Filter By
Updating status
AllOngoingCompleted
Sort By
AllPopularRecommendationRatesUpdated
The Fierce Comeback of the Ex-Wife

The Fierce Comeback of the Ex-Wife

Rixxxy
Si Eleanor ay isang martir na asawa ni Herbert. Ang lalaki ang naging mundo niya at kaya niyang tiisin ang lahat para dito kahit pa ang pisikal na pananakit ng kaniyang biyenan at mga anak nitong babae. Ngunit nang malaman niyang nakabuntis ito, ay tila nawasak ang buong pagkatao niya. Kaya naman upang mabuo muli ang sarili at paghigantihan ang asawa at ang kabit nito ay tatanggapin niya ang tulong ng CEO at tagapagmana ng MADRIGAL Group of Companies na si Noah Madrigal. Pupulutin niya ang mga nasira at nabasag niyang mga piraso at gagamitin iyon upang paghigantihan ang mga nanakit sa paraang hindi nila mga inaasahan. Ngunit hanggang saan ang mararating ng paghihiganting pagtutulungan nilang dalawa? Paano kung sa ikalawang pagkakataon ay muli siyang magmahal at higit na masaktan at tuluyang mawasak?
Romance
1.3K viewsOngoing
Read
Add to library
The Supreme (TAGALOG VERSION)

The Supreme (TAGALOG VERSION)

"Ang mga PUTI at ITIM ay parehong mga lahi ng BAMPIRA na mahigpit na magkaribal sa mahabang panahon simula sa taong Pitong-daan at dalawa (702)." Ang mga puting bampira ay ang mga bampirang itinuturing na mabubuti at may puso ngunit sa kabilang banda naman, ang mga itim ang siyang kabaliktaran. Mga traydor, gahaman, at walang mga puso sa kapwa nilang kalahi. Nang maisilang ang Ikalabing-tatlong Prinsipe ng mga itim ay naalerto ang mga puti dahil nakasaad sa orakulo na matutuldukan na ang kanilang lahi kung maisisilang ang itim na bampirang iyon ngunit hindi nila napigilan ang pagluluwal ng Reyna ng mga itim. Habang lumalaki ang bunsong anak ng Supremo ng mga itim ay mas lalo itong nagiging makapangyarihan kung kaya't nagsagawa sila ng hakbang upang unahan ang nga itim sa gagawin ng mga itong pag-ubos sa kanila. Hindi nila inaasahan na mapapatumba nila ang Prinsipe ng mga itim sa pamamagitan ng isang kemikal na magpapatulog nito sa mahabang panahon. Nagkaroon ng pag-asa ang mga puti nang sabihin ng orakulo na may sanggol na magmumula sa kanilang lahi na siyang tuluyang makakagapi sa Prinsipe ng mga itim. Ngunit, lingid sa kanilang kaalaman na may natitira pa pa lang mga bampira na nagmula sa lahi ng mga itim na desididong muling pabangonin ang kanilang lahi na matagal nang natutulog sa mahabang panahon. Sino lahi ang magwawagi? At sinong lahi ang tuluyang mabubura sa kasaysayan?
Fantasy
1011.4K viewsOngoing
Read
Add to library
The Billionaire's Love

The Billionaire's Love

EVS
Isang baligtad na mundo, Isang mundong mahirap, walang batas at walang moralidad. Kabilang na rito sa mundong ito si Alice Armani, wala siyang ibang iniisip kundi ang magkapera at maka alis sa kaniyang kahirapan na dinaranas. Sa kabilang mundo naman, ay puno ito ng kasaganaan sa pamumuhay, kahalagahan sa isang bansa, mayroong batas at pinuno. Namumuhay dito si Mark Liam Reed, isang binatang ipinanganak na Bilyonaryo, gwapo at maluho sa buhay. Hanggang sa ipinagtagpo sila ng tadhana, sa taglay na kagandahan at alindog ng katawan ni Alice ay nabihag nito ang puso ni Liam. Paano kung malaman ni Liam ang lihim ng dalaga o intensyon? Tatanggapin ba siya ng binata o kamumuhian? Paano kung may mga pusong biglang tumibok sa pagmamahal at naiba ang pananaw sa buhay? Kaya bang kalimutan ni Alice si Liam o pipiliin na lamang niya ang buhay na kinagisnan?
Romance
101.4K viewsOngoing
Read
Add to library
The Guardian Of Forest

