Filter By
Updating status
AllOngoingCompleted
Sort By
AllPopularRecommendationRatesUpdated
Because... I love you

Because... I love you

DuraneousMxMDramaCEO
Mahirap lang ang buhay na mayroon si Mavy. Maliit na bahay, simpleng mga gamit at walang trabaho. Pero sa kabila ng hirap, pinipilit niyang maging malakas at matatag para sa kapatid niya. Dalawa na lang silang magkasama sa buhay simula nang namatay ang mga magulang nila dahil sa isang aksidente. Isang mabuti at responsableng Kuya naman siya pero hindi ito naging sapat para maalagaan ang katapid niyang may breast cancer. Dumating pa sa puntong kinailangan niyang magnakaw at pumasok sa isang club bilang isang cross dresser para mabayaran ang mga gastusin sa hospital. Hindi na niya alam ang gagawin niya hanggang nakilala niya si Kfer Vargaz. Isang mayamang negosyante si Kfer, at pipirmahan lang ng mga magulang nito ang kumpanya na para sa kaniya sa isang kondisyon. Kaya naman inalok niya si Mavy ng isang bagay sa pag-aakalang babae siya. Hanggang unti-unti nang nahuhulog ang loob ni Kfer sa kaniya. Lahat kayang iwan at isakripisyo ni Michael para sa kapatid. Ngunit kaya pa ba niyang isakripisyo kahit ang nararamdaman niya para lang maging masaya ang kapatid niya?
LGBTQ+
101.6K viewsOngoing
Read
Add to library
Perfectly Imperfect Love

Perfectly Imperfect Love

Sa mundong puno ng kasinungalingan, pipiliin mo pa rin ba ang taong paulit- ulit ka nalang niloloko? Magiging sapat ba para sa iyo ang mga matatamis na salita na halos walang katapusan niyang binabanggit sa iyo? Si Mikaela Sabino, ang babaeng pinangakuan ng lahat ng bagay. Ang babaeng naniniwala na ang taong kaniyang minamahal ay magbabago para sa kaniya. Ang lahat ng sakit, pagkadurog, kawalan ng tiwala, karupukan, at paghihirap na mararanasan ay mapapalitan ba ng salitang "patawad"? "Handa akong mahalin ka hanggang sa maubos ako, palagi lang akong nasa tabi mo kapag ako na ang kailangan mo. At handa akong masaktan kung ikaliligaya mo" Ang lalaking magpapabago sa buhay ni Mika, ang taong dudurog sa puso ng babaeng tunay na nagmamahal sa kaniya. Si Renrem Reyes, ay isang tao na lubos na pinipilit baguhin ang lahat ng pagkakamali na mayroon siya ngunit nang dahil sa tukso ay nagiging mahina ito. May pagkakataon pa ba na maging malakas siya para sa taong pinakamamahal niya? Hahayaan ba niyang mawala ito nang tuluyan sa kaniya at makuha ng iba ang babaeng pinangangarap niya? "Pinipilit kong magbago, pangako. Pero tao lang din ako at may kahinaan, patawarin mo ako." Magkakaroon ba ng masayang wakas ang dalawang tao na nakakaranas ng sakit? It is true that love can conquer everything?
Romance
9.34.0K viewsCompleted
Read
Add to library
BAKIT NGA BA MAHAL KITA?

BAKIT NGA BA MAHAL KITA?

