Filter dengan
Status pembaruan
SemuaSedang berlangsungSelesai
Sortir dengan
SemuaPopulerRekomendasiRatingDiperbarui
Carrying the Mafia's Son

Carrying the Mafia's Son

KnightNovel
Nagbago ang buhay ni Carissa nang ipagkasundo siya ng kanyang ama sa amo nito kapalit ng kanilang kaligtasan. Ngunit ang kapalit nito ay ang kanyang kalayaan. Si Dark Severilla ay CEO billionaire ng pinakamalaking global gold brand, ngunit kilala rin bilang "Dark Mafia" dahil sa pagiging walang-awang pagpatay nito sa mga nagtatangkang mag-traydor sa kanya dahil sa mundong meron siya ay hindi nawawala ang mga pangnib gaya nila. What he believe is blood doesn't exist kapag-tinarantado na siya. Kaya’t hindi lang negosyo ang alam niyang paikutin. Kahit baril ay kaya niyang paputukin. Nang maghalo ang mundo ni Carissa at Dark, napagtanto ni Carissa na hindi niya kayang mabuhay sa madilim na mundo ni Dark. Tumakas siya at naglaho ng ilang taon, dala ang bunga ng kanilang isang gabi. Ngunit sa kanyang pagbabalik, natuklasan niya na hindi siya tinitigilan ng panganib. Mahuhulog ba siya sa mundo ni Dark na puno ng panganib, o pipiliin niya ang takot para sa kaligtasan ng kanyang anak?
Romance
10460 DibacaOngoing
Baca
Tambahkan
The  Billionaire Surrogate's Secret: A Love Betrayed

The Billionaire Surrogate's Secret: A Love Betrayed

Si Cassandra "Cassie" Saavedra, isang dalagang puno ng pag-asa para sa kanyang kinabukasan, ay nagiba ang mundo nang marinig niya ang isang nakakasakit na sikreto tungkol sa kanyang kasal. Habang naghihintay para sa kanyang prenatal checkup, hindi sinasadyang nakasaksi siya sa isang pag-uusap sa pagitan ng kanyang asawang si Tristan Troy Olivares at ng kanyang kapatid na si Chloe Ava Saavedra, na magbabago sa kanyang buhay magpakailanman. Ang kanyang asawa, na kanyang akala ay malamig at walang amor, ay naging malalim na kasangkot sa kanyang kapatid sa isang lihim na plano na kinasasangkutan ng kanilang hindi pa isinisilang na anak. Nalaman ni Cassie na siya ay isang surrogate lamang, nagdadala ng isang bata na naisip nina Troy at Chloe. Niloko at nasaktan, napilitang harapin ni Cassie ang isang masakit na katotohanan. Habang nakikipaglaban siya sa mga komplikasyon ng pag-ibig, pamilya, at panloloko, kailangan niyang pumili sa pagitan ng kanyang sariling kaligayahan at ang kabutihan ng anak ng kanyang kapatid. Ang kwento ay tumatalakay sa pangloloko, sakripisyo, at ang mga hangganan ng pag-ibig habang sinusubok ni Cassie ang kanyang mga paniniwala sa harap ng isang malaking pagsisinungaling. Habang si Cassie ay nagpupumilit na bumangon mula sa mga labi ng kanyang dating buhay, kailangan niyang pumili sa pagitan ng paghihiganti at pagpapatawad.
Romance
474 DibacaOngoing
Baca
Tambahkan
Hating My Possessive Husband

Hating My Possessive Husband

Samantha Sky Smith never imagined that one day, she’d wake up as Mrs. Krim Kuen Vryzks—ang lalaking kinatatakutan at ginagalang sa mundo ng negosyo at impluwensya. Walang puso, walang awa, at walang pakialam kung ano ang gusto niya. Ang kasal nila ay isang kasunduan, pero para kay Krim, ito ay isang panalo. Para kay Samantha? Isang bitag na hindi niya alam kung paano tatakasan. Binigyan siya ni Krim ng isang linggong palugit bago niya ito angkinin nang tuluyan. Isang linggo para tanggapin ang bagong realidad na hindi niya ginusto. Pero habang lumilipas ang mga araw, mas lalong nagiging malinaw sa kanya ang isang bagay—hindi lang galit ang nararamdaman niya kay Krim. At iyon ang mas kinatatakutan niya. Sa pagitan ng panggigipit, matitinding emosyon, at isang kontratang bumihag sa kanya, magagawa kaya ni Samantha na manatiling matatag? O tuluyan na siyang mahuhulog sa patibong ng lalaking dapat ay kinamumuhian niya?
Romance
10444 DibacaOngoing
Baca
Tambahkan
His Personal Secretary

