Filter By
Updating status
AllOngoingCompleted
Sort By
AllPopularRecommendationRatesUpdated
My Tiring Life (Tagalog)

My Tiring Life (Tagalog)

Firedragon0315
Dumadating sa punto masakit ang pakawalan ang taong mahal na mahal mo. Subalit mas pipiliin mo ang magpaubaya kung alam mong napapagod ka na at wala na kapag-asa na magbabago ang lahat sa inyong dalawa. Mahal mo na siya ngunit malinaw sayo na may mahal siyang iba. Ganun si Vernice sa pag-ibig na nararamdaman niya sa kanyang asawa. Ngunit mas gugustuhin niya ang palayain ang sarili kesa ang tuluyang saktan ang sarili na makita na may ibang kasama ang kanyang asawang si Raffy. May pag-asa ba pang magkaroon ng isang panibagong yugto ang pagsasama nila na pinangarap lang nuon ni Vernice?
3.3K viewsOngoingAdded to Library 86 Times as maugat na mata
Read
+Library
A Night with My Ex-Boyfriend's Uncle

A Night with My Ex-Boyfriend's Uncle

Sobrang mahal na mahal ni Maxene ang kanyang nobyo na si Joseph at sa pitong taon nilang magkasintahan ay kahit kailan ay hindi siya nagawang lokohin nito at talagang napapag usapan na rin nila ang pagpapakasal. Pero hindi inaasahan ni Maxene na darating ang araw na lolokohin siya ni Joseph kaya naman sa sobrang sama ng kanyang loob ay sa isang bar siya napadpad. Dahil sa labis na sama ng loob ay nagpakalasing si Maxene at doon siya matatagpuan ni Bernard. Naibigay ni Maxene ang kanyang sarili sa binata dahil sa ang buong akala niya ay ito ang kanyang nobyo pero isang pagkakamali pala iyon. Kaya naman pagkagising niya ay agad niyang tinakasan ang lalaking kanyang nakaniig. Lumipas ang araw at doon na nalaman ni Maxene na nagbunga ang isang gabi na pakikipagtalik niya sa hindi niya kilalang lalaki. Halos gumuho ang kanyang mundo dahil kasabay noon ay isang masamang balita ang bumungad sa kanya dahil sa pagkalugi ng kanilang kumpanya. Isang offer ang darating kay Maxene pero ganon na lamang ang gulat niya ng makita niya na kamukhang kamukha ng kanyang ex boyfriend ang mag aalok sa kanya at doon na niya malalaman na tiyuhin pala ito ng kanyang ex-boyfriend na si Joseph. At doon na rin niya napagtagpi tagpi na ang lalaking ito ang kanyang nakasama sa isang mainit gabi. Tatanggapin ba ni Maxene ang offer na iyon ni Bernard gayong alam na niya na tiyuhin ito ng manloloko niyang ex boyfriend? Sasabihin ba niya rito ang tungkol sa pagdadalantao niya gayong hindi niya alam kung tatanggapin ba ito nito? O iiwas na lamang siya rito dahil parang hindi niya kaya na makasama ito lalo na at kamukha ito ng kanyang ex-boyfriend na si Joseph?
109.8K viewsCompletedAdded to Library 244 Times as maugat na mata
Read
+Library
Accidentally Married to a Yakuza Boss (Tagalog)

Accidentally Married to a Yakuza Boss (Tagalog)

Nang malaman ni Marissa na ikakasal siya sa hindi pa niya nakikilala na groom. Labis ang lungkot niya dahil may boyfriend siya na mahal na mahal niya. Nagulat si Marissa sa sampal ng daddy niya at binantaan siya nito na papatayin ang boyfriend niya. Kaya wala siyang choice kundi sumangayon sa kasal na hindi niya inaasahan. May nalaman si Marissa kay Austin na lubos niyang kinatakot. Pero habang tumatagal natutunan na niya mahalin ang asawa niya. Magiging masaya kaya sila sa huli?
1010.5K viewsCompletedAdded to Library 315 Times as maugat na mata
Read
+Library
The Condemned Son In Law (Tagalog)

