Filter By
Updating status
AllOngoingCompleted
Sort By
AllPopularRecommendationRatesUpdated
A Century Away

A Century Away

Sa hindi inaakalang pagkakataon, nagising na lamang si Ela sa isang hindi pamilyar na lugar. Buong akala niya’y wala na siyang buhay ngunit parang sinampal siya ng katotohanang nabubuhay siya sa ibang panahon kung saan ilang siglo na ang nakalipas mula sa kanyang kapanangakan. Nang magbago ang kanyang buhay, kasabay no’n ang pagbabago ng kanyang pangalan at buong pagkatao. Ngunit paano niya magagawang mamuhay nang payapa sa ibang siglo, kung kahit siya mismo ay binabagabag at hindi matahimik sa mga nasasaksihan niya sa kapanahunan na meron siya ngayon?
Mystery/Thriller
2.4K viewsOngoing
Read
Idagdag sa library
SCARRED SOLDIER (Filipino) COMPLETED

SCARRED SOLDIER (Filipino) COMPLETED

Aura
Tumibok ang inosenteng puso ni Annabelle sa murang edad na disi-nuebe sa sundalong nadestino sa probinsiya nila—si Lt. Luis Miguel Saavedra. “You look perfect tonight, sweetheart.” Nakangiti ang malamlam na mga mata ng binata na nakatitig kay Annabelle. Hinawi nito ang ilang hibla ng buhok na nakalaylay sa pisngi niya at inipit iyon sa likod ng tainga. “Bagay na bagay sa iyo ang pangalan mo.” Sa kabila ng siyam na taong agwat ng kanilang edad ay naiparamdam nila sa isa’t isa ang kanilang tunay na pagmamahalan. Nanumpa ng pag-ibig na walang hanggan. Ngunit isang hindi inaasahang dagok ang dumating, bunga nito ay ang masaklap na paghihiwalayan. Ngayong nagtagpo silang muli, makakaya kayang harapin ng dalaga ang bagong Miguel? Makakaya niya kayang harapin ang mga titig nitong puno ng pagkasuklam at mapagparusang pakikitungo sa kaniya?  
1013.1K viewsOngoing
Read
Idagdag sa library
HIDING THE BILLIONAIRE'S HEIRS

HIDING THE BILLIONAIRE'S HEIRS

Kaneinx_young
Lucas Shion Hudson Arabella Peyton Arabella Peyton,isang babaeng simple.lumaki syang walang kinikilalang ina at ama,bata palang sya ay ang sarili nya nalang ang bumubuhay sakanya dahil nga nahihirapan na sya sa kanyang buhay at nangangailangan ng pera ay napilitan syang mag trabaho sa isang malaking kompanya. Lucas Shion Hudson,isang gwapong lalake,mayaman,nag mamay-ari ng iba't ibang kompanya sa buong mundo.isa syang bilyonaryo sa pilipinas.sikat at matunog ang pangalan nito.hindi lang sya sa kompanya magaling,magaling din syang mambabae dahil kaliwa't kanan ay nagapapalit ito ng mga babae. May malalim syang rason kaya nya ito ginagawa. May gustong gusto syang kalimutan pero hindi nya magawa. Paano kung magkatagpo silang dalawa? Mababago ba nila ang buhay ng isa't isa? (the book cover is not mine, BIG CREDIT to the rightful owner)
Romance
101.3K viewsOngoing
Read
Idagdag sa library
Wolf Under The Blood Moon (Filipino Version)

Wolf Under The Blood Moon (Filipino Version)

Mr. Noi
Si William Styles, isang tipikal na cute na binatilyo ay namumuhay ng payapa at normal na buhay gaya ng iba hanggang sa isang insidente ang nagpasindak sa kanyang buong pagkatao. Sa hindi inaasahang pagbabagong ito sa kanyang buhay, nakahanap siya ng bagong tahanan, mga kaibigan, at isang usbong ng pag-ibig sa grupo ng mga taong lobo na may dilaw na mata. Pangil sa pangil at kuko sa kuko ay kung paano nila labanan ang kanilang mga kaaway, ang mga taong lobo na may pulang mata. Isang gabi, isang nakakatakot na pangyayari ang naganap. Umagos ang sariwang dugo sa bundok at nagkalat ang mga bangkay sa kagubatan. Magagawa ba nilang ipaghiganti at protektahan ang kanilang mga mahal sa buhay sa ilalim ng pulang buwan?
Other
101.6K viewsOngoing
Read
Idagdag sa library
University of Antiquity

