Carrying my Brother-In-Law's Child (SPG)
Kinabukasan, maagang nagising si Micaiah para mag-ayos. Sabado ngayon at wala siyang pasok kaya ngayon niya naisipang makipagkita sa boyfriend niyang si Arkin.
Pagkatapos niyang mag-ayos ay tinignan niya ang sarili sa harap ng salamin, suot ang isang offshoulder cream dress ay binigyang diin nito ang kan’yang maputing balat. Naglagay lang din siya ng light make up at peach lipstick pero kahit gano’n, talagang nakakabighani ang kan’yang natural na ganda. Ang makapal ngunit maayos na kilay, ang mga mata niyang purong brown, ang mahabang pilit mata at matangos na ilong, idagdag pa ang mismong mahaba at naturally straight nitong buhok.