Filter By
Updating status
AllOngoingCompleted
Sort By
AllPopularRecommendationRatesUpdated
TEMPTATION WITH MY NINONG

TEMPTATION WITH MY NINONG

“Wala ka bang balak magpakasal?" Ang tanong na paulit-ulit na sinusundan si Abraham Consunji, isang kilalang negosyante na sa dami ng ari-arian, wala pa ring sariling tahanan pagdating sa pag-ibig. Hindi dahil bitter siya, kundi dahil masyado siyang abala sa pagpapatakbo ng imperyo ng pamilya. At kung tutuusin, ayaw niya talaga sa istorbo. Malapit na siyang tumuntong ng kwarenta, pero ni minsan, hindi niya naramdamang may kulang. Para sa kanya, sapat na ang katahimikan at kontrol sa buhay—dalawang bagay na sa tingin niya ay mawawala kapag may babae sa paligid. Pero isang pabor ang babaligtad sa takbo ng lahat... ang pag-aalaga sa inaanak niyang si Yvonne, na ngayon ay isa nang makulit at maganda nang dalaga. At sa bawat araw na magkasama sila, hindi lang ang pasensya niya ang sinusubok, pati ang pagpipigil sa sariling naaakit sa isang bagay na hindi dapat. Makakaiwas ba siya? O tuluyan na siyang matatalo sa tukso ng isang bawal na damdamin?
Romance
1035.6K viewsOngoing
Read
Add to library
PREGNANT AFTER THE MIDNIGHT

PREGNANT AFTER THE MIDNIGHT

Isang gabing hindi inaasahan. Isang pagkakamali na hindi na mababawi. Akala ni Brielle, matapos ang gabing ‘yon ay wala nang balikan, walang magiging komplikasyon. Pero nagkamali siya. Ngayon, may isang buhay sa sinapupunan niya. At ang ama? Si Matthias Castillejo—isang lalaking mayaman, makapangyarihan, at walang balak akuin ang responsibilidad. Para sa kanya, isang gabi lang ‘yon. Pero para kay Brielle, isang panghabambuhay na pagbabago.
Romance
544 viewsOngoing
Read
Add to library
The Billionaire’s Secret Bride

The Billionaire’s Secret Bride

Akala ni Bhemzly Acson ay habambuhay siyang untouchable. Lahat ay kayang paikutin, kayang tapakan—pati si Jack Devera, ang tahimik at simpleng lalaking minsang naging laruan ng kanyang kabataan. Ngunit paglipas ng panahon, bumaliktad ang mundo. Ngayon, si Jack na ang nasa itaas—isang respetadong billionaire na hindi lang ubod ng talino, kundi kontrolado rin ang halos lahat… kasama na ang kapalaran ni Bhem. At sa isang kasunduang wala siyang takas, napilitang tanggapin ni Bhem ang papel bilang asawang-kontrata ng lalaking minsan niyang sinaktan. Ang hindi niya alam, hindi lang paghihiganti ang dahilan ni Jack. Sa ilalim ng malamig nitong anyo, may lalaking matagal nang may pagtatangi sa babaeng nang-api sa kanya noon. At bang kasunduang ito, ay hindi lang para turuan siya ng leksyon—kundi para protektahan siya, ilayo sa mas malaking kapahamakan, at muling kilalanin ang pusong dati’y binasag. Ngunit sa pagitan ng galit at pag-aalangan, unti-unti ring lumilitaw ang tunay na kulay ng bawat damdamin. Kapag ang poot ay nagsimulang tumiklop sa harap ng muling pagtibok ng puso—may pag-asa pa bang maging totoo ang isang kasal na nagsimula sa kasinungalingan? Isang kwentong puno ng emosyon, sikretong hindi inaasahan, at isang lalaking kahit may sugat sa nakaraan—ay piniling mahalin pa rin ang babaeng naging dahilan nito.
Romance
101.2K viewsOngoing
Read
Add to library
DIVORCING THE BILLIONAIRE WHO NEVER LOVED ME

