Secunda Vita
"Kung totoong himala ang nangyari, araw-araw akong magpapasalamat sa May-Kapal sapagkat nagkaroon ako ng pagkakataong makilala kita. Kung sa Salvacion na nagtapos ang iyong buhay, tiyak na hindi na tayo magtatagpo pa rito."
Bahagya akong napatango. Kung hindi nabuhay si Liwanag, kung hindi ako napadpad sa katawan niya, the end na talaga ang story niya. Kaso nagkaroon ng book two kasi napunta ako rito. "Pero ibang Liwanag na ang nakilala mo. Hindi na ako ang dating siya," mahinang sabi ko sabay tingin sa kalangitan. Kung nasaan man ang kaluluwa ni Liwanag ngayon, matutuwa kaya siya sa mga pinanggagagawa ko?
Hot Chapters