Mr. Billionaire, Your Wife Wants a Divorce
Sa loob ng pitong taong pagsasama, nagtiis si Ivy Mendoza sa kung paano siya itrato ng asawang si James Gonzaga.
Pitong taon silang kasal, ngunit kailanman ay hindi siya nito itinuring na asawa. Wala itong ibang minahal kung hindi si Ana Dizon. Ayos lang sa kanya iyon, matitiis niya dahil umaasa siyang balang araw, mamahalin din siya ng asawa.
Ngunit ibang usapan na kung ang mismong ang anak niyang inaruga, inalagaan at minahal ay hihilinging maging ina na lang ang babaeng kinasusuklaman niya kaysa sa kanya.
Kailangan niyang irespeto ang sarili niya, kailangan niyang umalis. Ngunit kung kailan siya aalis, doon naman ito maghahabol?