กรองโดย
กำลังอัปเดตสถานะ
ทั้งหมดยังไม่จบจบแล้ว
จำแนกโดย
ทั้งหมดเป็นที่นิยมที่แนะนำคะแนนการอัปเดต
Tres Marias: Ada

Tres Marias: Ada

Hindi naging hadlang ang yaman at pribilehiyo upang tuparin ni Atty. Ada Esquivel--- isang matapang at ma-prinsipyong babae--- ang kanyang misyon sa buhay. Bagaman lumaki siyang laki sa yaman at karangyaan, pinili niyang i-alay ang kanyang buhay upang tulungan ang mga mas higit na nangangailangan. Ang kanyang pangalan ay isang malaking tinik sa lalamunan ng mga mayayamang mapang-abuso, sapagkat kilala siya sa pagpanalo ng ng mga kasong isinasampa laban sa ilan sa kanila. Sa kauna-unahang pagkakataon ay natalo siya sa isang kaso. Kasunod nito ay ang kalunos-lunos na pagkamatay ng kanyang dating Propesor. Dahil dito ay mapapadpad siya sa isang malayo at maliit ngunit tahimik na bayan ng Bagong Silang. Sa patuloy na pakikibaka para sa karapatan ng mga taong naninirahan dito, unti-unti ring mabibigyan ng linaw ang sinapit ng kanyang propesor, maging ang misteryo sa likod ng kauna-unahang kasong hindi niya naipanalo ay mabubunyag din. Lingid sa kaalaman ni Ada ang bawat sikretong matutuklasan niya ay magiging mitsa ng kanyang buhay. Makakaligtas kaya siya sa tiyak na kapahamakang nakaabang sa kanya? Posible kayang makatagpo siya ng pag-ibig sa gitna ng digmaan? How much will it take to win against the fight outside the courtroom?
Mystery/Thriller
1.4K viewsยังไม่จบ
อ่าน
เพิ่มลงในห้องสมุด
The CEO'S RENTED WIFE

The CEO'S RENTED WIFE

chantal
Naudlot ang mga pangarap ni Laura Anderson dahil mas pinili ng kanyang mga magulang na unahin ang pag-aaral ng kanyang nakatatandang kapatid sa Amerika. Gayunpaman, sa gitna ng kawalan ng pag-asa na ito, nakilala ni Laura si Mark Santivaniez at nagpalipas ng isang mainit na gabi sa kanya. Hindi ito tumigil doon, hiniling ng mayamang CEO kay Laura na maging isang inuupahang manliligaw sa isang tiyak na tagal ng panahon. So, anong gagawin ni Laura? Tsaka nung nalaman niyang si Mark ay pinipilit na magpakasal ng mabilis at isang...biyudo!
Romance
2.9K viewsจบแล้ว
อ่าน
เพิ่มลงในห้องสมุด
The Secret Billionaire and the Fallen Heiress

The Secret Billionaire and the Fallen Heiress

Bumagsak ang mga kompanya ni Miguel Montecarlo, lolo ng dalagang si Mia, at napilitan itong ipagkasundo ang kanyang apo sa mayamang si Don Rico. Noong gabi kung kailan siya kinutya at ipahiya ng mga kaibigan, nakilala naman ni Mia si Liam, isang gwapong lalaking akala niya ay isa lamang waiter at inalok ito ng pera kapalit ng pagtulong sa kanyang makalimot kahit isang gabi lamang.
Romance
10570 viewsยังไม่จบ
อ่าน
เพิ่มลงในห้องสมุด
Tainted Series1: The Billionaire's Lover

