Filter By
Updating status
AllOngoingCompleted
Sort By
AllPopularRecommendationRatesUpdated
The Vampire's Maid Servant (Tagalog)

The Vampire's Maid Servant (Tagalog)

Sa edad na siyam, naging kapalit si Anastacia ng malaking pagkakautang ng kanyang ama sa isang mayamang ginang. Pumayag din ang kanyang ama dahil sinabi nitong pag-aaralin siya sa ibang bansa at magkakaroon ng magandang buhay. Pero lingid sa kaalaman ni Anastacia at ng kanyang ama na ipagbibili pala siya nito sa isang Black Market. Sa Black Market na 'yon pula ang mga mata ng mga nanonood. Para 'tong mga halimaw na nagpapanggap na tao. Sa ibang lengguwahe at kurensiya ipinagbili si Anastacia sa isang subastahan. Mag-asawang bampira ang nakabili sa kanya at may dugong Royal. Ang buhay na tila isang bangungot ang inaasahan ni Anastacia sa piling ng mga 'to, pero hindi 'yon nangyari, lalo at iniregalo siya ng mag-asawa sa anak ng mga ito na kaedaran niya, si King. Si King ang bampirang itatangi niya at suwerteng katugon ng kanyang damdamin. Nagmamahalan silang dalawa at maraming pangako sa isa't isa nang nasa wastong edad na. Pero ang pangako na 'yon ay mabibigo dahil ang lalaking minamahal niya ay pinatay. Katumbas ng kamatayan nito ang kanyang kalayaan na kahit kailan ay hindi niya hinahangad. Pinatay raw si King ng isang organisasyon ng mga bampira. Kung ano man ang dahilan, hindi niya 'yon masasagot kung isa lamang siyang tao at isang alipin. Sa paglaya niya sa lugar ng mga bampira, binago niya ang sarili at naging isang kilalang Vampire Hunter. Ang layunin niya'y maubos ang nasa organisasyon na pumatay sa lalaking minamahal at malaman ang dahilan bakit 'to pinaslang. Bago siya lumagay sa tahimik kasama ang bagong nobyo, papatayin niya muna ang mga kalaban niya, para sa ikatatahimik niya. Pero paano kung ang inaakala niyang namatay ay magbalik?
Fantasy
1066.6K viewsCompleted
Read
Add to library
Chasing Mafia's Heart

Chasing Mafia's Heart

Si Enzo Valderrama ay isang lalaking malupit at malamig pa sa yelo sa pakikitungo sa mga babae. Para sa kanya hadlang ang magkaroon ng seryosong pakikipagrelasyon. Isa siyang mafia na nagpapatakbo ng isang training camp para sa mga assassins niya na pinaparentahan niya sa mga mayayamang tao sa bansa. Ito ay isang sekretong pasilidad lamang kaya lahat ng nakakatuklas sa aktibidad nila ay pinapapatay niya ganoon siya kalupit. Sa hindi inaasahang pagkakataon ay makikilala niya si Taira Monde, isang hostess na nagtatrabaho sa Pentagon Club para kay Chard Buenavista. Ang Pentagon ay isang lugar kung saan nagaganap ang lahat ng mga illegal na gawain sa buong bansa. Napag-alaman niyang may malaking utang ang ama ni Taira kay Chard kaya napilitan itong magtrabaho doon. May umusbong na hindi maipaliwanag na pakiramdam si Enzo para sa dalaga kaya lagi siyang nasa Pentagon para i-table ito at minsan naman ay inilalabas niya ito sa club. Lahat ng nakakaalam ng madilim na aktibidad ng Pentagon ay dinidispatsa ni Chard. Nang isang araw ay nakita mismo ng mga mata ni Taira ang ginagawa ng grupo ni Chard ay nakaramdam siya ng takot. Wala siyang ibang maisip na paraan kung hindi ang magtiwala kay Enzo at sabihin dito ang lahat ng nalalaman kahit na hindi niya alam kung magiging kakampi niya ba ito. Binili siya ni Enzo kay Chard sa malaking halaga higit pa sa pagkakautang ng kaniyang ama at nagsimula siyang pumasok sa training camp at nagsanay bilang isang babaeng assassin. Nagsanay siya hanggang sa naging magaling siya sa larangan nito at mabigyan siya ni Enzo ng kliyente. Pero isang araw ay mismong si Enzo Valderrama na kailangan niyang patayin para sa isang espesyal na kliyente katumbas ng malaking halaga. Makakaya ba niyang patayin ang taong nagligtas sa kanya at itinitibok na ng puso niya?
Romance
424 viewsOngoing
Read
Add to library
Every Second Count

