Filter By
Updating status
AllOngoingCompleted
Sort By
AllPopularRecommendationRatesUpdated
till I found you

till I found you

Umuwi si Aliya probinsya nila. Gusto niyang ipahinga muna ang sarili sa toxic na mundo ng trabaho niya ang pagiging call center agent. Lalo na at gusto din ng kanyang ama at kapatid na magbakasyon siya. Doon niya makilala ang binatang mekaniko na si Jayson Fuentebella, na kapit bahay din nila. Madaming babaeng umaaligid dito at mga nagpapalipad hangin. Pero ang labis na ipinagtataka ni Aliya, ay ang pagiging masungit nito sa kanya. Habang, hindi naman nagsusungit sa iba at maayos naman ang pakikitungo nito sa ibang kadalagahan na katulad niya. Kapag bumibili siya sa grocery store nito ay palaging pasinghal, at hindi man lang kakikitahan ng lambing tulad sa iba. May pag-asa pa kayang mapalambot ni Aliya ang matigas at masungit na binata? Kung sa simula pa lang na lalapit siya ay itinataboy na siya nito.
Romance
1013.2K viewsKumpleto
Read
Idagdag sa library
Marry Me, Skyler Perez. [ BL | Tagalog ]

Marry Me, Skyler Perez. [ BL | Tagalog ]

Gumuho ang mundo ni Scott Dela Vega ng malaman nyang hindi sya ang totoong anak ng kanyang kinalakihang Pamilya. Paano na ang kanyang mala buhay Prinsipe?! Paano na ang mga mamahalin nyang kotse?! Paano na ang dapat nyang mamanahin na kompanya at ilang billion na pera?! Paano kung malaman ng mga humahanga sakanya na hindi sya ang totoong Dela Vega?! Paano na sya bibili ng mga gusto nya kung mawawalan sya ng pera?! Ayaw nyang mabuhay na pulubi at mag hirap. Kaya nakaisip si Scott ng isang plano... Paano kung pakasalan nya ang totoong anak ng mga Dela Vega? Eh di hindi sya mawawalan ng kayamanan. Wala nang pakealam si Scott kung ano pa ang kasarian nito basta ay magawa nya ang kanyang minimithing plano. What a Perfect idea! Perfect na sana kaso... Hindi kadaling makuha ang isang Skyler Perez na mas straight pa ata sa ruler.
LGBTQ+
8.513.4K viewsOngoing
Read
Idagdag sa library
Loving Dr. Cherry: Chain to Love

Loving Dr. Cherry: Chain to Love

Gumuho ang mundo ni Cherry Villafuerte sa paulit-ulit at harap-harapang pagtataksil ng kanyang nobyo. Dahil sa pagkabigo, parang nawalan ng direksyon ang buhay niya, at napilitang mag-leave sa trabaho. Ngunit sa kanyang pagkalugmok, isang lalaki ang biglang pumasok sa buhay niya—si Reynan Cuevas, ang dating masungit at suplado niyang pasyente, siya ang tila naging ilaw sa madilim niyang mundo. Sa kanilang hindi inaasahang pagkikita, may kakaibang alok sa kanya si Reynan. Isang solusyon na maaaring magpapalaya sa kanya mula sa sakit—isang kasal na kontrakwal. Ngunit handa ba siyang sumugal sa kasanduang kasal na hindi tiyak ang kahihinatnan? O mananatili siyang magpapagapos sa relasyon na siya lang ang nagmamahal?
Romance
1012.8K viewsOngoing
Ipakita ang mga Review (8)
Read
Idagdag sa library
sweetjelly
Ngayong tapos na ang Connected Hearts Series... "His Pet Nanny" "Daisy His Remedy" Loving Dr. Cherry: Chain to Love" May isa na naman akong kwento na i-share sa inyo! "She’s My Wife, Never My Love… Until I Lost Her." Malapit na malapit!
Analyn Bermudez
Ms sweet wag kna nmn masyado mapanakit sad kami sa nangyayari kina reynan at cherry sna malampasan nila lahat Ng pagsubok..reynan wag ka Muna mag isip Jan mas mabuti mag usap kayo dlwa ni cherry wag ka umalis Ng di man lang nagpapaliwanang SI cherry..hays puro runaway nlng nababasa ko nangyayari
Basahin ang Lahat ng Review
Taming the Casanova Billionaire

