Filter By
Updating status
AllOngoingCompleted
Sort By
AllPopularRecommendationRatesUpdated
Ang Dalawang Mukha [Tagalog]

Ang Dalawang Mukha [Tagalog]

S.B.S
Nang magising si Amella mula sa matagal na pagkahimlay, natagpuan na lang niya ang kanyang sarili na walang alaala sa kanyang nakaraan. Ni-mukha niya ay bago sa kanyang mga mata. Maging ang sariling pangalan ay hindi siya pamilyar. Maging ang sarili niya hindi niya kilala. Hindi niya alam kung saan siya magsisimulang hanapin ang sarili, lalo na nang malaman niyang ikinasal na siya sa isang lalaking nagngangalang Christian. At lalong gumulo ang mundo niya nang lumitaw si Hade sa buhay niya. Ang kanyang buhay ay naging magulo at puno ng mga katanungan. Sino si Hade? Bahagi nga ba siya ng nakaraan niya? Ginugulo ng lalaki ang kanyang diwa pati na rin ang kanyang puso. "Ang Dalawang Mukha sa loob ng iisang katauhan"
Romance
102.7K viewsOngoing
Read
Add to library
Bastarda Series-√: The Melody of HEARTBREAK

Bastarda Series-√: The Melody of HEARTBREAK

Sa mundo ng musika at pag-ibig, kilalanin si Rasselle, isang dalagang kolehiyala na may talento sa pagkanta at may pusong sensitibo. Ngunit ang kanyang buhay ay nagbago nang makilala niya si Rage Hidalgo, isang kaakit-akit ngunit misteryosong lalaki na nagdala ng bagong pag-ibig at pagkakamali sa kanyang buhay. Sa kanilang pagmamahalan, natuklasan ni Rasselle ang mga lihim na nakatago sa likod ng mga ngiti at halik ni Rage. Ang mga lihim na ito ay magdudulot ng sakit at pagdurusa sa kanilang relasyon. Habang si Rasselle ay nagpupumilit na malampasan ang mga pagsubok sa kanilang relasyon, natuklasan niya rin ang mga katotohanan tungkol sa kanyang mga magulang at sa mga dahilan ng kanilang pagtutol sa kanilang relasyon. Sa gitna ng mga pagtataksil at pagdurusa, magagawa ba ni Rasselle na patawarin si Rage at muli niya itong tanggapin pabalik sa kanyang buhay? O magtatapos na lang ba ang kanilang relasyon sa isang malungkot na paghihiwalay? Sundan ang kwento ng dalawang taong nagmamahalan sa gitna ng mga pagsubok at pagtataksil sa "The Melody of Heartbreak" ni J.C.E Cleopatra.
Mafia
10792 viewsOngoing
Read
Add to library
Secretly Dating My Trillionaire Boss (R18+)

Secretly Dating My Trillionaire Boss (R18+)

Gumuho ang isa sa mga pangarap ni Naneng Araneta ang magkaroon ng magandang relasyon nang harap-harapan niyang nasaksihan ang panloloko ng kanyang nobyong si Raze Almirante at ang kanyang matalik na kaibigan na si Sheena Lopez—isang gabi sa mismong condo ng nobyo. Matapos ang tatlong-taon na panloloko ng nobyo sa kanya, napagdesisyonan ni Naneng hiwalayan ito't magsimula ng panibagong pangarap—para sa kanyang sarili, at maging sa mga kapatid na rin. Ang pangarap na muntik na sanang maabot, ay nauwi sa isang mabigat sa loob na desisyon. Ngunit, bagaman, nawala man iyon ay alam niyang may panibagong darating—iyon ay ang magkaroon ng panibagong trabaho sa isang malaking kompanya ng Exhibition Space kung saan dito niya ulit makikita si Kid Gabriel Alcantara—ang pinsan ng dating amo nito. Isang gabi sa isang malaking event ng Exhibition Space—hindi inaasahan ni Naneng na ang patikim-tikim lang sana ng alak ay nauwi sa pagkalasing nito. Nang kinabukasan, nagtaka—nagtanong sa sarili kung paano siya napunta sa isang hindi pamilyar na lugar. Saka niya lang naalala ang lahat nang makita si Kid na nakatayo sa paanan ng kama. Dahil sa takot at reputasyon niya bilang babae—nakiusap siya kay Kid na itago na ang lang lahat na nangyari sa kanila. Bagaman, pumayag si Kid nang magkaroon ng isang kondisyon; iyon ay ang maging tagapagbigay ng aliw sa kanya tuwing nangangailang ang katawan nito. Mabigat sa kalooban ni Naneng ang kasunduan na iyon. Ngunit, kinakailangan niyang sumang-ayon dahil kilala niya ang binatang iyon; may pangalan sa kumunidad. Isang Alcantara na magiging bangungot sa kanyang kinabukasan at hindi niya matatakasan; nagtapos sa pagtanggap ng alok.
Romance
1022.9K viewsOngoing
Read
Add to library
ALEXANDER ZAAVEDRA, Brutal at Walang Kinatatakutan

