Filter By
Updating status
AllOngoingCompleted
Sort By
AllPopularRecommendationRatesUpdated
One Hot Night with the CEO

One Hot Night with the CEO

Isang gabing hindi dapat nangyari ang naging simula ng lahat. Sa gitna ng kalituhan at isang insidenteng kinasangkutan ng droga, napadpad ang isang simpleng babae sa bisig ng pinakabatang CEO sa bansa—si Sebastian Cross. Isang gabi ng lambing at pagkakamaling hindi nila lubos na naunawaan, at kinaumagahan, naglaho siya na parang panaginip. Nang matuklasan niyang buntis siya, pinili niyang tumakas kaysa harapin ang isang mundong siguradong dudurog sa kanya. Iniwan niya ang lungsod, ang nakaraan, at ang lalaking hindi niya akalaing magiging ama ng kanyang anak. Sa isang tahimik na probinsya, isinilang ang kanyang anak at doon niya piniling buuin ang buhay nilang dalawa—mag-isa, tahimik, ngunit puno ng pagmamahal. Samantala, si Sebastian ay nilalamon ng konsensya at mga tanong na hindi niya masagot. Sa kabila ng tagumpay at kapangyarihan, may bahagi ng kanyang buhay na patuloy na kulang—ang babaeng nawala at ang posibleng anak na hindi niya kailanman nakilala. Muling magtatagpo ang kanilang landas sa isang pagkakataong hindi inaasahan. Habang unti-unting nabubunyag ang katotohanan, kakayanin ba ng pagmamahal ang bigat ng mga sugat, lihim, at takot? O huli na ang lahat para sa isang pamilyang isinilang mula sa isang gabing dapat sana’y nakalimutan?
Romance
10186 viewsOngoing
Read
Add to library
Contract of the Heart (Kontrata ng Puso)

Contract of the Heart (Kontrata ng Puso)

Sa taong 2030, sa lungsod ng Maynila, magtatagpo ang dalawang taong galing sa magkaibang mundo. Elaine Santos—isang simpleng babae mula sa isang maralitang pamilya, determinadong gawin ang lahat para mailigtas ang kanyang kapatid na may malubhang karamdaman. Nang mawalan ng pag-asa at pagkakakitaan, mapipilitan siyang tanggapin ang isang alok na magbabago sa kanyang kapalaran. Aidan Velasquez—isang batang negosyante at bilyonaryong kilala sa kanyang lamig, determinasyon, at pusong sarado sa pagmamahal. Sa mata ng publiko, siya ay perpekto. Ngunit sa loob, siya'y wasak—binuo ng pagkabigo, at nilason ng isang nakaraang hindi niya matahimik. Ang kanilang landas ay magtatagpo sa pamamagitan ng isang kasunduan—isang isang-taong kasal kapalit ng tulong pinansyal para sa kapatid ni Elaine. Sa simula, malinaw ang mga hangganan: walang damdamin, walang komplikasyon, isang kontrata lang. Pero sa bawat araw ng pagiging "asawa" ni Aidan, mararamdaman ni Elaine ang paglamlam ng kanyang mga pader. Unti-unti, binubuksan niya ang pintuan ng kanyang puso—hindi lang kay Aidan kundi sa lahat ng taong nakapaligid dito. At si Aidan, sa kabila ng kanyang malamig na maskara, ay masusubok harapin ang katotohanan ng kanyang nakaraan—lalung-lalo na ang sakit na iniwan ni Selene Navarro, ang babaeng minsan niyang minahal. Habang tumatagal, mas lumalalim ang komplikasyon. Lilitaw ang mga lihim. Mabubunyag ang mga sugat. At masusubok ang tibay ng damdamin sa gitna ng mga kasinungalingan, takot, at responsibilidad. Sa huli, ang tanong: Ang pag-ibig ba ay kailangang ikontrata—o ito'y malayang nararamdaman sa tamang panahon?
Romance
720 viewsOngoing
Read
Add to library
The Unlucky girl is billionaire