The Guardian Of Forest

KHYSTARIA
Si Heryst, isang prinsesa at anak ng isang hari na siyang tagapangalaga ng bundok. Si Heryst ay mabait at matulungin na siyang naging dahilan upang ipatapon s'ya ng kanyang ama sa lupa upang maransan ng anak ang kalupitan ng mundo ng mga tao. Doon ay nakilala ni Heryst ang binatang si Aris at kinalaunan ay nabuo ang pag-ibig sa puso nila. May maganda kayang wakas ang pag-iibigan ng dalawang pusong nagmamahalan ngunit magkaiba ang mundong pinanggalingan?
Fantasy
2.0K viewsOngoing
Read
Add to library
The JANITOR’S Secret

The JANITOR’S Secret

Blurb Tanner- isang janitor na may malalim na tinatago, hindi siya basta-basta na kalaban dahil isang pitik ka lang mabubura ka na sa mundo! Kung sa hitsura nito ay talagang perfect na, nasa kanya na lahat ng mga katangian na hinahanap ng babae. Everlee- isang mayaman at taga pagmana ng lahat ng ari-arian na meron sila, maganda nga ngunit kabaliktaran naman ang ugali. Paano nga ba magkakasundo ang ating mga bida? Tara samahan niyo akong lakbayin ang kanilang kwento na may kilig, iyak, tawa at marami pang iba na ating tutuklasin.
Romance
138 viewsOngoing
Read
Add to library
Mr. Wrong becomes Mr. Right

Mr. Wrong becomes Mr. Right

YNAH MENDOZA
"Willing to wait and still hoping na makilala si Mr. Right! kahit na trenta anyos na ako ay hindi ako kinakabahan na hindi makapag-asawa! Ilang bilyon ba ang tao sa mundo? Kahit isa naman siguro sa mga iyon ay may inilaan si Lord sa akin hindi ba?" ALYANNA Paano mo masasabi kung ang isang lalake ay ang siyang nakatadhana para sa iyo? Ito ang ang palaging tanong ng marami, pero sa katauhan ni Aya na isang probinsiya at hindi hinahanap ang pag-ibig ay bigla na lang itong nanghina ng makita ang isang lalakeng inakala nitong dayo sa lugar nila. Ito ay si Marcus Napoleon, ang anak ng gobernor sa Ilocos Sur. Isang modulo sa Manila na napilitan lang umuwi ng Ilocus Sur dahil sa pakiusap ng ama nito. Pero hindi nito inakala na sa pag-uwi muli nito ay makilala nito si Aya Ramos. Maganda at simpleng dalaga pero brusko ang dating. Hindi maganda ang pagkikita ng dalawa ng sa unang beses na magtagpo ang mga landas ng mga ito ay parang mga aso't pusa ang dalawa. Pero sa muling pagkikita ni Marcus at Aya ay biglang maiiba ang ihip ng hangin. Magkakaroon ng spark at liwanag ang paligid ni Aya na hindi nito maintindihan sa tuwing makikita nitong nakakatitig dito si Marcus. Ito na kaya ang pinakahihintay na pag-ibig ng dalaga o mag-iiwan lang ito ng isang masakit na alala sa buhay ni Aya? Sabay-sabay nating abangan ang kuwento ni Marcus at Aya, at kung paanong ang isang tao na inakala mong mali para sa iyo ay magiging siyang pinaka tamang tao na inilaan ng Diyos sayo.
Romance
1.5K viewsOngoing
Read
Add to library
The Fall of the Queen

The Fall of the Queen

Fajra Hannele faces her destiny of being the Queen of Vampires at a young age. Masyado pang mabigat at mahirap para sa kanya ang lahat, ngunit isang mabigat na responsibilidad na agad ang kanyang pinasan. Sa kabila ng kalungkutan at pagluluksa, hindi maikakaila na naging isa siyang mabuting reyna. A Queen who built their world again and made it stronger, and a Queen whom everyone adores, pero sa kabila ng lahat ng iyon ay ang hindi mapawing lungkot ay naroon pa rin. Katulad ng ibang panunungkulan, hindi nawawala ang mga problema at mga kalaban. Ang konsehong inakala niyang makakatulong sa pamumuno at pagpapanatili ng kaayusan ng kanilang mundo ay ipinakita ang kanilang tunay na kulay. Hindi lang basta kanyang posisyon ang nais ng mga ito, kung hindi na rin ang pagtapos sa kanyang buhay. The table had turned, and she had experienced her downfall. The mighty and brave Queen has fallen, but she didn't let herself drown in that loss. In the process of recovering, more secrets about the past and about her life are revealed. Naipit siya sa isang sitwasyon kung kailan kahit na nais niyang mabilis na makabalik sa kanilang mundo ay wala siyang ibang pagpipilian kung hindi ang maghintay at sumunod. She also finally met her match in that time of chaos, but when she had fallen deeply for him, the truth about their ill-fated relationship was unveiled. Will she be able to go back to her world and claim her throne before everything ends? And will she be able to alter her destiny knowing that the man she started to love and cherish is destined to kill her?
Fantasy
1018.9K viewsCompleted
Read
Add to library
The  Heiress True Love

