Filter By
Updating status
AllOngoingCompleted
Sort By
AllPopularRecommendationRatesUpdated
Contracted To My Boss

Contracted To My Boss

Si Diana ay lumaki sa hirap, ngunit lalong naging mabigat ang buhay nang magkasakit nang malubha ang kanyang kapatid na si Lyka. Sa desperasyon, lumapit siya sa nobyo niya para humingi ng tulong, ngunit imbes na damayan siya, inakusahan siya nitong pabigat at inamin na may iba na ito. Durog ang puso, tumakbo siya palayo at sa gitna ng kanyang pag-iyak, aksidente siyang nabangga ng isang matangkad at gwapong lalaki—si Adrian, ang misteryosong CEO ng kompanyang pinagtatrabahuhan niya. Narinig pala ni Adrian ang buong usapan, at sa isang hindi inaasahang alok ay sinabi niyang, “Kailangan ko ng kontratang asawa, at kailangan mo ng pera. Pwede tayong magtulungan.” Sa kawalan ng ibang mapagpipilian, pumayag si Diana. Isang simpleng kasunduan lamang daw: walang emosyon, walang komplikasyon—pawang negosyo lang. Ngunit habang lumilipas ang mga araw, napapansin nilang hindi ganoon kadaling iwasan ang damdamin. Ang mga halik na dapat ay peke, tila tunay. Ang mga haplos na dapat ay scripted, nagiging totoo. Unti-unti, naguguluhan sila sa kung ano ang totoo at ano ang bahagi lang ng kontrata. At nang magsimulang pumasok ang pamilya ni Adrian sa eksena, naramdaman ni Diana na baka hindi talaga siya nababagay sa mundo nito. Kaya iminungkahi niyang lumayo na lang. Pero bakit gano’n na lang ang sakit sa dibdib ni Adrian? Kung peke ang lahat, bakit parang ayaw na niyang lumayo na lang.
Romance
10203 viewsOngoing
Read
Idagdag sa library
Signed To Be His Wife

Signed To Be His Wife

Para kay Ayen Ramirez, simple lang dapat ang buhay—trabaho bilang secretary sa isang malaking kompanya at isang matinong relasyon na inakala niyang pangmatagalan. Pero nang biglang maospital ang kapatid niya at mangailangan ng malaking halaga, agad siyang lumapit sa boyfriend niya para humingi ng tulong. Ang akala niya, maiintindihan siya nito. Pero sa halip, iniwan siya nito na parang wala lang. In her desperation, isang hindi inaasahang alok ang dumating. Mula mismo sa boss niyang si Justin Berkeley. Mayaman, makapangyarihan, at kilala sa pagiging istrikto, pero may isang bagay siyang wala: isang asawa. Kailangan niya ng kasal para makuha ang mamanahin niya, at kailangan ni Ayen ng pera para sa kapatid niya. Isang pirma lang sa kontrata, at magiging Mrs. Berkeley siya. Walang love, walang intimacy... isang kasunduan lang. Pero paano kung habang tumatagal, unti-unting nagbabago ang lahat? Paano kung ang dating malamig at prangkang boss niya ay may mga tingin at hawak na hindi kasama sa usapan? At paano kung sa isang kasal na peke, isang tunay na puso ang mahulog?
Romance
10207 viewsOngoing
Read
Idagdag sa library
Secret Wife of My Boss

Secret Wife of My Boss

"Sa opisina, ikaw ang sekretarya ko. Sa bahay, asawa kita. At walang sinuman ang dapat makaalam sa totoong estado natin." Hindi inakala ni Stella na magbabago ang buhay niya sa isang iglap. Napilitan siyang pakasalan si Ayres — ang CEO na malamig, arogante, at malupit sa kumpanyang pinagtatrabahuhan niya. Sa gitna ng lihim at pang-aalipusta, magagawa kaya ni Stella na mapasuko ang puso ng lalaking laging nagpaparamdam na wala siyang halaga?
Romance
10177 viewsOngoing
Read
Idagdag sa library
BIDDING FOR HER (She was His to Win)

