Mister President’s Dirty Secret
Napilitan si Selene na maging isang surrogate mother nang makulong ang kanyang ama. Wala siyang ibang pagpipilian—she needed money, and fast. Kahit hindi niya lubos na naiintindihan ang pinapasok niya, tinanggap niya ito alang-alang sa taong pinakamahalaga sa kanya.Ngunit habang dinadala niya ang bata sa kanyang sinapupunan, may isang madilim na banta ang dumating sa kanyang buhay. May taong nagbabala sa kanya—leave, or you and the child you carry will be killed. Takot ang namayani sa puso niya, kaya pinili niyang tumakas at maglaho nang parang bula.Limang taon ang lumipas.Pagod, hirap, at pangungulila ang naging kasama niya sa mga panahong iyon. Kaya nang wala na siyang matakbuhan, she returned to Manila, hoping for a fresh start. Hindi niya inaasahan na matatanggap siya bilang kasambahay ng mismong pangulo ng bansa.Sa loob ng palasyo, akala niya ay makakahanap siya ng katahimikan. But fate had other plans.Unti-unting napalapit sa kanya ang binatang presidente—isang lalaking makapangyarihan ngunit may pusong marunong magmahal. Sa bawat araw na magkasama sila, her walls slowly broke down. Ngunit kasabay ng paglapit nila sa isa’t isa ay ang pagdami ng mga taong gustong sirain siya.Mga matang mapanghusga. Mga bulong na mapanakit. At ang pinakamabigat—ang imahe ng pangulo na unti-unting nadudungisan dahil sa kanya.She was just a maid. Isa lamang siyang dalagang ina na may madilim na nakaraan. At siya—isang lider ng bansa na kailangang manatiling malinis ang pangalan.Ngayon, kailangan niyang pumili.Will she fight for love, kahit kapalit nito ang pagbagsak ng lalaking mahal niya?Or will she walk away, sacrificing her own happiness to protect his name?Sa mundong puno ng kapangyarihan at lihim, ang pag-ibig ba ay sapat para ipaglaban… o isa lamang itong kahinaan na kailangang bitawan?