Filter dengan
Status pembaruan
SemuaSedang berlangsungSelesai
Sortir dengan
SemuaPopulerRekomendasiRatingDiperbarui
TRAPPED WITH A BILLIONAIRE

TRAPPED WITH A BILLIONAIRE

Sinopsis: Si Mariecon Guerrero ay isang aspiring writer na ginugugol ang kanyang mga araw sa pagtatrabaho sa isang bookstore at ang kanyang mga gabi sa pagsusulat ng mga kwentong puno ng matinding pag-ibig—mga kwentong kailanman ay hindi niya inakalang mangyayari sa kanya. Ngunit isang kasunduang kasal na orihinal na para sa kanyang pinsan ang aksidenteng napunta sa kanya, kaya’t hindi inaasahan, natagpuan niya ang sarili niyang kasal kay Hydeo Ridge Dela Fuerte—isang makapangyarihan ngunit malamig at walang pusong negosyante. Kailangan ni Hydeo ng isang asawa upang masigurado ang isang napakalaking business deal, at ang dapat sana niyang mapapangasawa ay ang glamorosang pinsan ni Mariecon na si Madeline. Ngunit dahil sa isang pagkakamali sa mga papeles, si Mariecon ang napirmang asawa sa courthouse wedding. Nang matuklasan ang pagkakamali, labis ang gulat niya nang tumanggi si Hydeo na ipa-annul ang kasal—para sa mga dahilan na hindi niya gustong ipaliwanag. Ngayon, natagpuan ni Mariecon ang sarili niyang nakakulong sa isang malamig at kalkuladong kasunduan sa isang lalaking hindi nagbubukas ng kanyang puso. Ngunit habang sinusubukan niyang alamin ang katotohanan sa likod ng kasal na ito, unti-unting nagbabago ang kanilang relasyon. Ang kasal na nagsimula sa obligasyon ay nauwi sa matitinding banggaan ng kalooban, mga lihim na sandali, at isang damdaming hindi nila maitatanggi.
Romance
10885 DibacaOngoing
Baca
Tambahkan
CURSED BY THE MOON

CURSED BY THE MOON

s4ucevenomous
Years passed, the Academy went well. A war that happened five years ago that was forgotten. No one remembers except the Royal Families. Five years have passed, the said princess of the prophecy was never been found. The last magus user of the forgotten Empire in Azaleus, the Zaffiro Empire. The Magic Realm went well but not the other Realm. The Astral Realm, where werewolves exist. In Magic Realm, werewolves are just a myth, it doesn't exist. A myth that everyone knows. Until it happened. Sa kabilang panig ng mundo, nagkakagulo ang mga mamayanan ng Amavasya. Ang Amavasya ang lugar kung saan naninirahan ang mga lobo sa mundo ng Astral. Sa kabilang panig naman ay ang mga itim na mangkukulam ang naninirahan sa lugar ng Hexe. Mainit ang dugo sa bawat panig na naninirahan sa mundo ng Astral. Matagal ng gustong makamit ng mga sorcière ang buong Astral ngunit pilit na nilalaban sila ng mga Lykos. Naging sakim ang mga sorciere lalo na noong nalaman nila ang naka saad sa propesiya na may isang sanggol na may dugong bampira at lobo ang mag hahari sa buong Astral na walang sino mang nilalang ang makakahigit doon. Isang balita na nagdulot sa mga sorciere upang patayin ang mga bagong silang na sanggol. Hindi naniniwala ang mga Lykos sa nasabing propesiya dahil alam nilang hindi totoo ang mga mga bampira, kung totoo man ito alam nilang nasa ibang dimensyon ito at malabo na makapasok sa kanilang mundo. Ngunit nag bago ang lahat ng malaman nilang isang bampira ang binigay ng Diyos ng Buwan na maging kabiyak ng kanilang Alpha. Isang bampira na may dugong bughaw. Pero imbis na itakwil nila ito, tinanggap nila ito ng buong puso at pinangakuang poprotektahan nila ito hanggang sa huling hininga. Ang bampirang lobo sa mundo ng Astral.
Fantasy
102.0K DibacaOngoing
Baca
Tambahkan
CEO'S EX-WIFE TURNED THIEF

