Filter By
Updating status
AllOngoingCompleted
Sort By
AllPopularRecommendationRatesUpdated
His Wild Mistake

His Wild Mistake

Eunwoo_bluedust
Si Isabel Herrera ay may tinatakasan na nakaraan. At sa murang edad na labing-siyam ay nagsimula na siyang magpalipat-lipat ng tirahan kasama ang kaniyang anak na lalaki at yaya Lorna na itinuring niya ng parang tunay na ina simula nang pumanaw ang kaniyang biological mom na si Elina. Pagod na pagod na siya sa ganoong routine subalit sa kagustuhang takasan ang bangungot ng kaniyang nakaraan ay wala siyang nagawa kung 'di ang gawin iyon. Nakatatak na sa isipan ni Isabel na hinding-hindi siya magpapapasok ng kahit na sinumang lalaki sa kaniyang buhay kaya lahat ng nanliligaw sa kaniya ay binabasted niya lang. Kahit nga pagkakaibigan lang ay hindi niya pinapahintulutan ang mga ito. Ayon pa nga sa kaniya ay okay lang mamatay siya na walang ibang lalaki sa buhay kung 'di ang anak niya lang . Subalit isang gabi, habang sinusubukang tumakas sa isang birthday party ng kaniyang kasamahan sa trabaho na ginanap sa isang engrandeng hotel ay bigla na lamang may humila sa kaniyang matipuno at ubod ng gwapong lalaki. Sobra-sobra ang pagpupumiglas na ginawa niya sa mga sandaling iyon pero dahil mas malakas ito ng ilang beses sa kaniya ay walang kahirap-hirap siyang nadala ng lalaki sa isang malawak at engrande ring silid. At doon isang mainit at masarap na gabi ang kanilang pinagsaluhan. Napamura pa siya sa isipan kinaumagahan nang bigyan niya ito ng huling sulyap bago umalis. Ang lintik naman kasi, hindi manlang nabawasan ng kahit kaunti ang kagwapuhan kahit tulog at gulo-gulo ang buhok dahil sa pagkakasabunot niya. Hindi makapaniwala si Isabel sa pangyayaring iyon. Hindi niya akalaing ganoon na lamang siya kabilis na bumigay sa lalaking kahit pangalan ay wala siyang kaide-ideya. Lingid sa kaniyang kaalaman na ang lalaking iyon na kaniyang nakatalik ay isa pala sa dahilan kung bakit patuloy siyang tumatakas sa nakaraan.
Romance
101.2K viewsOngoing
Read
Add to library
Emergency couple series 1

Emergency couple series 1

Leeanna89
Isang malaking kalokohan ang ikasal sa lalaking nakasalubong lamang niya sa daan, Ngunit mas malaking kalokohan ang mag karoon ng feellings dito lalo pa't isang kasunduan lamang ang kanilang kasal. Dalawang karelasyon niya ang nag run away Groom sa araw mismo ng kanilang kasal kaya naman galit na galit ang ama niyang si Don Emilio dahil sa pag kakakaladkad sa kahihiyan ng kanilang pamilya. Sa pangatlong pagkakataon ay muling naulit ang tila sumpa sa buhay ni Sam kaya dahil sa takot na muling madissapoint ang kanyang Ama ay Napilitan siyang mag pakasal sa isang lalaking hindi niya lubos na kilala. Maging happy ending kaya ang lovestory niya sa piling ng lalaking pinili niyang pakasalan? All Rights Reserved Copyrights © 2020 by LEEANNA89
Romance
103.2K viewsCompleted
Read
Add to library
Minsan, Madalas (Life Series 1)

Minsan, Madalas (Life Series 1)

Ito ay kuwento ng isang binata at dalaga na bigla na lamang nagkakilala sa hindi inaasahang panghuhula. Si Jaq, isang simpleng I.T student na pilit tinatago sa mga taong malapit sa kaniya ang mga hiwa na siya mismo ang may gawa sa ilalim ng kaniyang paboritong bomber jacket. Si Sining, isang business major at dean's lister sa parehong unibersidad; ang makulit na dalagang gustong pumasok sa magulo at miserableng buhay ng binata. Sa likod ng masigla at makulit na si Sining, ano nga ba ang kaniyang motibo upang ipagsiksikan ang kaniyang sarili sa magulong buhay ni Jaq?
Romance
10195 viewsCompleted
Read
Add to library
Chasing Her Untamed Heart

