Filter By
Updating status
AllOngoingCompleted
Sort By
AllPopularRecommendationRatesUpdated
His Pretentious Love

His Pretentious Love

Nag-propose na rin sa wakas ang limang taon na nobyo ni Mia sa kanya sa araw ng kanilang anniversary. Masaya siya dahil nagbunga na rin ang kanyang paghihintay ng ilang taon. Sa gabi ding iyon walang pag-aalingan na ibinigay ni Mia ang kanyang pagkababae sa kanyang nobyo sa unang pagkakataon. Naging mapusok at mainit ang pinagsaluhan nilang pagkakaisa kaya naman sa labis na pagod ay nakatulog si Mia. Pero nagising siya makalipas ang ilang oras nang may tumawag sa kanyang cellphone. Ilang ulit na humingi ng tawad ang kausap niya sa kabilang linya dahil hindi raw ito nakarating sa kanilang anniversary dahil may importanteng inasikaso. Nagulat si Mia nang malaman niya na ang kausap niya ay ang nobyo niya. Hindi siya pwedeng magkamali dahil alam niya ang boses nito. Napatingin si Mia sa higaan at nagtaka siya. Kung ang kausap niya sa cellphone ay ang totoong nobyo niya, sino pala ang lalaking ito na kamukhang-kamukha ng nobyo niya na natutulog sa kama? Sino pala ang lalaking ito na nagpropose sa kanya at nagkunwaring boyfriend niya?  At ang nagpakaba kay Mia ng husto ay ang katotohanan na naipagkaloob niya ang sarili sa lalaking hindi naman pala talaga niya kilala.
Romance
10570 viewsKumpleto
Read
Idagdag sa library
HEAVENLY DESIRE (ALLURING AFFAIRS SERIES 6)

HEAVENLY DESIRE (ALLURING AFFAIRS SERIES 6)

Miss Robin
Umpisa pa lang ay masidhing pagnanasa na ang naramdaman ni Trevor para kay Heaven, ang maganda ngunit masungit na nurse na minsang nagligtas sa buhay niya. Ginawa niya ang lahat para maagaw si Heaven sa boyfriend nito at masira ang relasyon ng dalawa. Nang magtagumpay si Trevor ay sinamantala niya ang kalungkutan ni Heaven para mapalapit sa dalaga at maangkin ito. Pagnanasang unti-unting nauwi sa pagmamahalan. Pagmamahalang tumatag habang lumilipas ang panahon. Subalit sadyang mapaglaro ang tadhana. Kung kailan handa na niyang pakasalan si Heaven ay saka niya na-diskubre na anak pala ito ng taong pumatay sa kaniyang ina. Magawa pa kaya ni Trevor na paghigantihan ang taong labis niyang kinamumuhian? O sapat na ang labis na pagmamahal niya kay Heaven para makalimutan ang mapait niyang nakaraan?
Romance
101.6K viewsOngoing
Read
Idagdag sa library
The Billionaire's Painful Love (Gorgeous Men Series 23)

The Billionaire's Painful Love (Gorgeous Men Series 23)

Miss Virgo
Dahil sa pamimilit ng magulang ni Griffin Zale Kellneer na ipakasal siya sa babaeng hindi naman nito minahal ay napilitan siyang pakasalan ang babaeng si Samantha Lagdamiyo.  Isang pekeng kasal kapalit ng limang milyong peso.  Sa loob ng isang buwan na nagsama sila sa iisang bubong, hindi man aminin ng dalawa ay minahal nila ang isa't-isa.  Walang sikretong hindi nabubunyag. Kaya nung malaman ng magulang ni Griffin na peke lang ang kanilang pagsasama ay lumayo si Samantha dala ang perang kapalit ng kasal.  Makalipas ang limang taon nagbalik si Samantha dala ang batang babae, ipinakilala itong anak ni Griffin.  Ngunit sa hindi inaasahan ay ito rin ang naging hudyat ng pagkamatay ng ama ng binata.  Labis ang pagsisi ni Samantha dahil kinamuhian siya ng lalaki at ito rin ang dahilan upang hindi tanggapin ng binata ang pinakilala nitong anak. Ngunit tila mapaglaro ang panahon, dahil isang pagkakamali ang ginawa na paghihiganti ni Griffin kay Samantha. Mapapatawad pa kaya niya ang babae? Maibabalik pa ba niya ang kanyang pagmamahal kay Samantha? O mananatili na lang ang kanyang pagkamuhi sa babae? Gayong kailangan siya ng babae ng magbalik ito sa kanyang buhay. 
Romance
10597 viewsOngoing
Read
Idagdag sa library
Love beyond the gilded cage