The Heiress True Love

Nabuhay si Yvone na may gintong kutsara sa kanyang bibig pero never niyang ikinatuwa ang maging ganito. Sa bawat araw ng kanyang kabataan ay kinasabikan niya ang atensiyon at pagmamahal ng ama lalo na ng maagang maulila sa Ina. Lalong naging miserable at malungkot ang buhay ni Yvone ng magdalaga at gawing tagapagmana ng kanyang ama. Naging tinik siya sa lalamunan ng madrastaat doon nangsimulang manganib ang buhay niya. Samantalang nabuhay naman si Edward sa magulong mundo at nasanay sa kalakaran ng mahirap na pamumuhay kaya naging wais at palaban. Iisang tao lamang ang kinamumuhian niya, ang amang hindi pa nakikit. Sa pagsirko ng kapalaran ay magtatagpo ang landas ng dalawa na walang kamalay malay sa malaking lihim ng kanilang mga pagkatao
Romance
1017.4K viewsCompleted
Read
Add to library
BIDDING FOR HER (She was His to Win)

BIDDING FOR HER (She was His to Win)

Mabait. Inosente. Mapagmahal. Ganyan inilalarawan si Megan Gonzales, isang dalagang lumaki sa pagitan ng liwanag at dilim. Anak ng isang babaeng bar performer na mas mahal pa ang pag susugal kaysa sariling anak, natutunan ni Megan na ang simpleng pamumuhay ay sapat na—makatapos ng pag-aaral, makakain sa tamang oras, at maipaglaban ang mga taong mahal niya, kahit ang kapalit ay ang sarili niyang kalayaan. Hanggang sa isang gabi, tuluyang naglaho ang natitirang liwanag sa buhay niya. Sa isang underground human auction—isang gabi ng kasinungalingan, kasakiman, at kapangyarihan—ibinenta siya ng kanyang ina kapalit ng pera. Isang murang halaga, isang kahindik-hindik na kataksilan. Ang mga bid ay mabilis na tumataas: lima... sampu... tatlumpung milyon. Hanggang sa isang malamig, mariin, at makapangyarihang tinig ang sumigaw. "Isang daang bilyon. Para sa kanya." Tahimik ang mundo. Tumigil ang lahat. Doon siya unang nasilayan ni Lucien Alcaraz—isang negosyante sa itaas ng mundo, kilala sa yaman, talino, at kawalan ng puso. Ngunit sa gabing iyon, sa ilalim ng mga ilaw ng kasalanan, nakita niya si Megan. Hindi bilang isang produkto... kundi isang bagay na dapat angkinin para sa kaniyang sariling intensyon. Sa pagitan ng kasunduan at lihim na damdamin, matutuklasan ba ni Megan na ang tunay na halaga ng isang tao ay hindi nasusukat sa perang ipinambibili sa kanya? Mararanasan ba niya ang pagmamahal na ipinaglalaban siya? Halina`t subaybayan ang kwento nang ating bida.
Romance
499 viewsOngoing
Read
Add to library
Claimed By A Billionaire

Claimed By A Billionaire

Perpekto ang buhay ni Celestine—o iyon ang akala niya. Bilang tagapagmana ng isang kilalang fashion empire, mayaman, sikat, at malaya siya… hanggang sa biglang bumaliktad ang lahat. Pinagpakasal siya kay Enzo, isang misteryosong bilyonaryong Formula 1 driver, at bigla siyang napasama sa buhay ng isang lalaking halos hindi pa niya kilala. Ang inaasahang pormal at maayos na kasal ay nauwi sa isang nakakaalab na laro ng pagnanasa, selos, at init ng damdamin. Nang isama siya ni Enzo sa kanyang high-octane na mundo ng karera, lalong tumindi ang tensyon: may mga karibal na nanliligaw, may panganib sa paligid, at unti-unting lumalabas ang possessive at obsessive na side ni Enzo—hindi siya nahihiya ipakita sa lahat na siya ay pag-aari niya. Sa pagitan ng kanyang pride, takot, at hindi mapigilang atraksyon, kailangan ni Celestine na harapin ang lalaking gustong makuha ang lahat… pati ang kanyang puso. Mapapapayag kaya si Celestine sa bilyonaryong nag-aangkin sa kanya, o hahayaan ba ng mabilis at mapanganib na mundo ng yaman, selos, at pagnanasa na sila’y maghiwalay?
Romance
10183 viewsOngoing
Read
Add to library
PREV
1
...
2728293031
...
50
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status