Filter By
Updating status
AllOngoingCompleted
Sort By
AllPopularRecommendationRatesUpdated
The Shadow Love of Mr. Zillionaire

The Shadow Love of Mr. Zillionaire

Para kay Jiannella, ang buhay ay parang isang salamin na nabasag—mahirap ng ayusin. Sa pagtatangkang ilayo ang kanyang kinikilalang kapatid sa kapahamakan, sumama siya sa kanyang tunay na mga magulang sa Pilipinas. Ngunit ang inaasam niyang tahimik na buhay ay nauwi sa isang malaking drama. Ang kanyang kapatid na si Mika, na anak ng dating yaya, ay labis na pinapaboran ng kanyang ina, na tila nagsisisi pa na dinala siya sa kanilang tahanan. At ang pinakamasakit, ang kanyang fiancé na si Duke, ay labis na umiibig kay Mika at gustong ipagpaliban ang kanilang kasal dahil lamang sa pagbabalik ni Mika mula sa ibang bansa. Sa desperasyon na makatakas sa kanyang pamilya, ipinost niya ang mainit na balita. Ang kanyang fiancé na si Duke, ay may relasyon sa kanyang kapatid na si Mika. Sa kasamaang palad, nagamit niya ang black card na bigay ng kanyang kapatid, at alam niyang anumang oras ay magpapakita ito sa kanyang harapan. Malapit na bang mabunyag ang kanyang madilim na sikreto? Lihim siyang may nararamdaman para sa kanyang kapatid, ngunit pilit itong kinukubli dahil sa takot na ito'y kakaiba.
Romance
1095 viewsOngoing
Read
Idagdag sa library
His Abandoned Wife Sweetest Comeback

His Abandoned Wife Sweetest Comeback

She gave him three years. He gave everything to someone else. Matapos ang tatlong taon na walang saysay na kasal, pinili ni Aella Ramirez na tapusin ang pagiging asawa ni Theodore Larson—ang kilalang malamig at sikat na CEO ng multi-billion e-commerce business—sa kadahilanan palagi nitong inuuna ang first love nito kaysa sa pamilya nito. Iniiwan siya sa mga mahahalagang okasyon ng kanilang pamilya gaya ng libing ng lola nito, isinasantabi rin siya sa kanyang trabaho at kinalimutan ang kanilang wedding anniversary. Sa huli ay binato niya sa mukha nito ang annulment paper bago iniwan kasama ang anak nila. Sa halip na masaktan ay muli siyang bumangon. Ibinalik niya ang dating negosyo na di kalaunan ay kumita ng bilyon-bilyon at nagtagumapay rin siya sa iba't ibang larangan. Ngunit, ang lalaking tumalikod sa kanya ay biglang nagsisi at nagmamakaawa na bumalik siya. Handa ba siyang balikan ito, lalo na‘t dumating si Matthias Sullivan—ang makapangyarihan at mapang-akit na kasosyo niya na handa siyang ipaglaban? Sino ba ang pipiliin niya—ang nakaraan o ang lalaking kailanman ay ‘di siya bibitawan?
Romance
1038.1K viewsKumpleto
Ipakita ang mga Review (17)
Read
Idagdag sa library
Sue mae
Maganda sana sa simula pero habang tumatagal pangit na yong storya. Haba na ng chapter yong divorce nila di pa rin tapos ang dami ng eksena yong divorce hindi umuusad. Tapos laging kawawa yong aella sa eksena. Nakakaumay basahin.
Winter Red
Baliw tong MARIA na ito, minsan magkaparehas na ang mga stories kasi cliché na lahat! depende sa akin kung paano ko lagyan ng plot twist pero pagsabihan ako ng AI gawa ko, hindi na tama iyon. Please lang po, tumahimik na lang kayo kung ayaw niyo ng libro ko. Thanks!
Basahin ang Lahat ng Review
How to Unlove You

How to Unlove You

Nang malaman ni Jillian na buntis siya, dalawang buwan pagkatapos magkaruon ng aksidenteng pakikipagtalik sa isang estranghero, na akala niya ay si Brent na kanyang boyfriend, yun pala ay ibang lalaki. Nang hanapin niya ang lalaking may kagagawan ng kanyang pagbubuntis, tinanggihan siya nito dahil may hinihintay itong ibang babae. Na stress siya na nagdulot ng pagdurugo during her pregnancy kaya kinailangan siyang dalhin sa ospital. Paggising niya, natagpuan niya ang sarili sa hospital na kasama ang pinakamayamang babae sa mundo na si Madam Lishou. Sa halip na magalit, ininsist ni Madam Lishou ang isang kasal sa pagitan ni Jillian at ng kanyang apo na si Mckenzie. Nalaman kasi nito sa isang source na ang apo nito ang nakabuntis sa kanya. Tumanggi ang lalaki na pakasalan siya, nagalit si Madam Lishou at binantaan ang lalaki na itatakwil kung hindi ito magpapakasal sa kanya. Napilitang pumayag ang lalaki sa kondisyon na civil lamang sila ikakasal. Habang nagkakalapit ang loib nilang mag asawa, biglang nagparamdam ang dalawang tao mula sa kanilang nakaraan, si Tamara na nagnanais na muling mabawi si Mckenzie at si Brent na handa siyang tanggapin ulit sa kabila ng kalagayan niya. Paano ito makakaapekto sa kanilang pagsasama? Sila ba'y paglalayuin ng pagkakataon, o magtatagumpay sila sa harap ng mga pagsubok, na nagpapalakas ng kanilang pagsasama sa paglipas ng panahon?
Romance
9.825.8K viewsKumpleto
Read
Idagdag sa library
Single Mom