Love beyond the gilded cage

Inosente at bata pa ang puso ni Solana nang mahulog siya kay Edward. Dahil dito ay pumayag siya na maikasal habang si Edward naman ay pumayag para sa kompanyang mamanahin. Ngunit sa limang taong pagsasama, ni minsan ay hindi naramdaman ni Solana ang pagmamahal ng kanyang asawa. Mararanasan pa kaya ni Solana ang tunay na pag-ibig?
Romance
10425 viewsOngoing
Read
Idagdag sa library
One Night Stand With An Heiress

One Night Stand With An Heiress

Si Aliza May Paulo, ang tagapagmana ng isang makapangyarihang tao mula sa Cebu, ay mayroong lahat - kagandahan, talino, at kayamanan. Ngunit hinangad niya ang higit pa, isang buhay na malaya mula sa mga paghihigpit ng kanyang ama. Sa desperadong pagtatangka na makatakas, sumakay siya ng isang bangka patungo sa Maynila. Gayunman, nabigo ang kanyang plano nang siya ay ma-kidnap at pabalikin sa kanyang pinanggalingan.Samantala, si Jonathan "Anton" Ramos ay ang pinagkakatiwalaang kanang kamay ng ama ni Aliza. Siya ang may tungkulin na lahat, mula sa pagpapatakbo ng pamilyang negosyo hanggang sa pagdidisiplina sa tagapagmana mismo. At habang sila ay magkasama, nagsimulang makita ni Aliza si Anton sa ibang pagkakataon, at hindi niya maiwasang magtanong kung mayroon pa bang ibang aspeto sa kanilang relasyon bukod sa tagapagmana at pobre. As they faced unexpected challenges, Aliza was forced to confront her own prejudices and privilege. Would she continue to live life as a spoiled brat, or would she find the courage to change and become a better person?And as Anton and Aliza's feelings for each other grew stronger, they were faced with an impossible decision: should they follow their hearts, even if it meant going against everything they had ever known? Or should they stick to the status quo, even if it meant sacrificing their own happiness?
Romance
3.2K viewsOngoing
Read
Idagdag sa library
Loving you before i Die

Loving you before i Die

L U N A
there are two collage students who have different populations in life, natasha kim santos is a kind girl and have a secret in her life but what if she meets a guy she use to call ace? Will he still hide his most hidden secret even from his family? Will she walk away or tell him the truth?
Other
855 viewsKumpleto
Read
Idagdag sa library
 June (Gugma Series)

June (Gugma Series)

J U A N
Hugh McConaughey had always been in love with his girlfriend, but when he caught her cheating on him with his favorite student, he was devastated. The emotional turmoil he experienced was so intense that he contracted a strange disease, leaving him feeling more isolated and alone than ever before. In an effort to find peace and heal from his emotional trauma, Hugh decided to transfer to Santander, a tranquil town where he could start anew. He live in the house of her late grandparents near the university where he would be teaching and tried to forget about the past. But the peace he had hoped to find was not meant to be. One day, while arranging his things inside the house, a young lady entered and immediately caught his attention. She was beautiful, with long, flowing hair and piercing topaz brown eyes. But there was something about her that gave him a headache, both literally and figuratively. Despite his initial reluctance, Hugh found himself drawn to her. They began to spend more time together. He discovered that her name was June Skye and that she had a crush on their neighbour named Anton. As they spent time together, Hugh realized that he had developed feelings for June. But he was afraid to get hurt again after what had happened with his ex-girlfriend. One day, while having on a date in yatch overlooking the ocean, Hugh finally confessed his feelings to Skye. Her advised resonated with Hugh, and he knew that she was right. Hugh learned to let go of his past and move forward with a new love in his life. And his relationship with Skye showed him that love can heal and mend even the most broken of hearts.
Romance
1.9K viewsOngoing
Read
Idagdag sa library
Doctor 's Bargain Wife (Series 2)

Doctor 's Bargain Wife (Series 2)

