Filter By
Updating status
AllOngoingCompleted
Sort By
AllPopularRecommendationRatesUpdated
Thou Shall Not Covet  Thy Neighbor's Wife

Thou Shall Not Covet Thy Neighbor's Wife

Michelle Vito
Paalala: Ang kwentong ito ay hindi angkop sa mga bata. "Hindi ako tatanda na kagaya ninyo na kuntento na lamang manilbihan sa mga Montero," Giit ni Mariz sa ina na katulong sa mansion at ama na katiwala sa hacienda. Gusto niyang makapagsuot ng magagarang damit , pagsilbihan na gaya ng isang Montero. Ang pamilya Montero kasi ang pinakamayaman at makapangyarihan sa buong San Mateo. Ito ang batas sa lugar nila at kung kaya't kinatatakutan at tinitingala ang buong angkan nito. Hanggang sa makilala niya at mapaibig ang isang Gerald Montero. Ito na ang pagkakataon niya . Gagamitin niya si Gerald upang maisakatuparan ang kanyang mga pangarap. Ngunit isang trahedya ang naganap. Pinasok siya sa kuwarto ng isang nakamaskarang lalaki at ni-rape. Kasabay niyon ay ang biglang paglaho ni Gerald sa buhay niya. Nagbunga ang malagim na sinapit niya. Ang kanyang kababata na si Jay-are ang nagligtas sa kahihiyan na sinapit niya. Pinakasalan siya nito at naging ama sa kanyang anak. After 7 years, muling nagbalik si Gerald Montero , this time nakatakda na itong ikasal kay Andrea , ang matindi niyang katunggali sa ganda at talino sa bayan ng San Mateo Muling nagkurus ang landas nila ni Gerald.Nagkaroon siyang muli ng pagkakataong akitin at paibigin si Gerald.Hanggang unti-unti ay masumpungan niya ang sariling nalulunod na sa sobrang pagmamahal niya kay Gerald. Balewala na sa kanya ang ang yaman at kapangyrihan nito. Mahal na niya itong talaga. Ano ang kaya niyang isakripisyo sa ngalan ng pag-ibig? Ngunit paano kung isang umaga ay natagpuan siyang duguan sa tabi ng wala ng buhay niyang asawa? Siya ba ang pumatay kay Jay-are? Bakit wala siyang maalala bago ito paslangin? At sino ang lalaking gumahasa sa kanya seven years ago? May pag-asa pa bang muling mabuo ang naudlot nilang pag-iibigan ni Gerald?
Romance
101.9K viewsOngoing
Read
Idagdag sa library
The Marriage Deal

The Marriage Deal

BM_BLACK301
Danica, anak ng bayarang babae sa isang esklusibong Club. Hindi pinanagutan ang ina ni Danica dahil sa mayroon itong asawa. Binigyan lang ng pera ang mama niya upang magpakalayo-layo at huwag ng maisipan na manggulo. Ngunit sa paglipas ng taon ay darating ang araw na kakailanganin na tanggapin ni Danica ang alok ng yumaong ama kapalit ng mamanahin niya. Dahil na rin sa may sakit ang kanyang ina kaya mabilis niyang sinunggaban ang alok na magpakasal sa isang lalaking hindi niya pa nakikilala. Nagpagkasunduan sa loob lamang ng limang buwan ay maghihiwalay kapag nakuha na nila ang kanilang mga mamanahin. At sa kanilang paghihiwalay 'ay magbubunga ang isang gabing naganap sa kanila ng isang batang lalaki. Ang anak kaya nila ang magiging daan upang mabuo sila? At maging ganap na pamilya?
Romance
1.6K viewsOngoing
Read
Idagdag sa library
The Substitute