Chasing Her Untamed Heart

STAYANGNIE
Nang dahil sa gaganaping engagement ceremony ng kapatid, napilitang umuwi ang 25 anyos na dalagang si Elodie Hermedilla sa Pilipinas galing Australia. Ngunit, hindi niya inaasahang bigla pala siyang ipapalit sa kapatid na ma-engage dahil buntis ito sa ibang lalaki. Kaya nakipagtalik siya kay Russel Lardizabal, 28 years old na binatang kakikilala pa lang niya, dahil sa ayaw niyang ireserba sa kaniyang mapapangasawa ang kaniyang virginity. Subalit, hindi naman pala natuloy ang engagement ceremony. Pagkakataon niya iyon upang ituloy ang namamagitan sa kanila ni Russel. Nang malaman niyang balak pala siyang gamitin ng lalaki dahil sa mai-engage rin ito sa iba, napipilitan man ay siya na ang kusang lumayo. Ngunit huli na ang lahat nang malaman niyang buntis na pala siya kay Russel. Kaniya bang sasabihin sa lalaki ang tungkol sa magiging anak nila? Or she will wait him chase her untamed heart?
Romance
10880 viewsOngoing
Read
Add to library
The Unfaithful Love

The Unfaithful Love

Blurb: "YOUR MOTHER IS DYING...." "I WANT YOU TO BECOME MY MISTRESS!"   Hindi inakala ni Rozelle Lynn na ang matapat at totoo niyang pamumuhay at pananaw patungkol sa pagmamahal ay magsisimulang magbago dahil sa mga pangyayari sa kaniyang buhay na ni sa hinagap ay hindi niya inasahan.   Ano ang gagawin ni Rozelle Lynn para muling bumalik sa dati ang lahat sa kaniya?   Paano kung biglang may dumating sa buhay niya na ibig niyang makuha?   Magagawa kaya niyang talikuran ang tao na pinagkakautangan niya ng buhay o makikipaglaro siya sa tadhana para makuha lang ang nais?
Romance
102.0K viewsOngoing
Read
Add to library
Crazy Inlove To My Ninong

Crazy Inlove To My Ninong

"Be my gift sa birthday ko." 'I love my ninong, Ryke Carlos Ferrero' Para sa kaniya totoo ang naramdaman niya para sa kaniyang ninong na si Ryke Carlos. Alam ni Elaine na malaki ang agwat ng edad nila ni Ryke ngunit para sa kaniya age doesn't matter. Unang pagtibok sa puso ni Elaine na magpapagulo sa isip at puso niya at Pagsisimulan ng mga kakaibang pantasiya na inaasam na maganap. Ryke Carlos, kaya ba niyang pangatawanan ang lahat ng mga sinimulan? Nagsimula sa isang halik hanggang sa hindi na kayang mapigilan. WARNING ALERT!! SPG! R-18
Romance
105.5K viewsCompleted
Read
Add to library
Carrying the Billionaire's Twin Babies

Carrying the Billionaire's Twin Babies

Queen_Sienna
Nagmula sa isang mayamang pamilya si Sienna Montemayor kaya nang malaman niyang ipinagkasundo siyang ipakasal sa isang lalaking hindi niya kilala ay naglayas siya. Napadpad siya sa isang bar at doon ibinuhos niya ang sarili upang makalimot subalit dahil sa kalasingan ay nagbago ang kaniyang buhay. Naibigay niya ang sarili sa isang lalaki na hindi niya kilala at hindi niya inaasahang mabubuntis siya. Sa takot na bumalik sa pamilya niya ay sinubukan niyang pumasok bilang sekretarya sa isang sikat na kompanya. Pagpasok sa opisina ng kaniyang magiging boss ay halos liparin niya na ang daan paalis. Nakilala niya ang kaniyang magiging amo bilang ama ng kaniyang dinadala. Ang mas lalong nagpanginig sa buong katawan niya ay nang malaman niya na ang ama ng dinadala niyang anak ay sa bilyonaryong si Liam Del Fierro pala, ang mortal na kalaban ng pamilya niya. Ngayon hindi niya alam kung paano siya tatakas dahil binakuran na siya ng bilyonaryo pagkatapos malamang buntis siya sa anak nito.
Romance
10806 viewsOngoing
Read
Add to library
Unveiling Hidden Desires

