Her Love Marked Him First
“Ako ang nauna sa kanya sa buhay mo… Ako ang unang nagmahal sa ‘yo, Denmark. Hindi siya! Kaya akin ka na, noon pa man!”
— Frances Alva
Nang magdalagita si Frances Alva, alam na niya ang papel ni Denmark Mondragon sa buhay niya. Ang lalaking pakakasalan niya balang araw, ang magiging ama ng mga anak niya, ang lalaking nakalaan para sa kanya.
Ngunit sa mata ni Denmark, isa lamang siyang kapatid ng kaibigan.
Walang higit pa roon. Walang pagtingin. Walang puwang sa puso nito ang gaya niya.
Subalit hindi niya akalain na ang tadhana mismo ang magbibigkis sa kanilang dalawa. Isang iglap, isang pagkakamaling hindi sinasadya, naabutan sila ng kapatid sa iisang kama, at nauwi sa isang kasalang mali na sa simula pa lang… dahil may ibang mahal ang binata.
Ngayon, nakatali na sila sa biglaang kasal. Kasalang walang pagmamahal at puno ng sakit dahil sa paraan ng pakikitungo nito.
Magkakapuwang pa kaya siya sa puso ng binata? May pag-asa pa kaya siyang mahalin ni Denmark? O mauuwi lang ito sa pusong sugatan?