Every Second Count

Sa inis ni Aura Beatriz Diaz, nakuha niyang makipag-usap sa kaklase at kapitbahay niyang iniiwasan ng lahat. Sa ngalan ng plus points, pinilit niya si Shintaro Terrano na magpalit sila ng points sapagkat ito ang dahilan kung bakit siya na-late sa klase. “Sino naman ang nagsasabi sa iyong ayaw ko ng points? Pasensiya ka na, ‘di ko magagawa iyan...” Sagot ni Shintaro sa kanya. “Pero may ibang paraan ako para makakuha ka nito...” Namangha niya nang namalayan niyang kaya naman palang makipag-usap nito sa mga tao. “Babaguhin natin ang nakaraan.” Sinabi pa nito. Napatigil siya nang hawakan nito ang kamay niya at literal na umikot ang kanyang mundo. Pumikit siya ng mariin at noong sa tingin niya'y tumigil na ang pag-ikot. Nanlaki ang mga mata niya sa nakita. Wala na sila sa paaralan. Nasa waiting shed na sila kung saan sila nag-agawan ng pwesto sa jeep kanina. “P-Paano mo nagawa ito? I-Isa ka bang w-wizard? G-Guardian? Guardian angel?!” Halos pasigaw na tanong niya. Mababaliw na siya. Paano ito nagawa ng isang Shintaro Terrano? Ano nga ba si Shintaro Terrano? Umangat ang gilid ng labi nito. “Akala ko ba matalino ang isang Aura Beatriz Cortes Diaz? Bakit hindi mo napagtagping maaaring isa akong manglalakbay sa kahapon, kasalukuyan at hinaharap… Oo, manlalakbay ako. Kaya kong baguhin ang nangyari na. Itong kaharap mo ngayon ang totoong Shintaro. Ikaw lang ang nakakaalam ng totoong Shintaro Terrano… Ikaw lang ang hahayaan kong makaalam.”
Fantasy
2.6K viewsOngoing
Read
Add to library
Come To Me, Mistress

Come To Me, Mistress

Si Seraphina Velarde—isang masipag, maganda, at palaban sa buhay ay isang babaeng nahulog sa bawal na pag-ibig. Isa siyang kabit—isang relasyong lihim, isang pagmamahalang itinatago. Sa kabila ng init at atensyong natatanggap niya, nananatiling may kulang… sapagkat hanggang kailan siya magiging pangalawa? Hanggang kailan siya mamahalin sa dilim? Dahil kahit ilang ulit pa siyang angkinin sa mga gabing punong-puno ng pagnanasa, may isang alaala pa rin siyang hindi matakasan, isang gabing nangyari walong buwan na ang nakalipas. Isang one-night stand na punong-puno ng damdamin, init, at koneksyon. Hindi niya matandaan ang mukha ng lalaki, pero hindi niya malilimutan ang haplos. Ang gabing iyon ang nagbukas sa kanya sa tunay na sarap—ang klase ng sensasyong hindi niya muling naranasan. At ang lalaking iyon ay si Pierce Damien Saveedra—isang makapangyarihan, misteryoso, at hindi niya inaakalang muling papasok sa buhay niya. Sa bawat pagtatama ng kanilang mga mata, sa bawat paglapit, dama ni Seraphina na siya ang lalaking iyon—ang unang dumampi sa kanya, ang lalaking hindi lang nagpagising sa kanyang katawan kundi sa kanyang pagkatao. Si Pierce ang lalaking nagparamdam sa kanya ng pagmamahal na hindi palihim. Sa mga titig at haplos niya, ramdam ni Seraphina na hindi siya kailanman magiging pangalawa. Naramdaman nyang karapat-dapat din siyang mahalin ng buo, walang kahati, at walang limitasyon. Sa piling ni Pierce, unti-unti niyang natutuklasan kung ano ang ibig sabihin ng pagmamahal na totoo—yung hindi kailangang itago, hindi kailangang ipaglaban sa dilim… kundi isang pagmamahal na malaya, malinaw, at buong-buo.
Romance
10384 viewsOngoing
Read
Add to library
Our Unexpected Love Story

