Filter By
Updating status
AllOngoingCompleted
Sort By
AllPopularRecommendationRatesUpdated
Seductress Unforgotten

Seductress Unforgotten

Sa mundo ng marangya at makapangyarihan, si Apple Imperial ang babae na pinapangarap ng lahat ngunit kinatatakutan ng iilan. Sa kanyang mala-anghel na mukha at maalindog na katawan, nagagawa niyang paikutin ang puso ng kahit sinong lalaki. Ngunit sa likod ng kanyang mapanlinlang na ngiti, nakatago ang isang madilim na lihim—si Apple ay isang mapanganib na gold digger. Dati siyang prinsesa ng kayamanan, lumaki sa karangyaan ng pamilyang Imperial. Ngunit nang bumagsak ang kanilang negosyo, nawala ang lahat—ang yaman, at ang dangal. Ang bawat halik niya ay may presyo, ang bawat yakap ay may layunin. Sa bawat lalaking nahuhulog sa kanyang bitag, isang hakbang siya papalapit sa pagbabalik ng yaman na nawala sa kanya. Ngunit nang makilala niya si Lance Martin—ang guwapo, makapangyarihan, at sobrang yaman na CEO ng Emerald Malls—nagbago ang pananaw niya sa buhay at pag-ibig. Si Lance ang perpektong target, ngunit siya rin ang tanging lalaking nagpaalala kay Apple kung ano ang ibig sabihin ng tunay na pagmamahal. Sa kabila ng kanyang mapanlinlang na paraan, si Lance ang nagdala ng liwanag sa madilim niyang mundo. Subalit ang lihim ni Apple ay hindi kayang itago habang-buhay. Nang magdesisyon si Lance na ipagkatiwala ang kanyang buong puso at yaman kay Apple at nagbabalak na pakasalan ito,ngunit nalaman niya ang masakit na katotohanan—ang babaeng kanyang minahal ay naglalaro sa apoy. Sa gitna ng kanyang pagtataksil, iniwan siya ni Lance, at tuluyang nawala sa kanyang buhay. Pero hindi pa tapos ang kanyang kabiguan. Nang malaman ni Apple na siya’y nagdadalang-tao, biglang nagbago ang lahat. Ang anak na nasa kanyang sinapupunan ang maaaring maging dahilan ng kanilang pagbabalikan—o ang maghahatid sa kanya sa mas malalim na pagdurusa. Magagawa kaya ni Apple na itama ang kanyang mga kasalanan? O magbabayad siya ng pinakamabigat na presyo para sa lahat ng kanyang kasinungalingan?
Romance
102.8K viewsCompleted
Read
Add to library
A man that I loved or A man that he loved me

A man that I loved or A man that he loved me

Emma
Una pa lamang ay magustuhan na ni Helomina Ang binatang si Miguel na Ngayon lang niya nakilala. Ngunit ayaw niyang aminin sa kanyang sarili na gusto niya Ang binata. Dahil sa takot itong sumubok sa isang relasyon. Natatakot Kasi itong masaktan. Kaya minabuti na lamang niya itong irito sa kanyang matalik na kaibigan. Ngunit nalaman niya na may gusto Rin Pala Ang binata sa dalagang si Helomina. At inamin niya ito na siya Ang gusto niya at Hindi Ang kaibigan. Sa una ay nag-alinlangan Ang dalaga sa pagmamahal Ng binata ngunit hindi naglaun ay inamin din Ng dalaga na gusto niya Ang binata. Nagtagal Ang relasyon nila kahit malayo Ang binata sa dalaga. Pero dahil sa malayo at Hindi palaging nagkikita Ang dalawa ay nag-alinlangan Ang binata sa pagmamahal Ng dalaga. Kahit alam Naman niya Ang tunay na nararamdaman Ng dalaga para sa kanya. Kahit pa malayo sila sa isa't Isa naging tapat Naman Ang dalaga sa pagmamahal niya sa dalaga. Pero Hindi naglaon kahit mahal Ng binata Ang dalaga ay Hindi siya naging tapat dito. Dahil na rin sa hindi ito kapilinging Ang dalaga. Pero patuloy Rin ang pagmamahal Ng dalaga sa binata kahit na Kung minsan ay Hindi na ito nagpaparamdam sa dalaga. Kalaonan ay Ang binata na mismo Ang bumitiw sa relasyon Ng dalawa. Kahit masakit sa dalaga Ang katotohan na iniwan siya Ng kanyang minahal dahil Hindi niya ito kayang panindigan at ipaglaban. Nagdusa Ang dalaga dahil doon. Pero sa Oras na iyon ay may dumating sa kanyang buhay na isang lalaking na handa siya mahalin at ipaglaban. Kaya siyang panindingan at pasayahin sa abot Ng kanyang makakaya. Hindi Naman nabigo ang lalaki. Pero paano Kung may gustong bumalik sa buhay niya nagustong ipaglaban Ang pagmamahal niya pero huli na Ang lahat.
Other
874 viewsOngoing
Read
Add to library
Diary Ng XXX Celebrity