The Unlucky girl is billionaire

"P-Pa..bat nyo naman ako iniwan" sabi ko sa malamig na bangkay ni papa na nasa loob ng kabaong,umalis lang ako saglit pagdating ko patay na sya. "Ano pang ginagawa mo dito?" Napatingin ako kay tita habang nakapamewang sya. Napayuko nalang ako dahil pinagtitinginan kami ng mga tao dito. "T-tita--" "Wag mo akong matita tita dyan! Ikaw ang malas sa buhay namin! Pati asawa ko namatay dahil sa kamalasan mo!! Ngayon layas!!" Malakas na sigaw nito,nagbubulungan na ang ibang tao. "T-tita wala p-po akong m-matutuluyan e" Umiiyak na sabi ko kay tita.Bigla nya akong kinaladkad palabas ng mansyon. "Pag sinabi kong layas! Layas!!" Sigaw nanaman nito dahilan para mapatingin maging ang mga tao sa labas ng gate. Umiiyak na tumayo ako,nagmamakaawang wag naman sana nya akong palayasin. "Malas ka samin alam mo ba yun?! Ha?! Dahil sayo nawalan ng pake sakin ang asawa ko! Nasa sayo ang atensyon nya! Huh! Bakit nga ba ganun?! E AMPON KA LANG NAMAN!!" Malakas na sigaw nanaman nito kaya mas lalong lumakas ang mga bulungan. "Mom whats happening here?" Tanong ni Stella....anak nya. "Pinapalayas ko na sya" maawtoridad na sabi ni Tita,tumawa naman si Stella. "So ano pang ginagawa mo? Layas na! Chupi! Bawal ang malas dito!" Sigaw nito. Wala akong nagawa kundi ang tumakbo ng tumakbo.Siguro nga malas ako,wala na si Papa sakin...wala na rin akong matutuluyan,bakit pa ako nabuhay?!
Other
896 viewsOngoing
Read
Add to library
Señorito's Love: An Unforgettable Affair

Señorito's Love: An Unforgettable Affair

Hindi malilimutan ni Sofia Mendes ang ganap sa kanyang kabataan .Napahiya siya ng husto dahil sa pagmamahal lang ng isang tao . Minaliit at kinutya ang kanyang pagkatao bilang isang babae . Halos hindi niya makakalimutan ang gabing iyon na siyang simula ng kanyang bangungot.Ang buong akala niya mahal siya ni Zimon Morgan ang haciendero na tagapag mana ng Morgan kompany nag iisa lang itong anak ng mag asawang mala demonyo ang pag uugali . Pero bago pumunta sa ibang bansa si Zimon para layuan siya nagiwan muna ito ng mga salitang magiging dahilan para kamuhian niya ang katulad ni Zimon . ''' isa ka lang sa mga babaeng natikman ko Sofia ,ginamit lang kita dahil lalaki ako at madaling matukso sa tulad mong madaling makuha '' para siyang pinagsakluban ng langit at lupa pagkarinig sa mga salitang iniwan sa kanya ni Zimon . Iniwan siyang may tanong sa kanyang isipan . Nangako itong mamahalin siya kahit ang tingin ng mga magulang ng binata ay isa lamang siyang hamak na hampas lupa at mukhang pera. Napaniwala ni Zimon si Sofia sa matatamis na salita hanggang sa nakuha na niya ang kanyang gusto at bigla itong naglahong parang bula. Taon ang lumipas ng biglang nagpakita sa kanya si Zimon at alukin siya nitong bilang asawa . Ang kinamumuhian niyang lalaki ang siyang magiging asawa niya sa ngalan lamang ng papel. Tatanggapin kaya ni Sofia ang gusto ni Zimon o tanggihan? Paano kung si Zimon pala ang magiging dahilan para mapalapit siya sa taong pumatay sa buong pamilya na meron siya noon. Warning 18+ only may eksenang bawal sa mga 18 pababa .
Romance
108.6K viewsCompleted
Read
Add to library
Ang Dominasyon Ni Luther Rutherford

