Filter dengan
Status pembaruan
SemuaSedang berlangsungSelesai
Sortir dengan
SemuaPopulerRekomendasiRatingDiperbarui
THE BEST MISTAKE: The Rebellious Heirs

THE BEST MISTAKE: The Rebellious Heirs

Faredah is one of the granddaughters of the most powerful business tycoon. Pero kilala siya bilang simpleng tao lamang. Kailangan niyang magsinungaling upang maipaglaban sa pamilya ang lalaking mahal. Ngunit susubukin ng tadhana ang relasyong pilit niyang hinihubog na maging perfect sa mga mata ng pamilya. He cheated her, and so she retaliated. She's not a daughter of a billionaire for nothing. He used another woman to succeed while Faredah used another man and pampered him. No one knows who owns her heart at the end.
10136.3K DibacaOngoingDitambahkan ke Perpustakaan sebanyak 4.6K kali sebagai magkaibang kulay ng mata
Baca
+Pustaka
The Assassin's Love

The Assassin's Love

"Why do you make me falling inlove with you when your going to leave me?" "Why you need to hurt me when I just healed from My heartbreak?" "Why you hurt me this way? And why I felt too much hurts this time around?” Iyak lang ang naging sagot ko sa lahat ng mga "what if" ni Zain sa akin. "I will kill you!" Sabay hawak nito sa aking leeg. "Kill me then! I won't allow everyone to kill me unless it is you! Because seeing you hurt and leaving you is like killing My heart into pieces, Zain! Walang tigil ang mga luhang panay ang tulo sa kaniyang singkit at kulay brown na mga mata. Fiona is the one and only Daughter of the famous Assassin Doc. Santiara and Mafia Lord Dominick Ramirez. Ano kaya ang kayang gawin ni Fiona para sa pagmamahal niya kay Zain? Kaya ba talaga niyang iwan o handa niyang ipaglaban hanggang kamatayan?
102.1K DibacaOngoingDitambahkan ke Perpustakaan sebanyak 79 kali sebagai magkaibang kulay ng mata
Baca
+Pustaka
Craving For Love

Craving For Love

Sa mundong ang nagpapaikot ay pera, ang tingin ni Samara Licaforte sa mga mahihirap ay laruan lang ng mayayaman. Bagama't hindi legal na anak sa mata ng batas ng business tycoon na si Mr. Frederick Licaforte, CEO ng Licaforte Corp, ay lumaki sa luho si Samara at hindi makakailang siya ang paboritong anak sa pagitan nila ng stepsister niyang Monica. Happy-go-lucky, bully at eskandalosa. Ganyan siya kung ilarawan ng karamihan dahil sa mga ginagawa niyang kalokohan para lang mapanatili ang popularidad niya. Dahil wala na ang kanyang ina, at sa tingin niya ay nakikihati lang siya sa pagmamahal at oras ng kanyang ama mula sa legal nitong pamilya, ay sa atensyon ng ibang tao niya hinanap ang halaga niya. Sa pag-aakalang mananatiling ganun lang si Samara, ay kumatok sa buhay niya ang pobreng bulag na si Marco Villaflor, ang lalaking unti-unting titibag sa mga paniniwala niya.
1014.1K DibacaOngoingDitambahkan ke Perpustakaan sebanyak 421 kali sebagai magkaibang kulay ng mata
Baca
+Pustaka
The Billionaire Wife's Regret: Taking Back What's Her's

The Billionaire Wife's Regret: Taking Back What's Her's

Matapos buksan ni Tricia ang kanyang mga mata, natagpuan niya ang sarili na nagising makalipas ang anim na taon. Kinasal siya sa lalaking pinapangarap niya at nagkaroon ng anak. Ngunit, para sa isang walang kwentang lalaki ay pinili niyang gumawa ng mga bagay na dahilan ng pagkasira ng kanyang pamilya. Galit na galit ang anak niyang lalaki sa kanya, habang ang babae naman ay nagmamakaawa para sa kanyang pagmamahal. Gusto na ring makipag-divorce ng kanyang asawa sa kanya. At nang matauhan, sisiguraduhin niyang pagbabayarin niya ang lalaking nanloko sa kanya at babawiin niya ang nararapat na para sa kanya; ang asawa at ang mga anak niya. Maging matagumpay kaya ang plano ni Tricia na mabawi ang kanyang asawa at mga anak?
390 DibacaOngoingDitambahkan ke Perpustakaan sebanyak 14 kali sebagai magkaibang kulay ng mata
Baca
+Pustaka
The Lawyer’s Unexpected Obsession