Walang modo, bully, bad boy at siga, ganoon si Shawn Rebato kung ilarawan ng mga taong nakakakilala sa kanya. Kilala ito bilang leader ng fraternity sa isang University na pinapasukan nito. Lahat kinakatakutan si Shawn, ang mag-angas at humamon sa binata ay makakatikim nang matinding parusa. Hanggang sa isang transferee student ang malakas ang loob na kontrahin at hamunin ito. Si Charlene Dimagiba, isang transferee student. Nasunugan ng bahay sa Maynila kaya walang ibang pagpipilian ang magulang ni Charlene kung hindi ang bumalik sa Davao kung saan nakatira ang ibang kamag-anak nila. Back to zero sila. Kaya labag man sa loob ng dalaga ang paglipat ng school ay wala na itong ibang nagawa. Subalit hindi inaasahan ni Charlene na sa unang araw pa lang nito sa University, imbes kaibigan ang mahahanap niya. Isang kaaway pala ang makikilala nito agad. Lumaking palaban si Charlene kaya kahit anong pang pambu-bully ni Shawn ay hindi uubra sa kanya. Ngunit, pagdating sa insidenteng puri na ng dalaga ang nakasalalay ay ibang usapan na. Sa paanong paraan ba makakabawi si Shawn kay Charlene? Maniwala kaya ang dalaga kung aamin si Shawn sa totoong damdamin nito? Pero paano na lang kung malaman ni Shawn na may ibang mahal si Charlene? Kailangan na ba ni Shawn na magparaya?
Romance
105.5K viewsOngoing
Read
Add to library
Divorce by Mistake: Ex-husband CEO Started Chasing Her

Divorce by Mistake: Ex-husband CEO Started Chasing Her

Ang kasal ay isang sagradong seremonyas para sa dalawang nag-iibigan… Ngunit sa loob ng apat na taong pagsasama, ni minsan ay hindi naramdaman ni Zia na itinuring siyang kabiyak ni Louie. Kung tutuusin ay para siyang bagay na napapakinabangan lang kung kailangan ngunit hindi naman magawang pahalagahan. Isang ibong nasa hawla na hindi kayang kumawala. Lahat ng sakit at hirap ay tiniis ni Zia dahil mahal niya ang asawa. Kahit pa ibang babae ang kinahuhumalingan nito. Hanggang isang gabi, habang malakas ang buhos ng ulan ay iniwan siya ni Louie para puntahan si Bea sa ibang bansa. Mag-isa at nahihirapan habang dumadaloy pababa ang dugo mula sa pagitan ng kanyang hita. Ginapang niya ang sakit makahingi lang ng tulong para sa batang kanyang ipinagbubuntis. Makalipas ang tatlong taon, sa muli niyang pagbabalik ay malaki ang ipinagbago ni Zia… Ngunit hindi si Louie. “Hiwalay na tayo, Mr. Rodriguez!” Napangisi ito. “Mrs. Zia Cruz… Rodriguez, hindi ko pa pinipirmahan ang divorce papers. Sa madaling salita… asawa pa rin kita at hinding-hindi ka na makakawala pa sa’kin.”
Romance
9.2349.3K viewsCompleted
Show Reviews (29)
Read
Add to library
Analyn Bermudez
Ms A Hindi PABA mag end ito...naghiwalay nmn na Sila tpos nagbalikan tapos ngayun magulo ulit??? nakakalito Po Ang nangyayari kung ano ba tlga Ang gusto ni loui Kay Zia..Hindi na matatawag na oagmamahal ung ginagawa niya...pra sa akin mas maganda naghiwalay na Sila at mag end nlng sana
Jerrlan24
Ang asim sa sikmura ng kwento ni loue at zia pero mas naka2bwisit yung lalaki makasarili ayaw palayain ang asawa dahil ayaw mapunta sa iba pero hindi tinatrato ng maayos si zia nman di niya na dw mahal pero pumayag ulit siya makasal dahil need niya pera ni loue. maganda ang story mabubwisit ka lang
Read All Reviews
Tarinio Castillion: Under His Means

