Filter By
Updating status
AllOngoingCompleted
Sort By
AllPopularRecommendationRatesUpdated
Seducing My Billionaire Stepbrother

Seducing My Billionaire Stepbrother

Heather Shine Villafuerte, isang kilalang model at nag-iisang anak na babae ng mga Villafuerte. Sa murang edad ay nakabisado na niya ang bawat sulok ng entablado at ang bawat kislap ng camera na nakatutok sa kaniya. Sa kabila ng karera, isang mortal na kaaway ni Heather and hating-kapatid niya na si Philip Raven Kingsley. Si Philip ang lalaking anak ng ina ni Heather sa ibang lalaki. Sa mga kamay ni Philip ipinaubaya ng mga magulang ni Heather ang kumpanya na dapat ay nasa kaniyang pangangalaga magmula nang maging sangkot ito sa aksidente. Pinili ni Heather gumawa ng sariling landas upang magkaroon ng lakas ng loob na bawiin ang kumpanya sa mga kamay ni Philip. Hindi niya alam na si Philip ay isang self-made billionaire. Pinapangalagaan lamang niya ang kumpanya upang maisalin ito sa tamang panahon kay Heather, at sa oras na mangyari ay aalis na rin siya sa pamilya Villafuerte. Sa pagkadesidido ni Heather na makuha ang kumpanya, naisipan niya na akitin na lamang si Philip at kapag napaikot na niya sa kaniyang mga kamay, kukunin niya ang loob upang ibigay sa kaniya ang mga ari-arian na naiwan ng kaniyang mga magulang. Ngunit hanggang saan nga ba ang plano na ito ni Heather? Maaari nga ba na mahulog na siya ng tuluyan kay Philip?
10505 viewsOngoingIdinagdag sa Library 18 Beses bilang maugat na mata
Read
+Library
One Night Stand With My Boyfriend's Twin

One Night Stand With My Boyfriend's Twin

Si Amari ay isang simpleng babae na ipinanganak na independent. Simple lang ang buhay niya, kahit hindi siya kasing yaman o ganda ng ibang babae, kontento na siya sa kung anong meron siya at hindi na naghangad na umangat pa. Ang mahalaga sa kanya ay ang kanyang nakababatang kapatid na may Down syndrome, at ang matustosan ang pangangailangan nito. Sa edad kasi na 15, mulat na siya sa reyalidad. Mula nang iwan sila ng kanilang ina matapos mamatay ang kanilang ama para sa ibang lalaki, ay siya na ang tumayong ina at ama ng kanyang kapatid. Ngunit nagbago ang lahat nang sa araw na balak niyang ibigay ang kanyang sarili sa kanyang nobyo (si Harper), aksidente siyang pumasok sa maling kwarto. At sa kamalas-malasan, sa dami ng mga lalaking maaari niyang mapagbigyan ng kanyang pagkababae, ang kambal pa ng kanyang nobyo, si Hudson, na kinaiinisan niya ito naibigay. Si Hudson na isang arrogante, mayabang, at masama ang ugali, na walang ibang ginawa kundi laitin, kutyain, at sirain ang kanyang araw.
101.9K viewsOngoingIdinagdag sa Library 44 Beses bilang maugat na mata
Read
+Library
The Revenge of Iza

The Revenge of Iza

Iza, isang matagumpay na negosyanteng babae na tila nasa kanya na ang lahat - isang mayaman na asawa, isang pamilya, at isang maunlad na karera. Sa araw kung saan nalaman nyang buntis sya ay wala na syang maihihiling pa. Gayunpaman, gumuho ang kanyang mundo nang matuklasan niya na ang kanyang asawa, si Roman, at ang kanyang kapatid na si Rebecca, ay may lihim na pag-iibigan at nagtaksil sa kaniyang likuran. Hindi makapaniwala si Iza at luhaang umalis sa unit ng asawa, hanggang sa maganap ang aksidenteng babago sa kaniyang buhay. Matapos ang anim na taon, nagpasya si Iza na tanggapin ang mga bagay sa kanyang sariling mga kamay. Taglay ang matibay na determinasyon, masinsinan niyang pinaghandaan ang kanyang paghihiganti laban kina Roman at Rebecca. Habang mas lumalalim ang kanyang paghahanap ng kasagutan, natuklasan niya ang lihim at nakatagong motibo na sumagot sa lahat ng inaakala niyang alam niya tungkol sa kanyang mga mahal sa buhay. Dapat niyang harapin ang sariling mga desisyon at makipagbuno sa kumplikadong pag-ibig at pagpapatawad. Sa paghihiganti na hinahangad ni Iza, mahahanap ba niya ang pagmamahal at hustisyang hinahanap, o uubusin siya ng pagkauhaw niya sa paghihiganti, na hahantong sa kanya sa landas na walang kasiguraduhan?
9.640.0K viewsOngoingIdinagdag sa Library 1.6K Beses bilang maugat na mata
Read
+Library
The Mafia' Seeds Thief

