Filter By
Updating status
AllOngoingCompleted
Sort By
AllPopularRecommendationRatesUpdated
Perfectly His, A Billionaire's Private Obsession

Perfectly His, A Billionaire's Private Obsession

Sa loob ng maraming taon, naging biktima si Elara Castillo ng walang humpay na panlalait dahil sa kanyang 180-pound na timbang. Ngunit ang sukdulan ng kasamaan ng kanyang stepsister na si Danica ay nangyari sa isang gabi ng pagtatraydor, nilagyan nito ng gamot ang kanyang inumin at itinulak siya sa bisig ng isang misteryosong lalaki sa dilim. Imbes na kahihiyan, doon natuklasan ni Elara ang init at halagang ipinagkait sa kanya ng mundo bilang isang "matabang babae." Sa gitna ng pagnanasa, nakaramdam siya ng kapangyarihan. At bilang ganti sa gabing iyon, nag-iwan siya ng limang piso sa ibabaw ng nightstand bago tumakas, isang bayad sa serbisyo ng lalaking hindi niya man lang nakita ang mukha. Isang taon ang lumipas. Ang dating biktima ay muling nagbabalik bilang isang nagniningning na diyosa. Wala na ang takot, dahil ang tanging hangad ni Elara ay pagbayarin ang kanyang madrasta at kapatid. Sa kanyang paghahanap ng hustisya, makakaharap niya ang kinatatakutang bilyonaryo at business tycoon na si Alessandro Valderama. Isang kasunduan ang inalok nito: A Marriage of Convenience. Para kay Elara, ang kasal na ito ay isang business deal lamang para mapabilis ang kanyang paghihiganti. Ngunit hindi niya inasahan na ang lalaking kinatatakutan ng buong mundo ay ang mismong lalaking "binayaran" niya ng barya matapos ang isang gabi ng pagsasama. Paano kung malaman ni Alessandro na ang babaeng nagpababa ng kanyang dangal sa halagang limang piso ay ang babaeng asawa na niya ngayon? Sa isang kasunduang nakasulat lamang sa papel, may puwang pa ba ang tunay na pag-ibig kapag nabuksan na ang mga sikreto ng nakaraan?
103.4K viewsOngoingAdded to Library 78 Times as mabuting epekto ng teknolohiya
Read
+Library
The Broken Past of a Billionaire

The Broken Past of a Billionaire

HeyYou
Ang nais lamang ni Jessica ay marinig ng buong mundo ang kanyang adbokasiya sa pamamagitan ng pagsali sa isang prestihiyusong beauty pageant. Ngunit nang siya ay nanalo bilang kinatawan ng Pilipinas ay hindi niya inaasahan ang nangyari sa kanyang buhay. Dinukot siya ng mga armadong grupo noong gabi pagkatapos ng coronation night. Ngunit ililigtas siya ng anak ng pinakamayaman sa Pilipinas na si Sebastian. Mahuhulog ang loob nito dahil sa kanyang angking kagandahan. May iniindang sakit pala ito at si Jessica ang makakatulong sa kanya. At sa huling talata ng nobelang ito ay masisilayan ang pag-iibigan ng dalawang tao.
101.4K viewsOngoingAdded to Library 48 Times as mabuting epekto ng teknolohiya
Read
+Library
The First Daughter's Bodyguard

The First Daughter's Bodyguard

Si Irish ang kaisa-isang anak ng Presidente ng Pilipinas. Maganda, sopistikada, matalino ngunit nagrerebelde sa kanyang mga magulang. Upang tumino, pinadala siya ng kanyang ama sa isang immersion sa pangangalaga ng pinagkakatiwalaang gwapo at matipunong si Daniel na isang PSG/ Bodyguard. Kapwa may kasintahan sina Irish at Daniel ngunit sa liblib na lugar na iyon, nabuo ang hindi inaasahang pagtitinginan ng dalawa. Paano nila ipaglalaban ang kanilang lihim na pagmamahalan sa kani-kanilang mga karelasyon at sa Pangulo ng Pilipinas? Paano napabago ng isang simpleng bodyguard ang isang tigre sa kasungitang anak ng Presidente?
1014.3K viewsCompletedAdded to Library 544 Times as mabuting epekto ng teknolohiya
Read
+Library
Love and Revenge of the Lost Billionaire

