Filter By
Updating status
AllOngoingCompleted
Sort By
AllPopularRecommendationRatesUpdated
The Undercover Heiress

The Undercover Heiress

nakatanggap sya ng balita na ang isa sa malaki nilang kumpanya ay ninanakawan ng hindi malaman kung sino. Kinausap nya ang kanyang magulang na hayaan syang tuklasin kung sino ito. Nagpanggap na simpleng empleyado si Sam bilang sekretarya ni Grace. Si Grace na napakasuplada, masungit at mahirap basahin na tao. kaya malaki ang pagdududa ni Sam na baka si Grace ang nagnakaw ng pera ng kumpanya. Magkasing edad lamang sila pero mataas na ang katungkulan nito.
LGBTQ+
1030.2K viewsOngoing
Read
Add to library
MY EX BOYFRIEND BECOMES MY STEPFATHER (SPG)

MY EX BOYFRIEND BECOMES MY STEPFATHER (SPG)

Nakipaghiwalay si Kisses sa boyfriend niyang si Dashiel. High School pa lang naman kasi sila kaya hindi niya gaanong sineryoso ang kanilang relasyon. At matapos naman ang ilang taon simula ng mamatay ang kanyang ama, bigla na lang ini-announce ng kanyang ina na nag asawa na ulit ito. Ang masaklap pa roon, hindi niya inaasahan na ang napangasawa pala ng kanyang ina ay si Dashiel, na siyang Ex boyfriend niya... at ngayon ay Stepfather na niya!
Romance
495 viewsOngoing
Read
Add to library
Marry me, Teacher Luke

Marry me, Teacher Luke

MikhaelRiver
College lang noon ang teenager na si Rachel Assistio, nang s’ya ay mabuntis ng nobyong si George. Makalipas ng ilang taon, napalaki naman n’ya ang bata ng maayos, na pinangalanan n’yang Sefira. Hindi nga dapat s’ya papasok sa isang relasyon muli,ngunit nang makilala n’a ang teacher ni Sefira na si Luke, tila bigla yatang nagbago ang lahat. Ngunit nang naging sila ni Luke, saka pa nagkaroon ng iba’t ibang pagsubok na pilit sinisira ang relasyon nila. Maipaglaban kaya nila ang kanilang pag-iibigan? Tanggapin pa kaya ni Rachel si Luke, kung malaman n’ya ang sikretong hindi n’ya masabi?
Romance
101.3K viewsOngoing
Read
Add to library
Mommy To The Billionaire's Daughter

Mommy To The Billionaire's Daughter

Si Bianca Batista, isang barista, lumaking ulila matapos mamatay ang kanyang mga magulang sa isang aksidente noong bata pa siya. Pinalaki siya ng kanyang lolo’t lola, ngunit palagi niyang hinahangad ang pagmamahal ng kanyang mga magulang at ang magkaroon ng isang buo at masayang pamilya. Nagbago ang lahat nang makilala niya si Lucas Alcaraz isang gabi sa isang bar—isang guwapo, mayaman, ngunit napaka-aroganteng lalaki. Kinaumagahan matapos ang kanilang one-night stand, hindi inaasahan ni Bianca na mababangga niya ito sa isang insidente, at mas lalong hindi niya inaasahang mapagkamalan siyang ina ng anak nito. Dahil sa sitwasyon, napilitan si Lucas na alukin si Bianca na magpanggap bilang ina ng kanyang anak.
Romance
10393 viewsOngoing
Read
Add to library
My Husband's Secret Affair

My Husband's Secret Affair

Si Brianna ay anak ng isa sa pinaka mayaman sa bansa . Ngunit gugulo ang kanilang mundo dahil sa pag tataksil ng kanyang asawa na si Greg. Hanggang saan ang kayang tiisin Brianna sa ngalan ng pag ibig?
Romance
1019.0K viewsOngoing
Read
Add to library
BROKEN VOW

