matalik na magkaibigan na kinakapitan ng isa't isa sa bawat problema. At sa hindi nga inaasahan pagkatapos ng isang gabing wala silang dalwa sa sarili nangyare ang hindi dapat mangyare, imposibleng mangyare at di ka pa I-paniwalang mangyayare. Saan nga kaya hahantong ng lahat? Mananatili kayang matatag ang pinagsamahan sa lahat ng pagsubok na pinagdadaanan? Paninindigan ba nila ang lahat ng nangyare? O tuluyan na lang mawawala ang lahat? May happy ending nga ba sa kanila o tatakluban lang ang mga bagay na nangyare upang masagip ang isa't isa? Kaya kayang mahalin ng isang bakla ang isang babae? Matanggap kaya nila ng buo ang isa't isa? Humantong nga kaya sa kasalan ang dalwa? O magiging kasalanan ang lahat?
Romance
1.4K viewsOngoing
Read
Add to library
Hot Night With CEO

Hot Night With CEO

Hindi alam ni Lia kung bakit napakamalas niya pagdating sa pag-ibig, twenty-eight years old na sya ngunit NBSB pa rin na maging ang mga taong nakapaligid sa kaniya ay nababahala na rin… Na nagtulak sa kaniya para pumasok sa isang night bar. “Don’t be nervous, Lia, matutuwa ka sa main event ng bar na ito!” Saad ng kaibigan niya habang nakatanaw sa entablado. Bago pa man makakibo si Lia at nagsimula ng maghiyawan ang mga babae sa paligid, isang lalaking naka-mask ang lumabas na tanging brief lamang ang suot. “The bidding will start now!” anunsyo ng MC sa gilid. “29 thousands!” Sigaw ng isang babae na nagpatahimik sa lahat. “29 thousands, going twice, going trice, wala na bang hahabol?” Muling tanong ng MC. Hindi alam ni Lia kung ano ang pumasok sa isip niya para itaas ang kamay, “30 thousand!” Sigaw niya bago pa man i-close ang bidding. “30 Thousand, the bidding is close! You’ll have one night with him!"
Romance
1031.2K viewsCompleted
Read
Add to library
PREV
1
...
4142434445
...
50
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status