The Lawyer’s Unexpected Obsession

Binigay ni Isabel ang lahat para sa pamilyang Santos—mula sa pagpapagamot ng lolo hanggang sa pagliligtas ng kumpanya gamit ang ₱500 milyon. Ngunit matapos ang dalawang taon ng sakripisyo, iniwan siya ng asawang si Anton para sa ibang babae, sabay bitaw ng malamig na: "Maghiwalay na tayo." Isang kasal. Dalawang taon ng sakripisyo. Isang pangungusap lang, binura ang lahat. At ngayong wala na siyang apelyidong "Mrs. Santos," sigurado ang lahat—magiging miserable ang buhay niya. Hindi nila alam—si Isabel ay isang makapangyarihang negosyante at kilala bilang "Dark Phoenix." Kaya nang alukin siya ng Santos family ng 1% shares para bumalik, natawa lang siya: "Ganyan ba kababa tingin niyo sa’kin?" At nang muling magmakaawa ang dating asawa, may lalaking humarang; tumitig ang lalaki nang direkta sa kanyang mga mata, walang takot, walang pag-aalinlangan. "Akin siya. Hindi mo na siya maaangkin muli."
559 DibacaOngoingDitambahkan ke Perpustakaan sebanyak 18 kali sebagai magkaibang kulay ng mata
Baca
+Pustaka
Ikaw Lamang

Ikaw Lamang

Nagpakasal si Marga kay Franco the same day after their college graduation. They've been in love with each other since high school days. Mahal na mahal niya si Franco at pangarap niyang bumuo ng masayang pamilya sa piling nito, ngunit nalaman niya pagkatapos ng kanilang kasal na may sakit siya... Breast Cancer. Stage Two. Halos gumuho ang mundo ni Marga. Natakot siya sa magiging reaksyon ng kanyang asawa oras na malaman niya ito. Kaya ng gabing dapat ay honeymoon nila, tumakas siya at nagpakalayo-layo. After thirteen years, muli siyang nagbalik bilang isang successful CEO. Walang sakit, walang cancer. At sa pagtatagpo ng landas nila ni Franco, ang tamis at sakit ng nakaraan ay muling nagbabalik. Pero paano niya ito pakikitunguhan, kung sa bawat pagtatagpo ng kanilang mga mata ay nababakas niya ang tindi ng galit nito? At paano ba niya pipigilan ang kanyang pusong huwag mahulog dito gayong may asawa na ito?
109.8K DibacaTamatDitambahkan ke Perpustakaan sebanyak 342 kali sebagai magkaibang kulay ng mata
Baca
+Pustaka
Mahirap hanapin ang Ex-Wife Ko

Mahirap hanapin ang Ex-Wife Ko

Sa nakalipas na anim na taon, pinagbintangan siya ng masama niyang kapatid at iniwan siya ng asawa niya noong buntis pa siya.Makalipas ang anim na taon, gumamit siya ng ibang pangalan. Ngunit, ang lalaking umiwan sa kanya dati ay walang tigil sa pangungulit sa harap ng kanyang pinto.“Ms. Gibson, ano ang relasyon mo kay Mr. Lynch?”Ngumiti siya at sumagot lang siya ng kaswal, “Hindi ko siya kilala.”“Pero sinabi ng sources namin na minsan daw kayong kinasal.”Sumagot siya habang inaayos ang kanyang buhok, “Tsimis lang ‘yun. Hindi ako bulag.”Sa araw na ‘yun, tinulak siya sa pader sa sandali na makapasok siya ng pinto.Nagsalita ang tatlong anak niya, “Malabo daw ang mga mata ni mommy, sabi ni daddy! Aayusin daw ni daddy ‘yun para kay mommy!”Nagsalita siya, “Bitawan niyo ako, darling!”
9.1828.2K DibacaTamatDitambahkan ke Perpustakaan sebanyak 31.5K kali sebagai magkaibang kulay ng mata
Tampilkan Ulasan (170)
Baca
+Pustaka
Nhens Funes
nabasa ko ang english version ng story na to maganda sa umpisa pero sa middle ng story paulit ulit ang nangyayari at padami ng padami ang charcter na dinadagdag which make the story boring, suggestion lang as a reader mas maganda yong story na kahit 50 chapter lang but the story line really good.
Sharon Manuel Pote
hindi lng emotional na pananakit pati physical din...panu mo pa mapapatawad ang isang lalaki kung wala namang tinawala sayo at paulit ulit kang sinasaktan dahil sa maling akala..?d siya pwede sa true story...sayang ang ganda pa naman sana pero mas gusto kung iba na lng makatuluyan ni luna
Baca Semua Ulasan
After Divorce: Triplets For The Second Chance, Mr. Billionai