The Mafia' Seeds Thief

Si Lucky ay NBSB, at isang matagumpay na manunulat ng erotika. Lumaki siyang malaya at may sariling kakayahan kahit na ipinanganak siya sa isang mayamang pamilya. Siya ay kontento na sa kanyang dalawampu't walong taong pag-iral. Gayunpaman, umabot siya sa punto ng kanyang buhay na nais niyang magkaroon ng anak. Nasa tamang edad na si Lucky; marami na siyang naipon na pera at may sariling bahay. Ito rin ang paulit-ulit na hinihiling ng kanyang mga magulang. Isa lang ang problema ni Lucky: dumaranas siya ng genophobia, isang mental health disorder na nailalarawan sa pamamagitan ng takot sa sekswal na intimacy. Walang ibang nakakaalam sa kalagayan niya bukod sa matalik niyang kaibigan na si Genesis. Maging ang sariling pamilya ay walang kamalay-malay dahil natatakot siyang kutyain ng iba ang kanyang kalagayan; kaya, hindi solusyon ang pag-ampon sa kanyang pagnanais na magkaroon ng anak. Isang opsyon lang ang maiisip niya: IUI, isang medikal na pamamaraan kung saan direktang itinatanim ang sp*rm ng isang lalaking donor sa matris ng babae. Sinabi ni Lucky kay Genesis ang tungkol sa kanyang plano, at sinuportahan siya ng kanyang matalik na kaibigan; gayunpaman, nang sabihin niya na gusto niyang si Genesis ang kanyang sp*rm donor, tumanggi ang lalaki, na sinasabing ayaw niyang managot sa sinumang babae, lalo na kay Lucky. May paraan na, pero hindi inasahan ni Lucky na mahihirapan siyang kumbinsihin ang matalik na kaibigan, kaya naman gumawa ng krimen si Lucky isang gabi matapos makipagtalik si Genesis sa kanyang flavor of the month; ninakaw niya ang ginamit na condom ni Genesis. Magtatagumpay kaya ang insemation ni Lucky? Ano ang mangyayari sa pagkakaibigan nila ni Genesis dahil sa makasarili niyang desisyon? Mawawasak ba sila o may bagong pag-ibig ang uusbong sa panahong sinubok ang kanilang pagkakaibigan.
1017.3K viewsKumpletoIdinagdag sa Library 362 Beses bilang maugat na mata
Read
+Library
Sorry, Mr. Trillionaire… I’m Not Yours Anymore. Let Me Go!

Sorry, Mr. Trillionaire… I’m Not Yours Anymore. Let Me Go!

Synopsis She Loved Him yet she Left Him He Loved Her but not Anymore, sort of. After 5 years, Gumawa ng paraan ang tadhana para pagtagpuin silang muli. Mabubuhay kayang muli ang pag-iibigan na kinalimutan na ng panahon kung ang kaakibat nito ay mahukay muli ang mga nagdurogo nilang puso at sakit na pilit nilang itinago sa nakalipas na taon. Bakit ka pa bumalik? Umalis ka, Sana nilubos lubos mo na dahil ayaw na kitang makita pa -Sanford Mahal na mahal pa rin kita kahit ang sakit sakit na -Laurice
148 viewsOngoingIdinagdag sa Library 5 Beses bilang maugat na mata
Read
+Library
MAGDA:THE PRODIGAL SERIES 1

MAGDA:THE PRODIGAL SERIES 1

Jonai Barnabas
"MAPAGLARONG TADHANA." Ito lagi ang aking bukambibig sa tuwing binabalikan ko ang masasayang ala-ala ng nakaraan. Ang dati na masayang pamilya na binuo ng aking mga magulang na ngayon ay hindi ko na yata masisilayan pa. MAGDA ang tawag sa akin. Tulog sa umaga, gising sa gabi. Hindi ko ginusto ang kapalaran kong ito. Isang tanikalang bakal na tila nakagapos sa aking mga paa na kahit pilit akong kumawala ay wala akong magawa. Wala na bang pag-asang makaahon sa putik na aking kinalugmukan? Huli na ba ang lahat?
1.6K viewsOngoingIdinagdag sa Library 40 Beses bilang maugat na mata
Read
+Library
Comeback Revenge: Breaking My Cruel And Heartless Husband's