Diary Ng XXX Celebrity

Caregiver sa gabi, secretary sa umaga, ganyan ang araw-araw na buhay ni Irina Elizalde matapos lamunin ng trahedya ang masayang pamilya niya. Nang mamatay ang Papa niya sa isang aksidente at mabaldado ang Mama niya, napilitan siyang maging breadwinner, kahit pa sinisisi siya ng Tita Shiela niya sa lahat ng nangyari. Sa pagiging caregiver, may konting ginhawa naman siya, lalo na’t mabait ang matandang inaalagaan niya na si Lola Vicky. Pero sa trabaho niya bilang secretary ng suplado at bastos na CEO na si Ravi Lopez, araw-araw siyang parang nasa impyerno. Mabuti na lang at guwapo at yummy, kaya napagtitiisan niya, kahit na, gusto na niya itong layasan. Isang gabi, panay ang iyak ni Irina sa inaalagaan niyang si Lola Vicky. Kinuwento niya rito ang lahat ng paghihirap na dinadanas ngayon sa buhay niya. Sa awa ng matanda sa kaniya, binigyan siya nito ng mission. Mission na kailangang hanapin ang pörnstar na may-ari ng diary na hawak ngayon ni Lola Vicky, at kapag nahanap niya ito, ipapamana ng matanda sa kaniya bilyong-bilyong yaman nito. Ang problema, tila screen name lang ang meron siya. Mr. Ryder King. Iyon kasi ang nakalagay sa diary nito. Bukod doon, gusto ng matanda na sila ang magkatuluyan. Makukuha lang ni Irina ang bilyong-bilyong mana nito kung pakakasalan siya ni Mr. Ryder King. Paano kaya kapag nalaman ni Irina, na ang may-ari pala ng Diary ng XXX Celebrity ay ang suplado, bastos at mayabang niyang Boss CEO na si Ravi Lopez, pakakasalanan niya kaya ito? Kung payag man si Irina na pakasalan ito para sa bilyong-bilyong mana ni Lola Vicky, pumayag naman kaya si Ravi Lopez na pakasalan siya?
Romance
1030.3K viewsCompleted
Read
Add to library
NEVER EVER AFTER( Tagalog Romance)

NEVER EVER AFTER( Tagalog Romance)