Tainted Series1: The Billionaire's Lover

Namulat si Clea sa kahirapan ng buhay. Sa murang edad natuto itong magtrabaho para buhayin ang sarili at para buhayin ang mga taong nagpalaki sa kanya. Nalayo sa mga magulang at walang maalala. Lumaki sa pamilyang walang pagmamahal sa kanya. Pinagmamalupitan sa kabila ng mga sakripisyo niya. Araw-araw humaraharap at lumalaban sa hamon ng buhay. Walang reklamo, walang angal. Pero isang pangyayari ang magpapabago ng lahat. Kailangan niyang tumakas sa mga taong nagpalaki sa kanya. Masakit man para sa kanya pero wala siyang magagawa dahil sariling kaligtasan niya ang nakasasalalay. Hanggang kailan ang mga paghihirap ni Clea? Darating pa ba ang araw na matatagpuan niya ang totoong pamilya? Mahahanap niya ba ang lalaking magbibigay ng tunay na pagmamahal sa kanya? Pero paano ba magmahal kung ang taong minamahal mo ay nakatali pa rin sa nakaraan niya? Kaya bang pangatawanan nang puso mo ang pag-ibig na alam mong wala namang kapalit?
Romance
9.130.5K viewsจบแล้ว
อ่าน
เพิ่มลงในห้องสมุด
Red String's Of Science

Red String's Of Science

deredskert
Sa panahon kung saan ang mga kabataan ay hinahanapan na nang kaniya kaniyang kapareha. Sa pamamagitan ng Siyensya ay pinag-sasama ang mga dalaga at mga binata ayun sa kanilang taglay na “Gene’s” at ito ang tinatawag na Red String’s of Science. Ngunit mayroong binatilyo ang hindi masaya sa ganitong Sistema. Sapagkat nais niyang mag-mahal na naaayon sa kaniyang puso at hindi aasa sa siyensya. Subalit papaano kung ang kaniyang pagmamahal ay hindi bigyan ng pabor ng gobyerno.
Romance
1.3K viewsยังไม่จบ
อ่าน
เพิ่มลงในห้องสมุด
MAYARI

MAYARI

Isigani
Si Mayari na pinoprotektahan ng isang babaylan, ay isang prinsesang niligtas ni Adonis na isang tikbalang. Isang malaking pagsubok ang kakaharapin nito at kakailanganin niya ang isang matinding pagsasanay, malaking sakripisyo para sa misyon ukol sa kapakanan ng bayan ng Maharlika. Pipilitin ni Mayari na makuha ang pamumuno sa palasyo, na hawak ng isang salamangkerong dating kanang kamay ng hari na nagpapahirap sa bayang nasasakupan. Mahihirapan si Mayari sa paghahanap ng mga kasama na aayon sa kanya dahil sa takot ng mga ito na paghigantiahan ng makapangyarihang salamangkero na tumatayong pinuno sa kaharian pagkatapos nitong lasunin ang hari. Sa kaniyang paglalakbay ay makikila niya ang mga kaibigan na tutulong sa kaniya upang magwagi laban sa kay Elyazar na salamangkero. Mahihirapan man, gagawin ng bida ang lahat para maibalik sa kaayusan ang bayan.
Fantasy
102.4K viewsยังไม่จบ
อ่าน
เพิ่มลงในห้องสมุด
Hayes Brothers: Triplets

Hayes Brothers: Triplets

emalasan37
Ela x Triplets Isa sya sa Triple Threat ng model industry, ang dalawang kaibigan nito ay syang kasa kasama nyang nagsimula hanggang sa tinanghalan silang Triple Threat ng mga tao. Dahil daw pag sila ang magkakasama sila na ang nagiging center of attraction ng event na syang dinaluhan nila. Nang maganap ang kanilang photoshoot sa Pilipinas, akala ni Ela ay makakatakas na sya sa mga kinaiinisan nitong paparazzi. Sa kagustuhang makatakas nilapitan nya ang isang table kung saan puro mga lalaki ang mga nandoon. Hindi pa ito nakuntento at hinalikan pa ang isa sa mga ito. She caught the triplet's attention, they want her for theirselves kaya gagawin nila ang lahat mapasakanila lang ang babae.
Romance
3.9K viewsยังไม่จบ
อ่าน
เพิ่มลงในห้องสมุด
Carrying the Billionaire's Heir