BROKEN VOW

Mugsy Wp
Si Yuan, isang simpleng lalaking nangakong habambuhay mamahalin si Donna Angeles. Isang simpleng babaeng namuhay mag-isa. Nangako siya na habambuhay itong mamahalin subalit nagkaroon siya ng misyon. Kailangan niyang hanapin ang may-ari ng microchip kaya umalis siya at tumungo sa England. Sa pagdating niya doon sa England ay Microchip ang kaniyang nakita. Isang pag-ibig sa piling ni Mitch Madrigal, Anak ng kaniyang kaaway. Sa piling ni Mitch, pansamantala niyang nakalimutan ang lahat ng pangako niya sa Pilipinas, Nakalimutan niya si Donna. Pagkalipas ng Tatlong-taon ay masaya silang namuhay ni Mitch bilang mag-asawa pero hindi lahat ng pangako ay hindi natutupad. Isang araw nakarating sa kaniya ang balitang ginahasa si Donna at ngayon nga ay nagdadalang-tao ito. Nang gabing iyon ay tumawag ito sa kaniya at sa kasamaang palad ay si Mitch Madrigal ang nakasagot ng tawag na para sana sa kaniya. Hindi akalain ni Mitch na may kasintahan si Yuan sa Pilipinas at ang masakit ay nagdadalang-tao ito at hindi niya maatim na mamuhay nang payapa sa piling ni Yuan habang may batang lumaki ng walang ama. Sa boung buhay niya, palagi siyang nakatago at kinukutya ng kambal niya at hindi niya hahayaang may ibang batang makaranas nito kaya kahit na parang hinahati ang puso niya sa sobrang sakit ay pinili niyang palayain si Yuan. Pinili niyang sirain ni Yuan ang pangako nito sa kaniya kesa sa inosenteng bata.
2.7K viewsOngoing
Read
Add to library
GOT TO BELIEVE IN LOVE

GOT TO BELIEVE IN LOVE

Si Dianne Abrenica, isang dalagang probinsyana na walang karanasan sa pag-ibig, ay pumasok sa isang nakakabagbag-damdaming desisyon—ang maging surrogate mother ng pinakamayamang pamilya sa Davao, ang mga Manalo. Isang birhen at NBSB (No Boyfriend Since Birth), handa siyang isakripisyo ang lahat para sa kanyang kapatid na nangangailangan ng kidney transplant. Ang kontratang ito ang nagdala sa kanya sa isang mundo ng yaman at kapangyarihan, ngunit kasama rin nito ang masalimuot na emosyon at mga hamong hindi niya inaasahang mararanasan. Sa kabilang panig, si Drake Manalo, ang CEO ng Manalo Canning Food Industry, ay isang lalaking puno ng kahanga-hangang katangian—gwapo, matipuno, mayaman, at mapagmahal sa kanyang asawa. Nang pumasok si Dianne sa kanilang buhay, tila lahat ay naging maayos, hanggang sa isang trahedya ang biglang yumanig sa kanilang mundo. Ang biglaang pagkamatay ni Tiffany sa isang car accident ay nagdulot ng matinding sugat kay Drake. Sa panahong nagdadalamhati si Drake, andiyan si Dianne na naging sandigan at karamay nito. Dito, natutong magmahal si Dianne—hindi lamang sa sanggol na kanyang dinadala kundi pati na rin kay Drake, isang lalaking naging bahagi ng kanyang mga pangarap. Habang papalapit ang araw ng pagsilang, nahaharap si Dianne sa isang mahirap na desisyon. Ang kanilang kontrata ay malinaw—wala siyang karapatang kumonekta sa bata pagkatapos ng kanyang pagsilang. Ngunit paano niya maiiwan ang anak na kanyang minahal at itinuring na bahagi ng kanyang pagkatao? Paano niya haharapin ang mga damdaming namuo para kay Drake, isang lalaking bihag pa rin ng alaala ng kanyang yumaong asawa? Si Drake, isang lalaking unti-unting natutong muling buksan ang kanyang puso, at si Dianne, isang babaeng handang ipaglaban ang kanyang nararamdaman, ay sabay na naghahanap ng sagot sa tanong: Makakaya ba nilang buuin ang bagong buhay na nilikha ng sakripisyo, pagmamahal, at pag-asa?
Romance
103.7K viewsCompleted
Read
Add to library
Marrying My First Love

