Filter By
Updating status
AllOngoingCompleted
Sort By
AllPopularRecommendationRatesUpdated
SCARRED SOLDIER (Filipino) COMPLETED

SCARRED SOLDIER (Filipino) COMPLETED

Aura
Tumibok ang inosenteng puso ni Annabelle sa murang edad na disi-nuebe sa sundalong nadestino sa probinsiya nila—si Lt. Luis Miguel Saavedra. “You look perfect tonight, sweetheart.” Nakangiti ang malamlam na mga mata ng binata na nakatitig kay Annabelle. Hinawi nito ang ilang hibla ng buhok na nakalaylay sa pisngi niya at inipit iyon sa likod ng tainga. “Bagay na bagay sa iyo ang pangalan mo.” Sa kabila ng siyam na taong agwat ng kanilang edad ay naiparamdam nila sa isa’t isa ang kanilang tunay na pagmamahalan. Nanumpa ng pag-ibig na walang hanggan. Ngunit isang hindi inaasahang dagok ang dumating, bunga nito ay ang masaklap na paghihiwalayan. Ngayong nagtagpo silang muli, makakaya kayang harapin ng dalaga ang bagong Miguel? Makakaya niya kayang harapin ang mga titig nitong puno ng pagkasuklam at mapagparusang pakikitungo sa kaniya?  
1013.1K viewsOngoing
Read
Add to library
THE GOVERNOR'S OBSESSION (SPG)

THE GOVERNOR'S OBSESSION (SPG)

Si Althea Cruz ay isang simpleng babae na may pangarap na makalaya sa mahigpit na mundong ginagalawan niya. Ngunit isang pagkakamali ang nagtulak sa kaniya sa kamay ng lalaking kinatatakutan ng marami—Governor Silas Montenegro, isang makapangyarihan, mayaman, at misteryosong lider na sanay makuha ang lahat ng gusto niya… maliban sa puso ni Althea. Dahil sa isang lihim at kasunduang hindi niya maiiwasan, napilitang pakasalan ni Althea ang lalaking ayaw niyang makasama. Sa mata ng mundo, isa silang perpektong mag-asawa. Pero sa loob ng kanilang tahanan, malamig ang bawat titig, at mas malamig ang bawat salitang hindi binibigkas. Ngunit gaano katagal mananatiling bato ang pusong pilit pinapainit ng isang lalaking sanay makuha ang lahat sa pamamagitan ng pwersa? At gaano kalayo ang kayang gawin ng isang obsessed na gobernador… para makuha ang babaeng hindi siya kayang mahalin?
Romance
7.6K viewsCompleted
Read
Add to library
Unexpectedly Her Sperm Donor Is A Billionaire (TAGLISH)

Unexpectedly Her Sperm Donor Is A Billionaire (TAGLISH)

Sa edad na bente-kuwatro ay nakapagpundar na si Zafhara Ziah Cledera ng isang negosyo, ito ay ang Ziah's Flower Shop. Dahil dito ay nagkaroon siya ng stable na income at sa pagsusumikap ay nakapagpatayo na rin siya ng sariling bahay. Isa na lamang ang para sa kaniya ay kulang, ang magkaroon ng isang anak. Naghanap siya ng taong babayaran upang maging sperm donor niya. Ngunit dahil sa hindi inaasahang pangyayari, ay nagkamali siya ng hotel unit na pinasukan. And she saw Braxien Philip Saavedra, a billionaire turn out to be her sperm donor. Anong mangyayari kung sakaling malaman ni Braxien na nagbunga ang isang gabi ng pagkakamali ni Ziah? Hahayaan ba ni Ziah na makuha na lamang basta ang anak niya? O gagawa siya ng paraan para kapwa nila makasama ang anak?
Romance
9.9300.4K viewsCompleted
Read
Add to library
The Disguised Maid In The Wolf's Den

