The Billionaire's Wife is a Fraud

The Billionaire's Wife is a Fraud

last updateLast Updated : 2025-03-23
By:  Lexa JamsOngoing
Language: Filipino
goodnovel18goodnovel
10
1 rating. 1 review
28Chapters
316views
Read
Add to library

Share:  

Report
Overview
Catalog
SCAN CODE TO READ ON APP

Para maikasal sa makapangyarihang bilyonaryo na si Ezekiel 'Kiel' Torellino, ginawa ni Verina ang lahat para mapikot ang lalaki. Mabilis siyang nagtagumpay sa layunin, pero isang malaking kasinungalingan lang pala ang lahat. Dahil hindi pala ito ang napikot niya kung hindi ang kakambal nitong si Zade. !!! Trigger Warning !!! This dark romance novel contains sensitive topics and scenes that may be triggering to some. Please read with caution.

View More

Chapter 1

Chapter 1

Verina Almazar

‘I have to find him. I have to fúck him tonight.’ 

Parang mantrang inuulit-ulit ko ‘yan sa isipan habang humihigop ng mala-dugong alak sa babasaging kopita na hawak ko.

Kasalukuyan akong nasa La Torre, ang pinakamataas na gusali sa bansa na pagmamay-ari ng mga Torellino, the most untouchable elite in the country, the ones who had also hosted this party. Napabuga ako sa malamig na hangin na dumadampi ngayon sa balat ko dahil sa walang mga dingding na pumapalibot sa bulwagan, only metal railings na kasing taas din ng isang may kaliitang tao.

Kahit na walang mga tala sa langit sa oras na ito, nagniningning naman ang mga pailaw ng mga magagarbong gusali sa Roxas Boulevard na akala mo ay mga nalaglag na bituin kung tignan mula sa ikasiyamnapu’t siyam na palapag ng gusali. If I were in a different situation, I would’ve stood here for hours, admiring the perfect nightscape. 

Pero hindi ako nagpunta rito para mag-chill.

Sumulyap ako sa likuran ko at kaagad namang bumaha ang pagkadisgusto sa puso ko pagkakita sa napakaraming mga tao. Ayaw na ayaw kong makisalamuha sa ganitong klaseng mga bisita, especially the affluent ones, pero wala akong magagawa. Ito na ang buhay ko ngayon. 

And this was the next and most crucial step of my plans. I couldn’t afford to fail. 

Isang beses pa akong tumingin sa kalangitan bago tinungga ang natitirang laman ng kopita ko. It was my way of raising my middle finger to whoever was out there. Then I let out a deep exhale. 

Handa na ako. 

“You like what you’re seeing, gorgeous?” nauntag akong bigla sa pagmumuni-muni at bumaling sa pinagmulan ng tinig. 

Bumilis ang tahip ng dibdib ko matapos pasadahan ng lalaking nagsalita ang katawan ko mula ulo hanggang paa. Gusto ko rin tuloy ibalik sa kanya ang katanungan.

‘Do you also like what you’re seeing, ásshole?’

Nakasuot ang lalaki ng itim na tuxedo na uso noong unang panahon pa, at hakab na hakab ito sa matipuno niyang pangagatawan. At kahit na may maliit na maskarang tumatakip sa mga mata ngayon ng lalaki, kitang-kita ko ang angkin niyang kagwapuhan. 

And what made it better was him eye-fúcking me at this moment. Well, at least my charm worked on him.

“Yes,” matipid kong sagot. Ayaw kong bigyan siya ng ideya na gusto ko ang presensiya niya, dahil hindi. Meron akong kailangang gawin at nakakaistorbo siya.

Napasinghap ako nang gagapin niyang bigla ang kamay ko at itaas ito hanggang sa dumampi na sa mga labi niya. The kiss was brief and respectful, na para bang hindi punong-puno ng pagnanasa ang mga mata niya ngayon habang nakatitig sa ‘kin.

“You want to go somewhere more private?”

Noong hindi pa ako si Verina ay baka inirapan at napangiwi lang ako sa sinabi niya. But now I had to act eloquent and soft-spoken before everyone. Napansin ko ang pagbigat ng paghinga ng lalaki. Akala yata niya ay ako ang tipo ng babae na madaling mahila kung saan-saan.

