The CEO Dirty Little Contract
Alam ng lahat ng empleyado sa Siam Industries — huwag mong titigan si Khun Theerak Kivatzkhi sa mata.
Malamig. Walang awa. At naniniwala na lahat ng bagay — pati tao — ay nabibili ng pera.
Takot na takot sa kanya ang lahat.
Lahat maliban kay Neng Dawin.
Isang gabi, hindi sinasadyang marinig ni Neng ang isang bagay na hindi dapat. Isang usapan. Isang transaction. Isang bagay na maaaring makasira kay Khun Thee.
Dapat niyang tawagan ang pulis.
Pero bago pa siya makaalis — nahuli siya.
Akala niya katapusan na niya. Pero imbes na saktan siya, inalok siya ni Khun Thee ng isang kontrata:
"Pretend to be my wife for six months. In return — your mother's hospital bills. Everything."
Walang choice si Neng. Pumirma siya.
Pero hindi niya alam na ang demonyong ito ay may sariling multo. May babaeng nagngangalang Xia — maganda, makapangyarihan, at baliw na baliw kay Khun Thee.
At handa niyang sirain ang lahat — kasama si Neng — para lamang makuha ang lalaking hindi naman kanya.
Habang nagaganap ang lahat ng ito, may isa pang kuwento na tahimik na umiikot sa paligid — sina Rheya at Mike. Dalawang Thai na tila may kanya-kanyang dinadalang bigat. Hindi mo alam kung magkaibigan, magkaribal, o may nakaraan na hindi pa tapos.
Paano kung ang kasunduang dapat ay anim na buwan lang... ay maging dahilan para mahulog ang isa't isa?
At paano kung ang babaeng dapat ay peke lang... ang siya palang magiging totoo?