“Hindi na, Rion. Pagod na rin ako. Gusto ko na magpahinga,” sagot ko gamit ang mababang boses. Pinanood ko kung paano maglaho sa paningin ko ang puting kotse kung saan nakasakay ang dalawa. Mabilis ang takbo niyon na ilang segundo lang ay nakalayo na agad sila.“Girl! That's your husband with another woman! Hindi niyo pa ba napag-uusapan ang tungkol kay Denise?” kunot-noong tanong ni Rion na inilingan ko lang.“Aren't you bothered? Kinakabahan ako sa 'yo ha, Iyana.”Nakagat ko ang ibabang labi ko. “Pumunta kaninang umaga si Denise rito, hinahanap si Arden. Kaya lang ay wala siya kanina. Mukhang mabait naman siya...”Hindi makapaniwalang tumingin sa akin ang lalaki. “Oh my god...”Muli akong umiling at tuluyang tinanggal ang seatbelt na nakakabit sa akin. “Dito na lang ako, Rion. Thank you for today. Mag-iingat ka pauwi.”Nagtataka ang mga mata ng lalaki habang nakatingin sa akin. “Iyana? Sigurado kang ayos ka lang? Babalik talaga ako rito bukas!”Manong Ben immediately helped me wit
Nakakahiya. Sobrang nakakahiya ang sinabi ko na hindi ko na mabilang kung nakailang mura ako sa isip ko. Tinakasan ko si Arden sa kusina at agad tumakbo papunta sa kuwarto at nagkulong doon. Sinigurado ko ring naka-lock ang pinto para hindi makapasok ang lalaki kung sakali mang sundan niya ako.Iyon na yata ang pinakanakakahiyang araw sa buong buhay ko. Masiyadong nag-init ang mga pisngi ko dahil sa kahihiyan at wala akong ibang nagawa kundi ang tawagan si Rion habang nagdadasal na sana ay sumagot siya agad.At mukhang narinig naman ang panalangin ko. “Hey! I'm on my date—”“S-Sunduin mo ako rito, please? Rion? Parang awa mo na.”Narinig ko pa siya na tila kausap ang boyfriend niya sa kabilang linya. Ilang segundo pa ang lumipas bago ako muling kinausap ni Rion.“Okay. On the way na.”Mabilisan akong naligo. Sa sobrang bilis ng kilos ko ay parang anumang oras ay mahahanap ako ng tinataguan ko. Parang tanga lang dahil tila wala namang pakialam sa akin si Arden! Ni hindi nga niya ako
The word 'beautiful' isn't enough to describe her, and I am not really in the mood to describe today. Hindi na rin kinailangang magpakilala ng babae para malaman ko kung sino siya.She must be Denise. Umalis din agad ang babae nang malaman na wala si Arden. Mukhang hindi siya na-inform ng lalaki, ah? Sayang naman ang pagpunta niya rito.Ang hirap pala ng walang maistorbo. Hindi ko magawang tawagan si Rion dahil malamang ay busy pa 'yon sa ganitong oras, gano'n din si Karl na siguradong abala na rin sa pagtitinda sa palengke ngayon.Ang anak ko naman ay focused sa panonood ng favorite cartoons niya sa TV. Sina Nanay Lina at Tatay Rico naman ay baka mamayang hapon pa pupunta rito. Napatingin ako kay Zara na nakaupo sa harap namin ng anak ko. Abala rin siya sa pinapanood ni Aeon.“Ilang buwan ang kontrata mo rito, Zara?”“Two months po, ma'am.”Tumango-tango ako. “Anong balak mo pagkatapos mo rito?”“Babalik po ako sa ospital.”“Siguradong nakakapagod ang trabaho mo sa ospital. Nakakap
Kung ano man ang nalaman ko noong araw na 'yon ay wala na ako ro'n. It was Arden's life before our deal. It shouldn't concern me anymore.Mabilis dumaan ang mga araw. Gano'n siguro talaga kapag kabisado mo na ang dapat mong gawin araw-araw. Limang linggo na simula nang maaksidente ang anak ko at naghilom na rin sa wakas ang sugat niya. Siyempre, may peklat na naiwan ang sugat niya mula sa operasyon ngunit dahil unti-unti na ring tumutubo ang buhok ni Aeon ay matatakpan din 'yon. Nakabalik na rin si Rion sa Pilipinas at katatapos niya lang din akong inisin kaninang umaga. Kababalik niya lang dito sa bansa pero inaaya niya na agad akong samahan siya na magwaldas!Mukhang pinarating niya rin kay Arden ang pangungulit niya sa akin. Tinitigan ko lang ang black card na inaabot sa akin ni Arden nang malaman niya na inaaya akong mag-shopping ni Rion. Nakakainis nga dahil parang hindi naman niya ako kilala!Kailan pa ako nahilig na magwaldas?!“Wala talaga akong balak lumabas, Arden. Hindi k
“Honeymoon month niyo tapos pinapapunta mo ako riyan?!”Nailayo ko ang cellphone ko mula sa tenga ko nang marinig ang pasigaw na bungad sa akin ni Rion nang sagutin ko ang tawag niya. Katatapos ko lang makipag-usap kay Karl nang matanggap ang tawag ni Rion na mukhang nabasa na ang mensahe ko.Honeymoon week lang noong nakaraan ah? Bakit naging honeymoon month bigla?“Don't tell me you're bored? Go try all the positions!”Napamura na lang ako sa isip ko habang hininaan ang volume ng tawag.“Rion naman!” Narinig ko ang malakas na pagtawa ng lalaki sa kabilang linya. “Wala pa ako sa Pilipinas. Balak ko namang bisitahin ka riyan pero siyempre, hindi pa ngayon! Just go and enjoy Arden—”“K-Katatapos lang namin and I'm currently resting! Huwag mo akong asarin!”Sandaling natahimik ang kabilang linya kaya naman rinig na rinig ko ang lakas ng pagtibok ng puso ko.Did I just say that?! Muli akong napamura sa isip ko.“Buti ka pa, fresh from dilig! Iniinggit mo ba ako?!”Napahilot na lang ako
“Anong nararamdaman mo, 'nak? May masakit pa ba? Tell mommy, okay?”Ngumuso ang anak ko at umiling sa akin. “Magaling na po ako. 'Di ba po, ate Zara?”Bahagya kaming natawa ni Zara dahil sa paghahanap ng kakampi ni Aeon. Tatlong araw na simula noong pabalik-balik ang lagnat niya at ngayong umaga lang ako nakahinga nang maluwag dahil hindi na siya mainit ngayon. Medyo inuubo pa siya ngunit pilit akong kinukumbinsi ng bata na magaling na siya.Tatlong gabi akong natulog sa tabi niya dahil hindi ko siya magawang iwan. “Mommy, puwede na po ba akong maglaro sa labas paggising ko mamaya?”Bumuntong-hininga ako. “Dito lang sa loob ng bahay, 'nak. Masiyadong mainit sa labas, hindi pa puwede.”Nang malaman na nilalagnat ang bata ay agad nagpapunta si Arden ng doktor dito sa bahay. Nakahinga kami nang maluwag nang malaman na wala namang kinalaman ang lagnat ni Aeon sa naging operasyon niya sa ulo at nabigla lang daw ang katawan ng bata dahil sa temperatura.Nahilig kasi ang anak ko sa paglalar