Trapped by the Billionaire
Sa edad na 18, napilitang ibenta ni Agatha Caddel ang kanyang sarili sa isang lalaking kilala sa bisyo at kayabangan—si Albert Clarence Kensington, ang pinakamakapangyarihang binata sa probinsya. Isang gabi. Walang pangalan. Walang pangako. May iniwang ₱80,000 at sugat sa puso.
Tatlong taon ang lumipas.
Ngayon ay 21 na si Agatha, nagbabalik mula Maynila upang magtrabaho bilang receptionist sa Kensington Grand Hotel—hindi niya alam na ang lalaking tinatakasan niya ay ang mismong may-ari ng lahat.
Ngunit hindi lang siya ang may tinatago.
Engaged si Albert.
May lihim si Andrew.
At may obsesyon si Serena.
Sa pagitan ng galit, pagnanasa, at mga kasinungalingan—sino ang tunay na mabibihag?