“Doon na lang tayo sa kwarto ko mag—” 

“I’m sorry. Pero may kasama kasi ako,” pagputol ko sa kakatwang ideya niya. 

Kaagad na bumakas ang pagkadismaya sa mukha niya. “I see.” 

I let out an apologetic smile. “Now, if you may excuse me, hahanapin ko lang ang kasama ko.”

Mabilis akong naglakad palayo sa kanya at nilibot na ang kabuuan ng bulwagan pagkatapos kong ilapag ang baso sa tray na hawak ng isang waiter na nalagpasan ko. Napakarami pang lalaki na sumubok na lapitan ako pero agad ko silang pinagtabuyan.

Umeepekto na pa naman ang halos isang bote ng wine na natungga ko kanina pa, medyo gumagaan na ang pakiramdam ko. Nadala na rin yata ako sa saliw ng romantikong musika na tinutugtog ngayon ng string band. Isabay pa natin ang obulasyon ko ngayong araw. 

It was hard to admit, but an ardent desire had spread throughout my being like a raging wildfire. In short, I was fúcking horny.

I had these urges to just stop and maybe flirt with some guys a little, just for a little validation. Pero kinalma ko ang sarili ko. Mahirap na, baka maibigay ko pa ang sarili sa maling lalaki. 

Sineryoso ko na ang paghahanap sa lalaking pakay ko— si Ezekiel Torellino, the heir of the Torellino Empire, the star of this night. This was a match-making party that his parents hosted for him. 

Kaya naman mas marami ang mga babaeng dumalo ngayon. Daughters from powerful families were here, maski ang ilang mga sikat na personalidad hindi lang sa bansa, may mga dayuhan pa nga. 

Walang-wala akong panama sa mga naggagandahang mga artista at mga model na halos luwa na ang kaluluwa dahil sa mga suot ng mga ‘yon ngayon. I was also no match against those heiresses with overflowing grace and elegance, dahil nga bagong salta lang ako rito, even though I practiced countless times.

But the thing was, I was also from a respectable family, or rather, the real Verina was. 

Ito ang unang pagkakataon na masasaksihan ng publiko ang isang Verina Almazar sa katauhan ko, the hidden daughter of an equally powerful man who tried so hard to keep his private life out of public eye. 

However, tonight’s theme was masquerade. Dalawa lang ang ibig sabihin noon. Una, mahihirapan akong hanapin ang lalaki ngayon, not in this horde of Bridgerton wannabes in masks. Lalo na kung sumunod sa tema ang lalaki at nakamaskara rin.

Secondly, Kiel could choose just anybody— probably somebody who could give him a hard-on, regardless of her status or whose family she was from. It was a matter of first impression.

Kaya naman hindi na ako nag-abala pang magsuot ng maskara. 

I should stand out. 

Kailangang maakit ko siya sa angkin kong ganda. Kailangang mas maakit ko siya sa mga salitang mamumutawi sa bibig ko sa oras na magkaharap na kami. I practiced years to play this character perfectly, I would not let this chance go to waste. 

I donned an off-shoulder gown in a glittering burgundy hue, na siya namang nagpatingkad lalo sa kaputian ko. The gown was laced with sequin and had a corset bodice and lace-up back, kagaya ng mga bestida noong Victorian Era. Gintong mga hikaw, singsing at kwintas na may makinang na dyamanteng bato naman ang mga alahas na ipinareha ko sa damit. 

Dalawang dyamanteng ipit rin ang humawi sa magkabilang gilid ng hanggang-bewang at maalong buhok ko na mala-tsokolate ang kulay, dahilan para mabigyang-diin ang mestiza kong mukha na may saktong pagkabilog at pagkahaba. Kahit sino talaga ay aakalaing isa akong inosenteng nilalang. 

Nakailang ikot na yata ako sa buong bulwagan pero hindi ko talaga nakita kahit anino lang ng lalaki. Una kong sinipat ang mga lalaking napapaligiran ng ilang kababaihan. Sigurado kasing pagkakaguluhan si Kiel ng mga dalaga ngayon. Pero bigo ako. 

