Share

CHAPTER 15.1: MEET HANNAH

Nang sumunod na araw ay napag-usapan nilang magkikita sa paboritong tambayan nila dati for old time's sake. Ilang oras din ang ginugol niya para sa pagbibihis. Nakailang palit na rin siya ng damit. Kung tutuusin ay pwde na ang short at shirt pero ewan ba niya kung bakit naisipan niyang magsuot ng matingkad na orange na damit na hanggang tuhod. Iyong parang pang-summer na damit. Mukha siyang naliligaw na highschool sa suot niya.

Dinaanan siya ni Joe. Hindi nito kasama ang boyfriend nito dahil may trabaho saka usapan din nilang silang magbabarkada lang ang pupunta para hindi na maa-out of place ang mga partners ng kaibigan niya. Hindi na pumasok pa si Joe at hinihintay na lang siya sa labas ng gate.

Nagulat pa ito sa ayos niya at tiningnan pa siya nito mula ulo hanggang paa.

" Wow, ha! Magmumukha naman akong tatay mo niyan," reklamo nito.

Naka-sando na puti at cargo pants lang kasi ito. Hindi na ito nagdala ng sasakyan dahil malalakad lang naman ang tambayan nila mula doon.

Napatawang k
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP
Comments (1)
goodnovel comment avatar
Che Acala Paragas
loko to si Joe
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status