The Substitute

Lady Empress
Ano ang gagawin mo kung isang araw kailanganin mong magpanggap para sa kaligtasan ng kapatid mo? Kilalanin sina Audrey ang babaeng gagawin ang lahat para sa kapakanan ng pamilya niya. Ng dahil sa sakit ng mama niya mapipilitan siyang magpanggap at magpakasal bilang ang kakambal niya para lang maipagamot ang kanilang ina. She made a deal with her evil twin sister for money, and from there shr will experience the best six months of her life. There is love, memories lies within that span of time but will it be worth it to be THE SUBSTITUTE... "Tandaan mo Audrey hindi ikaw ang asawa niya, at iiwanan mo rin buhay na ito pagkatapos ng anim na buwan kaya hindu pwedeng mahulog ang loob mo sa kanya"
Romance
1.4K viewsOngoing
Read
Idagdag sa library
ONE NIGHTSTAND: HOT BILLIONAIRE

ONE NIGHTSTAND: HOT BILLIONAIRE

Synopsis Si Luigi Mondragon, isang multi-billionaire at matagumpay na negosyante, ay kilala sa pagiging mapaglaro sa pag-ibig at sa mga babae. Sa likod ng kanyang marangyang pamumuhay, maraming naiinggit at nagtatangkang pabagsakin siya dahil sa kanyang kasikatan at tagumpay sa iba't ibang bansa. Sa isang gabi ng kasiyahan na iniayos ng kaibigan niya sa isang sikat na bar, hindi inaasahan ni Luigi na magbabago ang takbo ng kanyang buhay. Doon niya nakilala si Leona Suarez, isang babaeng lasing at sugatan ang puso, nag-iisa habang naglalasing sa sakit ng pag-iwan sa kanya ng dating kasintahan—pinagpalit ito sa isang bakla. Kaya balis ito nasaktan dahil sa dina-daming pwede ipalit ay bakla pa. Habang umiiyak at sinisigaw ni Leona ang kanyang galit sa mga lalaki, hindi mapigilan ni Luigi ang mabighani sa kanyang tapang at pagiging totoo. Ngunit sa mundo ni Luigi na puno ng intriga, selos, at mga lihim, magagawa ba niyang makuha ang puso ng babaeng pilit iniiwasan ang pagmamahal? O magiging isa lamang si Leona sa mga nadamay sa mapanganib na laro ni Luigi? Isang kwentong puno ng pighati, galit, at pagmamahalan.
Romance
101.1K viewsOngoing
Read
Idagdag sa library
My Flawless Diamond

My Flawless Diamond

Ped Xing
Isang buwan bago ideklara ng dating management na bankrupt na ang TheCompany pinakilala si Gil bilang bagong Presidente at CEO. Ayon sa mga business expert imposibleng makaahon ang TheCompany dahil sa pagkalubong nito sa utang. Pero pinatunayan ni Gil na kaya niyang maging posible ang imposible. Ano pang mga balakid na haharapin ni Gil sa kabila ng tinatamasang tagumpay? Si Ellie isang baguhang real estate agent. Ano ang magiging papel niya sa buhay ni Gil? Paalala: Ang kwentong ito ay kathang- isip lamang. Ang mga karakter, lugar at sitwasyon ay nagkataon lamang at hindi sinasadya ng may akda.
Romance
10915 viewsOngoing
Read
Idagdag sa library
The Forced Bride