The Condemned Son In Law (Tagalog)

"Hindi ko alam kung sasapat ang pagmamahal ko sa iyo sa kabila ng mga nagawa ng pamilya mo sa angkan ko. Sobrang mahal kita, Noelle! Ngunit hindi ko maipapangako kung magagawa ko na palampasin ang kasamaan ng mga magulang mo," puno ng hinanakit na saad ni Kael. Si Noelle ay kabilang sa kilala at mayamang pamilya na nagmahal sa kagaya ni Kael na isang anak mahirap. Pinagbintangan at ikinulong ngunit nagbalik na may magandang buhay na maipapangalandakan. Nagbalik s’ya upang maitama ang pagkakamali na nagawa sa kanya ni Don Mondragon. Ang kanilang pagmamahalan ay napuno ng hinanakit na nagdulot ng malalim na sugat kay Kael na maagang naulila sa kagagawan at kasakiman ng ama ng babae, at si Noelle na naging biktima sa kasinungalingan at pambibintang ng sariling ama upang mapaikot sa mga palad nito at mapasunod sa gusto. May pag-asa pa kaya na manumbalik ang marubdob na pagmamahalan sa kabila ng magulong nakaraan na nagpapahirap sa kanila hanggang sa kasalukuyan? Alin ang mangingibabaw sa kanila, pagmamahal ba o mas mananaig ang galit sa dibdib ng isa sa kanila?
97.7K viewsOngoingAdded to Library 230 Times as maugat na mata
Read
+Library
Arranged Marriage with the Ruthless CEO

Arranged Marriage with the Ruthless CEO

Dahil sa kawalang bayag ng kaniyang ama at pang-aapi ng kaniyang madrasta, napilitan si Natalie na magpakasal kay Mateo Garcia, isa sa mga pinakamakapangyarihang tao sa San Jose. Sa araw ng kanilang kasal, natuklasan ng kaniyang asawa na hindi na siya birhen bago pa man sila ikasal, na siyang nagpatibay ng paniniwala nito na isa siyang maduming babae na may magulong buhay. Matapos dalhin ang bata sa loob ng kaniyang sinapupunan sa loob ng siyam na buwan, iniluwal ni Natalie ang kaniyang anak, pinirmahan ang annulment papers na inihain sa kaniya ng kaniyang asawa, at saka naglaho na parang bula. Makalipas ang ilang taon, nagbalik si Natalie sa San Jose kasama ang isang bata. "Mr. Garcia, balita ko ay naghahanap kayo ng personal doctor?" Malugod na pumayag si Mateo. "Tanggap ka na." May bali-balitang kumakalat na walang asawa, ni kalandian si Mr. Garcia. Ngunit para siyang Isang tutang naglalambing sa kaniyang personal doctor at itinuturing ang anak nito, na hindi pa alam kung sino ang tunay na ama, na parang sarili niyang anak.
8.46.0M viewsCompletedAdded to Library 191.9K Times as maugat na mata
Show Reviews (1155)
Read
+Library
Aira Canono
maganda ang kwento kaso humaba na ng humaba dahil sa paikot ikot , naisip ko tuloy si coco martin ang may gawa nito e hehe chariz!...sana malaman na ni mateo ang lahat ng katotohanan lalo na ung sya pala ang ama, at si nat na si mateo ung kasama nya sa golden palace that night, kakaawa na si nat e ...
Jury Badong
hays Sayang Ang oras,, Sayang Ang pera lipat na Tayo sa iba ......... mas exciting pa,,thanks author pero mas mabute pang magpahinga kana pagod kana siguro sa paulit ulit ...‍...️ hays akala kopa Naman exciting tong kwento Kaya na curios akong magbasa pero dyos me!!! ilang taon pa sigurong ila²bs Ang Bata
Read All Reviews
Isang Magandang Pagkakamali

