Share

CHAPTER 13: CRUSHED HEART (DISILLUSIONED)

" You may now kiss the bride," narinig na lang niyang sabi ng pari.

Saka lang niya naalala na nasa kasal pala sila ni Nick. Kanina pa kasi abala ang utak niya sa lalaking pitong taon din niyang pinananabikang makitang muli. Natuon agad ang tingin niya sa harap nang halikan na ni Nick ang asawa nito.

Napangiti uli siya habang naging malamlam ang mga matang nakatitig sa bagong kasal.

" My hanky is at your disposal," biglang bumulong si Brent sa kanya.

Kanina pa pala siya pinagmamasdan nito at napansin nito ang ekspresyon ng mukha niya.

" I-I'm just happy for him," hindi niya alam pero gusto niyang iparamdam dito na hindi siya naiiyak dahil malungkot siya na ikinasal sa iba si Nick.

" You don't have to explain. Maiiyak din ako if ikinasal na ang taong... mahal ko," sabi nito na nasa harap na uli nakatingin.

" B-brent, I..." bumuka ang bibig niya pero sa dami ng gusto niyang sabihin tanging pangalan lang nito ang lumabas sa bibig niya.

Gusto niya pa ring magpaliwanag kahit pitong taon na
Bab Terkunci
Membaca bab selanjutnya di APP

Bab terkait

Bab terbaru

DMCA.com Protection Status