Single Mom

Si **Luna Reyes** ay isang 18-anyos na estudyante sa kolehiyo mula sa probinsya na nabuntis ng **Alexander "Alex" Montemayor**, anak ng isang bilyonaryo. Nang malaman ng ama ni Alex, si **Ricardo Montemayor**, ang pagbubuntis, inalok niya si Luna ng malaking halaga ng pera kapalit ng paglayo sa buhay ni Alex. Dahil sa takot sa kapangyarihan ni Ricardo, pumayag si Luna at lumipat sa Maynila upang buhayin ang kanyang anak na si **Mateo**. Pagkalipas ng labing-dalawang taon, namatay si Ricardo at sa pagbabasa ng testamento, lumabas ang isang probisyon na ang yaman ng Montemayor ay mapupunta lamang sa anak o apo. Nagkaroon ng duda si Alex tungkol sa pagkakaroon ng anak niya kay Luna. Kasama ang pulis na kaibigan, si **Miguel Santiago**, sinimulan niyang imbestigahan ang nakaraan. Nagkita muli sina Alex at Luna sa isang event, at sa kanilang pag-uusap, inamin ni Luna na si Mateo ang kanilang anak. Habang lumalapit si Alex kay Mateo, naging mapanganib ang sitwasyon dahil kay **Sofia Aguilar**, ang magiging asawa ni Alex na hindi makapagkaanak at nagpasya na patayin si Mateo upang mapanatili ang kanyang kapangyarihan sa pamilya Montemayor. Nakipag-ugnayan si Luna kay Miguel upang mapanatili ang kaligtasan ni Mateo. Nang maganap ang mga insidente ng pag-atake kay Mateo, nahuli si Sofia at ang kanyang kasabwat, si **Carmen Morales**. Sa kabila ng lahat ng nangyari, nagkaroon ng pagkakataon sina Luna at Alex na magbuo muli ng kanilang pamilya. Ang nobela ay nagwakas sa isang simpleng kasal na puno ng pagmamahal at pag-asa, na simbolo ng bagong simula para sa kanilang pamilya.
Romance
5.1K viewsKumpleto
Read
Idagdag sa library
Her Buried Desires

Her Buried Desires

Kaia has always been an obedient daughter. Following and pleasing them was her own way of earning her adoptive parents’ love and approval. But despite her unwavering efforts to make them happy, lagi itong kulang. She always feels like an outsider, lalo na nang mabiyayaan ang mga ito ng totoong anak. When her sister came into the picture, pakiramdam niya ay lalo siyang nawalan ng pwesto sa pamilya. However, a chance to prove her worth to her family comes when an unexpected proposal lands on her lap—an arranged marriage to a stranger. She is torn at first but eventually agrees to this to prove that she’s willing to go to great lengths just to gain their acceptance. But everything takes an unexpected twist when Kaia discovers the identity of her mysterious groom-to-be: the one and only Aril Verlon E. Adriatico, her first love, who she believed was buried deep within her past. Hindi niya inaasahan na muling mag ku-krus ang kanilang mga landas. The rush of emotions, old wounds, and unresolved feelings resurface. Will Kaia find the strength to confront her past, which is also apparently her future?
Romance
101.8K viewsOngoing
Read
Idagdag sa library
ISLE JIA — MONARKIYA (Tagalog)

ISLE JIA — MONARKIYA (Tagalog)

twtl_trtd
The De Leon's anual ball is coming, and Miranda's mom is hellbent on pursuing one of the De Leon's prided bachelors to be her son-in-law. Unfortunately, Miranda is her only daughter. Mayroon lamang siyang 0.1 poryentong tyansa na masungkit ang kahit isa sa mga anak ng Don. Lalo pa sa ugali ni Miranda na si-siga-siga at kilos lalaki. 'Sasakit lang ang ulo mo, Maman!' Gayunpaman, no one can deny an Isle their incredible beauty and slyness. Alam ni Miranda na naghihirap na ang kanilang pamilya ngunit para sa kaniya, hindi itong sapilitang daan ang sagot sa mga problema nila. "What?" bulalas ni Shanelle, "You'll—" "Steal." Ngumiti si Miranda. "Habang nagsasaya silang lahat, nanakawin ko ang maliit na parte ng yaman nila." Miranda expected Shanelle to be horrified. Surprisingly, the girl nodded. "Kung 'yon ang gusto mo." Somehow, Miranda felt that there's something wrong with her abrupt acceptance of her evil, well-thought plan. Ngunit hindi na iyon mahalaga. Kailangan niyang maghanda, sa maraming paraan.
Romance
108.1K viewsOngoing
Read
Idagdag sa library
MISTRESS SERIES 1: The Mistress' Regret