Sypnosis Mula pagkabata, hindi na naranasan ni Venisse ang init ng tunay na pamilya. Sa murang edad, natutunan niyang tumayong mag-isa—kahit pa ibig sabihin niyon ay isakripisyo ang sariling pangarap. Sa edad na 23, isang hindi inaasahang pagbubuntis ang tuluyang gumiba sa plano niyang buhay. Unti-unting nawala ang pag-asa. Araw-gabi siyang kumakayod—kahit anong trabaho, mapasukan lang. Para sa gamot, check-up, at isang kinabukasang hindi pa sigurado. Hanggang sa dumating ang panahong wala na siyang pagpipilian. Pumasok siya bilang GRO sa isang kilalang bar—isang trabahong kailanma’y hindi niya inakalang papasukin. Sa bawat ngiti at aliw sa mayayamang bisita, pinipilit niyang itago ang lungkot at takot sa likod ng mata. At doon sila nagtagpo—ni Dr. Kurt Navarro. Isang gabi, isang emergency. Ang batang dinadala ni Venisse sa sinapupunan, nalagay sa panganib. Isang komplikasyon. Isang mahal na operasyon. Isang bayarin na hindi niya kayang pasanin. At sa gitna ng kaguluhan, may inalok si Kurt. Isang kasunduan. Anim na buwang kasal. Walang emosyon. Walang label. Puro papel at pirma. Kapalit: kaligtasan ng anak niya. Pero paano kung habang lumilipas ang bawat araw, unti-unting lumambot ang pusong matagal nang pinatigas ng sakit? Paano kung sa likod ng kontrata, unti-unti niyang nararamdaman ang bagay na hindi kasama sa usapan? Pag-ibig. Isang kasunduan. Isang kasinungalingan. Isang pusong unti-unting bumibigay. Pero sa dulo ng anim na buwan… pipirma ba sila para sa wakas? O para sa panibagong simula?
Romance
9.8406 viewsOngoing
Read
Idagdag sa library
The Mayor's Contract Wife

The Mayor's Contract Wife

Isang matapang na dalagang negosyante si Ysabella Cruz na handang gawin ang lahat para mailigtas ang pamilya nila sa pagkakautang—kahit pa ang kapalit ay isang kasunduang kasal. Ang catch? Ang lalaking papakasalan niya ay si Mayor Alaric Dela Vega—bata, makapangyarihan, at misteryosong lider ng kanilang bayan. Hindi inaasahan ni Ysabella na ang lalaking minsang tumulong sa kanya noong kabataan pa sila ay siya ring magiging "asawa" niya ngayon—ngunit sa papel lamang. May sariling dahilan si Mayor Alaric kung bakit pumayag siya sa kasunduan: kailangan niyang mapanatili ang imahe niyang "settled" upang matuloy ang pagtakbo sa mas mataas na posisyon sa pulitika. Ngunit habang lumilipas ang mga buwan sa ilalim ng iisang bubong, unti-unting nabubura ang hangganan ng kasunduan. Sa pagitan ng mga scripted na halik sa harap ng kamera at mga gabing puno ng katahimikan, may damdaming unti-unting nagigising. Hanggang kailan sila magtatago sa likod ng kontrata? At kapag dumating ang oras ng pag-pirma ng annulment papers, sino ang unang aatras—ang pusong natutong magmahal o ang pusong takot masaktan muli?
Romance
10378 viewsOngoing
Read
Idagdag sa library
My Bodyguard

My Bodyguard

Si Cassandra Belmonte, anak ng isang kilalang Mafia boss, ay nasaksihan ang karumal-dumal na pagpaslang sa kanyang mga magulang. Isang gabing nababalot ng kulog at ulan, ang mga putok ng baril na nagmula sa kanilang silid ang sumira sa kanyang buhay. Dahil sa pangyayaring ito, kinailangan niyang magtago at protektahan ang kanyang sarili. Para sa kanyang kaligtasan, isang dating miyembro ng US Military Special Task Force na si Christopher Herrera, ay bumalik sa Maynila upang magsilbing kanyang bodyguard. Ngunit paano kung sa paglipas ng panahon, hindi lamang ang kanyang buhay ang kailangan niyang protektahan, kundi pati na rin ang kanyang puso? Magagawa kaya ni Christopher na pigilan ang pag-ibig na sumibol sa puso ni Cassandra, o mananatili lamang siyang isang tagapagbantay?
Romance
338 viewsOngoing
Read
Idagdag sa library
PREV
1
...
1314151617
...
50
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status