One Night Lie: Marriage Trap with the Merciless Billionaire
Si Eloise Odette Biazon ay isang tahimik ngunit matatag na babae na buong pusong naglilingkod sa kompanya ng kanyang ama. Simple lang ang pangarap niya, isang lalaking magmamahal nang tapat at isang pamilyang mabubuo sa pundasyon ng tiwala.
Ngunit sa gabing akala niya’y simula ng forever niya, naging bangungot ang lahat. Ipinagkanulo siya ng lalaking minahal niya at ibinenta ang kanyang virginity kapalit ng promosyon. Isang pagkakamali sa suite ang nagdala sa kanya sa ibang lalaki… kay Locklan Reed Herrera, isang makapangyarihan at walang-awang CEO na sanay makuha ang lahat ng gusto, maliban sa pag-ibig.
Isang gabi. Isang pagkakamali. Isang buhay ang nabuo.
Nang gipitin ng mga utang ang kanyang kapatid at manganib ang kalagayan ng kanyang amang may sakit sa puso, napilitan si Eloise na harapin muli ang lalaking nais na sana niyang kalimutan.
Ngunit si Locklan ay may sariling problema rin - kailangan niyang magpakasal at magkaroon ng tagapagmana upang masiguro ang kanyang pamana at mapanatili ang kanyang business empire.
Isang kasunduang may katapusan. Isang kasal na walang damdamin. Isang taon upang gampanan ang papel ng ‘perfect marriage’.
Ngunit paano kung ang galit ay maging pagnanasa? Paano kung ang pagpapanggap ay mauwi sa tunay na damdamin?
Sa likod ng malamig na kasunduan at mapait na nakaraan, maaaring ang puso rin ang tuluyang sumugal. At kapag dumating ang oras ng pagpili, kalayaan o pag-ibig?
Handa ba silang sirain ang kontrata… para sa isa’t isa?