Filter By
Updating status
AllOngoingCompleted
Sort By
AllPopularRecommendationRatesUpdated
Explicit Reunion Series

Explicit Reunion Series

Book 1: Charmed Akala ng isang manunulat na gaya ni Eselle Elle ay mamatay siyang virgin bilang isang romantically unattached na tipo ng tao. Kailanman ay hindi siya nakaramdam ng interes na pumasok sa isang relasyon dahil para sa kanya ay sayang lamang iyon sa oras. Hindi hanggang sa magkasalubong ulit ang landas nila ng kanyang high school bestfriend noon sa high school na si Mark Hernandez, na ngayon ay hindi na patpatin at palaging inaapi sa eskuwelahan kundi isa nang matikas at napakaguwapong binata. Ngayon, makayanan pa kaya ni Eselle na mapanatili ang kanilang pagkakaibigan gayong naakit na siya ng binata? Book 2: Allured Halos malugmok ang isang magaling na graphic artist na si Allison nang biglang hiwalayan siya nang apat na taon niyang nobyo dahil sa walang kwentang dahilan. Ang hindi niya alam ay sa isang modified reunion pala ang magiging daan para magatgpo ulit ang landas niya sa pinakakinamumuhian niyang tao sa mundo, si Jacob Braganza. Ang akala niya ay mananatiling kaaway niya ito habang-buhay, ngunit laking gulat niya nang nagising na lang siya isang araw na matinding naakit na ng binata. Book 3: Thralled Kaya dumalo si Gabriella sa reunion dahil gusto niyang maghiganti sa kanyang pinsan sa pamamagitan ng pag-agaw sa nobyo nito. At sa halip na pagtuunang pansin ang paibigin ang nobyo ng kanyang pinsan ay natagpuan niyang mas pinagbibigayn niya ng oras si Gabriel Gomez, ang matalino at nerd noon ngunit naging matikas na binata na ngayon. Nakipagkasunduan ito sa kanya upang mapaibig ang kanyang pinsan at pumayag siya. Subalit nagising na lamang siya isang araw na iba ang pakay niya. Ang pakay na sa kanya na lang ito maakit at makipagtalik sa kanya. *** Disclaimer: Chapters with (M) contain mature content and explicit scenes. Read at your own risk.
7.1K viewsOngoingAdded to Library 205 Times as na hee-do
Read
+Library
My Amnesia Man (SANCHEZ BUD BROTHERS SERIES #5)

My Amnesia Man (SANCHEZ BUD BROTHERS SERIES #5)

Moonstone13
Natagpuan nila Yanna sa tabing ilog ang katawan ni Sergeant Dixson Sanchez na sugatan at walang malay. Ginamot at inalagaan nila ang lalaking estranghero. Nang magkamalay ang lalaki ay hindi na ito makaalala. Hinala nila Yanna ay nagkaroon ng amnesia ang lalaking kanyang tinulungan. Kinupkop ng tiyuhin ng dalaga ang lalaki at pinangalanan nilang Anton. Sa paglipas ng mga araw ay nagkapalagayan ng loob sina Yanna at Anton. Hanggang sa magkaaminan ng kanilang nararamdaman. Gustong pigilan ni Yanna ang damdamin para kay Anton, ngunit hindi niya kayang labanan ang isinisigaw ng kanyang puso. Kahit may pangamba at maraming tanong sa isipan ang dalaga na masasagot lang kapag bumalik na ang memorya ng lalaki ay sumugal pa rin sa pag ibig si Yanna. Nang manumbalik ang mga alaala ni Dixson ay agad siyang bumalik sa pamilya niya at wala itong matandaan sa nakalipas na buwan na inakala ng pamilya niya na patay na siya. Para siyang bula na bigla na lang nawala sa buhay ni Yanna. Paano kung sa muli nilang pagkikita ay malaman ni Yanna na nagbalik na pala ang mga alaala ng lalaki at siya naman ang nabura sa ala-ala nito? Sabihin kaya ni Yanna kay Dixson kung sino siya sa buhay nito? Ipabatid kaya ni Yanna na may anak silang dalawa o ililihim na lang niya ang lahat kay Dixson na malapit ng ikasal kay Chelsea, na step-sister ni Yanna?
101.6K viewsOngoingAdded to Library 35 Times as na hee-do
Read
+Library
The Billionaire's False Secretary