Tarinio Castillion: Under His Means

Tarinio Castillion also known as 'The Castillion Hacker' isang magaling na agent na nabibilang sa secret department. Tagalutas ng kaso at tagapatay ng mga malalaking taong salot sa lipunan.A happy go lucky Castillion. Hindi man siya kabilang sa pitong magkakapatid itinuring siyang isa sa mga ito dahil sa dugong nananalaytay sa kanyang katawan.Womanizer. Fucker. Asshole. Son of a bicth. Lahat na ay nasa kanya, may kayabangan pero may ipagmayabang talaga. Isa siya sa malakas tumawa kapag nakikita niyang umiiyak ang kanyang mga pinsan dahil sa babae. Siya? Siya ang iniiyakan ng mga babae.Wala sa angkan nila ang pangit kaya ginagamit niya iyon para maikama ang mga babae. Bukod sa pagkakama ng mga babae araw araw ay ang pagiging agent ang talagang buhay niya. Pagdakip sa mga anay ng lipunan at mga drug syndicates na sumisira sa kinabukasan ng mga kabataan.At isa si Amanda Colen Trei sa mga taong iyon. Babaeng ulo ng pinakamalaking sindikato ng ipinagbabawal na gamot sa buong bansa. At si Tarinio ang humawak ng kaso para dakpin ito.Madadakip nga ba niya kung taliwas sa gawain nito ang ipinapakita ng inosenteng mukha ng dalaga?
Romance
104.1K viewsOngoing
Read
Add to library
Claimed by My Brother’s Forbidden Billionaire Rival

Claimed by My Brother’s Forbidden Billionaire Rival

Sa loob ng limang taon, buong pusong minahal ni Bettina si Elijah. Ngunit sa mismong araw ng kasal nila ay tinalikuran siya nito dahil kay Agatha—ang babaeng ilang beses nang nagtangkang magpakamatay para makuha ang atensyon ng lalaki. Saka lamang napagtanto ni Bettina na kahit gaano pa kalalim ang ibigay niyang pagmamahal ay hindi siya pipiliin ni Elijah. Kaya nilisan niya ang lahat at nagpasya na magsimula ng bagong buhay. Pero hindi niya inaasahan na sa isang gabi ng kalasingan, aksidente niyang naka-one-night stand ang isang bilyonaryong lalaki at mortal na kaaway ng kapatid niya—si Evander Hudson! Kinabukasan, dahan-dahang nagtangkang tumakas si Bettina ngunit bigo siya nang biglang may humawak sa kanyang paa at hinila pabalik. “After everything you did to me last night, you’re really going to run away?” sabay turo sa marka sa leeg niya. “Ganyan mo ako hinalikan… and you're not even going to compensate it?” Kilala si Evander na malamig at walang interest sa mga babae. Pero walang nakakaalam na matagal na niyang minamasdan nang palihim si Bettina. Simula nang mapunta ito sa kanyang bisig, hindi na niya ito pinakawalan pa. Naglabas pa siya ng sampung bilyong piso para bilhin ang isang private island resort sa Cebu para kay Bettina. “If you don’t want to stay in Manila, then let’s turn this place into a paradise. Just for you, Tina.” “Akala ko Evan hindi ka interesado sa babae?” “I’m not interested in anyone else. But you… you’re the exception.” Pero paano kung mahulog ang puso niya kay Evander? Ano na lang ang sasabihin ni Bettina sa kuya niya?
Romance
103.4K viewsOngoing
Read
Add to library
Marrying You Before Summer

Marrying You Before Summer

Sshayela
Madriagga— one of the most handsome and powerful tycoon in the country. A lot of woman fantasize about him. But, at the age of 27, he is already married to me. I can say that I'm lucky to have him as my husband. He never hurt me, he never made me feel unwanted. He always makes me feel happy, special and loved. Wala ka ng ibang hahanapin pa dahil nasa kanya na ang lahat. "I really love your perfume. It suits you well. Seductive and at the same time sweet"  he said that while still massaging my core. Napapaliyad na ako habang mahigpit na nakahawak sa kanyang balikat at leeg. Ang kanyang mga labi ay nasa aking leeg, humahalik roon at nag iiwan ng marka. "I wont stop until you beg me to." Pagkatapos non ay naramdaman ko na ang unti-unti n'yang pag pasok sa akin.   I am, Summer Jill Buenaventura - Madriagga.  We've become husband and wife, before summer.   
Romance
101.9K viewsOngoing
Read
Add to library
Billionaire’s Bride: The Classroom Deal