Comeback Revenge: Breaking My Cruel And Heartless Husband's

Sa limang taong kasal ni Daisy Lopez at Kent James Hernandez, pinanatili ni Daisy na maging maayos ang lahat kahit pa niyuyurakan na ang kanyang dignidad at pagrespeto sa sarili. Akala niya na kahit walang pag-ibig at siya lang ang nagmamahal, ay dapat na buo at kumpleto ang isang pamilya. Hanggang sa araw na nalaman niya na malubha na ang sakit ng kanyang nag-iisang anak at kasabay ng balita tungkol sa annulment ng kasal niya kay Keint. May umusbong na pag-asa sa puso ni Daisy dahil sa wakas, hindi na niya kailangan magpanggap pa bilang asawa ni Kent James. Ngunit hindi pumayag ang malupit niyang asawa, at nagbigay ng suhol sa lahat ng media at lumuhod sa harap niya, humihiling ito sa kanya na bumalik siya sa buhay nito. Pero humarap si Daisy sa dating asawa na may kasamang ibang lalaki at magkahawak ang kanilang kamay upang ipakita na may mahal na siyang iba.
101.0K viewsOngoingIdinagdag sa Library 21 Beses bilang maugat na mata
Read
+Library
My Brother's Best Friend (Filipino)

My Brother's Best Friend (Filipino)

Matagal na si Divine na may gusto sa best friend ng Kuya Ivan niya na si Marcus ngunit nililihim lang niya 'yon. Hindi niya sinasabi 'yon dahil nahihiya siyang umamin na may gusto siya rito. Ulilang lubos na silang dalawa ng kuya niya. Isang araw ay kinailangan ng Kuya Ivan niya na pumunta sa ibang bansa dahil napili itong isama ng boss nila na magtatagal ng isang buwan. Hindi naman puwedeng tumanggi ang kuya niya kaya pumayag ito. Ang problema lang ay wala siyang makakasama sa bahay nilang dalawa. Ayaw pa naman ng kuya niya na mag-isa lang siya. Naisip ng Kuya Ivan niya na doon muna patirahin sa bahay nilang dalawa na magkapatid ang best friend nito na si Marcus para may kasama siya. Mapagkakatiwalaan naman ito at higit sa lahat ay babantayan siya. Imbis na matuwa ay kinabahan si Divine matapos niyang malaman 'yon na ang matagal na niyang gusto na lalaki ay ang makakasama niya sa bahay nila habang wala ang kuya niya. Ano kaya ang posibleng mangyari sa kanilang dalawa na magkasama sa iisang bubong? Masabi kaya ni Divine ang totoong nararamdaman niya para kay Marcus? May chance kaya na mahalin rin siya ni Marcus pabalik kung umamin siya ng totoong nararamdaman niya para dito?
1015.7K viewsKumpletoIdinagdag sa Library 550 Beses bilang maugat na mata
Read
+Library
The Billionaire's Fiancee

The Billionaire's Fiancee

Mahal na mahal ni Hannah si Jared. Sampung taon na silang magkasintahan at ikakasal na, pero may ibang pakiramdam si Hannah sa kanyang fiancee. Pakiramdam niya ay m ay iba na ito kaya malamig na ang pakikitungo ni Jared sa kanya. Lalo pa siyang nag-isip nang makilala niya si Jane, ang buntis na kaibigan ni Jared.
9.613.1K viewsOngoingIdinagdag sa Library 446 Beses bilang maugat na mata
Read
+Library
Married to the Lost Heiress

Married to the Lost Heiress

“Habang patuloy na ipinaglalaban ko ‘tong nararamdaman ko sa ‘yo ay siya namang pagsira ko sa sarili ko…” Mahirap para sa isang Camilla Torres ang relasyon nila ng kaniyang Boss na si Herald Benedict Fonteverde. Hinahayaan niya kasi ang sarili na alipinin nito sa kama kahit alam ng lahat na kasal ang lalaki. Gusto ng kaniyang isip na makawala, ngunit ayaw ng kaniyang puso. Hanggang sa dumating sa punto na natatakot na siya, hindi para sa sarili kundi dahil sa anak niya. Paano na lang kung magkaisip ito at malaman na ang kaniyang ina ay isang kabit? Magawa kayang isakripisyo ni Camilla ang kaniyang kaligayahan? O magpapatuloy na lang kahit marami siyang maapakan? Paano kung pumabor nga sa kaniya ang kapalaran at sa oras din na dumating iyon ay siyang pagbunyag ng katotohanan na ang buong pagkatao niya ay isang malaking kasinungalingan lamang?
10976 viewsOngoingIdinagdag sa Library 35 Beses bilang maugat na mata
Read
+Library
PREV
1
...
4445464748
...
50
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status