Ang Dominasyon Ni Luther Rutherford

Isa sa mga tagapagmana ng pamilya Kingsley si Luther Rutherford, ang pinakamayamang pamilya sa buong Pilipinas. Ngunit sa edad na labingpitong taong gulang, napagpasyahan niyang talikuran ang kanyang pamilya dahil sa kagustuhan niyang magrebelde. Namuhay siya bilang isang ordinaryo sa loob ng maraming taon, kumpletong kasalungat ng pamumuhay na mayroon siya noong nasa puder pa siya ng pamilya Kingsley. Natutunan niyang mangalakal, mamalimos, tumira sa ilalim ng tulay, makipagbasag-ulo sa lansangan, pero ang pinakaimportante sa lahat ay ang tumayo sa sariling mga paa nang sarili lang ang inaasahan. Isang dekada ang lumipas. Isang araw, nakulong siya dahil sa kasong physical assault. Ngunit makaraan lang ang isang linggo, isang ubod na gandang babae ang bumisita sa kanya sa kulungan at piniyansahan siya nito. Wala siyang kaide-ideya kung sino ang babae at kung bakit nito ginawa iyon. Pero nabigla siya sa naging sagot nito nang tanungin niya ito, "Gusto kong magpanggap ka bilang kasintahan ko, kapalit ng kalayaan nating dalawa. It's a win-win, right?" Doon nag-uumpisa ang panibagong buhay ni Luther, bilang isang good-for-nothing boyfriend. Pero ang hindi nila alam, sa likod ng kanyang ordinaryong kaanyuan, ay ang mga katangiang ikagugulat at ikakaawang ng bibig nilang lahat.
Urban
10303 viewsOngoing
Read
Add to library
The Assassin's Love

The Assassin's Love

"Why do you make me falling inlove with you when your going to leave me?" "Why you need to hurt me when I just healed from My heartbreak?" "Why you hurt me this way? And why I felt too much hurts this time around?” Iyak lang ang naging sagot ko sa lahat ng mga "what if" ni Zain sa akin. "I will kill you!" Sabay hawak nito sa aking leeg. "Kill me then! I won't allow everyone to kill me unless it is you! Because seeing you hurt and leaving you is like killing My heart into pieces, Zain! Walang tigil ang mga luhang panay ang tulo sa kaniyang singkit at kulay brown na mga mata. Fiona is the one and only Daughter of the famous Assassin Doc. Santiara and Mafia Lord Dominick Ramirez. Ano kaya ang kayang gawin ni Fiona para sa pagmamahal niya kay Zain? Kaya ba talaga niyang iwan o handa niyang ipaglaban hanggang kamatayan?
Mystery/Thriller
101.7K viewsOngoing
Read
Add to library
The Broken Billionaire

The Broken Billionaire

KamiKrimson
There was an uproar at that one fated taping inside the CBS building. A suspicious man. A gun shot. And then everything went dark. News about the most eligible bachelor icon who is now rushed at St. Lukes hospital in hope to save him. What will happen to everyone who is dear to him if he wakes up remembering things from three years ago, unveiling secrets... "Nasan sya?" Tanong ni Vincent ng mamulat na ang kanyang mga mata. Nanahimik ang lahat ng bisita sa kwarto at nagbigay daan sa babaeng kanina pa hinahanap ng binata. "Hi." Bati ng dalaga sa kanya. "I'm sorry to keep you waiting, ha?"
Romance
4.1K viewsOngoing
Read
Add to library
Fire of Seduction

Fire of Seduction

Praia was still grieving for her beloved father's death when problems flooded on her and she discovered that her family wasn't perfect as she think it is because her dad has a mistress— Florence. At first, she was mad that she wished not to see that woman but upon learning that Florence is the only key to her mother's freedom, napilitan syang hanapin ito. Kaya lang para syang naghahagilap ng multo dahil wala syang makuhang kahit na ano maliban sa apelido nito. She decided to take a risk and seduce Florence's older brother Zurich who was attracted to her para makalapit sa pamilya nito at makuha ang mga sagot na hinahanap. In other words, she played fire with him. May nakapagsabi sa kanya na masamang maglaro ng apoy at nangako sya na palaging maghahanda ng fire extinguisher para hindi sya nagawang saktan ng apoy na pinaglalaruan. Pero mukhang mahihirapan syang panindigan iyon dahil unti-unti na nyang nagugustuhan ang nararamdamang init. Can she put her tempting boss to the fire of seduction before she gets herself burned into the flame of her very own dangerous game? Warning: R18 Language: Filipino
Romance
1011.7K viewsCompleted
Read
Add to library
The Billionaire's Proxy Bride

