Filter By
Updating status
AllOngoingCompleted
Sort By
AllPopularRecommendationRatesUpdated
Trilogy 1: Tempting, Mr. Walton

Trilogy 1: Tempting, Mr. Walton

abrilicious
Ang nais lamang ni Lauren Fraia Arevalo ay maghanap ng maayos na trabaho nang iba ang kan'yang matagpuan matapos makapasok bilang sekretarya ng isa sa pinakamalaking kompanya sa buong mundo, na pinamumunuan ng walang iba kundi si Wayne Walton; mayaman, malakas ang dating, gwapo at talagang pinipilahan ng mga kababaihan, an ideal bachelor ika nga na s'yang taliwas naman sa tipo ni Lauren. Subalit ng dahil sa isang insidente sa pagitan ng mga Walton at ng kan'yang pamilya, may hindi inaasahang nangyari sa pagitan ng dalawa.
Romance
1.6K viewsOngoing
Read
Add to library
Deception And Pain

Deception And Pain

DreamerIsGood
Sa kuwento ng pag-ibig, panlilinlang, at pagbabago, sumasalamin ang kwento ni Sofie, isang babae na nagtrabaho sa isang club upang matustusan ang pangangailangan ng kanyang pamilya. Isang araw, dumating si Matias Chavez, ang may-ari ng isang condo at ilang illegal na negosyo, na nagdulot ng pag-ibig at kaguluhan sa buhay ni Sofie. Ngunit ang pag-ibig na inakala niya ay hindi ganap, dahil may kakambal si Matias na si Mateo na puno ng inggit at galit sa kanya. Nahulog ang puso ni Sofie kay Matias, ngunit hindi niya alam na ang lalaking minamahal niya ay hindi palaging si Matias, kundi ang kanyang kakambal na si Mateo. Sa gitna ng mga pagpapanggap at panlilinlang, nagpatuloy ang pag-ibig ni Sofie kay Matias. Ngunit ang pagkakataon na mabuo ang kanilang pamilya ay laging nasa panganib dahil sa mga plano ni Mateo na sirain ang relasyon nila. Napapaligiran ng mga pagsubok, pagkakamali, at sakit, nagpasya si Sofie na gantihan si Matias at ipakita ang kanyang galit. Ngunit sa gitna ng lahat ng ito, maaaring mayroong pag-asang mabuo ang kanilang pag-ibig at magkaroon ng pangalawang pagkakataon. Sa huli, ang kwento ng pag-ibig nina Sofie at Matias ay nagpapakita ng mga sakripisyo, pagkakamali, at pag-asa. Ito ay isang kuwento na magpapaalala sa atin na ang pag-ibig ay hindi perpekto, ngunit may kakayahan itong magdulot ng pagbabago at pagpapatawad.
Romance
10806 viewsOngoing
Read
Add to library
The Woman of Heisen

The Woman of Heisen

Carmela Beaufort
Tatlong taon na ang nakararaan, may nangyari sa pagitan nina Tahira at ang kilalang most wanted na illegal firearm dealer na si Heisen Lindbergh. That night was obviously a mistake on her part, ang planong sanang pagkalap niya ng impormasyon tungkol sa lalaki ay nauwi sa isang one night stand. Ang masaklap, hindi niya alam na nagbunga ang gabing 'yon, saka na lamang niyang nalaman na buntis siya nang lumabas 'yon sa monthly check-up niya sa army. Bukod pa roon, mukhang nasa panganib din ang buhay niya dahil umabot sa kanya ang balitang pinaghahanap siya ng mga 'di kilalang tao. Sa huli ay nagpasya siyang magtago-tago sa takot din na madamay ang kanyang anak. Subalit hindi 'yon naging sapat nang malaman ng mga ito ang lokasyon niya. Sa pangamba na mawala sa kanya ang nag-iisa na lamang na pamilyang mayroon siya, ang kanyang anak na si Abegail. At sa hindi sinasadyang pagtatagpo muli ng landas nila ng ama ng anak na si Heisen, kinailangan niya tuloy ang tulong nito. Nagpanggap siyang lalaki at nag-apply na bodyguard nito. Isa sa benipisyo kapag nagtrabaho sa pamilya Lindbergh ay ang pangako ng mga itong proteksyon sa pamilya ng mga tauhan. Ngunit sa pananatili niya sa tabi ni Heisen may kakaiba siyang natuklasan sa ama ng kanyang anak...
Romance
3.5K viewsOngoing
Read
Add to library
The Unbothered CEO Falls In Love