Taming the Casanova Billionaire

WARNING ⚠️ ⚠️ Rated SPG Si Alexandra Villamor ay isang simpleng empleyado sa isang marangyang cruise ship, ngunit ang kanyang tahimik na buhay ay nagulo nang makilala niya si Julian Evans, isang makisig at mayamang bilyonaryo na kilala sa pagiging mapaglaro sa pag-ibig. Hindi inaasahan ni Alex na ang isang kasunduan sa pagitan nila ay magdadala sa kanya sa isang mundo ng intriga, pagsubok, at lihim. Habang pilit niyang pinangangalagaan ang kanyang dignidad, unti-unti namang nagiging mas kumplikado ang relasyon nila ni Julian. Sa pagitan ng mga pagkukunwari at tunay na damdamin, natagpuan nila ang kanilang mga sarili sa isang kwento ng pagmamahal at laban para sa katotohanan. Ngunit sa mundo ng kayamanan at kapangyarihan, may mga lihim na naghihintay na mabunyag at mga lihim na maaaring tuluyang magbago sa kanilang mga buhay.
Romance
1011.2K viewsOngoing
Read
Idagdag sa library
Love by Mission (The Billionaire's Spy)

Love by Mission (The Billionaire's Spy)

Lumaki sa bahay ampunan at nilinlang ng taong kumupkop sa kanya para sa isang illegal na prostitusyon. Ganyan mailalarawan ang masalimoot na buhay at karanasan ni Emeryn Del Rosario. Sa pag-aakalang wala ng direksyon ang kanyang buhay, nakilala niya ang babaeng sumagip sa kanya. Ang nag-aruga, nagpaaral at nag-ahon sa kanya sa putikang kinasasadlakan. Ngunit kapalit ng kanyang marangyang buhay ay ang isang misyon na kailangan niyang maisakatuparan. Yun ay ang paibigin at wasakin ang gwapong bilyonaryo ngunit mabangis na si Dreymon Velmonte. Inalay maging ang kanyang katawan. Naging sex slave si Emeryn makuha lamang ang loob at puso ng binata. Ngunit kung kailan napagtagumpayan ang kanyang misyon ay saka niya naman natagpuan ang sariling umiibig na ng labis sa binata. Pero walang sekreto ang hindi nabubunyag. At nang malaman ni Dreymon ang pinakatinatago niyang lihim ay labis siyang kinasusuklaman nito. And he planned to punish her for a lifetime. "Marry me or I'll kill you!" Madilim ang anyo nitong alok sa kanya.
Romance
1012.3K viewsOngoing
Read
Idagdag sa library
Secret Wife Ako ni Professor Darien

Secret Wife Ako ni Professor Darien

Nagimbal ang buong mundo ni Harmony Tasha Crisostomo nang malaman niyang buntis siya… at ang ama ng bata ay ang sariling professor niya, si Professor Darien Atlas Legaspi, iyong lalaking naka-one night stand niya noong panahong lango siya sa alak! Nang sabihin niya sa lalaki ang sitwasyon, binigyan siya nito ng dalawang pagpipilian: ipalaglag ang bata o magpakasal sila. Pinili niyang magpakasal. Kahit mag-asawa na, hiwalay pa rin sila ng kwarto. Hanggang sa isang gabi, kumatok si Professor Darien at pinagbuksan ni Harmony. “Nasira aircon sa kwarto. Pwede bang dito muna ako?” At mula noon, hindi na ito umalis sa kwarto ni Harmony. — Isang araw sa klase, may nagtanong, “Totoo po bang kasal na kayo, Sir?” Ngumiti si Professor Darien. “Harmony.” Tumayo si Harmony nang tawagin. “Present.” “Harmony Tasha Crisostomo Legaspi is my wife,” sabi ni Professor Darien. “She's an excellent doctor and my beautiful lovely wife.” Nalipat ang lahat ng tingin kay Harmony at napalunok siya sa announcement ng asawa. Hindi kaya kuyugin siya ng mga fangirl ni Professor Darien? Kailangan na ba niyang tumakbo paalis?
Romance
1012.3K viewsOngoing
Read
Idagdag sa library
Just A Contract