Unveiling Hidden Desires

AISLEMOURN
Laki sa layaw at brat si Beatrice Lustre. Dahil nag-iisang anak, alam niya sa sariling siya ang magiging heiress sa nagkalat na branches ng Lustre Hotel Services sa Pilipinas. Kaya naman sa debut party ng dalaga, engrandeng selebrasyon ang inihanda ng mga magulang. Ang hindi niya alam, sa pagkakataong iyon na pala magbabago ang kaniyang buhay. Dumating ang unfamiliar na gwapong lalaki bilang last dance niya, si Lucas Sebastian Apollo. Siya ang pinakabatang bilyonaryo sa bansa at CEO ng Apollo Groups of Companies. Ang nakatakdang ikasal kay Beatrice pagtungtong ng dalaga sa ika-25 anyos. At dahil unang pagtatagpo pa lamang, pagkamuhi ang namuo sa dalawa. Sa stubbornness ni Beatrice, hindi ito basta-basta magpapakontrol. Bagay kung saan mababa ang tolerance ni Lucas lalo't sanay na nasusunod ang lalaki. Paano nila pakikisamahan ang isa't isa? Ano ang magiging takbo ng buhay nila sa kanilang arranged dating at marriage life? Posible kayang maramdaman ang tunay na pag-ibig sa pagitan nila kung ang kasal ay may malalim pa lang tinatagong agenda?
Romance
10747 viewsOngoing
Read
Add to library
SIMOUN MONTALVO (Irresistible Body Series)

SIMOUN MONTALVO (Irresistible Body Series)

Simoun Montalvo... Panganay sa tatlong magkakapatid na Montalvo. Matalino, mayaman at lahat ng bagay ay nakukuha nito dahil sa dala-dala nitong apelidong Montalvo. Ngunit sa kabila ng mga ito, ang isang katulad ni Simoun Montalvo ay nanatiling nakakulong sa nakaraan na pilit nitong kinakalimutan. Simula ng mabigo ito sa unang pag-ibig ay hindi na ito nagtiwala sa mga babae... at ang gusto na lang nitong gawin ay ang paglaruan ang mga ito. Hanggang sa nakilala nito ang isa sa mga flight attendant nito sa sarili nitong Airline Company, si Samantha Gomez. Isa itong magaling at professional na emplayado. Lingid sa kaalam nito ay lihim na nagbighani si Simoun sa akin nitong ganda at karisma. Pero katulad ni Simoun ay hindi rin ito naniniwala sa totoong kahulugan ng pag-ibig matapos itong iwan ng mga magulang at maging produkto ng isang broken family. Magtatagumpay kaya si kupido na pagsamahin ang dalawang tao na parehong walang tiwala sa pag-ibig? Abangan...
Romance
1011.3K viewsCompleted
Read
Add to library
HELP ME: West Severino

HELP ME: West Severino

Malinaw na nakikita ni Rosie Frey Israel ang magiging kinabukasan niya sa kanyang boyfriend na si Rico. Tanging alok na kasal na lamang ang hinihintay niya mula rito. Ngunit hindi niya inasahang sa pagpunta niya sa night club ay malalaman niyang pinagtataksilan pala siya nito. Sa gabing iyon, hinayaan niya ang sariling uminom at kalimutan ang pagiging guro ngunit mas hindi niya inasahan na sa muling paggising niya sa umaga ay ibang lalaki na ang nasa tabi niya. Hindi niya napaghandaan na isang West Severino pala ang magpapabago sa takbo ng kanyang buhay. Kakayanin niya kayang tumaliwas sa tukso o mas pipiliin niyang sumabay sa agos at magpalunod?
Romance
1020.4K viewsCompleted
Read
Add to library
PREV
1
...
3839404142
...
50
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status