BIDDING FOR HER (She was His to Win)

Mabait. Inosente. Mapagmahal. Ganyan inilalarawan si Megan Gonzales, isang dalagang lumaki sa pagitan ng liwanag at dilim. Anak ng isang babaeng bar performer na mas mahal pa ang pag susugal kaysa sariling anak, natutunan ni Megan na ang simpleng pamumuhay ay sapat na—makatapos ng pag-aaral, makakain sa tamang oras, at maipaglaban ang mga taong mahal niya, kahit ang kapalit ay ang sarili niyang kalayaan. Hanggang sa isang gabi, tuluyang naglaho ang natitirang liwanag sa buhay niya. Sa isang underground human auction—isang gabi ng kasinungalingan, kasakiman, at kapangyarihan—ibinenta siya ng kanyang ina kapalit ng pera. Isang murang halaga, isang kahindik-hindik na kataksilan. Ang mga bid ay mabilis na tumataas: lima... sampu... tatlumpung milyon. Hanggang sa isang malamig, mariin, at makapangyarihang tinig ang sumigaw. "Isang daang bilyon. Para sa kanya." Tahimik ang mundo. Tumigil ang lahat. Doon siya unang nasilayan ni Lucien Alcaraz—isang negosyante sa itaas ng mundo, kilala sa yaman, talino, at kawalan ng puso. Ngunit sa gabing iyon, sa ilalim ng mga ilaw ng kasalanan, nakita niya si Megan. Hindi bilang isang produkto... kundi isang bagay na dapat angkinin para sa kaniyang sariling intensyon. Sa pagitan ng kasunduan at lihim na damdamin, matutuklasan ba ni Megan na ang tunay na halaga ng isang tao ay hindi nasusukat sa perang ipinambibili sa kanya? Mararanasan ba niya ang pagmamahal na ipinaglalaban siya? Halina`t subaybayan ang kwento nang ating bida.
Romance
190 viewsOngoing
Read
Idagdag sa library
Bound To My Boss

Bound To My Boss

“You'll be my wife until I receive the inheritance. After that, we go our separate ways. Don’t worry—I’ll make sure you get your fair share.” — Walter Robles Desperadang madagdagan ang suweldo, pumayag si Samantha sa alok ng kaniyang boss na si Walter—magpanggap bilang nobya nito sa isang family event. Isang araw lang sana ang usapan. Pero nagbago ang lahat nang pumayag si Walter sa kasunduang iniatang ng pamilya: Walang kasal at asawa, walang mana. Dahil may makukuha rin siya, muling pumayag si Samantha. Pero ngayon ay hindi na bilang nobya kung hindi bilang asawa. Ngunit paano kung habang tumatagal ay unti-unti silang nalulunod sa emosyon na wala dapat doon. Ano na lang ang kanilang gagawin kung matapos na ang palabas? Pipiliin kaya nilang panindigan ang kanilang kasunduan?
Romance
162 viewsOngoing
Read
Idagdag sa library
When Love Lost Its Way : The Billionaire's Mistake