His Personal Secretary

Ashley Fernandez desperately needed money. May utang siya dahil sa sugal ng tatay niya at 4 months overdue rent pa na kailangang bayaran. Kaya nang nalaman niyang may job opening na may free stay at choice pa ang salary, agad-agad siyang nag-apply. Akala niya mababayaran na lahat ng utang niya, pero hindi niya inaasahan na ang buhay niya ay tuluyang mag-iiba. Meet Danielle Jimenez, ang nag-iisang anak at tagapagmana ng Jimenez Corporations. Matalino, gwapo at mayaman—total package na sana. Pero may isang problema: ang personality niya. Rude, self-centered, at may super short temper. Ano kayang mangyayari kapag nagtagpo ang mundo nilang dalawa?
Romance
417 DibacaCompleted
Baca
Tambahkan
CONTRACT MARRIAGE: A BILLIONAIRE'S GAME OF REVENGE

CONTRACT MARRIAGE: A BILLIONAIRE'S GAME OF REVENGE

Kasal na lamang ang kulang para maging tunay na Madrigal si Mia Buenaflor. Nine years niyang naging nobyo si Alonzo Madrigal at inaakalang ito na ang kanyang the one. Ang lalaking maghaharap sa kanya sa simbahan lalo na at ito ang kanyang pinakamamahal. Hanggang sa natuklasan ni Mia ang panloloko ni Alonzo. Her world shattered the day she discovered Alonzo's betrayal—a hidden affair—with consequences that would change her life forever. Hanggang sa nalaman niya na ang babaeng dahilan ng kanilang paghihiwalay ay ang fiancee ng kapatid nitong si Nicholas na si Gemma. Dahil sa pagmamahal kay Alonzo ay pumayag si Mia sa inalok na kasal sa kanya ni Nicholas. Gusto niyang magsisi si Alonzo sa panlolokong ginawa nito sa kanya. Gusto niyang ipakita sa lalaki na hindi lang ito ang lalaki sa mundo pero hanggang saan siya dadalhin ng pagkukunwari nila ni Nicholas kung mukhang nagmamahalan naman si Alonzo at Gemma? Mapapanindigan niya kaya ang kasal niya kay Nicholas gayong napapalapit na rin siya sa lalaki? Sino ang pipiliin niya sa magkapatid? Ang lalaking nine years niyang minahal pero niloko siya o ang lalaking ibinigay sa kanya ang pangalan at itinayo ang kanyang dangal?
Romance
10448 DibacaOngoing
Baca
Tambahkan
The Billionaire's Captivated Bride

The Billionaire's Captivated Bride

Warning ⚠️ SPG 🔞 Lorenzo Del Mundo, isang makapangyarihang bilyonaryo na nababalot ng galit at paghihiganti. Matapos siyang pagtaksilan ng kanyang kasintahan, itinakda niyang sirain ang buhay ng karibal niyang si Chadrick Villanueva—sa pamamagitan ng pag-angkin sa pinakamamahal nito, ang fiancée niyang si Faye Salvacion. Sa isang iglap, nagkagulo ang tahimik na mundo ni Faye nang matuklasan ang pagtataksil ng kanyang fiancé kay Elara Reyes, ang babaeng hindi niya akalaing konektado rin kay Lorenzo. Ngunit ang pagsagip ni Lorenzo sa kanyang nasirang puso ay may kapalit—isang nakakalunod na laro ng pang-aakit at panlilinlang. Alam niyang delikado ang mahulog sa bitag ng bilyonaryo. Pero paano siya lalaban kung ang kanyang puso ay unti-unting bumibigay?
Romance
10366 DibacaOngoing
Baca
Tambahkan
Loving you in Contract

Loving you in Contract

Sachi
Si Danielle Tina Fajardo ay ampon ng mga Fajardo. Sa kabila ng masamang pagtrato ng magulang nito sa papel ay nandyan naman si Madam Anna, ang kanyang lola, na mahal na mahal at tanggap siya kaya kung ituring niya ito ay ang kanyang hero. Ngunit isang araw, bigla na lamang ito namatay na nagpaguho sa mundo ni Danielle. Ang taong tumanggap sa kanya, ang taong nagbigay ng pagmamahal sa kanya ay bigla na lamang nawala. Paano na ito sa kamay ng kanyang masamang magulang? Ngunit sa araw na rin iyon ay halos gumuho ang mundo nito nang makatanggap ito ng kontrata na iniwan sa kanya ng kanyang lola at isa itong Arrange Marriage Contract! Mas gumuho ang mundo nang malaman na ipapakasal pala ito sa kanyang childhood crush na si Aries Florenzo. Ang the most handsome and most wealthiest man in the Philippines! Naging mag-asawa ito ngunit hindi maramdaman ni Danielle ang pagmamahal na gusto niyang maramdaman kay Aries kaya isa na lang pag-asa niya, ang malaman ni Aries na magkakaanak na sila. Ngunit bago pa niya sabihin ito ay halos madurog ang kanyang puso nang inabot ni Aries ang divorce paper dahil sa pagdating ng kanyang ex-lover, ang totoong mahal niya. Dahil sa bigo at sakit na idinulot ni Aries kay Danielle ay napagpasyahan nitong umalis at magpakalayo-layo ngunit sa hindi inaasahan, dumating ang isang lalaki na tutulong sa kanya upang magbago ng tuluyan ang kanyang buhay.
Romance
10359 DibacaOngoing
Baca
Tambahkan
Hold On

