Filter By
Updating status
AllOngoingCompleted
Sort By
AllPopularRecommendationRatesUpdated
Pinikot Ko Si Ninong Axel

Pinikot Ko Si Ninong Axel

"Ang Lihim ng Pusong Ipinagbabawal" Akira Quezon, mas kilalang Kira, ay isang dalagang may matamis na ngiti at pusong tapat. Sa kabila ng kanyang kabataan, isang lihim na pag-ibig ang matagal na niyang kinikimkim — isang damdaming itinakda ng tadhana ngunit ipinagbabawal ng lipunan. Ang kanyang puso ay patuloy na tumitibok para kay Axel, ang kanyang gwapong at misteryosong Ninong, na sa kabila ng kanyang 40 taon ay nananatiling makisig at mapanukso. Ngunit sa bawat titig at lihim na ngiti ay nagkukubli ang isang masalimuot na nakaraan. Si Axel ay isang lalaking tila binabalot ng anino ng kanyang sariling mga sikreto. Sa pagitan ng kanilang mga tahimik na sulyap at hindi maipaliwanag na paglalapit, bumabalot ang tanong — hanggang saan kayang ipaglaban ang isang pagmamahal na labag sa lahat ng nakasanayan? Habang unti-unting nahuhubaran ang mga lihim, matutuklasan ni Kira na ang lalaking kanyang iniibig ay may mga sugat ng kahapon na pilit niyang tinatago. Sa pagitan ng katotohanan at pagnanasa, kailangan nilang harapin ang kanilang mga kinatatakutan. Magtatagumpay ba ang pagmamahal nila, o tuluyan silang malulunod sa mga anino ng nakaraan?
Romance
104.7K viewsOngoing
Read
Add to library
RUTHLESS OFFICER

RUTHLESS OFFICER

Assassin's Series ️ SPG️ Read At Your Own Risk Nag-iisang anak na babae si Savannah. May dalawang kapatid na lalaki kapwa mga Assassin's. Isa siyang miyembro ng Assassin's World Organization.Pumapatay ng mga bigating tao, lalong-lalo na sa mga mayayamang negosyante. Ang Daddy niya ay isang pinakamayamang negosyante. Lahat ng mga negosyo ng Daddy niya ay mga illegal. Siya ang naglilinis sa mga taong gustong pabagsakin ang Daddy niya, lalong-lalo na si General Fuentebella. Hindi sinasadyang nagtagpo ang landas nila ni Kurt Fuentebella ang anak ni General Fuentebella. Nakaplano na ang lahat, kailangan niya kunin ang loob ni Kurt upang makalapit siya sa ama ng binata.
Romance
9.8218.1K viewsCompleted
Read
Add to library
Unloving My Husband

Unloving My Husband

LorieMeTangerine
Jean is the CEO of Your Wish is My Command isang organisasyon na tumutupad ng mga requests ng iba't ibang tao sa lipunan na may kaakibat na halaga sa bawat matapos nilang misyon. She is also a hopeless romantic, dreaming on how it is to be loved and cared for but fate became playful. Nasangkot siya sa buhay ng isang sikat na aktor nang hindi inaasahan and ended up marrying him. "Speak now or forever hold your peace," narinig niyang sabi ng pari kaya napatayo siya sa gitna habang nanginginig ang mga tuhod bago naglakas-loob na isigaw ang mga katagang "Itigil ang kasal!" Kitang-kita niya na nagimbal ang lahat dahil sa kanyang sinabi. Wala siyang nagawa kundi takpan ang kanyang mukha dahil katakot-takot at nagkikislapang flash ng camera g mga reporters ang bumubungad sa kanyang pagmumukha. Only to find out later that the man who was supposed to get married on that day is the same man who happens to be her ultimate idol among the actors in the country. Because of the shame and disappointment, hindi tumigil ang lalaki na hanapin siya upang mapakasalan at maisakatuparan nito ang paghihiganti sa kanya. He promised to make her life miserable the very moment while exchanging their vows. Ngunit paano naman siya? Sapat na bang dahilan ang hindi pa ito tapos magmahal ng iba upang ituro na rin niya sa sariling puso na huwag na itong mahalin?
Romance
101.9K viewsOngoing
Read
Add to library
Aria's Movie