Isang babaeng nagtrabaho sa isang Casino na nangarap yumaman , ngunit nahulog ang loob nito sa isang lalaking anak ng bilyonaryo pero badboy , nabuntis ito at iniwan sya ng lalaki. Matapos s'yang nanganak nangako s'yang hindi na babalik pa sa Casino na kanyang pinagtatrabahuan dahil kinasusuklaman n'ya ang lalaking nang iwan sa kan’ya. Subalit dumating sa puntong hindi na n'ya alam kung paano bubuhayin ang anak kaya namasukan ito bilang katulong subalit hindi nito alam na doon pala nakatira ang lalaking kanyang kinasusuklaman. Mahigit limang taon din hindi sila nagkita at hindi din alam ng lalaki na may anak sila, madami narin ang nagbago nagkaroon na ito ng nobya at malapit na silang ikasal ng babae. Habang nagtatrabaho s‘ya sa bahay nila Gabriel Bustamante ang lalaking kinamumuhian nito ang ama ng anak niya. Si Samantha naman ay pinipilit na hindi ipahalata ang kanyang nararamdamang galit. Dahil nakatira sila sa isang bahay hindi maiwasan ng lalaki na lumapit sa kanya sa tuwing sila lang ang nasa bahay, dahil sa galit ni Samantha kay Gabriel kahit anong pilit nitong paglapit sa kanya ay hindi nya ito kinakausap, dahil sa araw araw nitong kinukulit si Samantha ay malapit na syang madala ng charisma ni Gabriel, isang araw ay hindi na nito napigilan ang sarili ng lumapit ito at hinalikan s'ya sa labi ng lalaki ay biglang dumating ang kasintahan nito at muntikan na silang mahuli. Araw araw kinakausap nito ang kanyang anak na si Mika sa pag-uusap nila ng anak ay narinig ito ni Gabriel napatanong ito kung may anak na s'ya subalit hindi nya sinabi na anak nila. Araw araw din inaakit ni Gabriel si Samantha dahil hindi pa naman sila naaaktuhan ng nobya nito, hanggang sa isang araw may napansin na ang live in partner nito na kakaiba sa kanila.
Romance
1041.6K viewsOngoing
Read
Add to library
SEXYBEAST SERIES 1: Mr. Hill's hell

SEXYBEAST SERIES 1: Mr. Hill's hell

Lovemarian
Hatred, sacrifices, family's love and hell. 'Yon ang naging definition ni Erica Dhana Hermés sa buhay niya. Matapos s'yang ipakasal ng magulang niya sa lalaking kinaiinisan niya. Noon paman isa na itong bully, na mayabang na antipatiko na walang ibang ginawa kun'di ang saktan ang damdamin niya. Ngunit ng muli niya itong makita sa araw ng engagement party nila, hanggang sa makasal sila at magsama sa iisang bobong ay ibang Axel Charles Hill na ito. A stranged one a dangerous one. But who is she? She is not just Erica Hermés. May happy ending kaya sa kanilang dalawa? May puwang pa ba ang pag-ibig sa dalawang tigreng puso nila? LET'S THE WAR BEGGIN! SexyBeast series 2: The Gay doctor Desperada na kung desperadang tawagin ang kahibangan ni Cathy kay Edward Alcantara. Dahil kahit siya ay hindi kayang labanan ang sariling puso na nagwawala sa tuwing nakikita niya ito. Simula pa lang alam na niyang bakla si Edward, na malabong masuklian ang pagmamahal niya para rito. Doon pa lang sa isiping iyon parang hinahalukay na ng kutsilyo ang puso niya. Sinubukan niyang kalimutan ito, ngunit sa nakalipas na sampung taon at sa muli nilang pagkikita ay mas lalo lang lumala ang nararamdaman niya para sa isang bakla na ngayon ay doctor na. Na mas lalo pang sumusigaw at nang-aakit ang kamachohan at ang pagka-strikto nito. Kung guwapo ito noon ay mas umaangat ang kaguwapuhan nito ngayon. Nagsimula na siyang mabaliw ulit rito, nagsimula na siyang habul-habulin si Edward. Pero kahit anong paganda at pasexy ang gawin niya gaya lang rin ng inaasahan walang epekto ito sa isang bakla. Mas lalo lang siyang binalewala nito. Hanggang saan siya maghahabol? Hanggang kailan siya lalaban sa pag-ibig na walang kasiguraduhan? O susuko na lang ba siya at kakalimutan ang baklang doctor na kinabaliwan niya…
Romance
106.2K viewsOngoing
Read
Add to library
THE WICKED BILLIONAIRE'S SON

