Filter By
Updating status
AllOngoingCompleted
Sort By
AllPopularRecommendationRatesUpdated
Ang Asawa kong Tinitingala ng Lahat

Ang Asawa kong Tinitingala ng Lahat

Biyenan:“Layuan mo na ang anak ko! Hindi siya karapat dapat para sa isang basurang katulad mo!”Makalipas ang tatlong araw, bumalik ang manugang nito sakay ng isang mamahaling sasakyan.Biyenan:“Parang awa mo na iho, huwag mong iwan ang anak ko.”
Urban
9.59.6M viewsCompleted
Show Reviews (5663)
Read
Add to library
Albert Pascua
wala na yatang ending mga to... napaganga nung una pero masyado nang nging hndi kapani paniwala.. sa mga sumunud.. naging kasing lakas na nang mga cartons. action anime ang mga tao.... may mga kapangyarihan nang tawagin ang mga kulog kidlat at iba pa pati mga dragon..... at pati ang ibang mundo na
Jayzel Santos
heyyyyuuuuuuuuuuuuu. hahahahhahahahahahahahahahahaahahahha Lily hahahahahahahajaajahahajahaajajajajajqjqhahahahahahahahahahahahaahadaryl ahhaahahahahahahahahaa dax hahahahahahahahaha Nancy hahaahhaahahahaahahaha what the so bitin nnnnnnnnnnnnnnnnnnnnnnnnnnnn hahahahahahaahahahahahahahahahahahaha
Read All Reviews
Kasalanan Ko Ba Ng Iniibig Kita

Kasalanan Ko Ba Ng Iniibig Kita

Sa dalawa taong mag kaiba ang katayuan, may pag ibig kaya mabubuo sa kanila. Paano sa umpisa palang ay sinubok na nang tadhana ang pag mamahalan nila mananatili ba ang isa o hahayaan na lang na mawala ito. samahan ninyo po ako sa kwento ni William at Belyn
Romance
1012.0K viewsOngoing
Read
Add to library
ANG KATULONG NA PINIKOT NG BILYONARYO

ANG KATULONG NA PINIKOT NG BILYONARYO

Isang kasambahay na walang pake sa pag-ibig. Isang bilyonaryong sanay sa kontrol. At isang gabing ‘di nila inaasahan... na hahantong sa kasalan?! Si Roxane Hermenez ay simpleng babae: trabaho, uwi, tulog, ulit. Ang pangarap niya? Makaipon, makaalis sa pagiging katulong, at mabigyan ng maayos na buhay ang pamilya. Walang oras sa landi-landi lalo na’t ang amo niya ay si Dark Nathaniel Villamonte — mayaman, suplado, at ubod ng arte. Pero isang gabi, dahil sa kakaibang pagkakataon, isang basong alak, at isang sira ang elevator… may nangyari. At noong malaman ni Dark Nathaniel na may “posibleng bunga” ang gabing iyon, hindi siya nagtago— Siya pa ang nagpumilit magpakasal! “Hindi puwedeng wala akong responsibilidad. Puwede na ang kasal sa Huwes!” Ngayon, si Roxane ang natataranta. Sino ba’ng babae ang pinipikot ng sariling amo?! Pero teka… kung responsibilidad lang ang dahilan, bakit parang nagiging possessive, sweet, at seloso si Dark? May pag-ibig na ba talagang nabubuo? O baka naman… trip lang talaga siya ng bilyonaryo? Saan hahantong ang damdamin ni Roxane sa kanyang gwapong apo kung patuloy siyang susuyin nito kahit alam niyang may mga kontra barata sa ginagawang iyon ni Dark Nathaniel?!!!!
Romance
1057.2K viewsOngoing
Read
Add to library
Ang Santo Sa Likod Ng Pinto

Ang Santo Sa Likod Ng Pinto

Dala ng matinding kahirapan, inutusan si Minggay ni Mama Linda na nakawin ang korona ng Mahal Na Birhen ng Villapureza upang may pambili sila ng makakain. Subalit, sa kalagitnaan ng tangkang pagnanakaw, nahuli siya ni Father Tonyo na siyang namamahala ng simbahan kung saan nakalagak ang istatwa ng Mahal Na Birhen at ang korona nito. Subalit sa hindi inaasahang pangyayari, sa halip na ipakulong, inalok pa ng pari na tumira si Minggay sa kanila. Pumayag naman si Minggay dahil sawa na siya sa hirap. Pagod na siyang maging palaging gutom. Ngunit ang hindi niya alam, ito pala ay may malagim na kapalit.
Mystery/Thriller
104.5K viewsCompleted
Read
Add to library
Ang Lihim Na Dalaga ng Amo