Aria's Movie

Ghost
Si Aria Mercedes, sikat na aktres at alagang-alaga ng Shining Stars dahil sa malaking perang naipapasok nito. Ngunit si Aria ay hindi lamang aktres. Siya ay sikat lamang sa larangan ng paghuhubad at paggawa ng mga pelikulang kinahuhumalingan ng kahit na sinong mga kalalakihan. Si Aria ay makakaramdam ng pagkabitin at pagkasabik sa tunay na pagtatalik dahil sa mga bed scenes na ginagawa niya kaya naman nang minsang gumawa siya ng pagpapaligaya sa sarili ay nahuli siya ni Vin Walton, ang owner ng Shining Stars. Hindi sukat akalain ni Aria na ang mga wild bed scenes na ginagawa niya sa movie ay tuluyan niyang mararanasan kay Vin at sa mga lalaking papasok sa buhay niya dahil mula nang magtrabaho siya sa Shining Stars...
Romance
101.4K viewsOngoing
Read
Add to library
Ang Ganti ni Amarra Villasanta

Ang Ganti ni Amarra Villasanta

Sa likod ng karangyaan ng Hacienda Avaristo, may mga lihim na itinago — mga sigaw ng kababaihang inapi, mga pag-ibig na pinagkait, at mga kasalanang sinilaban ng panahon. Isang dalagang kasambahay, isang panginoong marahas, at isang pag-ibig na ipinagbawal— mula sa abo ng kahapon ay babangon ang isang babaeng gagamitin ang bawat sugat bilang kanyang sandata. Ito ang kuwento ni Amarra Villasanta, ang babaeng minsang inalipin, ginahasa, itinapon, ngunit muling bumangon upang ibalik ang hustisya sa lupaing minsang kinasusuklaman niya. Isang epikong kasaysayan ng pagdurusa, paghihiganti, at kapatawaran, kung saan matutuklasan na ang tunay na “lihim” ng Hacienda ay hindi ang kasalanan ng nakaraan— kundi ang kapangyarihan ng isang pusong marunong magmahal kahit sa gitna ng impyerno.
Romance
10137 viewsOngoing
Read
Add to library
Before The Vows Were Broken

Before The Vows Were Broken

Ipinagkasundo si Cassidy ng kanyang mga magulang kay Chester Montecalvo. Bata pa lang ay minamahal na ng dalaga si Chester kaya tinanggap niyang maikasal dito. Pero sa loob ng dalawang taon nilang pagiging mag-asawa ay walang ginawa si Chester kundi pasakitin ang puso niya. At nang mamatay ang mga magulang niya ay mas lalo pang lumabas ang tunay na kulay ni Chester nang ikulong siya nito at pilitin papirmahin ng mga dokumento para mailipat dito ang pagmamay-ari ng kompanya. Cassidy killed herself bago pa makuha ng asawa niya ang lahat ng meron siya. Hindi niya hahayaan na mapunta sa walanghiya niyang asawa ang pinaghirapan ng kanyang mga magulang. Pero iba ang plano ng kapalaran sa kanya. Nang imulat niya ang kanyang mga mata ay nasa harapan siya ng altar, ikinakasal muli kay Chester. She had given a second chance, nabuhay siyang muli.
Romance
326 viewsOngoing
Read
Add to library
Chaotic Affection: War in Life

Chaotic Affection: War in Life

Selene ML
"I would take a bullet for you, but I never thought you will end up being the one holding the gun." *** Alice Deborah Quinto, an extrovert, strong-confident woman. A woman who will never lower her guard down to anyone. Halos perpekto na ang kanyang buhay. Ngunit sa kasamaang palad, magbabago ang kanyang landas. Upang mapanatili ang negosyo ng kanilang pamilya, nagtakda ang kanyang mga magulang na ipakasal siya sa anak na tagapagmana ng isa sa pinakamaipluwensyang negosyante sa bansa. Dean Larry Valerco, a goody-two-shoes introvert man. Siya ay isang taong may matigas na puso. Mas gustong manatili sa bahay kaysa gumala at mag-party kung saan-saan. But as the heir of their family, he needs to remain his communicating and socializing with people. Palagi siyang nakabuntot sa kanyang mga magulang, kaya hindi na siya nag-abala na ipasok siya ng kanyang mga magulang sa isang political marriage. An extrovert vs an introvert. Isa nga bang delubyo ang pagtatagpo ng dalawa?
Romance
102.1K viewsOngoing
Read
Add to library
REVENGEFUL HEART