Hold On

Minsan sa buhay may mga bagay tayo na kailangan pag daanan. Mga bagay na kailangan nating gampanan dahil ito 'lang ang paraan upang makalaya tayo sa matirik na dinaraanan. ----- Raelynn Mona Hayami is a typical girl, a shy woman who has the innocent face of an angel in disguise. She is concealing something behind her soft-spoken face. Raelynn had been diagnosed with PTSD. Those she thought she could trust have abused, played with, and hurt her, as the people perceived her as a tyrant in their lives. At the end, trust is no longer there. It no longer holds any significance in her life. For her, many people can shatter trust, whether they're family, close friends, or strangers. Pero sa mundo na puno ng mapang husga may isang tao na aangat sa lahat. He climbed the mountain solely to reach her. He obtains her heart, mind, soul, and body, but most importantly, he obtains her trust. However, everything is prone to breaking and falling. You have stopped to hold on. (•On-going)
Romance
10369 DibacaOngoing
Baca
Tambahkan
Contract Marriage: How To Love My Husband To Be

Contract Marriage: How To Love My Husband To Be

Si Mia ay lumaki sa isang pamilyang walang pagmamahal at puro kalupitan ang natanggap. Para sa kanila, isa lang siyang pabigat. Kaya nang ipagkasundo siyang ipakasal sa pinaka kinatatakutan na lalaki sa bayan—isang makapangyarihang tao na kilala sa kanyang pagiging malupit—hindi na siya nagreklamo. Matagal na niyang alam na darating ang araw na ito, at wala siyang inaasahang masayang kinabukasan. Ngunit pagdating niya sa tahanan ng kanyang mapapangasawa, natuklasan niyang mali ang lahat ng narinig niyang tsismis. Sa halip na isang halimaw na walang awa, nakilala niya ang isang lalaking bagamat seryoso, ay may kakayahang magpakita ng kabutihan. Unti-unti, naguguluhan siya sa hindi pamilyar na mundo ng pagmamahal at pag-aaruga. Ngunit para kay Mia, na lumaki sa takot at hindi kailanman nakaranas ng tunay na pagmamahal, kaya ba niyang matutong buksan ang kanyang puso? O mananatili siyang bihag ng kanyang madilim na nakaraan at tanggihan ang pag-ibig na nasa harapan na niya?
Romance
10352 DibacaOngoing
Baca
Tambahkan
Marrying My Ex's Billionaire Underground Boss Uncle

Marrying My Ex's Billionaire Underground Boss Uncle

Sa mismong araw ng kanilang kasal, imbes na sa harap ng altar, ay sa presinto dinala ng kanyang mapapangasawa si Irene Casareo upang pagbintangan sa isang kasalanang hindi niya ginawa. Doon din niya nalaman ang pagta-traydor nito sa kanya kasama ang stepsister nito. Baon ang galit at poot, ay tatlong taon niyang tiniis ang pagdurusa sa loob ng kulungan. Sa kanyang paglaya, hindi pa man siya nagtatagal sa labas, ay nasuong na siya sa isang madugong engkwentro. Doon niya nakilala si Kristoff Montecillo; isang makapangyarihang lalaki mula sa underworld, at tiyuhin ng ex-fiancee niyang si Dave Montecillo. Niligtas siya nito mula sa mga armadong lalaki, at bilang kabayaran ay niyanig nito ang mundo niya sa pamamagitan ng isang halik. Ang lalaki rin ang naging daan kung bakit nailigtas ang puri niya mula sa matandang huklubang nais kumuha ng kanyang pagkabirhen. Ngayong may utang na loob na siya kay Kristoff, papayag ba siyang maging fiancee nito kapalit ng ilang ulit na pagliligtas nito sa kanya? O, papayag siya upang gamitin ito sa paghihiganti sa mga taong nakapanakit sa kanya?
Romance
306 DibacaOngoing
Baca
Tambahkan
Sebelumnya
1
...
363738394041
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status