Our Unexpected Love Story

author_aii
Janine Mendoza is a very obedient daughter. She doesn't know how to lie in her parents and she value family among all. Maayos na sana ang buhay niya kung hindi lang siya napalapit sa lalaking lagi niyang kabangayan at naging paborito siyang asarin-Gemar dela Cruz. Nang dahil sa lalaki ay natuto siyang magsinungaling at sumuway sa magulang. Handa na sana niyang ipaglaban ang pagmamahal niya sa lalaki kung hindi lang nalantad ang sekreto ng kanilang pamilya. Isang sekretong sapat na para makasira sa tiwala't pagmamahal niya. Maniniwala ba siya sa nalaman niya o magpapatay malisya lang siya? Kaya ba niyang ipaglaban ang pagmamahal niya kung sa mata ng pamilya nila ay maling magpatuloy pa? Feelings niya laban sa pamilya, kaya niya ba?
YA/TEEN
102.1K viewsOngoing
Read
Add to library
Miss Misunderstood

Miss Misunderstood

Wysteriashin
Bata pa lamang si Elyana, pangarap na niya ang magkaroon ng isang malaking pamilya dahil alam niya ang pakiramdam ng walang kapatid. Kaya naman nang makasal siya kay Finn na isang bilyonaryong taga-England, sinubukan nila ang lahat ng paraan para matupad iyon kahit ilang beses na silang nabigo. Sa limang taon nilang pagsasama, unti-unting nagbago si Finn na kapansin-pansin sa mga mata ni Elyana. Hanggang isang araw pinasundan niya ito sa isang tao at napag-alam na may kalaguyo pala ito. Ang masama pa, nahuli niya siya na maykas*ping sa kama sa mismong rest house na regalo pa ni Finn noong wedding anniversary nila. Nang muli silang nagkaharap, naglakas-loob si Elyana na itanong kung ano ang dahilan, bakit siya nagtaksil at ang sagot ni Finn, iyon ay dahil hindi raw kaya ni Elyana na mabigyan siya ng anak. Napakasakit para sa kaniya na marinig ang mga iyon. Nag-file siya ng diborsyo at nang maaprubahan, nagpasyang umuwi ng Pilipinas upang kalimutan ang lahat. Sa tulong ng matalik na kaibigang si Felicity, unti-unti niyang tinanggap na hindi na kailanman matutupad ang panngarap na iyon, ngunit isang araw, babalik si Finn dala ang katotohanan at ayusin ang nasira nilang buhay. Nararapat ba para kay Finn ang kapatawarang kan'yang hangad? Mapapatawad pa kaya ni Elyana ito matapos nitong wasakin ang kan'yang puso, pagkatao na halos ikabaliw niya noon at ang tiwala na walang pagdadalawang-isip na inalay rito?
Romance
9.85.1K viewsCompleted
Read
Add to library
Pleasure Me Uncle Wild (SPG)

Pleasure Me Uncle Wild (SPG)

BABALA: Hindi ito kwento ng tamang pag-ibig. Ito ay kwento ng tukso, init, at bawal na pagnanasa. Rated SPG – Striktong Patnubay at Gabay ng matatanda ang kailangan. May maiinit na eksena, maseselang tagpo, at wild na panunukso na hindi para sa mahihina ang loob. Kung ikaw ay inosente, konserbatibo, o madaling ma-turn on… basa sa sariling pananagutan. Pero kung handa ka sa isang kasalanang hindi mo pagsisisihan... then come closer. Uncle Wild is waiting. ******* Pleasure Me, Uncle Wild An Erotic Romance by [Zairaliyah_dezai] ******* Cheerleader. Campus darling. Girlfriend ng pinakapopular na varsity player sa unibersidad. Sa mata ng lahat, perfect na ang buhay ni Asia—hanggang sa masaksihan niyang mismo ang pagkawasak nito. Sa loob ng madilim at amoy-klorox na banyo ng gym, nakita niya ang pinakamalupit na pagtataksil—ang nobyo niyang si Jasper, nakikipagtalik sa mismong bestfriend niyang si Trista. Punit ang puso, nanginginig ang katawan... pero bago pa man siya tuluyang masiraan ng bait, isang lalaking estranghero ang biglang sumugod sa eksena. Matangkad. Mapanganib. Matipuno. At may tinig na parang kasalanan ang bawat salitang binibitawan. "Uncle Wild!" sigaw ni Jasper. Asia's breath hitched. Sa halip na galit at luha, isang mas matinding init ang gumapang sa kanyang katawan. Sino siya? Bakit ang isang titig lang niya'y parang kayang burahin ang lahat ng sakit? At bakit, sa bawat iglap, tila gusto na niyang isuko ang sarili sa lalaking masyadong bawal... pero masyadong masarap? Handa ka na bang matukso sa lalaking hindi mo dapat ginugustong mahalin? Dahil minsan, ang kasalanan… ay nagsisimula sa isang sulyap. ---
Romance
1017.4K viewsOngoing
Read
Add to library
My Playboy Boss