The Disguised Maid In The Wolf's Den

Si Agnes ay isang maganda at kaakit-akit na dalaga na kinailangang mamasukan sa mansyon ng mga Villacorte para makuha ang isang daang milyon na ipinangako ng don doon sa kanyang madrasta. Ngunit dahil nalaman niyang doon nakatira ang kilabot na playboy ng mga Villacorte na si Aeros ay nag make-up disguise siya sa takot na matipuhan siya nito at sapilitang makipag relasyon sa kanya. Ang hindi niya akalain, sa kabila ng pinapangit niyang hitsura ay natipuhan pa rin siya ng binata. Mahuhulog sila sa isa't-isa at magkakaroon ng relasyon ngunit mahigpit na tututol ang lola ng binata. Ano ang gagawin ni Agnes, aalis kaya siya sa mansyon ng mga Villacorte at iiwan kaya niya nang tuluyan si Aeros oras na makuha na niya ang kanyang kailangan? _-_-_-_-_-_-_-_-_-_-_-_-_-_-_-_-_-_-_-_ Warning: Has A Explicit Mature Content, The Author Prohibits Readers Under 18 Years Of Age.
Romance
1011.2K viewsCompleted
Read
Add to library
Her Prince Charming In Disguised

Her Prince Charming In Disguised

Charis Ash
Lumaking salat sa maraming bagay si Candy, kaya pangarap niyang maiahon sa hirap ang kanyang pamilya at mapagtapos ng pag-aaral ang kanyang magkakapatid. Nagsisikap siya ng husto upang maabot ang mga ito. At syempre gaya ng pinagarap ng maraming babae, pangarap rin nyang magkaroon ng mala Cinderellang love story. "... lilinawin ko lang first requirements ng magiging prince charming ay Rich capital R I C H --- rich, as in mayaman ung gagawin akong Cinderella ng buhay nya, Pak ganon. Diba bongga ? Pero mas angat pag complete package basta alam nio na yon...? "Kaya kung ikaw lalaki ay wala sa nabanggit wag ka nang magtanggka. Dahil sinasabi ko sayo RED FLAG ka na agad." Nangangarap magkaroon ng prince charming na gagawin siyang reyna ng palasyo nito. Pero paano pa ba mangyayari yon,eh ang pasaway niyang puso, kinilig at nainlove sa isang kargador ng Ricemill at kahit anong iwas niya rito ito parin ang itinitibok ng kanyang puso. Paano ba niya pipigilan ang pusong umibig dito? Susugal ba siyang mahalin ito at i let go nalang ang mala Cinderellang love story na pinangarap niya? Darating pa kaya ang prince charming na inasam niya? Ano kaya ang mananaig pusong nagmamahal o isip na umaasam?
Romance
1.2K viewsOngoing
Read
Add to library
The CEO's Accidental Bride: From Ex-wife to Heiress

The CEO's Accidental Bride: From Ex-wife to Heiress

Sa mismong araw ng kanyang divorce, nagsuot si Dorothy Navarro ng pulang bestida—hindi para mang-akit, hindi para magpakitang okay siya, kundi para alalahanin ang minsang pagmamahalan na ngayo'y ganap nang nawala. Pagkatapos niyang talikuran ang isang sirang kasal ng walang halong drama, ang huli niyang inaasahan ay ang mapansin ng pinakanakamisteryosong CEO sa bansa—si Theodore Velasco. Tahimik. Mapanuri. Mapanganib sa mga taong humaharang sa daan niya. At tila may alam ito tungkol sa matagal nang tinataguang katotohanan: ang pagkamatay ng tiyahin ni Dorothy—isang kasong tinapos ng mundo bilang "suicide." Ngunit isang tawag lang, isang paper bag ng kape, at nahulog si Dorothy sa isang masalimuot na mundo ng lihim, kapangyarihan, at paghilom ng lumang sugat. Upang mabuhay sa bagong laban, kailangang mamili ni Dorothy: pagkatiwalaan ang lalaking walang emosyon ngunit may hawak ng katotohanan—o layuan ang tanging taong handang bigyan siya ng proteksyon, kalayaan, at isang bagong apelyido—Mrs. Velasco. Ngunit ang kasunduang kasal na ginawa para sa paghihiganti… ay baka mauwi sa totoong pagmamahal. Magtatagumpay ba si Dorothy bilang maging tagapagmanang pinagkait sa kanya noon? O ang pangalawang pagkakataon niya sa pag-ibig ang tuluyang magpapabagsak sa kanya?
Romance
10456 viewsOngoing
Read
Add to library
Taming The Arrogant Boss (SPG)

Taming The Arrogant Boss (SPG)