CEO'S EX-WIFE TURNED THIEF

Kagaya ng ibang mag-asawa, nauwi rin sa hiwalayan sina Hunter at Athana. Maging si Athana ay hindi rin makapaniwalang nauwi lang sa hiwalayan ang kanilang pagsasama. Nang umalis si Athana sa puder ni Hunter, hindi niya alam na buntis na pala siya sa kanilang kambal na anak ni Hunter. Sobrang sakit para sa kanya tuwing iisipin niya na hindi na niya mabibigyan pa ng kompletong pamilya ang kanyang mga anak. Sa kasamaang palad, naaksidente si Athana. Ngunit, safe naman ang kanyang kambal na anak. Ang malaking epekto lang sa kanya ay pansamantalang nawala ang kanyang mga ala-ala. Ayon din sa doktor, himala nga raw ang nangyari sa kanilang mag-iina, dahil mabilis din na naka-recover ang katawan ni Athana. Nagulat din siya nang malaman niyang may kambal na anak pala siya. Pagkalipas ng ilang taon, napalaki naman ni Athana ng maayos at mapagmahal ang kanyang kambal na anak na sina Ather at Thana. Sa pagpasok ni Athana bilang isa sa mga pinuno ng gang ng mga magnanakaw. Muling magtatagpo ang mga landas nilang dalawa ni Hunter, ang kanyang dating asawa. Ano kaya ang mararamdaman ni Hunter kapag muli niyang nakita ang kanyang dating asawa na kabilang na ngayon sa isa sa mga pinuno ng mga magnanakaw?
Romance
102.3K DibacaOngoing
Baca
Tambahkan
Seducing My Billionaire Stepbrother

Seducing My Billionaire Stepbrother

Heather Shine Villafuerte, isang kilalang model at nag-iisang anak na babae ng mga Villafuerte. Sa murang edad ay nakabisado na niya ang bawat sulok ng entablado at ang bawat kislap ng camera na nakatutok sa kaniya. Sa kabila ng karera, isang mortal na kaaway ni Heather and hating-kapatid niya na si Philip Raven Kingsley. Si Philip ang lalaking anak ng ina ni Heather sa ibang lalaki. Sa mga kamay ni Philip ipinaubaya ng mga magulang ni Heather ang kumpanya na dapat ay nasa kaniyang pangangalaga magmula nang maging sangkot ito sa aksidente. Pinili ni Heather gumawa ng sariling landas upang magkaroon ng lakas ng loob na bawiin ang kumpanya sa mga kamay ni Philip. Hindi niya alam na si Philip ay isang self-made billionaire. Pinapangalagaan lamang niya ang kumpanya upang maisalin ito sa tamang panahon kay Heather, at sa oras na mangyari ay aalis na rin siya sa pamilya Villafuerte. Sa pagkadesidido ni Heather na makuha ang kumpanya, naisipan niya na akitin na lamang si Philip at kapag napaikot na niya sa kaniyang mga kamay, kukunin niya ang loob upang ibigay sa kaniya ang mga ari-arian na naiwan ng kaniyang mga magulang. Ngunit hanggang saan nga ba ang plano na ito ni Heather? Maaari nga ba na mahulog na siya ng tuluyan kay Philip?
Romance
183 DibacaOngoing
Baca
Tambahkan
PLAYING WITH MY INNOCENT SECRETARY (SSPG)

PLAYING WITH MY INNOCENT SECRETARY (SSPG)

Si Clarissa ay isang simpleng babae lamang, lumaki sa kandili ng kanyang Ama't Ina na nagturo sa kanya ng maganda at mabubuting bagay. Lumaki siyang walang alam sa kung ano man ang makamundong bagay ang nangyayari sa mundong kanyang ginagalawan, wala rin siyang alam kung para saan ginagamit ang mga bagay na nasa ibabang bahagi ng bawat tao. Sa madaling salita, inosente si Clarissa at wala pa siyang karanasan sa mga senswal na aktibidad. Bagama't nasa tamang edad na ay marami pa siyang hindi alam patungkol sa kung ano at paano ginagawa ang mga bagay na minsan niya na rin naririnig sa ibang mga tao. Wala sa isip ni Clarissa ang mga ganoong bagay, mga bagay na nagbibigay init sa katawan, nagpapawala sa isipan at nagbibigay kaligayahan sa bawat taong gumagawa nito. Hanggang sa dumating ang lalaking magpapamulat sa kanya sa kung ano nga ba ang tunay na kahulugan ng bawat makamundong bagay na hindi pa alam ni Clarissa. Makikilala niya si Tyron, isang lalaking nagmamay-ari ng pinakamalaking Jewelry Company sa bansa, kinilala rin na isa sa pinakamayamang tao sa loob at labas ng bansa. Siya ang magiging boss ni Clarissa, at si Clarissa naman ang magiging sekretarya ni Tyron. Dahil sa ugnayan na mangyayari ay ang malinis na isipan ni Clarissa ay mababahiran ng init dahil sa lalaking si Tyron. Mamumulat si Clarissa sa mundong nagliliyab sa init, sa bawat haplos at dampi ng labi ay dala ang pinakamasarap na pakiramdam. Pakiramdam na tanging nagpapaligaya at lulunod sa isipan ni Clarissa at magdadala sa kanya sa isang paraisong hindi matatakasan. Sa pagkakataong ito at dahil na rin sa init na ibinibigay ng mga katawan nila. Malulunod sila sa apoy ng makamundong gawain. Gawaing parehong magmumulat sa kanilang mga puso sa isang bagay na hindi nila lubos akalain na mangyayari.
Romance
102.8K DibacaOngoing
Baca
Tambahkan
THE GAME MAKER (SPG)

