Filter dengan
Status pembaruan
SemuaSedang berlangsungSelesai
Sortir dengan
SemuaPopulerRekomendasiRatingDiperbarui
The Nanny of the Cold Billionaire CEO'S Heartless Son

The Nanny of the Cold Billionaire CEO'S Heartless Son

Si Violet Rodriguez, isang masayahin at madiskarteng dalaga, ay may madilim na nakaraan na pilit niyang kinakalimutan. Nagpasya siyang magtrabaho bilang babysitter, kung saan nakilala niya ang iba't-ibang tao, kabilang na ang bilyonaryong si Black at ang kanyang anak. Sa kanyang pagtatrabaho, hindi lamang ang puso ng bata ang kanyang napaamo, kundi pati na rin ang puso ng ama. Ngunit ang kanyang tahimik na buhay ay muling nagulo nang dahil sa mga taong nag hahabol sa kayamanang meron si black Sa gitna ng mga pagsubok, pagtatangka sa kanyang buhay, at mga lihim na nabubunyag, natagpuan ni Violet ang pag-ibig kay Black. Ngunit ang kanilang relasyon ay hindi naging madali, lalo na nang dumating ang mga taong gustong silang paghiwalayin at gamitin sila para sa kanilang sariling interes. Paano niya ipaglalaban ang pag-ibig at katotohanan kung ang kanyang iniingatang pamilya ay nadamay sa isang brutal na paghihiganti? Makakamit ba niya ang hustisya para sa pamilya, at maabot ang kapayapaan at kaligayahan na matagal na niyang hinahanap?
Romance
415 DibacaOngoing
Baca
Tambahkan
Make Me Your Wife

Make Me Your Wife

aeonia
Akala ni Iyana Lopez ay hindi na siya muling tatapak pa sa mansyon ng mga Gromeo pagkatapos ang divorce na naganap sa kanila ni Bryant Gromeo. Ngunit isang araw ay natagpuan na lamang niya ang sarili na muling nakatayo sa harap ng mansyon dahil sa aksidenteng naganap sa anak. Baon si Iyana sa utang. Kailangang operahan ang anak niya at kailangan niya ng pera upang mailigtas ang buhay ng anak. Tanging si Bryant na lang, ang ama ng anak niya, ang naisip niyang makatutulong sa kaniya. Ngunit pagkatapos magmakaawa at lumuhod ni Iyana, sa huli ay natagpuan niya ang sarili niyang lumuluha sa labas ng mansyon ng mga Gromeo. Doon siya natagpuan ni Arden Gromeo, ang kapatid ni Bryant. Desperado si Iyana na siyang dahilan ng nangyaring pagtanggap niya sa kasunduan na matagal nang inalok sa kaniya ng lalaki. Papakasalan ni Iyana si Arden kapalit ng pagligtas nito sa anak niya. Ang akala ni Iyana ay natapos na ang problema niya. Ngunit, paano kung 'yon lang pala ang simula?
Romance
101.7K DibacaOngoing
Baca
Tambahkan
Owned by His name

Owned by His name

Isang pirma. Isang apelyido. Isang kasunduang tuluyang babago sa buhay ni Celestine Ramirez. Walang kaalam-alam sa galaw ng mga makapangyarihang tao, napilitang pumayag si Celestine sa isang kasal na hindi niya ginusto—isang papel na dapat sanang gampanan ng kapatid niyang tumakas sa responsibilidad. Ang lalaking pinakasalan niya? Si Lucas Arguelles Sevllia. CEO ng Arguelles Holdings. Kilalang malamig, walang puso, at kayang pabagsakin ang sinumang hindi sumunod sa kanya. Akala ni Celestine, tatlong buwan lang ang lahat—hanggang makansela ang kontrata. Pero paano kung ang lalaking walang pakialam ay unti-unting nagiging protektibo, mapagmasid, at... mapagmahal? At paano kung sa likod ng tahimik nitong pagkilos, ay ang matagal nang lihim—na hindi aksidente ang pagkakapili sa kanya? "Hangga’t dala mo ang apelyido ko, akin ka," bulong ni Locas sa kanyang tainga. "At hindi ko hayaan na maagaw ka ninuman." Pero sa mundong puno ng lihim, kasinungalingan, at makakalaya pa ba siya sa isang pangalang hindi niya pinili… ngunit minahal na niya?
Romance
923 DibacaOngoing
Baca
Tambahkan
You Broke Me First