Ang Lihim Na Dalaga ng Amo

Si Bellerien, isang kasambahay na lihim na umiibig sa kanyang amo, si Damien—isang makisig at makapangyarihang lalaki—ay nakaranas ng gabing tuluyang nagbago ang kanyang buhay. Isang hindi inaasahang sandali, sa gitna ng kanyang manipis na pangtulog, ang nagtulak kay Damien sa tukso. Ang matagal nang nakatagong pagnanasa ay tuluyang sumiklab. Bagama’t una siyang nagpumiglas, hindi maikakaila ni Bellerien ang katotohanan—ang pagkakataong maranasan kung paano maging si Sofia, ang babaeng iniibig ni Damien, ay hindi niya matanggihan. Ngunit sa likod ng matinding pagnanasa, may kirot, pag-aalinlangan, at pagsuko. Para kay Bellerien, ang gabing iyon ay magiging isang matamis ngunit mapait na alaala na hindi niya malilimutan. Para naman kay Damien, isa itong kasalanang mananatiling multo sa kanyang konsensya.
Romance
1063.7K viewsCompleted
Read
Add to library
Mister ng Utangera ang Mafia King

Mister ng Utangera ang Mafia King

Maria Angela Gonzales
Utang ang dahilan kaya napapayag ni Dr. Storm Davis si Judith Dimaculangan na magpanggap na fiancee niya. Ang Lola Anastacia kasi niya gusto siyang mag-asawa na gayung hindi siya naniniwala sa pag-ibig kaya't para matigil na ang pangungulit sa kanya ng kanyang lola, naisipan niyang ipakilala rito si Judith bilang soon to be mapapangasawa niya. Ngunit, hindi niya goal na magustuhan ng lola niya si Judith kundi para sabihin ng lola niya ba 'ayoko sa kanya para sa'yo'. Ngunit, kabaligtaran ang nangyari. "I like you, iha," wika ng kanyang Lola Anastacia. Pero, hindi pa doon nagtapos ang pagkabigla niya. "I like you para sa apo kong si Jiwan." "No way," mariin niyang sabi nang marinig ang pangalan ng kapatid sa ina. Hinding-hindi makukuha ni Jiwan sa kanya si Judith, papakasalan na niya ito ASAP.
Romance
104.0K viewsOngoing
Read
Add to library
Ikinulong Ako ng Aking Ama Hanggang Mamatay

Ikinulong Ako ng Aking Ama Hanggang Mamatay

Ang ampon ng aking ama ay ikinulong lamang sa masikip na storage closet nang halos labinlimang minuto, ngunit tinalian niya ako at itinapon sa loob bilang parusa. Tinakpan pa niya ang ventilation gamit ang mga tuwalya. "Bilang nakatatandang kapatid ni Wendy, kung hindi mo siya kayang alagaan, marapat lamang na maranasan mo rin ang takot na naramdaman niya,” seryoso niyang sabi. Alam niyang may claustrophobia ako, ngunit ang aking mga desperadong pakiusap, ang aking matinding takot, ay sinagot lang ng malupit na sermon. "Magsilbi sana itong aral sayo para maging mabuting kapatid." Nang tuluyang lamunin ng kadiliman ang huling hibla ng liwanag, nakakaawa akong nagpumiglas. Isang linggo ang lumipas bago muling naalala ng aking ama na may anak pa siyang nakakulong at nagpasya siyang tapusin na ang aking parusa. "Sana'y naging magandang aral sa iyo ang isang linggong ito, Jennifer. Kung mangyayari pa ito muli, hindi ka na pwedeng manatili sa bahay na ito." Ngunit kailanman ay hindi niya malalaman na matagal ko nang nalanghap ang aking huling hininga sa nakakasulasok na silid na iyon. Sa kadiliman, unti-unti nang nabubulok ang aking katawan.
Read
Add to library
Contract of the Heart (Kontrata ng Puso)

Contract of the Heart (Kontrata ng Puso)