THE GAME MAKER (SPG)

BLACK MAFIA SERIES Warning: Hard SPG ️ The real Mafia does not valued honor and loyalty. Guns, drugs and money. He drawn by a lust for power. Tristan Geller o Dos ang tawag sa kan'ya ng mga kaibigan niya. Ang bilyonaryong walang kinatatakutan kung sino man ang kan'yang babanggain pagdating sa mga illegal na negosyo. Pinasok niya ang negosyo sa pagbibinta ng mga matataas na klaseng mga baril, pagbibinta ng iba't ibang klase ng drugs at pagpapatayo ng mga sugalan. Matalino, tuso at magaling maglaro pag dating sa mga kalaban niya sa negosyo. Pero paano kung ang katapat niya lang ay ang inosenteng babae na walang kaalam-alam sa mundo. Si Kath Antonio, na nagtatrabho sa kompanya ni Lewis Kingston. Naging magulo na ang mundo niya nang makilala niya si Tristan Geller dahil sa kanyang katangahan na akala niya boyfriend ng kaibigan niya nagtaksil, kaya sinampal niya ito sa harap ng maraming tao. Hindi niya lubos akalain na sobrang yaman ng lalaking ipinahiya niya. Pinakidnap siya at doon nagsimula ang kan'yang miserableng buhay.
Romance
10301.7K DibacaTamat
Baca
Tambahkan
Loveless Deal with the Cold-Hearted CEO

Loveless Deal with the Cold-Hearted CEO

Hindi sumipot sa kasal ang kasintahan ni Kyle Alvarado, ang bilyonaryong cold-hearted CEO. Laking gulat ni Mira ng hatakin siya ng boss sa altar at ipalit bilang bride. Alam niyang broken-hearted ito kaya naman wala siyang tutol kahit na pati wedding night ay sinalo niya. Nilatagan siya nito ng isang loveless deal at malaking halaga. Dala ng pangangailangan at pagmamahal, naging assistant siya sa umaga at bed partner sa gabi. Mahigpit na bilin ni Kyle -- bawal umibig. Pero paano kung ang matagal nang lihim na pagtingin ni Mira ay tuluyang mabunyag lalo na nang madiskubre niyang nagdadalang tao siya? At paano kung bumalik ang babaeng dapat sana ay papakasalan nito?
Romance
9.6641.3K DibacaOngoing
Tampilkan Ulasan (48)
Baca
Tambahkan
Maria Bonifacia
Sino po ang nakaranas na madami ng nabasa tapos bumalik sa unang kabanata? Itatanong ko po sa editor. Pasensya na po. Click po ninyo ang Kabanata, nasa taas lang nito makikita (nakalagay sa gilid, in-update ngayon lang). Piliin po ninyo ang kabanata na gusto ninyong basahin. Maraming salamat po.
Lorna Bolima
super Ganda po Ng story ni Maya at Lucas.. Ang galing mo Po talaga Ms.Maria ...Lalo si Lucas kung panu sya makipag usap Kay Maya, punong Puno Ng LOVE nakakadala... love you Ms.Maria, ingat ka Po lagi more power Po...
Baca Semua Ulasan
Mommy, Where Is Daddy? The Forsaken Daughter's Return