The Unbothered CEO Falls In Love

Para gumaling ang sakit ng kapatid, ibinigay niya ang sarili sa isang kakaibang lalaki. Makalipas ang isang taon, sa isang party kasama ang mga kaibigan ng kanyang bagong boyfriend, idiniin siya ng lalaki sa dingding ng banyo. Ikinawit niya ang gilid ng pantalon nito gamit ang mga daliri, "Sa kama niyan noong isang taon, 68 beses mong tinawag ang pangalan ko." Ang ilan ay nasa hindi matiis na sakit, at ang ilan ay galit na galit na humihingi ng awa. "Maling tao ang nakilala mo, hindi pa kita nakikita." Si Isabella ay tumakas sa gulat at bumalik sa kahon, ngunit hinila siya ng kanyang kasintahan sa lalaki, "Ang uri ng gamot na makapagliligtas sa iyong kapatid ay magagamit lamang ni Master Nicklaus." Ibinaba niya ang kanyang postura at malungkot na nakiusap: "Master, please." Ipinasok ni Nicklaus ang sigarilyo sa kanyang bibig, kinagat ang dulo gamit ang kanyang mga ngipin, na may malamig na mukha at isang malamig na puso, ngunit ang kanyang mga mata ay sumalo sa kanya at hinila siya pabalik sa kabaliwan ng gabing iyon. Ang abo ay pumasok sa kanyang nakalaylay na kwelyo, at si Isabella ay nanginginig sa init, ngunit hinawakan ni Nicklaus ang kanyang kamay at hinila siya palapit. "Marami akong gamot, ano gusto mong palitan?"
Romance
101.2K viewsOngoing
Read
Add to library
Mapanirang Pag-ibig

Mapanirang Pag-ibig

Yung bata na iniligtas ko noong maliliit pa kami ay lumaking isang possessive at obsessive na CEO. Sampung taon niya akong kinontrol, gamit ang sakit ng lola ko bilang pang-blackmail para pilitin akong magpakasal sa kanya. Sinubukan niyang gawin ang lahat para makuha ang loob ko—kahit anong paraan, ginawa niya,pero hindi ko siya kailanman minahal. Dahil sa sobrang galit, nakahanap siya ng babaeng halos kamukha ko para pumalit sa akin. Ipinagmalaki nila ang relasyon nila sa harap ng lahat, at may mga bulung-bulungan na natagpuan na raw ng CEO ang tunay niyang pag-ibig. Pero isang araw, dumating ang babaeng iyon sa villa kasama ang mga alipores niya, gamit ang atensyon at pagmamahal ng CEO bilang lakas ng loob. Isa-isa niyang binali ang mga daliri ko, sinugatan ang mukha ko gamit ang utility knife, at inalis ang damit ko para ipahiya ako. “Kahit nagparetoke ka pa para magmukhang ako, palalagpasin ko na ‘yun. Pero natuto ka pang magpinta nang kagaya ko? Grabe kang mag-aral! Tignan natin kung paano ka makakaakit ng mga lalaki ngayon!” Habang duguan na ako at halos mawalan ng malay, sa wakas dumating ‘yung obsessive na CEO. Hinila ako ng babae sa harapan niya at mayabang na nagsumbong, “Honey, itong babaeng ‘to ay nagtatago rito sa villa, tinatangkang akitin ka. Siniguro kong hindi siya magtatagumpay!”
Short Story · Romance
1.1K viewsCompleted
Read
Add to library
The Billionaire's Mischievous Wife

The Billionaire's Mischievous Wife

Mulat si Kristine sa buhay probinsya dahil magmula noong maghiwalay ang kanyang mga magulang ay kinuha siya ng kanyang ama at dinala sa probinsya upang doon manirahan. Sabik siya sa pagmamahal ng isang ina, kaya nang magkataong kailangan ng kanyang ina ang tulong niya, ay kaagad itong pumayag para lamang makapiling ito kahit na labag man sa kagustuhan ng ama. Lahat ay gagawin niya alang-alang sa gustong mangyari ng ina, ngunit hindi niya inaasahang ang tulong na hinihingi ng ina niya ang siyang makakapagpabago sa mga dati niyang nakagawian at buong katauhan.
Romance
3.9K viewsOngoing
Read
Add to library
The Return of the Unwanted Son-in-law