Love and Revenge of the Lost Billionaire

Anaclito Ramirez Acosta
Sa mundo kung saan kayamanan at kagandahan ang siyang tinitingala upang makuha ang hinahangad na tagumpay. Isang anak ng bilyonaryo na nagngangalang Larry Evangelista ang magiging biktima ng inggit at kataksilan mula sa kanyang matalik na kaibigan at kasintahan. Sa pag-akyat ng tatlong magkakaibigan sa isang mataas na bundok. Isang maitim na plano ang magaganap na siyang magpapaiba sa buhay ng karamihan. Dito magsisimula ang agawan ng kapangyarihan, kayamanan at kahit ang kasintahan. Samantalang mabubuo naman ang isang pagmamahalan na hindi sinasadya sa pagitan ng isang babaeng lumaki sa bundok at isang anak ng bilyonaryo na nagkaroon ng amnesia. Kung maling pag-ibig ang naging dahilan ng pagtataksil, isang hindi inaasahang pag-ibig din ang magiging daan upang makabalik sa dating buhay at isagawa ang paghihiganti upang makuha ang katarungan na hinahangad. Sa pagkawala ng kanyang memorya muli niya kayang mabawi ang itinayo at pinaghirapan ng namayapang amang bilyonaryo na may pag-aari ng malaking kompanya at hindi mabilang na halaga ng kayamanan na ipinamana sa kanya ng namayapang ama sa gahamang madrasta at sa ibang kasabwat nito? Ano ang magiging papel sa paglabas ng tunay na ina na matagal nang inasam-asam ni Larry makatutulong ba ito o magiging isa sa mga kontrabida sa kanyang buhay? Sa huli ba'y magkakamit ba ang totoong pag-ibig sa kabila ng kaniyang galit at paghihiganti?
102.1K viewsOngoingAdded to Library 78 Times as mabuting epekto ng teknolohiya
Read
+Library
The Mafia Kings Melody

The Mafia Kings Melody

Thunder Bird
NAGING tagapagmana si Nikolai sa Under ground organization ng kaniyang pamilya nang namatay ang mga magulang nito sa isang ambush sa bahagi ng Palawan. Ang layunin ni Nikolai ay ang mabigyan ng hustisya at maipaghiganti ang mga magulang. Sa kabila ng kaniyang pagiging mahilig sa musika at pagsusulat ng kanta, wala na siyang nagawa kun 'di tuluyang yakapin ang mundo ng kanilang organisasyon. Pero paano kung anak pala ng mga taong hinahanap niya si Melody Enriquez, ang babaeng bumihag sa puso niya't dahilan ng inspirasyon sa bawat kantang nabubuo niya? Makakaya niya bang maging kasangkapan sa paghihiganti niya ang dalaga? O titiwalag sa organisasyon at layunin ng pamilya?
1.6K viewsOngoingAdded to Library 40 Times as mabuting epekto ng teknolohiya
Read
+Library
HEIGHT DOESN'T MATTER

HEIGHT DOESN'T MATTER

Sofia Grace Alejo, iniwan ng kaniyang ina sa panga-ngalaga ng kaniyang abusadong tiyahin simula ng iwan sila ng ama niya. Nahihihirapang makahanap ng trabaho dahil kahit magna cum laude siya noong kolehiyo ng secretarial ay pagdating sa height niya ay doon siya bumabagsak. Ang malas niyang buhay ay biglang mapapalitan ng suwerte ng matanggap siya sa isang law firm bilang Personal logistic Assistant, ng isa sa kilalang lawyer ng Valenzuela firm, si Ezekiel Nehemiah Riego. Workaholic, masungit na lawyer na wala pang naitatalong kaso. Paano magki-click ang isang 4'11 na si Sophia at isang 6'9 na si Ezekiel kung sa height at ugali ay hindi sila magkasundo. May mabuo kayang pag-ibig na parehas babago sa buhay nila? "Sinusumpa ko! Hindi ako maiinlove sa egocentric kong boss!"
908 viewsOngoingAdded to Library 31 Times as mabuting epekto ng teknolohiya
Read
+Library
Mistake Vs Lies