You Broke Me First

Diosa Mei
Nagkamali si Yhzel nang tanggapin niya ang pag-ibig ni Menard. Naniwala siya sa matatamis nitong salita ngunit sa huli ay sinaksak siya nito ng patalim mula sa likuran. Pagkatapos nitong makuha ang lahat ng kayamanan niya ay saka nito inilabas ang mga sungay na hindi niya nakita dahil sa pagkabulag sa pagmamahal dito. Nalaman niyang matagal ng may relasyon sina Menard at ang sekretarya niyang si Sasha. Hinayaan niyang isipin ng mga itong patay na siya para sa kanyang pagbabalik ay pagbayarin niya ang mga ito sa kahayupang ginawa sa kanya. Walang puwang sa puso niya ang pagmamahal hangga’t hindi niya naipaghihiganti ang kahihiyang ipinalasap ng mga ito sa kanya at ang muntikan nang pagpatay ng mga ito sa kanya at sa kanyang anak. Ngunit mapipigilan nga ba ang puso? Kung sa tuwing kakailanganin niya ng lakas at masasandalan ay nariyan ang isang Rhett Montezar na handa siyang protektahan at ipaglaban sa kahit na sinong gustong manakit sa kanya?
Romance
1.5K DibacaOngoing
Baca
Tambahkan
My Drop-Dead, Gorgeous Rebound

My Drop-Dead, Gorgeous Rebound

Elena Parks
Matagal pinangarap ni Fae makatuluyan sa paglaki ang kinakapatid, pero d-in-ate nito at pakakasalan ang kanyang college bestfriend. Heartbroken man, dumalo siya sa kasal kaso fake pala ang invite kagagawan ng malditang babae. So... napahiya siya, nakagawa ng eskandalo, at niligtas ni Jigo na bestfriend ng groom bago siya mapahamak sa kalasingan noong gabing iyon. He ends up carrying her to his suite—right into a perfect rebound situation. Jigo is decent, a gentleman—alright. And drop-dead gorgeous! Wala nang Carl so who cares if she goes for another man? She discovers a perfect Mr. Rebound behind closed doors. Hot sex, sweet talk, flirting... she's so comfortable with him kaya pinutol agad ni Fae ang weekend at tumakas. She can't fall in love with a rebound! Noong kumatok ito sa kanyang pinto sa Manila all familiar and real, she's already missing him like crazy. Hindi na siya lumaban... and the next days and nights are the best of her life! She starts to hope that maybe, walang Mr. Rebound. Maybe... he's actually Mr. Right.
Romance
103.5K DibacaOngoing
Baca
Tambahkan
THE BILLIONAIRE’S MARTYR WIFE

THE BILLIONAIRE’S MARTYR WIFE

Musika
Si Rebecca Jacinto ay ikinasal sa kaniyang matagal na kasintahan na si Roland Estrella. Matagumpay nilang naisagawa ang kanilang kasal subalit isang hindi inaasahang trahedya ang nangyari sa mismong araw na iyon. Nagkaroon ng amnesia ang kaniyang asawa dahil sa isang aksidente na tumagal ng ilang taon. Ang pangyayari na iyon ang naging dahilan upang magkaroon ng pagkakataon na pumasok sa buhay nila ang kaniyang biyenan na si Zenaida Estrella para pahirapan siya. Sa kabila ng masamang pagtrato ng kaniyang sariling biyenan ay nanatili siya at hindi sumuko. Patuloy pa rin niyang pinagsisilbihan ang asawa. Ngunit lingid sa kaniyang kaalaman na iyon ang magiging mitsa para mas lalong umapaw ang galit ng kaniyang biyenan para paghiwalayin silang mag-asawa. Dinala pa nito ang ex-girlfriend ng kaniyang asawa na si Cynthia Sebastian na tanging nakikilala ng kaniyang asawa. Hanggang saan tatagal ang pagiging martyr na asawa ni Rebecca? Handa ba siyang ipaglaban ang kaniyang pagmamahal sa asawang hindi siya maalala o susuko na lang at ipauubaya sa iba ito?
Romance
10900 DibacaOngoing
Baca
Tambahkan
SHOW ME HOW - JAN QUARO ZODIAC