Just A Contract

Taphney Louins Vergara, a 23 years old fine lady is already contented in her life. She could do anything she want and she could go anywhere she want especially that she is the only daughter of Danilo Vergara, the owner of Vergara Airlines. Ngunit halos gumuho ang mundo niya nang malaman na baon na pala sa utang ang kanyang ama dahil nalulong ito sa pagsusugal. Mapapalagpas niya ang pagiging sugarol at mala-daga nilang buhay buhat nang mangyari iyon ngunit ang hindi niya maintindihan ay bakit kailangan siyang ipambayad utang ng kanyang ama kay Ashton Mikael Santocildez, ang binatang nagmamay-ari ng casino kung saan minalas ang kanyang ama. Taphney will try to run! To hide! Ngunit sa bawat galaw niya ay agad siyang nahuhuli ng binata. Ashton just want her to oblige the contract. Be his wife only for a show and for three months. Ngunit hindi pa man natatapos ang kontrata ay may iba na siyang nararamdaman. She's starting to catch a feeling to the young and hot owner of the casino! Will they end up together? Or stick to each other's arms for three months because it's Just A Contract?
Romance
1011.7K viewsKumpleto
Read
Idagdag sa library
Aking Maria

Aking Maria

Liesta
Naniniwala si Pelipe na muli niyang makakapiling ang kaniyang minamahal, ang kaniyang nobya na si Maria pagkatapos nitong mamatay. Ngunit paano kung sa kanilang muling pagkikita ay hinde na sila magka-kilala at ang babaeng minahal niya sa nakaraan ay nag-iba na sa kasalukuyan. Sa nakaraan kung saan ang ala-ala ni Pelipe at ang mundo nila na nasa kasalukuyan. Paano nga ba nila haharapin ang katotohanan? muli nga ba nilang pagbibigyan ang pagmamahalan na naiwan sa nakaraan, o iiwasan nila na maulit ang masakit na kapalaran? Tunghayan ang kwento ng dalawang tao na pinaghiwalay ng nakaraan at muling pinagtagpo ng kasalukuyan.
History
1010.8K viewsKumpleto
Read
Idagdag sa library
FIND ME: A Love Through Eternity (FILIPINO VERSION)

FIND ME: A Love Through Eternity (FILIPINO VERSION)

WARNING: [R-18] STORY WITH EXTREMELY EXPLICIT/MATURE CONTENT) Nang makilala ni Ara si Daniel Trinidad, ang pinakanakakainis na tao sa kaniyang mundo, she actually met the man of her dreams. Ang kaniyang knight in a shining armor na nakahanda siya protektahan anuman ang mangyari. At kahit pa sabihing mistula silang mga aso at puso, nagawa pa rin ni Daniel na gawing kulay rosas ang kaniyang paligid. And soon, thorns. Iyon ay ang sakit na hatid ng katotohanang kailangan niya itong pakawalan at tanggapin ang isang mapait na katotohanan. That their love for each other is not for them to share for life but for eternity.
Romance
10.4K viewsKumpleto
Read
Idagdag sa library
The Billionaire's Captivated Bride

The Billionaire's Captivated Bride

Warning ⚠️ SPG 🔞 Lorenzo Del Mundo, isang makapangyarihang bilyonaryo na nababalot ng galit at paghihiganti. Matapos siyang pagtaksilan ng kanyang kasintahan, itinakda niyang sirain ang buhay ng karibal niyang si Chadrick Villanueva—sa pamamagitan ng pag-angkin sa pinakamamahal nito, ang fiancée niyang si Faye Salvacion. Sa isang iglap, nagkagulo ang tahimik na mundo ni Faye nang matuklasan ang pagtataksil ng kanyang fiancé kay Elara Reyes, ang babaeng hindi niya akalaing konektado rin kay Lorenzo. Ngunit ang pagsagip ni Lorenzo sa kanyang nasirang puso ay may kapalit—isang nakakalunod na laro ng pang-aakit at panlilinlang. Alam niyang delikado ang mahulog sa bitag ng bilyonaryo. Pero paano siya lalaban kung ang kanyang puso ay unti-unting bumibigay?
Romance
107.2K viewsOngoing
Read
Idagdag sa library
PREV
1
...
1718192021
...
50
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status