Mistake Vs Lies

Rty
Sa paglipas ng ilang taon ay umasa si Hanna na mapapatawad siya ng kanyang asawang si Dan sa isang kasalanan na lubos lubos na niyang pinagsisihan, at manunumbalik ang dati nitong pagmamahal sa kanya kaya tinitiis niya ang lahat ng pananakit nito sa kanya dahil ang alam niya ay bugso lamang iyon ng galit nito dahil sa nagawa niya. Ngunit nadiskobre niya ang isang kasinungalingang matagal nang inilihim ng kanyang asawa sa kanya na nagpabugso ng matinding galit na naging dahilan ng tuluyang pagkasira ng kanilang pagsasama.
1.3K viewsOngoingAdded to Library 31 Times as mabuting epekto ng teknolohiya
Read
+Library
Sipsipin Mo Mr. Billionaire

Sipsipin Mo Mr. Billionaire

Isang pagkamuhi na nauwi sa kakaibang init ng temptasyon. Magagawa ba niyang iwasan ang init ng mga halik ng lalaking kinamumuhian? Saan hahantung ang kakaibang init kung mismo ang kanyang katawan ay napapaso sa kakaibang sipsip na ginawa ng naturang kinaiinisan? Abangan ang kwento ng pag-ibig na magbibigay init sa bawat buntong-hininga ng mga mambabasa.
108.0K viewsOngoingAdded to Library 224 Times as mabuting epekto ng teknolohiya
Read
+Library
The  Heiress True Love

The Heiress True Love

Nabuhay si Yvone na may gintong kutsara sa kanyang bibig pero never niyang ikinatuwa ang maging ganito. Sa bawat araw ng kanyang kabataan ay kinasabikan niya ang atensiyon at pagmamahal ng ama lalo na ng maagang maulila sa Ina. Lalong naging miserable at malungkot ang buhay ni Yvone ng magdalaga at gawing tagapagmana ng kanyang ama. Naging tinik siya sa lalamunan ng madrastaat doon nangsimulang manganib ang buhay niya. Samantalang nabuhay naman si Edward sa magulong mundo at nasanay sa kalakaran ng mahirap na pamumuhay kaya naging wais at palaban. Iisang tao lamang ang kinamumuhian niya, ang amang hindi pa nakikit. Sa pagsirko ng kapalaran ay magtatagpo ang landas ng dalawa na walang kamalay malay sa malaking lihim ng kanilang mga pagkatao
1018.2K viewsCompletedAdded to Library 364 Times as mabuting epekto ng teknolohiya
Read
+Library
Once Upon A Time In Dubai (Tagalog)

Once Upon A Time In Dubai (Tagalog)

Dahil sawa na si Thea sa pagbubunganga ng ina. Napilitang mag-abroad ang dalaga. Graduate siya ng BS Tourism. Sa isang construction company siya nakakuha ng trabaho sa Dubai. Maliban sa pag-o-opisina, on-call cleaner din siya. Isang araw, tinawagan si Thea ng kaibigan para maglinis ng unit ng boss nito. Sa isang hotel and casino nagtatrabaho ang kaibigan. Wala siyang hinihindian na part-time, kaya umo-oo kaagad siya. Hindi sukat akalain ng dalaga, na ang sikat na miyembro ng banda, na si Keith Hernandez pala ang kanyang kliyente nang gabing iyon. Kilala ito sa tawag na KH. Hindi niya maiwasang hangaan ito ng sobra. Sa loob ng dalawang buwan na pamamalagi ng binata, siya lang ang bukod tanging naglilinis at cook nito. At, sa maikling panahon na iyon, natutunan ni Thea na mahalin si Keith. Naisuko pa niya sa binata ang iniingatang perlas ng silangan, kahit na may iba itong minamahal. Hanggang kailan siya magiging rebound? Ano kaya ang gagawin ni Thea kapag nalamang ikakasal na pala ang binata sa iba?
1029.7K viewsCompletedAdded to Library 1.1K Times as mabuting epekto ng teknolohiya
Read
+Library
PREV
1
...
2324252627
...
50
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status