DIVORCING THE BILLIONAIRE WHO NEVER LOVED ME

Nang dahil sa isang car accident na kinasasangkutan ni Mayumi Santillan at ng first love ng kanyang asawa na si Xavier Valerio ay nawala ang kanyang anak sa kanyang sinapupunan. Hindi pa alam ni Xavier ang tungkol sa kanyang pinagbubuntis dahil palagi itong nakatutok sa first love nitong si Ysabel Cotez. Oo, isang kasunduan lang kung bakit sila kinasal ni Xavier. Sa limang taong pagsasama nila ay hindi man lang siya nito nakuhang mahalin. She knows that Xavier doesn’t love her at hindi na niya kayang tumagal pa sa piling nito. “Xavier... I want a divorce!” “WHAT???” Sandaling natigilan si Xavier. Iniisip kung tama ang kanyang narinig. “You heard me, Xavier. I want a divorce.” “Mayumi, what game are you trying to play now?” “I’m serious!” “Xavier, pinapalaya na kita na makasama si Ysabel nang tuluyan. Nakikipag-usap na ako sa abogado. Andito ako sa ospital room sa itaas. Pumunta ka dito at pag-usapan natin ang tungkol sa diborsyo.” Pero bago pa siya makapagsalita ay pinutol siya ni Xavier. “Wala akong oras!” mabilis nitong sabi saka pinatay ang telepono. Nakatitig lang siya sa kanyang telepono. Bakit may pakiramdam siyang umiiwas si Xavier sa usaping diborsyo? Could it be… NO!… wala siyang pakialam sa akin. Hindi niya ako mahal at hindi kailanman mamahalin…
Romance
1082.5K viewsOngoing
Read
Add to library
Love's Desire

Love's Desire

Anastasia Celeste Montano — a secretive, manipulative, and ambitious wife of the number one business tycoon in the country — Frederick Maxwell Dominguez. Dahil sa kagustuhang umangat at makaahon sa kahirapan ay nagawang akitin ni Anastasia ang nag-iisang tagapagmana ng KeyStone Legacy Builder — isang kumpanya na siyang nangunguna sa bansa pagdating sa construction supplies. Ngunit lingid sa kaalaman ni Anastasia ay hindi lamang pala siya ang nagmamanipula sa mga nangyayari. Dahil sa kagustuhan ni Frederick na magustuhan ng ama at maipamana sa kanya nang tuluyan ang kumpanya ay pumayag siyang maikasal kay Anastasia kahit hindi niya naman talaga mahal ito, sa kadahilanang ang angkin nitong talino at galing sa lahat ng bagay ay lubos na makakatulong sa kanyang sariling pag-angat. Samantala, sa hindi inaasahang pagkakataon ay nahulog ang loob nina Frederick at Anastasia sa isa’t isa sa kabila ng lahat ng pagpapanggap at lihim na kanilang itinatago sa bawat isa. Ngunit walang kasinungalingan ang hindi nabubunyag. Nalaman ni Frederick at ng kanyang pamilya na si Anastasia ay hindi pala nagmula sa mayamang pamilya dahilan upang kamuhian siya ng mga ito dahil sa kanyang ginawang panloloko, lalo na ng ina ni Fred na isang matapobre. At hindi rin nakaligtas ang pagbunyag ng isang sikretong tuluyang nakasira sa kanila. Nalaman ni Anastasia na ang nakababatang kapatid ni Frederick ay anak pala nito sa unang kasintahan. Naging sanhi ito ng kanilang paghihiwalay. Ngunit dahil sa tagal nilang naging magkasama ay napalapit na pala ang loob ng ina ni Fred kay Anastasia kung kaya’t siya mismo ang nagpumilit na makipagbalikan ang kanyang anak sa asawa nito. Maaari pa kayang maibalik ang relasyong nasira? O tuluyan na itong mawawala?
Romance
10311 viewsOngoing
Read
Add to library
SEDUCING NINONG AMADEUS

SEDUCING NINONG AMADEUS

Simula pagkabata, humahanga na si Alliana sa Ninong niyang si Amadeus isang propesor. Kaibigan ito ng kanyang mga magulang at isa sa mga taong naging sandigan ng pamilya niya noong bata pa siya. Kahit noon pa man, alam na ni Alliana sa sarili niya na hindi lang basta paghanga ang nararamdaman niya sa kanyang Ninong. Tahimik niyang pinangarap na balang-araw, kapag siya’y ganap nang dalaga, baka sakaling mapansin din siya nito. Lumipat ang pamilya nila sa Vancouver Canada, at doon siya lumaki. Nang bumalik siya sa Pilipinas, isa na siyang kolehiyala. Dahil hindi na makakauwi sa Pilipinas ang kanyang mga magulang, ipinagkatiwala siya kay Amadeus na hindi lang ngayon ay guardian niya, kundi isa rin sa magiging propesor niya sa unibersidad. Sa tabi mismo ng condo unit ni Amadeus siya nanirahan. Mula nang magkita silang muli, hindi nawala ang pagkamangha ni Alliana sa kanya. Hindi pa rin ito nag-asawa. May dalawampung taon ang agwat ng edad nila, pero lalong lumalim ang damdamin ni Alliana sa araw-araw na kasama niya ito. Nakikita niya kung paano ito igalang ng mga estudyante, kung gaano ito ka-organisado at katalino, at kung gaano ito ka-dedicated sa trabaho. Ngunit gaano man siya lumapit, tila may dingding pa rin sa pagitan nila. Turing pa rin sa kanya ni Amadeus ay isang bata. Isang inaanak na kailangang alagaan at ituwid. Nagpasya siyang akitin ito sa kahit paanong paraan na alam niya, at kung hindi pa rin ito bumigay sa kanya tutuluyan na niya itong kakalimutan talaga at ibabaon ang damdamin para rito.
Romance
3.3K viewsOngoing
Read
Add to library
Kissing Mr. Wrong