Isang Magandang Pagkakamali

Sa araw ng kanyang kasal, namatay ang kanyang asawa, na iniwan siya sa isang mahirap na sitwasyon. Pinagbawalan siya ng kanyang mga biyenan na magpakasal muli at pinilit siyang magtrabaho bilang isang sekretarya ng kanyang bayaw, na presidente ng isang kumpanya. Hindi nagtagal ay napagtanto niya na ang pangulo ay ang lalaking nakatagpo niya sa nakamamatay na gabing iyon. Tila nakilala niya siya at tinatrato siya nang may paghamak, pagmamataas, at kabastusan, na nagparamdam sa kanya ng labis na pagkabalisa. Naisipan niyang tumakas, ngunit nahuli siya nito at ibinalik. Ano ang kanyang tunay na intensyon?
4.6K viewsOngoingAdded to Library 106 Times as maugat na mata
Read
+Library
The Billionaire's Virgin

The Billionaire's Virgin

JoyJoy
Isang taon na lamang ay mawawala na sa kalendaryo si Patricia. She's turning 30 years old by next year, pero nananatili pa rin siyang virgin. Rinding-rindi na rin siya sa mga naririnig na natatanda na siyang dalaga. Kaya naman, nang gabi na nagawi siya sa isang bar ay hindi na siya nagdalawang isip na isuko ang kanyang bataan sa isang estrangherong lalaki. A completely stranger, kahit ang pangalan ng lalaki ay hindi niya naitanong. After a year, however, mistulang multo na sumulpot sa kanyang harapan ang mukhang iyon. He's not just an ordinary man... but a Billionaire, a top Billionaire.
816 viewsOngoingAdded to Library 22 Times as maugat na mata
Read
+Library
Arranged Marriage To My Boss

Arranged Marriage To My Boss

Isang araw nagising ako sa katotohanan na may asawa na pala ako. kung hindi niya lang binili ang nalulugi namin na kumpanya hindi ko gagawin ito. Lalo na't kung alam ko na siya na boss ko pala ang nakabili nun.
393 viewsOngoingAdded to Library 14 Times as maugat na mata
Read
+Library
Veil of the Billionaire's Child

Veil of the Billionaire's Child

Dahil gusto niyang tulungan ang kanyang pamilya at gamutin ang kanyang may sakit na ama, napilitan si Lia na sumali sa isang lihim na fraternity. Akala niya na ito ay isang mas mahusay na paraan upang kumita ng pera, ngunit hindi pala. Lalo na nang kinaladkad siya sa isang hindi pamilyar na kubo dahil sa paglabag sa initiation ng fraternity. Nakapiring siya. Gusto niyang pagsisihan ang lahat, ngunit huli na. Nakuha ng isang estranghero ang kalinisan na pinaka-inaalala niya. At ang tanging bagay na magagawa niya nang gabing iyon ay tumakbo at takasan ang lahat ng maling desisyon na nagawa niya sa buong buhay niya. Ngunit ang gabing pinabayaan niya ang kanyang sarili ay nagbunga. Hanggang sa nalaman niya na ang batang dinadala niya ay anak ng isang milyonaryo.
101.9K viewsCompletedAdded to Library 77 Times as maugat na mata
Read
+Library
CEO's Love Redemption

CEO's Love Redemption

Si Mia na matapang at palaban ay mapapasabak sa isang misyon. Ang misyon na ito ay ang magpapanggap na may relasyon sila sa apo ng Donya, na walang iba kundi ang aroganteng binata na si Matthew Delos Reyes. Napagkasunduan nilang dalawa na gumawa ng kontrata kapalit nito umano ay babayaran siya ng masungit na binata ng limang milyon. At ang pagpapanggap na ito ay magtatagal hanggang sa tatlong buwan lamang. Ngunit ay may lihim na nararamdaman ang dalaga para sa binata. Ang binata na walang tiwala sa katagang "Pag- ibig". Ang tanong, magbabago ba ang lahat sa loob ng tatlong buwan na ito? Paano kung, alipin parin ito sa isang masamang kasaranan? Matatanggap parin ba niya o tuluyang wakasan ang totoong nararamdaman?
104.1K viewsCompletedAdded to Library 128 Times as maugat na mata
Read
+Library
PREV
1
...
4243444546
...
50
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status