REVENGEFUL HEART

Sheena Santillian, isang simpleng guro na mula sa mahirap na pamilya. Hindi sinasadyang nalasing sya sa isang kasiyahan na naganap sa kanilang eskwelahan kasama ang ibang guro at kaibigan. Dinala sya ng mga ito sa isang pribadong opisina ng kanilang boss, upang mahimasmasan dahil sa pag aakalang out of the country ito. Ngunit bigla itong sumulpot at nakita ang dalagang natutulog sa kanyang opisina. Dahilan upang di sinasadyang may mangyari sa kanila at nag bunga ang minsan nilang pag sasama ng triplets na babae. Matapos maka panganak si Sheena ay nasunog naman ang hospital at sinabing kasama ang kanyang triplets sa mga nasawi. Masuwerteng naka ligtas sya, ngunit sunog naman ang kanyang kalahati ng mukha at katawan. Halos mawalan na sya ng pag asa ng may isang taong nag alok sa kanya ng tulong. Makalipas ang ilang taon ay muli syang nag balik upang maningil sa mga taong dapat pag bayarin sa nangyari sa kanyang anak. Ngunit natuklasan nyang buhay ang mga ito. Mabawi pa kaya nya ang kanyang triplets? Paano sya lalapit sa mga ito kung hindi naman sya kilala ng kanyang mga anak? At malaman pa kaya ng ama ng kanyang mga anak ang tungkol sa kanya kung may isang tao na palaging hadlang sa mga plano nya?
Romance
1021.7K viewsCompleted
Read
Add to library
Love Me Simply

Love Me Simply

Gulong-gulo ang isip niya. Hindi niya inaasahang sa isang iglap ay magbabago ang takbo ng buhay niya. “Huwag kang mag-alala baby Elisha, mula ngayon ako na ang mag-aalaga sa’yo,” pumatak ang luha niya ng hindi niya namamalayan. Labis ang pagdaramhating kanyang nararamdaman. Wala na ang nanay niya, maging ang bunsong kapatid na si Troy at ang girlfriend nitong si Elizabeth Del Castillo. Pupunta sana ang mga ito sa health center upang i-pacheck up ang tatlong buwang sanggol na noon ay mataas ang lagnat at kinukumbulsiyon. Sa di inaasahang pagkakataon ay nabalitaan na lamang niya ang masakit na pangayayri. Naaksidente ang sinasakyang dyip ng mga ito at tanging si Baby Elisha lamang ang nakaligtas. Handa siyang alagaan at ituring na tunay na anak ang pamangkin, hanggang dumating ang araw na gusto itong kunin ng mayamang pamilya ni Elizabeth. Nagdadalawang isip siyang palakihin ito sa mga Del Castillo. Natatakot siyang makuha nito ang masamang ugali ng tiyuhin nitong si George Del Castillo... ngunit higit sa lahat, natatakot siyang mawalan ng dahilan upang magkita pa sila ng binata.
Romance
2.2K viewsOngoing
Read
Add to library
BINAYARAN UPANG PAKASALAN ANG PILAY NA BILYONARYO

BINAYARAN UPANG PAKASALAN ANG PILAY NA BILYONARYO

Sa isang lungsod na puno ng mga kontraste, dalawang tao mula sa magkaibang mundo ang nagtagpo. Si Hendry, isang sikat at makapangyarihang billionaire, ay nabubuhay sa mundo ng luho at tagumpay. Subalit, may isang bagay na nagpapaiba sa kanya sa iba pang mga mayayaman-siya ay pilay. Dahil sa isang aksidenteng hindi nya inaasahan, si Hendry ay gumagamit ng wheelchair, ngunit hindi ito naging hadlang sa kanya upang makamit ang mga pangarap at maging isa sa mga pinakamatagumpay na tao sa negosyo. Sa kabilang banda, si Sienna ay nagmula sa isang mahirap na pamilya. Lumaki siya sa isang maliit na baryo kung saan ang bawat sentimo ay mahalaga. Sa kabila ng mga pagsubok sa buhay, si Sienna ay matiyaga, matalino, at puno ng pangarap. Nagtrabaho siya nang husto upang makapag-aral at umahon sa kahirapan. Sa paglipas ng panahon, nagbago ang pagkikita nila mula sa isang simpleng pagkakataon tungo sa isang malalim na koneksyon. Sa gitna ng mga hamon ng kanilang magkaibang mga mundo, natutunan nilang magtulungan at magbigay inspirasyon sa isa't isa. Si Hendry ay nakita ang lakas at pag-asa sa hirap ng buhay ni Sienna, habang si Sienna naman ay natuto mula sa tapang at talino ni Hendry sa pagharap sa mga pagsubok.
Romance
537 viewsOngoing
Read
Add to library
PREV
1
...
3334353637
...
50
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status