THE WICKED BILLIONAIRE'S SON

SHADOWWRITES
Ang nobelang ito ay nagpapakita ng isang tunay at wagas na pagmamahalan. Masasaksihan natin na ang puso ay kusang tumitibok para sa isang taong itinakda ng tadhana para sa atin. Kahit na sino pa siya at kahit saan pa siya nagmula, kapag puso na ang nagdikta ay wala na tayong magagawa kundi tanggapin ito.
Fantasy
101.7K viewsOngoing
Read
Add to library
Playboy Diary: Ang Pangako Mo

Playboy Diary: Ang Pangako Mo

Loved, hurt and return without anything happened. Kung kailan nakalimot ka na sa isang masakit na nakaraan, What's so painful to see someone you love that has not happened in the past? or Makita ka niya na masaya na sa ibang babae? Pero, balewala na sa kanya kung harap-harapan mo pa ipakita. - It made mistakes and regrets in the past. Masakit na makita ang taong iniwan ko masaya na sa ibang babae. Ang taong minahal ako ng lubos noon, kahit kailan hindi na magiging sa akin ulit. I had a lover during the time we were abroad and our family did not know that we were married, because then we were studying in the same school. - Ang kanilang pagmamahalan sa isa't-isa ay manunumbalik ba? O Hindi na? Para sa mga taong minamahal sila, At minahal din nilang dalawa.
Romance
10751 viewsOngoing
Read
Add to library
Tatlong Beses Kitang Mamahalin

Tatlong Beses Kitang Mamahalin

Simpleng babae si Irene na may simpleng buhay at pangarap, ngunit ang lahat ng simple at tahimik niyang araw araw ay gagambalain ng pagsulpot ng isang estrangherong makikilala niya sa pangalang Tisoy. Kung paano ganun kabilis na sumulpot sa buhay niya ang binata ay ganun ring kabilis siyang nahulog dito. Ngunit isang araw ay bigla na lamang itong hindi na nagpakita sa kanya at ng mag krus ulit ang kanilang landas iba na ang katauhan at pangalan nito. Isa na itong milyonaryo at nagiisang tagapagmana pero ang masakit para kaya Irene ay hindi na siya nito nakikilala.
Romance
106.6K viewsCompleted
Read
Add to library
Chasing Love A Second Chance At Forever

Chasing Love A Second Chance At Forever

Nilisan ni Arwena ang Pilipinas, limang taon na ang nakaraan matapos ang masakit na paghihiwalay ng long-time boyfriend niya na muntik nang maging dahilan ng pagkasira ng buhay niya. Akala niya ay hindi na siya muling aapak sa lugar na nagdulot sa kanya ng sakit at masamang karanasan, pero talagang gumawa ng paraan ang tadhana. Kailangan niyang tulungan ang mga magulang na maibangon ang paluging negsyo. Sa kanyang pagbabalik, mga magulang at negosyo nga lang ba niya ang matutulungan niyang makabangon o magkakaroon din siya ng second chance na magmahal at mahalin ng tunay?
Romance
1017.1K viewsCompleted
Read
Add to library
Addicted to his stepmom

Addicted to his stepmom

⚠️WARNING - R-SPG (18+) Si Ann na nakilala ni Drake sa Bar, maganda at malaman na katawan na una nyang kababaliwan, ngunit ang hindi nya alam ang kinababaliwan nya ay magiging parte ng pamilya nila at magiging Stepmom nya. Ang matinding karibal nya sa katawan at puso ng dalaga ay ang mismong papa nya. Sino ang magwawagi sa puso ni Ann? Sino ang mas makakapag paligaya sa kanya? Makokontento ba sya kay Drake na kayang ibigay ang ligaya na nais nya o sa Ama ni Drake na nabibigay ang yaman na kailangan nya.
Romance
104.7K viewsOngoing
Read
Add to library
PREV
1
...
454647484950
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status