ALEXANDER ZAAVEDRA, Brutal at Walang Kinatatakutan

Ang kapangahasan ni Rose ang nagdala sa kanya sa isang malaking panganib. Kung saan sa malayong probinsiya at liblib na bayan sa Cotabato siya ay napadpad. Habang nasa biyahe ay hinarang ang kanyang sinasakyang bus ng mga masasamang loob. Binitbit siya ng mga armadong lalaki na may nakakatakot na mga pagmumukha. Animo mga buwitreng gutom na nakakita ng karneng pag-aagawan sa katauhan niya. Nanganganib siyang malapastanganan. Subalit sa kabila ng takot ay hindi pinanghinaan ng loob si Rose. Dinala sya ng grupo sa kuta ng mga ito at ginawang bihag. Sa puntong iyon alam niyang nasa panganib ang kanyang buhay lalo na at natipuhan siya ni Horan ang mabagsik na pinuno ng mga bandidong dumukot sa kanya. Napasakamay siya sa pangangalaga ni Dimitri. Ang lalaking may mala-leon na lisik ng mata. Ngunit Imbis na mas lalong mangamba sa kaligtasan ay natagpuan niya ang sariling nais na mahulog sa mga bisig ng lalaking tulisan.
Romance
1010.0K viewsOngoing
Read
Add to library
String of Marriage (tagalog)

String of Marriage (tagalog)

Si Lou Wisesun ay may kakayahan na makita ang future marriage ng isang tao. Kaya nitong tuklasin ang buong pangalan ng taong mapapangasawa mo at taon kung kailan mismo kayo maikakasal. Handa ka bang magbayad para makilala si “The One”? Ngunit anong gagawin mo kung nakita sa’yo na ikakasal ka sa isang mahirap na farmer? Sa isang lalaki na may limang kapatid at walang ibang ginawa ang buong pamilya niya kundi ang magtanim ng palay sa kanilang bukiran. Kaya mo nga bang baguhin ang takbo ng tadhana mo? This is the story of Onalisa Gwen. She has a mission. A mission to stop marrying her future Husband in order to protect her family reputation.
Romance
1033.0K viewsOngoing
Read
Add to library
Ruby: Ang Pagdating Sa Edad

Ruby: Ang Pagdating Sa Edad

Walang mga lalaki sa aming nayon. Kapag umabot ng 18 taong gulang ang isang babae, sumasailalim sila sa isang seremonya ng pagdating ng edad sa ancestral hall. Suot ang mga damit pang-seremonya, pumila sila para pumasok, at paglabas nila, ang mga mukha nila ay may halong sakit at saya. Noong ang panganay na kapatid na babae ko ay naging 18, pinagbawalan siya ni Lola na dumalo. Gayunpaman, isang gabi, lumusot siya papunta sa bulwagan. Paglabas niya, hirap siyang maglakad, at may dugo sa pagitan ng mga binti niya.
Short Story · Kilig
1.3K viewsCompleted
Read
Add to library
The Billionaires' Secret

The Billionaires' Secret

Ang book na ito ay naglalaman ng kuwento ng magkakaibigang may kaniya-kaniyang lihim sa pagkatao. May abogado, doctor at assasin, ngunit iisa lang ang layunin— ang manaig ang katarungan. Si Jennifer or mas kilalang Kailani ay magbabalik after ten years upang ipaghiganti ang pagkamatay ng mga magulang. Kasama sa mission ang matalik na kaibigang si Sasha at ang unang lalaking nagkagusto sa kaniya, si James. Si Khalid na anak ng taong nais paghigantihan ngunit sa bandang huli ay maging kakampi. Si Dexter ay ang abogadong matalik na kaibigan ni Khalid. Bubuo ng isang grupo upang makatuwang sa itinayong pribadong ahensya ng mga detective agent. Isa sa mga kasapi ay si James at ang kaibigang si Micko. Napabilang din ang masungit na pinsan ni Micko na si Cloud. Makilala ng grupo sina Jeydon at Ashton na magaling ding agent. Sa paglago ng grupo ay magkakaroon ng Jr. Group ang Eagle's Wings Secret Agency. Pangangatawan nila Cris, Amalia, Jay at Ruel. Isa sa haliging sinasandalan ng ahensya ay ang tiyuhin ni Dexter na si General Max. Sino-sino ang mga may madilim na nakaraan at ang may itinatago sa pagkatao? Paano nila malutas ang mga sariling suliranin?
Romance
1087.7K viewsOngoing
Read
Add to library
His Wild Mistake