Billionaire’s Bride: The Classroom Deal

Si Allison Reyes ay isang simpleng guro na ang gusto lang ay makaraos sa bawat araw; makabayad sa gamot ng tatay niya, makapagturo ng tahimik, at mabuhay nang disente. Pero nagulo ang mundo niya nang isang viral photo ang nag-ugnay sa kanya sa lalaking ni wala man lang siyang planong kausapin. Walang iba kundi ang may-ari ng eskwelahan, si Zion Almonte. Mayaman, malakas ang dating, at malamig ang pakikitungo ni Zion sa lahat. Pero sa likod ng itsura at yaman, desperado rin siyang ayusin ang pangalan niya. Kaya’t inalok niya si Allison ng kasunduan: isang taong peke nilang kasal kapalit ng pambayad sa hospital ng ama nito. Walang feelings na involved, walang komplikasyon, tanging business lang. Pero paano kung habang ginagampanan nila ang papel ng mag-asawa, may mga tingin at kilos silang nagagawa na hindi parte ng usapan? Paano kung kahit anong iwas nila, may parte pa rin ng araw-araw nila na unti-unting nagiging totoo?
Romance
453 viewsOngoing
Read
Add to library
CRAVE (FILIPINO VERSION)

CRAVE (FILIPINO VERSION)

STORY WITH EXPLICIT/MATURE CONTENT [R18]: (FIND ME: A LOVE THROUGH ETERNITY SEQUEL) Hindi pinangarap minsan man ni Jenny sa buhay niya ang maging kabit pero nangyari parin iyon. Kaya naman hindi siya nagdalawang isip na lumayo upang makalimot nang malaman niya ang totoo. But life is full of surprises dahil muling nagtagpo ang landas nilang dalawa ni Jason. Si Jason, ang lalaking unang umangkin ng lahat ng kaya niyang ibigay, at sa pagkakataong ito aware si Jenny na ang desire niya para sa dating nobyo ay mas matindi, at ganoon rin naman ito sa kaniya. The reason why she is so ready to get burned. Masyadong malakas ang pangangailangan nila para sa isa’t-isa that can even happen kahit sa simpleng pagtatama lamang ng kanilang mga mata.
Romance
1045.8K viewsCompleted
Read
Add to library
It's Just I Love You (TagLish)

It's Just I Love You (TagLish)

(COMPLETED) Unang kita ni Nate kay Ian akala niya talaga babae ito dahil mukhang babae talaga ito. Ilang beses na niyang nakita si Ian at nagkagusto na siya sa binata kaya ginawa niya ang lahat para mahawakan ang leeg ni Ian at mapanatili ito sa tabi niya kahit alam niya nang lalaki ito at walang pagasang mahalin siya nito dahil pera lang ang habol nito sakanya, pero handa parin siyang isugal ang lahat para kay Ian at pagbayarin ang lahat ng nanakit dito. Ian Mercado ay leader ng Red Assasins na nangarap magbagong buhay. Embes na pumatay para magkapera, pinasok niya ang smuggling at doon niya nakilala si Nate Guevara diyos ng Rogue Sharks, mayari ng Casino Clique at karamihan sa hidden piers na magagamit niya para makapagnegosyo sa iba pang bahagi ng mundo. Pumayag si Ian na samahan si Nate ng isang gabi para ipagamit sa kanya ang mga pagaaring peir ni Nate pero mula nung nakasama siya nito at kahit alam na ni Nate na lalaki siya wala parin itong balak pakawalan siya. Doon na siya pumayag magpagamit kay Nate kapalit ang pera. Akala niya talaga dahil sa mukhang babae siya kaya hinahabol siya ni Nate, di niya alam na matagal nang alam ni Nate na lalaki siya at gusto parin siya nito. Mahal ni Ian ang pera dahil ito ang nagpanatili sa kanyang buhay mula nung itakwil siya ng sariling pamilya, dahil sa katauhan niya. Mapalambot kaya siya ni Nate na walang ginawa kundi gamitin at pwersahin siya kahit ayaw pa niya o magugustuhan niya ang mga ginagawa ng lalaking to sa pagkatao at katawan niya. Patuloy parin kaya siyang mahalin ni Nate once na malaman lahat ng sekreto at pinagdaanan niya?
LGBTQ+
105.1K viewsCompleted
Read
Add to library
PREV
1
...
1819202122
...
50
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status