Mommy Nanny
[VIOXX ALMERADEZ'S STORY]
Probinsyana si Dashi na lumuwas ng Maynila para magtrabaho bilang Nanny at Tutor ng demonyitong anak ni Vioxx Almeradez, habang nagre-review siya para board exam.
Simple lang ang plano niya habang nandoon:
1. Turuan at asikasuhin ang bata
2. Magreview at maging topnotcher sa board exam
3. Maging Teacher sa abroad para i-ahon sa hirap ang pamilya.
Subalit, lahat ng mga plano niya sa buhay ay nagulo nang magpakita ng interes sa kanya ang gwapo, simpatiko at masungit niyang boss. Syempre, kilig-kilig siya, pero hanggang doon lang dahil alam niyang aalis din siya sa bahay nito at hinding-hindi siya babagay sa mayaman na katulad ni Vioxx Almeradez. Matatag ang disisyon niya sa bagay na iyon, walang hahadlang!
Pero may isa siyang nakalimutan! Si Shaun na anak ng boss niya, ay tinatawag na siyang Mommy sa halip na "Yaya Teacher". Hindi lang 'yon, pinakitaan pa siya ng ebidensya na siya raw ang Mommy nito. Ang picture na ibinigay ni Vioxx na kamukha niya nga.
Susmaryosep! Paano siya nagkaroon ng ganong picture?!