The Return of the Unwanted Son-in-law

r.ljndr
Si Dravis Salazar ay ipinagkasundong ipakasal sa unica hija ng mga Gomez may limang buwan na ang nakalilipas. Kapwa galing sa mayamang pamilya sa bayan ng San Simon ang dalawa ngunit isang eskandalo ang sisira sa reputasyon ng pamilya ni Dravis, dahilan upang apihin siya ng mga Gomez. Lahat ay kaniyang gagawin para ipaglaban ang pag-iibigang tunay nila ni Calista, ang babaeng noon ay ipinagkasundo lang sa kaniya. Ngunit sapat nga ba iyong dahilan para manatili siya o kailangan niya munang lumisan para makapaghanda sa totoong laban? All rights reserved 2022.
Romance
1.7K viewsOngoing
Read
Add to library
Mark by Him: A Marriage Meant To Burn (Series #1)

Mark by Him: A Marriage Meant To Burn (Series #1)

Bago makuha ni Valeria Solano ang kayamanang iniwan ng kanyang pamilya, kailangan niyang magpakasal sa isang mayamang lalaki at magkaanak bilang kundisyon. Nang muling bumalik si Luciano Navarro — ang lalaking unang kumuha ng kanyang pagkabirhen. Nakita ni Valeria ang pagkakataong gamitin ito para sa kanyang mga plano. Desperada at handa siyang gawin ang lahat kaya pumayag siyang pumasok sa isang kasunduan para makuha ang mga yamang iniwan sa kanya. Ngunit may lihim si Luciano na magpapabago sa takbo ng buhay ni Valeria, at ang kalayaang inaasam niya ay maaaring maging kanyang pinakamalaking pagkakakulong.
Romance
334 viewsOngoing
Read
Add to library
The kasambahay [BL]

The kasambahay [BL]

Dahil sa kahirapan ng buhay ay napag desisyonan ni Rylan na lumuwas papuntang maynila upang magtrabaho. Pero tulad na lang nang paniniwala ng lahat ng mga taga-probinsya, ang maynila ay di basta-bastang lugar lamang. Maraming pagsubok ang kanyang kahaharapin, gutom, pagod at awa sa sarili ang kanyang pagdadaan, at marami ding tao ang kanyang makikilala. Tama ba ang desisyon nya na magpunta sa maynila upang guminhawa ang buhay o uuwi sya ng probinsya ng luhaan? Sabay-sabay nating tunghayan ang mga kaganapan sa buhay ni Rylan at kung paano sya magiging "The Kasambahay." ©2020 CutieCane23
LGBTQ+
9.272.9K viewsCompleted
Read
Add to library
CHAINED (Tagalog)

CHAINED (Tagalog)

Walang ibang pinangarap si Sabrina kung hindi ay ang makapagtapos ang mga kapatid sa pag-aaral at hindi maranasan ang hirap ng buhay na dinanas niya. Hindi basta-bastang nagtitiwala si Lance lalo na sa mga babae dahil sa madilim niyang nakaraan na hindi niya magawang bitawan. Pero paano kung magkita sila sa hindi inaasahang pagkakataon? Posible bang titibok ang puso nila sa isa't isa? Magagawa bang alisin ni Sabrina ang poot at galit na nasa puso ni Lance?Tatanggapin ba niya ang alok ni Lance kapalit ng katuparan ng kaniyang pangarap?
Romance
9.9245.5K viewsCompleted
Show Reviews (86)
Read
Add to library
Myramay Miras
Nice one Blu Berry! Spending coins to read this piece of yours is all worth it. 👌Good job! ✨💜 Suggestion: Please take ample time to go through the typos and have those corrected for a more polished masterpiece. 😉
@zeL09
salamat miss a.sa napakagandang story. nabasa ko na ung Kay rafael.maganda din un.at ito ding Kay Sab at lance napakaganda din..maganda talaga basahin Ang short story lang kaysa pagkahaba habang novela,nakakabagot magbasa..
Read All Reviews
PREV
1
...
454647484950
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status