His Wild Mistake

Eunwoo_bluedust
Si Isabel Herrera ay may tinatakasan na nakaraan. At sa murang edad na labing-siyam ay nagsimula na siyang magpalipat-lipat ng tirahan kasama ang kaniyang anak na lalaki at yaya Lorna na itinuring niya ng parang tunay na ina simula nang pumanaw ang kaniyang biological mom na si Elina. Pagod na pagod na siya sa ganoong routine subalit sa kagustuhang takasan ang bangungot ng kaniyang nakaraan ay wala siyang nagawa kung 'di ang gawin iyon. Nakatatak na sa isipan ni Isabel na hinding-hindi siya magpapapasok ng kahit na sinumang lalaki sa kaniyang buhay kaya lahat ng nanliligaw sa kaniya ay binabasted niya lang. Kahit nga pagkakaibigan lang ay hindi niya pinapahintulutan ang mga ito. Ayon pa nga sa kaniya ay okay lang mamatay siya na walang ibang lalaki sa buhay kung 'di ang anak niya lang . Subalit isang gabi, habang sinusubukang tumakas sa isang birthday party ng kaniyang kasamahan sa trabaho na ginanap sa isang engrandeng hotel ay bigla na lamang may humila sa kaniyang matipuno at ubod ng gwapong lalaki. Sobra-sobra ang pagpupumiglas na ginawa niya sa mga sandaling iyon pero dahil mas malakas ito ng ilang beses sa kaniya ay walang kahirap-hirap siyang nadala ng lalaki sa isang malawak at engrande ring silid. At doon isang mainit at masarap na gabi ang kanilang pinagsaluhan. Napamura pa siya sa isipan kinaumagahan nang bigyan niya ito ng huling sulyap bago umalis. Ang lintik naman kasi, hindi manlang nabawasan ng kahit kaunti ang kagwapuhan kahit tulog at gulo-gulo ang buhok dahil sa pagkakasabunot niya. Hindi makapaniwala si Isabel sa pangyayaring iyon. Hindi niya akalaing ganoon na lamang siya kabilis na bumigay sa lalaking kahit pangalan ay wala siyang kaide-ideya. Lingid sa kaniyang kaalaman na ang lalaking iyon na kaniyang nakatalik ay isa pala sa dahilan kung bakit patuloy siyang tumatakas sa nakaraan.
Romance
101.2K viewsOngoing
Read
Add to library
Magically Bonded

Magically Bonded

Miss Gold
Bitbit ang galit at sakit sa puso ni Selena ay nangako siya sa sariling tatapusin niya ang kanyang misyon at ipaghihiganti ang mga kasamahang walang awang pinatay ng mga Itim na Salamangkero. Pero pano niya gagawin yun kung sa kanyang matagumpay na pagtakas ay may bagong hamon ang Tadhana? Sa isang iglap, nagising nalang siyang walang alaala ng kanyang buhay. Wala na ang misyong ipinangako niyang gawin maging kapalit man nito ay ang buhay niya. Sa kanyang paghahanap ng kasagutan sa mga tanong sa kanyang isipan ay marami siyang makikilalang kaibigan. Hanggang sa pumasok siya sa Akademya ng mga kabataang may Espesyal na Kakayahan. Doon ay magsisimulang bumalik ang mga memorya nang nakaraan. Sa lugar na iyon ay makikilala niya ang mortal na kaaway na siyang may malaking parte sa nakalimutang misyon. Ang lalaking nakatadhana sa kanya. Pero mapaibig niya kaya ito sa kanya kung may minamahal na itong iba? Matapos niya kaya ang kanyang misyon kung kapalit nito ay sisirain niya ang kaligayahan ng lalaking mahal niya? Magically Bonded. Isang kwento ng paglalakbay, paghihiganti at pag-ibig ng isang dalaga. Isang dalagang nakatadhana sa isang dakilang misyon.
Fantasy
1.4K viewsOngoing
Read
Add to library
HIDDEN MAFIA HEIR'S

HIDDEN MAFIA HEIR'S

Sa likod ng isang maamo at mala-anghel na mukha, nagtatago ang bangis at tapang. Iyan si Natasha Mendez Cordoja, na kilala nang lahat bilang si Yanna. Sa kabila ng maganda at maayos na buhay, ay kailangan niyang gampanan ang sariling misyon para hanapin ang mga taong may malaking atraso sa kanya. Ngunit magkakasangga ang mga landas nila ng isang kilalang mafia leader na si Xander Montero, matapos nilang pagsaluhan ang isang gabi at magiging malapit sa isa't isa. Kapwa sila may mga sariling misyon sa buhay na ginagampanan. Ngunit nakahanda nga ba silang isantabi na lang ang kanilang layunin para bigyang-daan ang kanilang mga pansariling damdamin? Nakahanda nga ba si Yanna sa mga bagong matutuklasan, lalo na sa likod ng kanyang tunay na pagkatao? At paano kung mahulog na siya sa bitag ni Xander? Magawa pa kaya niyang makalabas sa butas na lalong nagpapasikip sa kanyang mundo?
Romance
1055.5K viewsCompleted
Read
Add to library
PREV
1
...
2122232425
...
50
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status