When Love Lost Its Way : The Billionaire's Mistake

Pagkatapos ng tatlong taong pagpapakasal, Ryah Zovee realized her husband, Grayson Kai Sandoval, true priorities lay with his first love, Zoe Klein. Hindi maramdaman ni Ryah ang pagpapahalaga sa kaniya ni Grayson kahit sa family gathering o business magmula noong dumating si Zoe. Tanging kay Zoe siya nakatuon. Isang araw ay sinabi ni Grayson na si Zoe ang dapat mamahala sa kumpanya at siya ang may karapat-dapat sa posisyon kaysa kay Ryah. Dahilan iyon para masaktan siya ng lubusan at gumawa ng desisyon na umalis. “Kaya kong buhayin ang anak ko. Our paths have diverged, and it's best if we part ways.” Pagkatapos ng maraming taon, binago ni Ryah ang kaniyang pamumuhay. Mabilis siyang umangat sa kaniyang negosyo at nagkaroon ng koneksiyon sa iba't ibang tao, lalo na sa isang CEO na siyang may-ari ng pinakamalaking kumpanya. Kalaunan, biglang dumating si Grayson na humihingi ng kapatawaran. Bumungad sa kaniya ang nagtatanong na si Ryah. “Para saan pa? Grayson? ” Ngunit hindi inaasahan ay dumating ang CEO, claiming Ryah and their daughter as his own. "You're too late," the CEO declared, his possessiveness unmistakable. "She's mine, and I'll do whatever it takes to keep her and our daughter safe." Mapapatawad nga kaya ni Ryah si Grayson? O mananatili nang sarado ang puso ni Ryah para kay Grayson dahil sa pagkakamaling nagawa nito?
Romance
10167 viewsOngoing
Read
Idagdag sa library
Contract Marriage: Love Beyond Agreement

Contract Marriage: Love Beyond Agreement

Sa isang mundo kung saan ang pag-ibig ay tila isang laro ng kapangyarihan at pangangailangan, nagkrus ang landas nina Isla Montemayor at Liam Callisto-dalawang taong magkaiba ng mundo pero parehong desperado sa isang bagay. Si Isla, isang matapang at determinadong babae, ay kailangang iligtas ang kanilang naluluging negosyo at ang nag-iisang pamilya niyang natitira—ang kapatid niyang si Lucas na may malubhang sakit. Samantalang si Liam, isang malamig at istriktong CEO, ay nangangailangan ng isang huwad na asawa upang mapanatili ang kanyang posisyon sa Callisto Group at hindi ito mapasakamay ng kanyang tusong madrasta. Dahil sa desperasyon, isang kasunduang kasal ang nagbuklod sa kanila—isang kasunduan na dapat ay walang halong damdamin. Ngunit paano kung ang larong ito ng pagpapanggap ay unti-unting maging totoo? Paano kung sa kabila ng kanilang matinding away, pagkakaiba, at mga lihim, ay matutunan nilang umibig sa isa't isa? Sa gitna ng pagsubok, pagtataksil, at mga hindi inaasahang rebelasyon, matutuklasan nina Isla at Liam na ang tunay na pag-ibig ay hindi isang kasunduan—ito ay isang bagay na lalampas sa kahit anong kontrata. Ngunit sapat ba ang pagmamahal upang talunin ang lahat ng balakid? Isang kwento ng pag-ibig na hindi lang tungkol sa isang kasunduan, kundi sa pagpili ng pagmamahal kahit gaano kahirap. Dahil sa huli, kahit anong pagsubok, ang tunay na pag-ibig ang magtatagumpay.
Romance
10154 viewsOngoing
Read
Idagdag sa library
The Best of Me

The Best of Me

Si Veronica ay isang simpleng babae na buong buhay ay inilaan sa pag-aalaga kay Nanay Belen at sa kanyang kinakapatid na si Barbara. Si Barbara ay maganda, matalino, at palaging nakukuha ng gusto niya, ngunit sa likod ng kanyang perpektong imahe ay isang spoiled brat na sanay sa pagmanipula ng mga tao. Habang nag vi video call si Veronica sa kanyang boss na half-Filipino, half-Italian na si Anthony Rossi ay agad niyang napansin ang kagandahan ni Barbara. Nabighani ito kaya't dali daling pumunta ito ng Pilipinas bitbit ang kanyang 6 years old na anak na si Bianca at ang kanyang pilipinang ina upang kuning magmodelo ng kanyang merch at magtayo na din ng kumpanya. Inisip niyang seryosohin ang pakikipag relasyon nito ngunit nang masaksihan niya kung paano nito tratuhin ang sariling ina, naisip niyang hindi ito ang babaeng para sa kanya. Nang magkaroon ng problema si Bianca sa eskwelahan, napagtanto ni Anthony na kailangan nito ng isang maternal figure. Sa isang praktikal na desisyon, inalok niya si Veronica ng isang kasunduang kasal—hindi para sa pagmamahal kundi para samahan si Bianca. Ngunit sa kabila ng kasunduan, isang damdaming hindi nila inaasahan ang unti-unting umusbong dahil sa kabila ng ka walang personalidad na itsura sa panlabas ng assistant ay may nakatago itong ganda at higit sa lahat-mabuti itong tao. Nang malaman ni Barbara ang tungkol sa kasunduan, gumawa ito ng eksena—sinaktan ang sarili at muntik nang kitilin ang sariling buhay. Sa gabing dapat ipagdiwang ang engagement nina Veronica at Anthony, isang rebelasyon ang yumanig sa kanilang mundo—buntis si Barbara, at si Anthony ang sinasabing ama. Totoo kaya ito? O isa na namang kasinungalingan upang wasakin ang kanilang pag-iibigan?
Romance
153 viewsOngoing
Read
Idagdag sa library
THE HEIRESS: MARRYING THE ZILLIONAIRE