My Playboy Boss

30 years old Aia Cerez works for almost 9 years as secretary of a playboy CEO. Ang amo nya ay isang dominanteng palikero na lahat na lang yata ng babaeng lalapit dito at magpapakita ng motibo ay papatulan nito. Sino ba namang hindi mahuhulog sa taglay na kagwapuhan at kakisigan ng isang Dark Oxford? Lahat ng babae ay napapatanga sa tuwing makaka harap siya. Makalaglag panty ang taglay nyang karisma na tanging si Aia lang yata ang hindi tinatablan. Sya lang ang bukod tanging babae na hindi nito nakakitaan ng interes sakanya kaya naman magkasundong magkasundo sila. Aia is already thirty years old Kaya naman pressured na pressured na rin siya sa kanyang lola na gustong gusto na syang magka asawa. Hanggang ngayon kasi ay hindi nya pa rin makita ang lalaking magpapa interes sakanya. Masyado syang pihikan sa lalaki. Dahil walang mapisil na magiging karelasyon ay naisipan nya na lang magpa buntis. Tama! Hindi nya kailangan ng lalaki sa buhay nya kung sakit ng ulo lang ang ibibigay sakanya in the near future Kaya naisipan nyang mag punta sa isang bar. Dala ng kalasingan ay nagawa nyang makipag kilala sa isang lalaki at ayain itong makipag talik sakanya. Kinaumagahan pag mulat nya ng mata ay ang Boss nya ang nakita nyang katabi nya sa kama. Pero paanong ito ang nakaniig nya gayong kahit lasing sya ay alam nyang hindi ito ang huling kausap nya? Paano nya haharapin ang Boss nyang babaero matapos ang nangyari sakanila?
Romance
9.81.6M viewsOngoing
Show Reviews (98)
Read
Add to library
Rochellevi
So far maganda ang takbo ng story,saka na ko magbibigay ng full review pag matapos ko na basahin ang buong kwento. Nakakadala na kasi magbigay ng good review sa una kasi dun sa isang nabasa ko pagdating sa bandang huli ang pangit na ng takbo ng story, parang ayoko na tuloy basahin ang ending nya
anghel sa lupa
sa dami ng nabasa ko story dto lang ako nag top up tlaga Kasi maganda kwento nung umpisa pero parang sayang Kasi habang palayo ka ng palayo papangit ng papangit wla na kilig.Wala na kwenta pag aksayahan ng Oras basahin puro pasakit Kay Aia talaga bkt Kaya d nman lalaki ang bigyan nya ng pasakit hays
Read All Reviews
Miss Quack meets Doc Paul

Miss Quack meets Doc Paul

Maganda. Inosente. Probinsyana. Ilan lang 'yon sa mga katangian ni Karen, o mas kilala bilang Miss Quack sa baryo nila. Araw-araw, iba't ibang halamang gamot ang tinda niya. May gumagaling—mayroon namang ayaw na lang magreklamo dahil sinusungitan niya. Si Paul, isang doktor. Guwapo. Mayaman. Magaling--lalo na sa kama. Nang magtagpo ang landas nina Miss Quack at Doc Paul, 'ika nga'y mata lang ang walang latay sa damdamin nilang tila nagliliyab, sa isang gabing tila wala nang bukas. Napakasaya ni Karen. Akala niya'y totoong mahal nga siya ni Paul. Pero ang walanghiya, iniwan siya bigla! Ang sarap--este, ang sakit na naramdaman niya'y mas tumindi nang iwan siya nito ng pera. Hindi pa nakontento, nag-iwan din ito ng supling na kaugali nito. Not just one, but two! Ano'ng gagawin niya kung magkita silang muli? Mapanindigan niya kaya ang pangakong, WHO YOU? na ito sa kaniya?
Romance
104.6K viewsOngoing
Read
Add to library
Perbaiki Hidup Mama!

Perbaiki Hidup Mama!

kotak kuning
Setelah merasakan tekanan yang tak habis-habis atas perbuatan Papa tirinya, Rani menjadi frustasi dan berpikir untuk bunuh diri. Tetapi bukannya dikirim ke alam baka, Rani malah berpindah ke tubuh Mamanya di masa lalu. Bagaimana cara Rani menangani situasi ini? Apa yang akan dia lakukan selanjutnya?
Romansa
102.6K viewsOngoing
Read
Add to library
PREV
1
...
454647484950
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status