Kissing Mr. Wrong

Dahil sa isang pagkakamali. Halos liparin na ni Zephanie ang planetang pluto para lang hindi makasalamuha ang lalaking naging biktima nang mangkukulam niyang labi ng gabing iyon kung saan ay lasing na lasing siya. She kissed the wrong guy at ang masaklap pa roon ay ang team captain pa ng kilalang basketbolistang grupo ng Blue Warrior kung saan kabilang ang kuya niya particularly umarangkada ang malanding labi niya. What will be the outcome of her, lalo pa at dumating sa kanya ang isang napakasamang balita na ikakasal na siya. Sa lalaking hindi niya mahal at mas lalong hindi rin niya kilala. She is not ready, pero isa lang ang sigurado siya. She will do anything para lang ayawan siya ng lalaking nakatatakdang maging asawa niya. Who cares?
Romance
108.4K viewsCompleted
Read
Add to library
Revenge after the Divorce

Revenge after the Divorce

Isang kasal na walang pag-ibig—iyon lang ang turing ni Hunter kay Ayla. At nang muling bumalik ang kanyang unang mahal, wala siyang pagdadalawang-isip na iwan si Ayla at burahin ang lahat ng mayroon sila. Pero hindi lahat ng iniwan ay nananatiling mahina. Muling bumangon si Ayla, hindi na bilang biktima kundi bilang isang babaeng handang gumanti. Ngunit habang papalapit siya sa kanyang layunin, isang tanong ang unti-unting bumabalot sa kanyang puso—paghihiganti ba talaga ang gusto niya… o ang patunayan na siya ang dapat pinili? Sa laban ng nakaraan at kasalukuyan, ng pag-ibig at galit—hanggang saan kayang sirain ni Ayla ang isang taong hindi naman siya minahal? At kapag dumating ang huli, sino ang tunay na matatalo?
Romance
124 viewsOngoing
Read
Add to library
Drunk on Margarita

Drunk on Margarita

He is drunk on love. Drunk on her. Drunk on Margarita. ************************** Walong taong pilit kinakalimutan ni Margarita ang isang mainit na gabing pinagsaluhan nila ni Atty. Cohen Delgado ngunit hindi niya inaasahang magkikita silang muli. At kahit anong gawin niyang iwas sa lalaki, daig naman pa naman nito ang kabuteng sumusulpot kong nassan siya, ang malala ito pa ang naging bagong boss niya. Pilit niyang itinatanggi ang nakaraan ngunit pilit naman iyong pinapaalala ng lalaki. Hanggang kailan niya iiwasan ang abogadong wagas kung makabakod kahit hindi naman sila? Bakit ba kinukulit pa rin siya nito kahit alam naman niyang hindi na sila pwede? Kaya nga ba niyang umiwas sa tuksong dala nito?Anong sekreto nga ba ang pinaka-iingatan niyang ayaw niyang mabunyag nito?
Romance
1036.6K viewsCompleted
Read
Add to library
My Ex-husband's Regrets

My Ex-husband's Regrets

Walang ibang nais si Hyacinth Hilton-Ferrer kundi ang matanggap ni Vash Arsean Ferrer, ang kanyang asawa, ang kanilang anak na si Sean Vander Ferrer. Pinangako niya sa sarili niya na gagawin niya ang lahat para lang makuha muli pabalik ang asawa niya mula sa traydor niyang kaibigan na si Megan Briones. Sabi niya sa sarili niya ay hindi siya susuko hangga't hindi sila natatanggap ni Vash. Ngunit, bawat tao ay napapagod din. Dahil ayaw na ni Hyacinth na masaktan pa ang anak niya ay pinili na lang niyang sumuko sa pagmamakaawa sa asawa niya. Sa hindi inaasahan, biglang nagbago ang ihip ng hangin. Akala niya ay siya ang maghahabol sa kanyang asawa, ngunit kabaligtaran pala.
Romance
1021.6K viewsCompleted
Read
Add to library
PREV
1
...
454647484950
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status