Marrying My First Love

Leigh Green
Si Alexandra Jane Diaz ay isang book illustrator na simple at ordinaryong namumuhay araw-araw kasama ang aso niyang St. Bernard na ang pangalan ay Smarty. Nang isang araw ay sadyang pagkainteresan siya ng isang kapritsusong estranghero at basta na lang alukin ng kasal. Ang pangalan nito ay Daniel. Si Daniel St. Claire ay isang tahimik subalit magaling na negosyante. Isa siyang uri ng lalaki na maraming baliw na ideya at mas nanaising manahimik kaysa magsalita pero magaling magpatsutsada o mangulit. Mahal niya ang kababata niyang kaibigan na si Sarah. Si Sarah Geneva Kale ay isang magandang babae na nagmamay-ari ng isang makulay na flower shop. Hindi niya alam na ang batang lalaki na nagustuhan niya ng bata pa siya ay mahal pa rin siya hanggang ngayon hanggang sa napagpasiyahan nito na magpakasal sa isang babaeng hindi niya kilala kaysa sa kanya. Damay sa gulo't buhol ng pag-ibig at pagtatago ng mga puso, kailangan ni Alex na sumabay sa plano ni Daniel at magpakilalang pekeng fianceé nito hanggang makilala niya ang mahiwagang Sarah Kale. Makakatuluyan ba ni Daniel si Sarah at ang dalawa ang magpalitan ng "I do" sa altar? O makakatugma niya si Alex sa isang hindi inaasahang pagbabaliktad ng tadhana?
Romance
2.9K viewsOngoing
Read
Add to library
THE HEIRESS: MARRYING THE ZILLIONAIRE

THE HEIRESS: MARRYING THE ZILLIONAIRE

Nakipagpustahan si Devin sa kaniyang ina na hangga't si Renz Dylan Hidalgo ang tinitibok ng kaniyang puso, mapapaibig niya rin ito. Nalaman niya na ang tipo ni Renz sa babae ay masunurin at mahinhing babae, kaya’t nagpanggap siya bilang isang mahirap na dalaga upang mapalapit dito. Ngunit, sa tatlong taon na magkasama sila mas pinili pa rin ni Renz ang una nitong pag-ibig na si Xylarie Ruiz, at sa pagkakataong ‘yon ay nabigo si Devin, hindi lamang sa pag-ibig pati na rin sa pustahan nila ng kaniyang ina. “Devinyza Kaleigh Hermosa, natalo ka. Pagkatapos ng tatlong taon, hindi pa rin nagkakagusto si Renz Dylan Hidalgo sa iyo. Ayon sa mga patakaran, dapat kang bumalik sa ating pamilya at gampanan ang iyong mga responsibilidad.” —Madame Editha. Subalit, bago pa man siya makauwi sa kaniyang pamilya na papasan ng mabigat na resposibilidad bilang tagapag-mana, isang mainit na gabi ang pinagsalohan nila ng isang estranghero, na maituturing niya na huling pagpapakasasa bilang malaya. Bilang tagapag-mana, kailangan niyang magpakasal. Paano kung ang lalaking nakatalik niya ay ang binatang pinakamayaman na si Alexius Lander “Aslan” Montellano? Tatangapin ba ni Alexius Lander Montellano ang alok ni Devinyza Kaleigh Hermosa na kasal?
Romance
8.91.3K viewsOngoing
Read
Add to library
The Ex-Husband's Revenge

The Ex-Husband's Revenge

Kapag ang asawa ng isang lalaki ay nabuntis ng iba, karaniwan na pinapalayas ng lalaki ang asawa niya mula sa bahay nila o siya ang makikipag-divorce. Gayunpaman, baliktad ito para sa 26-taong gulang na si Leon Wolf. Trinato na nga siya na parang isang alipin ng mga biyenan niya, pinalayas siya ng bahay ng asawa niya at ng pamilya nito pagkatapos nitong ipagmalaki sa kanya na nabuntis ito sa iba! Naguluhan at puno ng sama ng loob si Leon, naglakbay siya patungo sa sementeryo, kung saan nagkataon na nasaksihan niya ang pagbabalak ng iba na patayin ang isang magandang babae. Habang niligtas ang babae, nakatanggap ng nakakamatay na saksak si Leon sa kanyang dibdib at hinila niya papunta sa ilog ang sumaksak sa kanya para malunod silang dalawa… Ang lahat ay senyales na mamamatay si Leon, dahil hindi na siya umahon mula sa tubig kahit na ilang minutong naghintay ang babae. Nang maniwala ang babae na pumunta na sa kabilang buhay si Leon, umalis siya habang nagsalita siya sa ilog, “Ang pangalan ko ay Iris Young. Puntahan mo ako minsan…” May malay si Leon sa ilalim ng tubig… ‘Iris… Isang magandang pangalan…’
Urban
9.1131.0K viewsCompleted
Read
Add to library
PREV
1
...
3940414243
...
50
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status