After Divorce: Triplets For The Second Chance, Mr. Billionai

Sa araw ng libing ng kanyang ina, natabunan ng katahimikan ang mundo ni Amara Alvarez. Samantalang sa kabilang panig ng lungsod, ang lalaking tinawag niyang asawa ay nagdiriwang, isang marangyang birthday party, inihahandog hindi para sa kanya, kundi para sa unang babaeng minahal nito. Doon niya tuluyang naunawaan ang lahat. Hindi siya kailanman minahal. At ang isang relasyong walang pag-ibig ay wala ring saysay ipaglaban. Tahimik niyang iniwan ang mga papeles ng diborsyo. Tahimik niyang isinara ang buhay na ipinagkatiwala rito. At sa katahimikang iyon, ipinaalam din niya ang batang dinadala kasabay ng pagtalikod niya sa lahat ng dati niyang pinanghawakan. Lumisan si Amara mag-isa. Pagkaraan ng limang taon, sa isang marangyang auction, muling napatigil ang mundo. Ang punong auctioneer—nakasuot ng makintab na bestida at may puting belo sa mukha ay naging sentro ng atensyon. Kumipot ang mga mata ni Nardo Morales. May kung anong pamilyar sa tinig, sa tindig, at presensiya nito. “Ang pangalan niya… Amara?” “Opo,” sagot ng kanyang assistant. “May nag-alok ng milyon-milyon para makita ang kanyang mukha, pero tumanggi siya.” Sa sandaling iyon, parang may bumagsak na pader sa kanyang dibdib. Ang babaeng limang taon niyang hinanap at pinakawalan ay nasa harap na niya. Kinagabihan, sa isang madilim na interseksyon, hinarang niya ang dinaanan nito. “Auctioneer Mara,” malamig niyang wika, “hanggang kailan ka tatakas?” Huminto siya. Hindi man lang lumingon. “Mr. Morales,” matatag niyang sagot, “diborsyado na tayo.” “Hindi ako pumayag.” Bumigat ang tinig niya. “Nasaan ang anak ko?” Dahan-dahan siyang humarap. “Mr. Morales, tila kayo ang nakalimot. Limang taon na ang nakalipas mula nang nagpapalaglag ako.” Nanigas ang kanyang mukha. “Kung ganoon,” mariing sabi niya, “ano ito?” Sa harap ni Amara, tatlong batang limang taong gulang ang sabay-sabay na humakbang pasulong, nakahanay, magkakahawig ang mga mata, at malinaw na malinaw ang sagot sa tanong niya.
10534 DibacaOngoingDitambahkan ke Perpustakaan sebanyak 20 kali sebagai magkaibang kulay ng mata
Baca
+Pustaka
First Birthday Cake

First Birthday Cake

Maya Morenang Mangangatha
Pangarap ni Mavie na makatanggap ng birthday cake, buong-buo at walang bawas ang icing. Mahirap ang kanilang pamilya ngunit nagagawa ng kanilang magulang, kapwa magsasaka, ang patapusin sila sa pag-aaral. Matalik na magkaibigan mula pagkabata sina Hugo at Mavie sa kabila ng magkaiba ang estado ng kanilang buhay. Nag-aaral ng political science si Hugo sa bayan at nangangarap magtrabaho sa gobyerno. Samantala, nag-aaral naman ng engineering si Mavie sa kanilang baryo na nangangarap na maipa-renovate ang kanilang kubo. Isang kalihim ng samahang ARC (Arts with Responsibilities Creatives) si Mavie. Sa tulong ng kanyang kaibigang si Salome, namulat siya sa paglilingkod sa kolehiyo. Ang mga dokumento ng samahan na maingat niyang hinahawakan ang magiging susi ng pagmulat ng kanyang mga mata sa totoong takbo ng kolehiyo, maging ang iba pang organisasyong humaharap sa mala-butas ng karayom sa pagre-request ng budget ng mga gaganaping programa para sa mga kapwa estudyante. Samantala, ang pangarap na birthday cake ni Mavie para sa kanyang sarili ang magiging pinto ng kanyang tadhana upang hanapin ng kanyang puso ang lubos na sinisinta. Ito ay sa kabila ng mga kinakaharap ng mga pagsubok sa gitna ng tagumpay.
106.4K DibacaOngoingDitambahkan ke Perpustakaan sebanyak 190 kali sebagai magkaibang kulay ng mata
Baca
+Pustaka
Daddy, Mommy’s on the Run!

Daddy, Mommy’s on the Run!

Tatlong taon nang asawa ni Sabina ang kilalang CEO na si Sebastian Malfory—isang lalaking inakalang katuparan ng lahat ng kanyang panalangin. Pero isang gabi, natuklasan niya ang masakit na katotohanan: ginagamit lang siya nito para saktan ang tunay nitong minamahal, ang kapatid niyang si Waynona. Buntis sa kambal, durog ang puso, at walang masandigan, piniling tumakas ni Sabina dala ang isang lihim na magpapabago sa lahat. Pagkalipas ng ilang taon, bumalik siya bilang isang matagumpay at misteryosang babae—kasama ang dalawang batang may mata ng lalaking minsan niyang minahal. At nang muling magkrus ang mga landas nila ni Sebastian, isa lang ang tanong: handa ba siyang ipaghiganti ang sarili, o muling magpatalo sa lalaking dati’y dahilan ng kanyang pagkawasak?
524 DibacaOngoingDitambahkan ke Perpustakaan sebanyak 10 kali sebagai magkaibang kulay ng mata
Baca
+Pustaka
Sebelumnya
1
...
1920212223
...
50
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status