THE HEIRESS: MARRYING THE ZILLIONAIRE

Nakipagpustahan si Devin sa kaniyang ina na hangga't si Renz Dylan Hidalgo ang tinitibok ng kaniyang puso, mapapaibig niya rin ito. Nalaman niya na ang tipo ni Renz sa babae ay masunurin at mahinhing babae, kaya’t nagpanggap siya bilang isang mahirap na dalaga upang mapalapit dito. Ngunit, sa tatlong taon na magkasama sila mas pinili pa rin ni Renz ang una nitong pag-ibig na si Xylarie Ruiz, at sa pagkakataong ‘yon ay nabigo si Devin, hindi lamang sa pag-ibig pati na rin sa pustahan nila ng kaniyang ina. “Devinyza Kaleigh Hermosa, natalo ka. Pagkatapos ng tatlong taon, hindi pa rin nagkakagusto si Renz Dylan Hidalgo sa iyo. Ayon sa mga patakaran, dapat kang bumalik sa ating pamilya at gampanan ang iyong mga responsibilidad.” —Madame Editha. Subalit, bago pa man siya makauwi sa kaniyang pamilya na papasan ng mabigat na resposibilidad bilang tagapag-mana, isang mainit na gabi ang pinagsalohan nila ng isang estranghero, na maituturing niya na huling pagpapakasasa bilang malaya. Bilang tagapag-mana, kailangan niyang magpakasal. Paano kung ang lalaking nakatalik niya ay ang binatang pinakamayaman na si Alexius Lander “Aslan” Montellano? Tatangapin ba ni Alexius Lander Montellano ang alok ni Devinyza Kaleigh Hermosa na kasal?
Romance
10145 viewsOngoing
Read
Idagdag sa library
Temporary Mrs. Saldivar

Temporary Mrs. Saldivar

Hindi inakala ni Maria Calderon na aalukin siya ng kasal ng sarili niyang boss na si Apollo Saldivar, kapalit ng dalawampung milyong piso. Ang dahilan? Gusto nitong patunayan sa ex-girlfriend na tuluyan na siyang naka-move on, matapos siyang iwan para sa karera nito. Kontrata lang ang kasal. Magpapanggap lang silang nagmamahalan sa harap ng ex. Pagkatapos ng isang taon, magpapaanul. Walang commitment at walang complications. Tumanggi si Maria noong una. Pero nang mangailangan siya ng malaking halaga para sa kapatid, napilitan siyang pumayag. "Don’t fall in love with me, Maria. Hindi kita masasalo." 'Yan ang malinaw na bilin ni Apollo sa dalaga. "Don’t worry, Sir Apollo. I won’t. Alam ko po ang lugar ko," sagot niya. Pero paano kung kinain niya ang sariling salita? Paano kung isang araw, magising na lang siyang nahuhulog na sa lalaking hindi dapat mahalin?
Romance
113 viewsOngoing
Read
Idagdag sa library
PREV
1
...
3536373839
...
50
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status