The Billionaire's Proxy Bride

Karen Apilado
"You're a virgin?!" sigaw ni Lysander Cuevas saka umalis sa ibabaw niya. Hinilamos nito ang palad sa mukha, trying to absorb everything that just happened. Trying to fully understand how could his wife be a virgin when she's supposed to be pregnant, the very reason of their forced marriage. "Papaano?" tanong ni Lysander at saka pinagmasdan siya na kumuha ng kumot upang takpan ang hubad na katawan. She trembled in fear as she finally looked up to him. "I'm Isabella, the twin sister of Gabriela, your bride." - Pinahid na lamang ni Isabella ang mga luha na lumalandas sa kanyang mga pisngi habang inaalala ang nangyari noong gabing iyon. After that confrontation ay agad na nagdesisyon ang asawa niyang si Lysander na palayasin siya sa mansyon. Ang malupit pa nito ay agad pinaasikaso ni Lysander ang mga papeles para sa legal nilang paghihiwalay, ngunit hindi niya iyon tinanggap. "Señorita Isabella, naghihintay na po ang sasakyan sa labas," sambit ng lalaking nasa likuran niya. It was her grandfathers' assistant. Tumango lamang siya dito, "susunod na ako, salamat." Muling lumingon si Isabella sa mansyon at doon ay namataan ang asawang si Lysander na nakatayo sa balcony at matalim ang tingin sa kanya. Hinihinntay niyang pigilan siya ni Lysander ngunit wala itong ginawa. Sa puntong iyon ay tuluyang tumalikod si Isabella at naglakad patungo sa naghihintay na sasakyan sa labas ng malaking gate. She's going home to the Herrera's. She looked at the facade of the mansion where she once lived. "Babalik ako." She whispered. - This is the story of Isabella Herrera-Cuevas, a castaway wife who made her way back to her rightful place, as Lysander Cuevas wife.
Romance
102.1K viewsOngoing
Read
Add to library
Chained with my boy bestfriend

Chained with my boy bestfriend

ArEnJayne
"Alam mo ikaw ha, masyado kang pala-desisyon. Buhay ko ito kaya huwag kang makialam lalo pa at wala naman ako’ng naging say sa love life mo,” naiinis na pahayag ko kay Franco. Naiinis kasi ito nang malaman na gusto ko ng magkaanak. Lagpas na ako sa kalendaryo at sa takot ko na mapag-iwanan ay ito ang naisip ko na solusyon. Wala sa vocabulary ko ang pag-aasawa dahil na rin sa naging karanasan ng nanay ko at sa nakikita ko sa paligid ko kaya nawalan na ako ng interes lalo na sa mga lalaki. Maraming nanliligaw subalit lahat sa akin ay red flags. Dagdagan pa nitong kaibigan ko na walang inaayawan basta naka-palda sa paningin nito lahat ay maganda. Mabait naman ito, matalino, responsable, masipag at madiskarte subalit sadyang palikero. “Ako ha, concern lang ako sa iyo. Huwag sanang masamain. Mamaya sa kagustuhan mo ay mapahamak ka pa.” Patuloy na litanya ni Franco sa akin. “Kaya nga bago pa mangyari iyon ay uunahan ko na. Hindi ako mai-inlove, hindi ako magiging martir at lalong hindi ko hahayaan na masaktan lang ako ng kagaya mo. Kaya nga anak lang ang gusto ko at iyon na ang pupuno sa pangarap ko. Hindi ako mag-aasawa at sakit lang iyan sa ulo,” masungit na sagot ko. “Ganun ba? Bakit ka pa maghahanap sa malayo at hindi mo kilala kung mayroon naman sa harapan mo? Ako na lang kaya, ano? Makakasiguro ka pa na galing sa magandang lahi at pamilya ang magiging anak mo,” tugon ni Franco. Napamaang ako sa naging sagot n’ya. Pwede kaya o baka magiging mitsa lang ito ng bagong kalbaryo sa buhay namin? Mas makapagpapatibay o makakasira kaya ito sa aming pagkakaibigan? Subalit hindi ko maiwasan kiligin at makadama ng challenge na baka ako lang pala ang makapagpapatino kay Franco.
Romance
1.9K viewsOngoing
Read
Add to library
PREV
1
...
1718192021
...
50
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status