Chasing Dr. Billionaire
Ipinakita ni Nica ang hawak niya dito.
“Light scratch lang yan, okay pa yan.” sabi ng checker.
“Yung may crack sa gilid, reject yun pero yung may konting dent, okay pa.”
Tahimik lang nilang sinunod ang instruction.
Hawak ni Gigi ang isang piraso. Wala siyang nakitang gasgas at maayos naman ang surface, pero may nahagip ang kanyang mga mata. Medyo nakalihis ng konti ang bolt hole. Para makasiguro ay kumuha siya ng isa pa, at ganun din ito, mali sa molding, mali ang pagkakabutas. Alam na alam niya yun dahil siya ang nagdesign nito. Mali ang alignment kaya mali ang placement ng hole. Konting konti lang ang diperensya pero sapat na yun para magkamali sa magiging rotation ng braso kapag binuo.