Shít.

The clock was about to strike twelve, pero hindi pa rin dumarating ang prinsipeng kailangang maikama ni Cinderella. 

Not until I felt this lingering gaze from somewhere behind me. Agad akong napatingin sa gawi ng isang lalaki na napapalibutan ng tatlong babae. Ni hindi nga man lang siya nag-iwas ng tingin kaya agad na nagtama ang mga mata namin pagkabaling ko sa kanya 

And alas, it was him! Kiel Torellino!

Hindi ako maaaring magkamali, dahil kagaya ng inaasahan ko, hindi nakamaskara si Kiel. His height, his angular and authoritative face, his wide shoulders and build, and his cold, piercing dark eyes, it was all familiar to me.

Pero awtomatikong nagusot ang mukha ko nang makita ang pagsilay ng ngiti sa sulok ng mga labi niya habang nakatingin sa ‘kin. Kaagad akong nag-iwas ng tingin.

‘Did that fúcking devil just smile at me?’

That was so unlike him. Kilalang antipatiko ang lalaki. Kahit nga nasa harapan siya ng camera ay hindi naman siya basta-bastang ngumingiti. 

Nakita kaya ni Kiel kung paano ko sinuyod ang buong bulwagan para lang makita siya?

Or did my charm actually work on him? 

O baka naman nagdedelusyon lang ako at isa talaga sa mga kausap niya ang nginitian?

No. He noticed me. And that was my cue. 

Saktong may dumaang waiter sa harapan ko kaya dumampot ako ng bagong baso ng wine bago sana lalapit kay Kiel. 

Pinatakan ko ito ng kung ano bago ito mabilis na tinungga nang diretso at saka sana lalapit sa lalaki. Pero pagsulyap kong muli sa gawi n Kiel ay wala na ang lalaki roon. 

Kaagad akong naalarma at luminga-linga sa kalapit na paligid.

‘Púta! Saan napunta ‘yon?’

Nanlaki lalo ang mga mata ko nang mapabaling ang tingin sa hawak kong kopita na ngayon ay wala nang laman. 

Bago ko pa man ito mabitawan ay mariin kong nilagay ang baso sa kamay ng isang hindi kilalang lalaki sa tabi ko.

“Sorry!” mabilis kong paghingi ng paumanhin nang hindi tinitingnan ang kung sinong poncio pilato na ‘yon. Saka ako kumaripas ng takbo palabas ng bulwagan.

Nanlalabo na ang mga mata ko at unti-unti nang naninikip ang dibdib pero nagawa ko pa ring tumakbo papunta sa pinakamalapit na elevator. Mabuti at wala itong sakay. 

Agad na pinindot ko ang numero ng palapag ng suite na nirentahan ko ngayon at saka paulit-ulit na pinindot ang close button, nagdarasal na sana wala nang sumakay kasabay nang paulit-ulit na pagmumura. 

Ramdam kong mapapatid na ang hininga kaya kumapit ako sa handrail ng elevator para hindi ako matumba. Kung hindi ba naman ako isa’t kalahating tanga.

‘Stúpid!’

Pasara na sana ang pintuan ng elevator nang may humarang na kamay sa pagitan ng mga pintuan dahilan para mabuksan itong muli.

‘Pútangina talaga!’

Pagpasok na pagpasok ng isang lalaki ay nawalan na ako ng lakas at muntikan nang mapasadlak sa sahig. Mabuti na lang at nasalo ako ng bagong dating. 

“What’s wrong with you?” medyo concerned na tanong ng lalaki sa ‘kin. Nakapulupot na ang isang braso niya sa bewang ko para alalayan ako.

“S-sixty-nine… v-vanity… e-epipen….” sunod-sunod na bulalas ko bago ako tuluyang mawalan ng malay. 

Expand
Next Chapter
Download

Latest chapter

More Chapters

To Readers

Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang  manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.

Comments

user avatar
Joenabear
Kakaiba ang story. Maganda. More update pls
2025-03-17 19:07:55
1
28 Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status