The Forced Bride

JL Naya
Betrothed by her grandparents, Zoey, despite her opposition has no way but to agree and accept her despicable fate. Pikit-mata niya itong tinanggap kahit pa man ay isang taong nakatadhang buong buhay na yata niya kamumuhian. Francis, Anak ng maimpluwensyadong pamilya sa kanilang lugar. Lahat ng katangian nito ay kinakainisan niya na. Pinaka-aayaw man nila'y ito naman ang pinakahihintay ng nakararami. To be able to finally tie the knot between two influential families would be one, great event in the history in their town that everyone has long been waiting.Isang matagal ng pangako na pinangarap ng dalawang pamilya na pilit tinutupad sa henerasyon nila. Sa araw-araw ng kanilang pagsasama, walang panahon na hindi nila ipinakita sa isa’t-isa ang lantarang pagkadisguto. Ngunit sa likod ng kaniyang di maintindihang ‘di pagkakaunawaan ay nakakubli ang isang damdaming di maipaliwanag. Damdamin na lumukob sa kanyang buong pagkatao na kailanman ay hindi matutugunan. Sapagkat, pinagmamay-ari niya man ang buong pagkatao nito, hindi naman ang puso. Sa dumaang panahon ay tuluyan na ring nagbago at naglaho ang dating Francis na kilala niya- total opposite na ito ngayun lalo pat magkakaanak na sila. Ngunit, sadya yatang mailap sa kanya ang tadhana. Ang dagling kaligayahan ay naglaho ng bumalik sa buhay nila ang babaeng iniirog, hanggang sa nakunan siya. Ang minsay naging maalab na damdamin ay napalitan na ng ga-lawak na nagyeyelong lawa. Ang minsa’y matamis na mga salita ay naging isang parang nakalalasong damu na namiminsala sa gitna ng nangingintong hardin. Nakaya pa kaya niyang panindigan ang kasabihang “Love pulls stronger than of pain and hatred”? Paanu nga ba iyon kung sukdulang sakit na ang iyong naranasan, pikit mata na lang ba? Tunghayan natin ang kwentong magpapa-iyak at magpapaibig sa atin, kwento ng makabagong henerasyun na nagapos sa napaglumaan nang pangako ng kahapon.
Romance
101.1K viewsOngoing
Read
Idagdag sa library
Ghost be with me (TAGLISH)

Ghost be with me (TAGLISH)

Pseudonym
Bata palang ay nakakakita na si Melody ng mga multo. Sinusubukan nya itong iwasan dahil 'yon ang sabi ng mama nya dahil nakikita nitong na bu-bully sya noon ng mga kaklase dahil sa pagiging weirdo. Pero kahit anong iwas nya ay wala, naiinis sya sa mga multo kaya hindi minsan ay hindi nito mapilang awayin at sigawan ang mga multong kinaiinisan nya at sanay na 'tong tawaging weirdo sa skwelahan nila. Lahat na yata ng studyante ay ayaw sakanya, bukod sa mahirap siya ay napalalapit din sya sa heartthrob ng school nila... Sa skwelahan na hindi sya bagay pero nakikibagay. Nakapasok lang naman sya sa school na 'yon dahil kaibigan ng mama nya ang may-ari non... Pero pano kung isang araw ay malaman nyang 'yon ang totoo nyang ama? May mam-bu-bully pa kaya sakanya? Ano nga bang magiging buhay nya kasama ang ama at ang mga multong nakapaligid sakanya? Makakahanap pa kaya sya ng lalaking tatanggapin ang pagka weirdo nya? Yong lalaking naniniwala sakanya...pero pano kung makatagpo sya ng lalaking hindi naniniwala sa multo? Tunghayan natin ang kwento ni Melody at pati ang mga multong laging nakasunod sakanya, tunghayan natin ang sari-sarili nilang kwento.
YA/TEEN
922 viewsOngoing
Read
Idagdag sa library
Ibang Nanay ang Pinili ng Anak Ko

Ibang Nanay ang Pinili ng Anak Ko

Matapos mamatay ng aking asawa sa isang car accident, walang sawa akong nagtrabaho sa pagpapatakbo ng isang maliit na restawran upang palakihin ang aking anak na si Henry. Bago ang kasal ni Henry, nanalo ako ng walong milyon sa lotto. Tuwang-tuwa ako, nagpasya akong ibenta ang restaurant at sa wakas ay tamasahin ang pagreretiro. Kaya naman, tumawag ako upang sabihin kay Henry ang tungkol sa pagbebenta ng restaurant, ang kanyang karaniwang magalang na fiancee ay nagbago ang ugali. "Hindi mo naman inaasahan na susuportahan ka namin, 'di ba? Halos kaka-simula lang natin magtrabaho!" Binantaan niya pa si Henry, "Kung gagastusan mo ang mama mo gamit ang pera natin, hindi na natin itutuloy ang kasal!" Nakipagtalo sa kanya si Henry ngunit pagkatapos ay sinigurado, at nangako siya, "Nagsumikap ka na nang husto, Ma. Aalagaan kita." Gumanda ang pakiramdam ko, Binalak kong bigyan siya ng dalawang milyon para makapagsimula ng negosyo. Kinabukasan, nakatanggap ako ng tawag na nagsasabing si Henry ay nasangkot sa car accident at agad na nangangailangan ng limampung libo para sa operasyon. Agad kong ipinadala ang pera, ngunit pagkatapos, nawala si Henry. Desperado, matapang akong dumaan sa isang bagyo upang hanapin siya sa lungsod niya, ngunit napunta lamang ako sa isang kasalan sa isang mamahaling hotel. Naroon si Henry, nakikipag-toast sa isa pang babae “Ma.” Ah, at ang katabi niya? Ang aking “patay” na asawa mula noong nakaraang sampung taon.
Read
Idagdag sa library
THE WALKING NIGHTMARE