University of Antiquity

University of Antiquity. Kung saan tatawagin kang ginoo at binibini. Isang unibersidad na purong tagalog lang ang dapat lenggwahe. May mga patakaran na dapat sundin, may mga parusa na dapat bayaran. Kung gusto mong lisanin ang lugar, hanapin mo muna ang kasagutan sa misteryong nababalot sa loob ng Unibersidad. Lahat ng misteryo, nasasagot sa tamang proseso. Lahat ng misteryo, may nakabaon ritong kwento...
Mystery/Thriller
102.1K viewsOngoing
Read
Idagdag sa library
Triplets and a Second Chance

Triplets and a Second Chance

Nagluluksa si Amara Alcantanra sa burol ng kaniyang ina habang abala ang kanyang asawa sa pagdiriwang ng kaarawan ng unang babaeng minahal nito—punong-puno ng kasiyahan at engrande ang selebrasyon. Klarong-klaro ang lahat kay Amara. Kung hindi siya mahal ng lalaki, ayaw na rin niya dito. Iniwan niya ang kasunduan ng diborsyo sa ibabaw ng mesa at piniling ipalaglag ang dinadala, at lumakad palayo nang mag-isa. Limang taon ang lumipas. Sa isang marangyang subastahan, lumitaw ang chief auctioneer nakasuot ito ng isang hapit na makabagong Filipiniana na backless, may mataas na slit sa hita, at natatakpan ng puting belo ang kanyang mukha. Lahat ng mata ay kusang tumigil sa kanya. Napasimangot si Argus De Luca, bahagyang nanliliit ang mga mata. "Ang pangalan niya'y Reina?" Tumango ang kanyang assistant. "Yes, Sir. May nabalitaan rin akong minsan may nag-alok ng sampu-sampung milyon kapalit ng pagkakataong makita ang tunay niyang mukha pero tinanggihan niya." Sa wakas, natagpuan na ni Argus De Luca ang babaeng matagal na niyang hinahanap sa loob ng limang taon. Kinagabihan ay hinarang niya ito sa isang kanto. "Auctioneer Reina, hanggang ngayon ay tinatakbuhan mo pa rin ako o mas tamang sabihin kong Amara?" "Argus, hiwalay na tayo." "Hindi ko kailanman sinang-ayunan 'yon. Nasaan ang anak ko?" "Mukhang nakalimot ka, Argus… ikaw mismo ang dahilan kung bakit nalaglag ang bata, limang taon na ang nakalipas!" Ngunit ngumisi si Argus, at may inilantad sa harap niya. "Kung gayon, ipaliwanag mo ito." Triplets na limang taong gulang ang nakatayo sa harap nila.
Romance
9.355.1K viewsOngoing
Read
Idagdag sa library
CARMELLA

CARMELLA

"Kilala mo ba kung sino ako Carmella?" Tanong nito at binaggit nanaman nito ang pangalan nya."O.. opo... Kayo po ang anak ng may-ari ng Del Castillo Resort" sagot nya. Ngumisi ito at humakbang sa kinatatayuan nya, wala sa loob na napa atras sya at nagpatuloy ito sa paglapit at pag atras naman ang sa kanya hanggang sa madikit sya sa kahoy na dingding. "Kilala mo ko alam ko" sabi nito at hiniharang ang dalawang kamay nito sa tabi ng mga balikat nya, tila sya nasukol nito habang nakatingin sa mga mata nya."Bakit oh?" Tanong nya at sinulyapan ang mga nakaharang nitong kamay sa kanya at lumapit pa ito ng isang hakbang at nasasamyo nya ang mainit na hininga nito na tila humahaplos sa mukha nya. Napalunok sya ng ilang beses dahil kahibla lang ang layo ng mga labi nito sa mga labi nya."Anong ginagawa ng isang Carmella Perez sa loob ng solar ko? Alam mo ba ang pinasok mo? Teretoryo ng kaaway" sabi nito na nagpagulat sa kanya at nanlalaking mga mata napatitig sya rito, kitang-kita nya ang pagbalasik ng mga mata nito habang nakatingin sa kanya, nakikita nya ang galit at pagkasuklam na nakita nya noon rito limang taon na ang nakakalipas.
9.943.5K viewsKumpleto
Read
Idagdag sa library
Into The Dark