Sa taong 2030, sa lungsod ng Maynila, magtatagpo ang dalawang taong galing sa magkaibang mundo. Elaine Santos—isang simpleng babae mula sa isang maralitang pamilya, determinadong gawin ang lahat para mailigtas ang kanyang kapatid na may malubhang karamdaman. Nang mawalan ng pag-asa at pagkakakitaan, mapipilitan siyang tanggapin ang isang alok na magbabago sa kanyang kapalaran. Aidan Velasquez—isang batang negosyante at bilyonaryong kilala sa kanyang lamig, determinasyon, at pusong sarado sa pagmamahal. Sa mata ng publiko, siya ay perpekto. Ngunit sa loob, siya'y wasak—binuo ng pagkabigo, at nilason ng isang nakaraang hindi niya matahimik. Ang kanilang landas ay magtatagpo sa pamamagitan ng isang kasunduan—isang isang-taong kasal kapalit ng tulong pinansyal para sa kapatid ni Elaine. Sa simula, malinaw ang mga hangganan: walang damdamin, walang komplikasyon, isang kontrata lang. Pero sa bawat araw ng pagiging "asawa" ni Aidan, mararamdaman ni Elaine ang paglamlam ng kanyang mga pader. Unti-unti, binubuksan niya ang pintuan ng kanyang puso—hindi lang kay Aidan kundi sa lahat ng taong nakapaligid dito. At si Aidan, sa kabila ng kanyang malamig na maskara, ay masusubok harapin ang katotohanan ng kanyang nakaraan—lalung-lalo na ang sakit na iniwan ni Selene Navarro, ang babaeng minsan niyang minahal. Habang tumatagal, mas lumalalim ang komplikasyon. Lilitaw ang mga lihim. Mabubunyag ang mga sugat. At masusubok ang tibay ng damdamin sa gitna ng mga kasinungalingan, takot, at responsibilidad. Sa huli, ang tanong: Ang pag-ibig ba ay kailangang ikontrata—o ito'y malayang nararamdaman sa tamang panahon?
Romance
511 viewsOngoing
Read
Add to library
Tinawag Ako ng Ex kong Gold Digger

Tinawag Ako ng Ex kong Gold Digger

Biglang inatake sa puso ang aking mom, at mabilis na umapaw ang kaniyang medical bills bago pa man ako makahinga nang maayos.   Desperado na ako kaya agad akong humarap sa mayaman kong boyfriend sa pagasa na baka makatulong siya sa akin, o makaisip manlang ng solusyon sa sitwasyon. Pero sa halip na suporta ang aking matanggap, nagpakawala siya ng isang tirada na mas matindi pa sa kahit na anong salitang narinig ko.   “Ito ba ang dahilan kung bakit ka sumama sa akin? Para sa pera ko? Wala kang pinagkaiba sa ibang mga babaeng nagbibigay sa kanilang mga sarili sa akin. Parepareho kayong lahat—kaawa awa at walanghiya kayong mga babae kayo!”   Bago pa man ako makapagreact, agad niya na akong itinulak palabas ng pinto.   At nang maintindihan niya ang buong kwento, binigyan niya ako ng isang bank card nang hindi nagtatanong ng kahit na ano. “Candice”, tahimik nitong sinabi gamit ang nagsisisi niyang boses. “Birthday mo ang password nito.”   Hindi ako nagsabi ng kahit na ano sa kaniya. Hinayaan kong mahulog ang card sa sahig bago ako umalis nang hindi lumilingon sa kaniya.
Short Story · Romance
1.1K viewsCompleted
Read
Add to library
Ang Misteryosong Asawa Ng Nakakaakit Na CEO

Ang Misteryosong Asawa Ng Nakakaakit Na CEO

Si Zarina Alcantara ay isang misteryosang babae. Walang nakakakilala sa kanya ng lubos. Tahimik, maganda, at tila may tinatagong lihim na hindi maabot ng sino kahit pa ang kanyang future husband. Si Damian Hidalgo naman ay isang CEO. Guwapo, masungit, ngunit mapagmahal na apo sa kanyang lolo. Hanggang isang araw, ang dalawang tao na ito ay pinagtagpo sa pamamagitan ni Matthew, kung saan ipinagkasundo silang ikakasal ayon sa gusto ng matanda. Para kay Lolo Matthew, nagkasundo ang dalawa. Hindi maganda ang una nilang pagtatagpo dahil sa simula, hindi pag-ibig ang nagdala sa kanila sa pagsasama kung hindi isang kasunduan lamang. Ngunit, paglipas ng panahon, hindi napigilan ng dalawa ang mahulog sa isa't-isa sa kabila ng kanilang magkaibang mundo. Hanggang saan ang kanilang pagsasama kung balang araw ay natuklasan nila ang lihim ng isa't-isa? Pipiliin ba nila ang kanilang pag-iibigan o hayaan ang mga sikretong wasakin silang dalawa…
Romance
1.4K viewsOngoing
Read
Add to library
PREV
1
...
45678
...
50
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status