MY BOSS, MY SECRET HUSBAND
Ang maganda at masayang relasyon ni Amaya at ng nobyo niyang si Anthony ay biglang nagbago dahil sa isang gabing muntik na siyang mapagsamantalahan ng mga lalaking tila sabog sa ipinagbabawal na gamot. Lumaban si Anthony para sa kaniya, ngunit sa kasamaang-palad, may isang nagbuwis ng buhay ng gabing 'yon. Nakapatay si Anthony at nakulong dahil sa pagtatanggol sa kaniya.
At bilang pagbawi, ginawa ni Amaya ang lahat para makausap si Atty. Nicholas San Martin --ang magaling na abogadong kilala niya. Hiningi niya ang tulong nito para matulungan ang nobyo na makalaya. Ngunit nabigo si Amaya, tinanggihan siya ng lalaki at umalis pabalik ng Maynila.
Walang balak sumuko si Amaya para sa nobyo. Ngunit hanggang saan niya kayang lumaban para dito kung ang hinihinging kapalit ni Atty. Nicholas para sa pagtulong na gagawin ay siya mismo.
"You want me to help him? Then, marry me."
Nawindang si Amaya sa alok ng boss niya. Pagpapakasal dito kapalit ng tulong para sa kaniyang nobyo? Dalawa lang ang pagpipilian niya, magpapakasal kay Atty. Nicholas kapalit ng kalayaan ni Anthony o tatanggi siya kapalit ng habambuhay na pagkakabilanggo ni Anthony.