Into The Dark

Totoy
Lumaki si Syrie sa isang mundong kakaiba sa kung ano siya. Nabuhay siya na nakapalibot sa kaniya ay mga bampira. May matitilos na pangil, mahahabang kuko at mapupulang mga mata. Kakaiba sa dapat nakikita niya. Kakaiba sa dapat mundong kinabibilangan niya. Labis iyong pinagtaka ni Syrie na pinagtapat naman sa kaniya ng mga kinikilala niyang magulang. Napulot daw siya ng mga ito sa gitna ng gubat. Inabandona raw siya. Iminulat ng mga magulang ni Syrie ang isip niya na ang mga taong lobo ay kalaban.    Napatunayan iyon ni Syrie nang masaksihan niya kung paano pinatay ng mga taong lobo ang kinikilala niyang mga magulang. Ang mga taong lobong kagaya niya ang kumitil sa mga magulang niya. At buo ang puso niyang ipaghiganti ang mga ito. Hahanapin niya ang mga pumatay sa kanila. Hahanapin niya ang mga taong lobong may ukit na buwan sa kanilang mga braso.    Pero paano kung matagpuan niya ang lalaking pumatay sa mga magulang niya pero huli na dahil mahal na niya ito? Makakaya kaya ni Syrie na patayin ang lalaking minamahal o paiiralin ang pagmamahal na bumuhay sa buo niyang pagkatao?
Other
1014.2K viewsKumpleto
Ipakita ang mga Review (28)
Read
Idagdag sa library
Jenyfer Caluttong
Mahilig talaga ako sa mga story about sa mga lobo at Vampire kaya nga naghahanap ako ng book na pwedeng basahin ni recommended ng kapatid about dito sa story ng Into the Dark kaya sinubukan kong basahin at di ako nagsisi kasi parang dinala ako ni author sa mundo nila habang nagbabasa ako
Bhie Rambonanza In
based on what I read on this story I'm so excited to know more about vampire and wolf especially about what had happened from the past of Syrie, the story is very interesting and I'm so eager to read until the end of the story even I'm busy, sobrang galing ng author na to, ang lawak ng pag-iisip......
Basahin ang Lahat ng Review
I Love You, My Attorney

I Love You, My Attorney

Akala ni Francesca ay nahanap na niya ang forever kay Matheo—hanggang sa mahuli niya itong may ibang babae. Wasak na ang puso, sabay pa siyang nakatanggap ng tawag mula sa isang abogado na inakala niyang scammer. Pero ang pangalan sa kabilang linya ay hindi basta-basta: Atty. Elton Campos, ang pinakamakapangyarihang abogado sa bansa. At mula sa araw na iyon, magsisimula ang isang kwentong hindi niya inaakalang mag-uugnay sa kanila.
Romance
106.7K viewsOngoing
Read
Idagdag sa library
Ang Dalawang Mukha [Tagalog]

Ang Dalawang Mukha [Tagalog]

S.B.S
Nang magising si Amella mula sa matagal na pagkahimlay, natagpuan na lang niya ang kanyang sarili na walang alaala sa kanyang nakaraan. Ni-mukha niya ay bago sa kanyang mga mata. Maging ang sariling pangalan ay hindi siya pamilyar. Maging ang sarili niya hindi niya kilala. Hindi niya alam kung saan siya magsisimulang hanapin ang sarili, lalo na nang malaman niyang ikinasal na siya sa isang lalaking nagngangalang Christian. At lalong gumulo ang mundo niya nang lumitaw si Hade sa buhay niya. Ang kanyang buhay ay naging magulo at puno ng mga katanungan. Sino si Hade? Bahagi nga ba siya ng nakaraan niya? Ginugulo ng lalaki ang kanyang diwa pati na rin ang kanyang puso. "Ang Dalawang Mukha sa loob ng iisang katauhan"
Romance
102.7K viewsOngoing
Read
Idagdag sa library
PREV
1
...
2021222324
...
50
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status