SHOW ME HOW - JAN QUARO ZODIAC

TALACHUCHI
RISE ABOVE THE ZODIACS SERIES | Uno - AQUARIUS Title: Show Me How (Jan Quaro Zodiac's Story) Genre: Romantic comedy | Light Erotica | R-18 Synopsis: Jan Quaro Zodiac is the owner of the "Panaderia De Quaro". Tagamasa. Tagasalang. Tagabalot. Tagabantay. Tagatinda. Tagasilbi. He is a one-man army; kaya niyang gawin ang lahat ng mga gawain sa shop nang mag-isa. He has never employed a single soul since he opened his business as he was just too proud and confident working alone. He has been running his bread-slash-coffee shop for years now, at ang madalas niyang mga customers ay pawang mga babaeng estudyante sa katabing kolehiyo na walang ibang ginawa kung hindi magpa-cute sa kaniya. Everybody wants to get the shop owner's attention, but if you ain't buying his bread and cookies, Quaro won't entertain. Pero iba ang diskarte ng isang dalagita na matagal nang pabalik-balik sa shop ni Quaro; dinaan ba naman sa mala-Oscars na drama ang binata upang mapansin nito? Kahit ang matalino at wais na si Quaro ay nalinlang! Paanong drama at anong diskarte ba 'ka mo? You will have to read and find out yourself.
Romance
2.4K DibacaTamat
Baca
Tambahkan
A night with the Ruthless Mr. Andreev

A night with the Ruthless Mr. Andreev

It all started with a dare: to kiss the first hot man to walk in the club. Hindi masyado itong pinag-iisipan ni Delancy dahil wala namang mawawala kung papayag siya sa dare na ‘yon. And since she’s already drunk, mayroon na siyang lakas ng loob na halikan kung sino man ang gwapong pumasok sa bar. But the thing is, Delancy was too drunk to recognize the person who walked in. Basta na lamang niya itong siniil ng halik. The next morning, Delancy woke up beside someone, naked. And to her surprise, it was her father’s business partner! Ang kanyang ninong matagal na niyang hindi nakikita! The Russian billionaire, Cydine Andreev. Scared, Delancy escaped that morning, praying not to cross paths with him again. Ngunit masyadong naging tuso ang kapalaran sa kanya para muli silang pagtagpuin ng landas sa party mismo ng kanyang ama. But what made it more funny is there was something made after that one night with Mr. Andreev! Is she going to tell him about it? Or will she run away and keep it? “Kaya ko namang makipagsuntukan sa daddy mo. H’wag mo lang akong iwan ulit.”
Romance
9.851.4K DibacaOngoing
Baca
Tambahkan
Hiding Her Identity

Hiding Her Identity

Diena
I am just an ordinary woman who are used to not be valued because I am not suited to be with a rich man. It is unfair and I am hurt. There's no status in life when it comes to love but it's different now because the poor are just for the poor and the rich are for their fellow rich. When my ex-boyfriend and I broke up hindi na ako muling pumasok sa isang relasyon, na trauma na ako. Akala ko pwede ang isang tulad kong mahirap para sa kanya na isang mayaman pero akala ko lang pala iyon dahil ang mahirap na isang tulad ko ay malabo na mapunta sa isang mayaman na katulad niya. One thing that I want in life is to be loved by the person I love and see my worth even though I am a simple woman and I have a simple life. Unexpectedly, Kenzo Juaquin Marasigan came into my life. A freaking hot police man, a rich and heir of M&K Citi Hardware na may lihim na pagmamahal sa'kin matagal na panahon na. But what if he knows my true identity he will still love me as I am or he will only love me because of my true status in life?
Romance
104.3K DibacaOngoing
Baca
Tambahkan
Ninong Elias Got Me Pregnant

Ninong Elias Got Me Pregnant

Dalawang taon na ang lumipas ngunit hindi pa rin nakakalimutan ni Erica ang gabing nagbago ng lahat. Isang umagang iniwan niya ang lalaking hindi niya kilala, dala ang perang kinuha mula sa pitaka nito at ang lihim na kalaunan ay magiging bunga ng isang anak na babae. Simula noon, mag-isa niyang itinaguyod ang bata, walang alam sa tunay na pagkakakilanlan ng ama. Sa unang araw niya bilang janitress sa isang mataas na gusali, inatasan siyang linisin ang opisina ng CEO sa top floor. Doon niya nabasa ang pangalang matagal nang pamilyar sa kanya, si Elias Samonte, ang ninong na hindi kailanman nagpakita sa kanyang buhay. Ngunit ang mas malaking pagkabigla ay nang harapin siya ng lalaking nasa loob ng opisina. Sa isang iglap, bumalik ang alaala ng gabing pilit niyang kinalimutan. Ang lalaking nakatayo sa harap niya ay ang estrangherong naging ama ng kanyang anak. At sa muling pagtatagpong iyon, malinaw na ang nakaraan na kanyang tinakbuhan ay hindi pa tapos sa kanya.
Romance
308 DibacaOngoing
Baca
Tambahkan
Sebelumnya
1
...
2526272829
...
47
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status