The Billionaire's False Secretary

Dahil sa kahirapan, mapipilitan na pumasok si Apolonia Marquez sa isang kasunduan nang alukin siya ng isang mayamang estranghera ng tulong pinansiyal upang maoperahan ang kanyang ama na may sakit sa puso. Ngunit kapalit niyon ay kailangan niyang gawin ang apat na sikretong misyon, isa na roon ang maging sekretarya ng pamangkin nitong bilyonaryo. Nakasaad sa kasunduan na kailangan niyang magawa ang apat na misyon, kung mabibigo siya ay kailangan niyang bayaran ang lahat ng nagastos ng ginang. Dahil wala siyang ibabayad dito ay ginawa ni Apol ang lahat upang magawa ang mga iyon kahit pa nga masungit, istrikto at may pagka-aloof ang kanyang amo. Tila umaayon naman ang pagkakataon at nagtatagumpay ang dalaga sa nakasaad sa kasunduan, ngunit sa kasamaang palad ay hindi niya namalayan na sa closeness na mayroon sila ay nahuhulog na pala ang loob niya sa mismong tao na subject sa kanyang misyon. Masarap sanang mangarap. Pero hindi sa katulad niya. Bukod sa malayo ang agwat ng kanilang estado ay hindi talaga siya nababagay rito dahil kahit na sabihin pang totoo na ang malasakit, pati na ang nadarama niya para sa binata ay hindi pa rin maikakaila na parte pa rin ng kanyang misyon ang mapalapit dito. Sabi nila, walang sikreto ang hindi nabubunyag, paano na siya kapag nalaman nito ang tungkol sa kanyang sikreto na ito mismo ang kanyang misyon?
103.8K viewsOngoingAdded to Library 98 Times as na hee-do
Read
+Library
Hunter Buencamino: My Runaway Groom

Hunter Buencamino: My Runaway Groom

Si Hunter Buencamino na isang kilalang business tycoon sa Pilipinas ay binigyan ng isang buwan na palugit ng kanyang ama na kailangan niyang maiharap ang babaeng makakasama niya habang buhay, kapalit ang malaking project sa Brown Corporation . Halos hindi makapaniwala si Hunter sa mga salitang narinig niya sa kanyang ama, lalo pa't wala sa kanyang vocabulary ang salitang kasal. Kaya hindi niya alam kung matutuwa ba siya sa pagpayag ng ama sa proyekto na matagal na niyang pinapangarap na makuha, ngunit kapalit ay ang pagpapatali niya sa isang kasal na labis niyang kinamumuhian. Sa kagustuhan ni Hunter na makuha ang project, isang plano ang nabuo sa kanyang isip at nakahanda siyang magbayad kahit na magkano sa isang babae na magpapanggap na kanyang girlfriend at asawa. Makikilala ni Hunter si Nathalie del Prado sa isang agency na bride for hire at aakalain niya itong babaeng bayaran. Ngunit dahil sa isang gabing pagkalimot ay matutuklasan ni Hunter na isa pa lang birhen ang babaeng inakala niyang marumi. Si Nathalie na nga ba ang babaeng magpapabago sa pusong bato ni Hunter?
1011.1K viewsOngoingAdded to Library 300 Times as na hee-do
Read
+Library
One Night Mistake Of True Love