MISTRESS SERIES 1: The Mistress' Regret

Labing-dalawang taong gulang si Dhanna Devino nang maulila siya sa ina. Hindi nito nakayanan nang iwanan sila ng kaniyang ama kaya naging malungkutin hanggang sa ang ina na niya mismo ang bumawi sa sariling buhay. Kaya ipinangako niya sa sarili na balang araw pagbabayarin ang mga taong sumira sa kanilang pamilya. Inakit niya ang asawa ng kapatid niya sa ama upang maipadama dito ang sakit at paghihirap na pinagdaanan niya. Ngunit hindi niya alam na ang mundong pinasok niya ay magdudulot pala sa kaniya ng mas matinding problema. Magagawa pa kaya niyang makawala sa sitwasyong siya mismo ang gumawa?
Romance
101.1K viewsOngoing
Read
Idagdag sa library
BEAUTIFUL BASTARD (EL FRIO QUADRO)

BEAUTIFUL BASTARD (EL FRIO QUADRO)

Kapayapaan ang hinahangad ng lahat ng tao sa mundo kabilang na s'ya. Ngunit paano kung isang araw ay bigla na lamang mawala sa kan'ya ang inaasam na kalayaan dahil sa isang babae na nagnakaw nito sa kan'ya. Paano n'ya ito iiwasan kung may isang anghel ang nag-uugnay sa kanila? Paano n'ya tatalikuran ang kanilang anak na kahit saang anggulo tingnan ay kamukhang-kamukha n'ya? Paano n'ya haharapin ang bukas ng maayos at masaya kung puno ng poot at galit ang kan'yang puso? Matutunan n'ya kayang mahalin ang babaeng ipinakasal sa kan'ya ng mga magulang?
Romance
10154.5K viewsKumpleto
Ipakita ang mga Review (30)
Read
Idagdag sa library
Analyn Bermudez
sobra!!! grabeh!! ung naranasan ni Audrey...at wla ako iba masisisi Dito kundi Ikaw tres ..sna nagpaalam ka Kay Audrey para di Siya lumuwas Ng manila para hanapin ka..hmp Hindi mo deserve maging ama Kay fifth at Lalo dimo deserve Ng second chance tres hmp..wag ka marupok Ms Author panindigan mo Yan
Oliva Villaverde Marquez
sobrang naawa ako kay Audrey pagluwas ng Manila tapos makikita nya si Tres na may nilalanding ibang babae. deserve mo yan tres na mag suffer ka sa ginawa mo kay Audrey. nadala mo ako miss author umiiyak ako habang nagbabasa.
Basahin ang Lahat ng Review
One-Night Stand with Mafia Boss

One-Night Stand with Mafia Boss

Si Zyrtea Fate Briones ay laging binabangungot simula ng tumira sila sa ibang bansa kasama ang kanyang ina. Mga panaginip na parang totoo pero alam niyang hindi naman nangyari 'yon. Hanggang sa nakilala niya si Kiel, ang lalaking natipuhan niya sa Cafe. Simula ng may nangyari sa kanilang dalawa ay tila nagbago ang ihip ng hangin, hindi na siya binabangungot. Siya na kaya ang kasagutan? O magiging mapait lang ang kapalaran nito sa kanya? Warning: Some of the chapters contains violence and mature content that are not suitable for very young audiences. Take note: It may contain Typos and Grammatical Errors so please bear with me. Thank you! Read at your own risk.
Romance
879 viewsOngoing
Read
Idagdag sa library
Love is Onboard

Love is Onboard

Hindi inakala ni Zynteria na magtatagpo pang muli ang mga landas nila ni Kirito. Natagpuan niya ang sariling nagsisilbi bilang shef sa barko nito. Aminado siyang may pagtingin pa rin siya para dito pero hanggang kaya niya ay sinusupil niya iyon. Ngunit ano ang pumasok sa isip niya at tinanggap ang alok nitong week-long cruise na sila lang dalawa? Hindi lang iyon, naniwala rin siya rito nang sabihin nitong mahal pa rin siya nito. Umasa siyang magkakaroon na ng magandang wakas ang kanilang love story. Pero namatay ang kaniyang pag-asa nang malaman niyang ikakasal na pala ito....
Romance
101.1K viewsOngoing
Read
Idagdag sa library
PREV
1
...
4445464748
...
50
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status