Isang alipin ang turing kay Bea ng kaniyang tiyahin at pinsan. Ang sinasahod niya sa pinapasukan niyang karinderya ay sa kanila lang napupunta. Hindi na niya kinaya pa ang pang-aalipin ng mga ito sa kanya kaya humanap siya ng trabaho at natanggap siya bilang isang caregiver ng isang aroganteng binata. Magagawa niya kayang habaan ang pasensya niya sa binatang ito na magiging sakit ng kanyang ulo? Paano kung malaman niyang sinasadyang inisin siya ng binata para makuha ang kanyang loob?
Romance
3.1K viewsCompleted
Read
Add to library
The Instant Wedding

The Instant Wedding

Maisie Jade
Hindi akalain ni Margarette na dalawang buwan bago ang nakatakda niyang kasal sa kasintahang si Bobby ay magagawa pa itong agawin ng kapatid niyang si Michaela. Ang masakit, itinakda agad ang kasal ng dalawa. Ang pangyayari ay nagawa pang isisi ng mga ito sa kanyang katabaan at pagiging abala sa trabaho. Dala ng galit sa pamilya niya at pagluluksa sa sinapit niyang kabiguan, natagpuan ng dalaga ang sariling nagpapakalasing at naglalabas ng sama ng loob sa isang estranghero. Estrangherong nagising na lang siyang asawa na niya! Wala siyang matandaan pero pumayag siya sa alok ni Wallace na tulong na paghihiganti kapalit naman ng sarili nitong hangarin, ang mapabalik sa piling nito ang babaeng mahal nito. Madali at satisfying noong una, pero habang lumalakad ang panahon ay unti-unting nahulog ang loob niya sa asawa. Paano na lang kapag natapos na ang isang taong palugit ng kanilang pagsasama? Ano ang kahihinatnan ng isang pagmamahal na tila panlabas na kaanyuan ang labanan?
Romance
2.4K viewsOngoing
Read
Add to library
Billionaire’s Bride: The Classroom Deal

Billionaire’s Bride: The Classroom Deal

Si Allison Reyes ay isang simpleng guro na ang gusto lang ay makaraos sa bawat araw; makabayad sa gamot ng tatay niya, makapagturo ng tahimik, at mabuhay nang disente. Pero nagulo ang mundo niya nang isang viral photo ang nag-ugnay sa kanya sa lalaking ni wala man lang siyang planong kausapin. Walang iba kundi ang may-ari ng eskwelahan, si Zion Almonte. Mayaman, malakas ang dating, at malamig ang pakikitungo ni Zion sa lahat. Pero sa likod ng itsura at yaman, desperado rin siyang ayusin ang pangalan niya. Kaya’t inalok niya si Allison ng kasunduan: isang taong peke nilang kasal kapalit ng pambayad sa hospital ng ama nito. Walang feelings na involved, walang komplikasyon, tanging business lang. Pero paano kung habang ginagampanan nila ang papel ng mag-asawa, may mga tingin at kilos silang nagagawa na hindi parte ng usapan? Paano kung kahit anong iwas nila, may parte pa rin ng araw-araw nila na unti-unting nagiging totoo?
Romance
423 viewsOngoing
Read
Add to library
BOUGHT BY THE DEVIL BILLIONAIRE

BOUGHT BY THE DEVIL BILLIONAIRE

Isang gabi. Isang kasunduan. Isang halimaw na may mukha ng diyos. Desperada si Sierra Ramirez na mabayaran ang utang ng amang may sakit, kaya’t kahit labag sa loob, pumayag siyang ibenta ang sarili—sa halagang tinakda ng lalaking may pinaka-mabangis na reputasyon sa buong siyudad. Si Leonardo Dela Vega, kilala bilang “The Devil Billionaire,” ay hindi lang mayaman. Siya ang lalaking kinatatakutan at kinahuhumalingan ng lahat. Malamig. Mapanganib. At walang puso. “Isang gabi lang,” aniya. Pero hindi iyon ang naging kapalaran ni Sierra. Dahil matapos ang gabing iyon, isinara ni Leonardo ang lahat ng pinto ng kalayaan ni Sierra. Ginawa niya itong alipin ng kanyang kagustuhan—hindi lang sa katawan, kundi maging sa puso. Ngunit may mas malalim na dahilan ang pagkakabili niya sa dalaga. At kapag nalaman ni Sierra ang tunay na rason… ito ba'y magiging wakas ng kanyang pagkatao—o simula ng impyerno sa piling ng lalaking hindi niya kailanman kayang takasan?
Romance
756 viewsOngoing
Read
Add to library
PREV
1
...
4041424344
...
50
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status