Carrying the Billionaire's Heir

Isang gabi ng pagkakamali ang nagbunga ng isang responsibilidad na babago sa buhay ni Sabrina Turner. Dinadala niya ngayon ang tagapagmana ng isang bilyonaryong si Ryan Jacobs, isang lihim na maaaring sumira o bumuo sa kanilang mga mundo. Sa gitna ng mga intriga, panlilinlang, at posibleng pag-ibig, paano niya mapoprotektahan ang kanyang anak at ang kanyang sarili mula sa makapangyarihang ama nito?
Romance
1029.3K viewsจบแล้ว
อ่าน
เพิ่มลงในห้องสมุด
TRAPPED WITH A BILLIONAIRE

TRAPPED WITH A BILLIONAIRE

Sinopsis: Si Mariecon Guerrero ay isang aspiring writer na ginugugol ang kanyang mga araw sa pagtatrabaho sa isang bookstore at ang kanyang mga gabi sa pagsusulat ng mga kwentong puno ng matinding pag-ibig—mga kwentong kailanman ay hindi niya inakalang mangyayari sa kanya. Ngunit isang kasunduang kasal na orihinal na para sa kanyang pinsan ang aksidenteng napunta sa kanya, kaya’t hindi inaasahan, natagpuan niya ang sarili niyang kasal kay Hydeo Ridge Dela Fuerte—isang makapangyarihan ngunit malamig at walang pusong negosyante. Kailangan ni Hydeo ng isang asawa upang masigurado ang isang napakalaking business deal, at ang dapat sana niyang mapapangasawa ay ang glamorosang pinsan ni Mariecon na si Madeline. Ngunit dahil sa isang pagkakamali sa mga papeles, si Mariecon ang napirmang asawa sa courthouse wedding. Nang matuklasan ang pagkakamali, labis ang gulat niya nang tumanggi si Hydeo na ipa-annul ang kasal—para sa mga dahilan na hindi niya gustong ipaliwanag. Ngayon, natagpuan ni Mariecon ang sarili niyang nakakulong sa isang malamig at kalkuladong kasunduan sa isang lalaking hindi nagbubukas ng kanyang puso. Ngunit habang sinusubukan niyang alamin ang katotohanan sa likod ng kasal na ito, unti-unting nagbabago ang kanilang relasyon. Ang kasal na nagsimula sa obligasyon ay nauwi sa matitinding banggaan ng kalooban, mga lihim na sandali, at isang damdaming hindi nila maitatanggi.
Romance
10850 viewsยังไม่จบ
อ่าน
เพิ่มลงในห้องสมุด
Langit Sa Piling Mo (S.P.G)

Langit Sa Piling Mo (S.P.G)

Ang book na ito ay naglalaman ng mga kwentong hindi angkop sa mga batang mambabasa. Ito ay kwento ng magkapatid, magkaibigan at magpinsan. Sina Devine Joy at Devine Marie ay ang kambal na lumaki sa isang kumbento. Makilala ang mga lalaking mayaman ngunit babaero. Si Jhaina na pinsan nila Mark At Yosef ay may pusong lalaki ngunit mapipikot ni Zoe na isang maginoo ngunit medyo bastos. At si Khalid na isang manyak na kaibigan ni Mark ay iibig sa isang babaeng nagpapanggap na lalaki. Isang mainit na romance ang inyong matunghayan sa bawat kwento ng ating mga bida. Tunghayan kung paano mapaamo at matutong magmahal ang taong nerd, takot sa obligasyon, mapagpanggap, tigasin at mga babaero.
Romance
1085.1K viewsจบแล้ว
อ่าน
เพิ่มลงในห้องสมุด
ก่อนหน้า
1
...
2930313233
...
50
สแกนรหัสเพื่ออ่านบนแอป
DMCA.com Protection Status