Mommy, Where Is Daddy? The Forsaken Daughter's Return

Nabuntis si Samantha Davis at wala siyang alam tungkol sa lalakeng nakabuntis sa kanya. Matapos siyang itakwil ng kanyang ama, nilisan niya ang lungsod para magsimula muli. Pinalaki niya mag-isa ang mga anak niya, nagsumikap at nalampasan ang hirap. Lingid sa kanyang kaalaman, hinahanap ng kambal niyang mga anak ang tunay nilang ama at hindi sila pipili ng iba! Sa edad na tatlong taong gulang, nagtanong ang mga anak niya, “Mama, nasaan si Dada?” “Ano… nasa malayo si Dada.” Ito ang pinakamadaling paraang para kay Samantha na ipaliwanag sa kanyang mga anak ang dahilan kung bakit wala ang ama nila. Sa edad na apat na taong gulang, nagtanong sila muli. “Mommy, nasaan si Daddy?” “Ano… nagtatrabaho siya sa Braeton City.” Pinili muli ni Samantha na magpalusot. Napagtanto niya na sasagutin din niya balang araw ang tanong ng mga anak niya tungkol sa kawalan nila ng ama at napagdesisyunan na oras na para sabihin ang totoo. Pero, isang araw, lumapit ang mga anak niya sa kanya habang kita ang kinang sa kanilang mga mata, “Mommy, nahanap na namin si Daddy!” Nakatayo sa harapan niya ay isang bloke ng yelo, si Mr. Ethan Wright, ang pinakamakapangyarihang businessman sa lungsod.
Romance
10138.8K DibacaTamat
Baca
Tambahkan
Mamamatay in Three, Two, One

Mamamatay in Three, Two, One

Lagi akong ikinukunsidera ng pamilya ko na tagapagdala ng kamalasan. Dahil ito sa nakikita ko ang countdown bago mamatay ang mga kamag-anak ko. Sinabi ko sa kanila kung kailan mamamatay si lolo, ama, at ina. Nagkakatotoo ito dahil sa iba’t ibang mga aksidente. Ang tatlong mga kapatid ko ay kinamumuhian ako mula sa kaibuturan nila dahil sa tingin nila isinumpa ko ang mga magulang ko at lolo. Ang nanay ko ay namatay matapos iluwal ang nakababata kong kapatid na babae, pero ang mga kapatid ko ay walang tigil siyang iniispoil. Sinasabi nila na siya ang suwerte nila dahil nagiging okay ang lahat para sa pamilya sa oras na iluwal siya. Pero hindi ba’t namatay si Ina noong iniluwal siya? Sa ika-18th kong kaarawan, nakikita ko ang death countdown kapag tinitignan ko ang sarili ko sa salamin. Bumili ako ng urn at naghanda ng pagkain. Gusto ko kumain ng huling beses kasama ang mga kapatid ko, pero walang nagpakita sa kanila noong nag zero na ang timer...
Baca
Tambahkan
The President's Wife

The President's Wife

BREAKING NEWS PHILIPPINES. "Maagang nagkatraffic sa kahabaan ng EDSA at sa ibang bahagi ng Metro Manila. Dahil ito sa pagrarally ng maraming mga Filipino. Isinisigaw nila na bumaba raw si pangulong Chavez sa kaniyang position sa palasyo ng Malacanang. Nang daraya raw kasi ito sa election kaya nanalo sa pagkapangulo. Sa ngayon ay hindi maawat ng mga awtoridad ang napakaraming mga Filipino na nagrarally sa harapan ng palasyo. Paulit-ulit na isinisigaw nila na bumabana raw si pangulong Chavez sa kaniyang pagkapresidente. Nakakamanghang isipin na nagkakaisa ngayon ang mga Filipino para pabagsakin ang administration Chavez. Maging ang mga OFW sa ibang bansa ay nauna nang nagrally ang mga ito kahapon. Isinisigaw rin nila na bumabana si pangulong Chavez sa kaniyang position. Ganoon na lamang ang pagkamuhi ng mga Filipino sa pandarayang ginawa ni President Chavez sa election. Sa ngayon patuloy ang pagprotesta ng mga Filipino laban sa administration Chavez. Ikinagulat ng lahat ang nangyayari sa kasalukuyan. Tinawag na rin ito na People Power Number three of the Philippines. Sigaw naman ng iba ay itigil na raw ang pagpuprotesta dahil marami nang nasasaktan. Pero sabi ng mga nagrarally. Hindi raw sila titigil hangga't hindi raw si President Chavez bumababa sa kaniyang position sa palasyo ng Malacanang." END OF BREAKING NEWS PHILIPPINES "A poor creature begging on her death. But sorry! Welcome to the hell!" Chavez really want to kill me merciless. Nakatutok lamang ang hawak niyang baril sa noo ko. Nag-uumigting ang panga niya sa galit. Patuloy ang pag-iyak ni Dave habang tinatawag niya ako. Wala akong magawa dahil mahigpit ang pagkakahawak ni Chavez sa buhok ko. Nasasaktan ako ng sobra. I know this is my death. "Patayin niyo na ako! Handa akong gawin ang lahat kapalit ng buhay ng anak ko! Pakawalan niyo lang siya! Nagmamakaawa ako!"
Romance
106.9K DibacaTamat
Baca
Tambahkan
Sebelumnya
1
...
3132333435
...
50
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status