THE WALKING NIGHTMARE

FoolsDome
Deinna Amalia is a walking daydream. Maganda, mabait, masunurin at higit sa lahat, masayahin. She grew up in a very loving home. Her Mama and Papa were loving parents. She spend her childhood and teenage years having her parents, and when her dad left her, it became to uneasy for her and for her family to recover. She's a very sentimental person. She also values marriage and love. She has her own principles. When a man suddenly came into her quiet life, her life changed. Craile Arvin , a known- businessman asks her for marriage. . . A business marriage. A marriage for the sake of his shares on their companies. No love involved; no affection at all. Sa pagdating niya sa buhay ni Amalia ay natutunan ng dalaga na maaari rin pala siyang umibig kahit na sa umpisa'y wala siyang nararamdaman para sa lalaki. She also learned the feeling of being hurt by someone you love. She learned that love is not always about the dreams; that love is also about nightmares. She's a walking daydream, but what if she's also a walking nightmare? Well, wether she's a dream or a nightmare, she'll be love by her man. “I'm a nightmare dressed like a daydream.“
Romance
846 viewsOngoing
Read
Idagdag sa library
My Unwanted Love

My Unwanted Love

Rachel
Ang kwentong ito ay iikot sa buhay ni Ahtisa De Guzman, isang inosenteng babaeng nag tiwala sa itinuring niyang kaibigan na akala nya ay tutulungan sya makahanap ng side line upang makatulong sa nag -aagaw buhay niyang ama, ngunit sa halip na trabaho, sya pala ay ibinenta nito na nagbunga iyon ng isang batang lalaki. Kinamuhian niya ang kaibigan na nagtago na matapos siya nitong ibenta. Kinamumuhian din niya ang lalaking bumili sa kanya at nais niya itong makaharap Milo upang pghigantihan ngunit sa ngayon ay mag iipon muna sya ng lakas ng loob, tapang, at kompiyansa sa sarili bago niya ito balikan. Hindi man niya gaanong natitigan ang mukha ng lalaki matapos niya itong pukpukin ng flower vase sa ulo ay hindi naman niya nakakalimutan ang lugar kung saan siya binaboy nito. Hindi rin siya makapag focus dito dahil sa sobrang busy niya sa trabaho at sa pag aalaga sa anak niya. Gayonpaman, nangako sya sa sarili na hahanapin niya ang lalaki at paghihigantihan ito. Hindi siya titigil hanggat hindi nagagantihan ang taong umabuso sa kanya. Ngunit ganoon man ang kanyang sinapit, sa halip na kamuhian ang bata, minahal niya ito at siyang naging dahilan niya para lumaban, at harapin ang mga pagsubok sa buhay ng buong tapang, at mulling bumuo ng matayog na pangarap. Ngunit ang lahat ng Ito ay maglalaho nang umabot na sa ikalimang taon ang bata at doon napag alaman na may malubha itong sakit, sakit na ang tanging lunas ay bone marrow transplant mula sa sarili nitong ama dahil hindi nagmatched ang sa kanya.
Romance
669 viewsOngoing
Read
Idagdag sa library
PREV
1
...
1314151617
...
38
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status