One Night Mistake Of True Love

Nalasing. Pumasok sa maling kwarto ng gabing iyon si Aliah na naging dahilan para maranasan niya ang isang gabing pagkalimot kasama ang isang estrangherong lalaki. Ngunit hindi niya ipinagkaila sa sarili na nagustuhan niya iyon at inisip na isa na lang iyong magandang panaginip na pagkawala ng kanyang virginity. Pero hindi niya akalain na magbibigay iyon sa kanya ng malalang sakit sa katawan kaya nagpasya siyang magpatingin sa doktor sa pag aalalang may makuha siyang sakit sa lalaking nakaniig niya. Gayunpaman, tila ang liit ng mundo na sa pag aakalang hindi na niya makikita ang estrangherong lalaking iyon. Dahil ang lalaking nakaniig niya ng gabing iyon ay ang mismong doktor na titingin sa kanyang kalagayan. Gusto sana niyang umatras at umalis na lang, ngunit nakita naman niyang walang pagpalatandaan na nakikilala siya nito. Kaya nanatili siya at hinayaan na suriin siya ng doktor. Pero hindi niya akalain na ang pagsusuri sa kanya ng doktor ay magbibigay daan pala para tuluyang mahulog ang loob niya dito at matali sa isang kasunduan dahil hinihingi na nito na panagutan niya ito. Pero teka! Sandali lang. Baliktad yata. Hindi ba dapat siya ang panagutan nito dahil ito ang lalaki?
105.5K viewsOngoingAdded to Library 163 Times as na hee-do
Read
+Library
Naked Desire (SSPG R-18)

Naked Desire (SSPG R-18)

Nawasak ang mundo ni Therese Lopez nang pagtaksilan siya ng dalawang pinakamahalagang tao sa buhay niya ito ay ang kanyang fiancée na si Clyde Javier at ang kanyang matalik na kaibigan na si Wendy. Ang masakit pa, nabuntis ni Clyde si Wendy na nauwi sa isang sapilitang kasalan. Dahil sa matinding trauma at emosyonal na sakit, na-trigger ang isang medikal na kondisyong matagal na niyang kinakalaban ito ang Compulsive Sexual Behavior Disorder (CSBD) o hypersexuality. ​Sa bawat pag-alon ng kalungkutan, sumasabay ang isang nag-aapoy at mapusok na pagnanasang hindi niya mapigilan. Sa desperasyong mapawi ang matinding init na sumusunog sa kanyang katawan at isipan, gumawa si Therese ng isang mapangahas na hakbang. Inalok niya ang kanyang gwapo, bilyonaryo, ngunit istriktong boss na si Leandro Sandoval ng isang lihim na kasunduan. ​Walang emosyon. Walang commitment. Tanging pagpaparaos lang tuwing aatakihin siya ng matinding pangangailangan. ​Pumayag si Leandro, at doon nagsimula ang kanilang mga nagbabagang lihim na tagpo sa likod ng mga nakasarang pinto. Ngunit sa bawat patagong pagkikita, hanggang saan nila kayang panindigan na parausan lang ang isa't isa kung ang kasunduang nagsimula sa laman ay unti-unti nang humihila sa kanilang mga kaluluwa? ​Sa larong pinaghaharian ng pagnanasa, paano kung ang mas malalim na lihim ni Leandro ang tuluyang sumira sa kanila? At paano kung ang lason na akala ni Therese ay kanyang gamot, ay siya palang magdadala sa kanya sa mas madilim na impiyerno?
443 viewsOngoingAdded to Library 9 Times as na hee-do
Read
+Library
ILLICIT AFFAIR

ILLICIT AFFAIR

(SPG) Nang malaman ni Celeste na ipinagbili siya upang ikasal sa isang mayaman na matandang lalaki ay tinanggap niya na lang na iyon na ang kapalaran. Comfortable and luxurious life, handa ulit siyang maranasan ang lahat ng iyon. Ngunit paano kung malaman niyang anak ng kanyang pakakasalan ang kaisa-isang lalaki na kanyang minahal?
821 viewsOngoingAdded to Library 32 Times as na hee-do
Read
+Library
The Wild Heiress (tagalog)

The Wild Heiress (tagalog)

Para takasan ang obsess na ex-boyfriend sa Manila, napilitan si Erika na mamundok at bumalik sa probinsya. Pero ang wild at partygoer na heredera maikakasal naman sa nerd at boring pero may 6 pack abs na binata! Magawa kayang i-tame ng binata ang wild na dalaga? O Magawang wild ng dalaga ang isang nerd na binata?
4.3K viewsCompletedAdded to Library 125 Times as na hee-do
Read
+Library
Married to my Boss, Divorced from my Love

Married to my Boss, Divorced from my Love

Anim na taon na mula nang huling magkita sila Kristine at Nine. Dati silang magkasintahan at hindi naging maganda ang paghihiwalay nila. Pinangako ni Kristine sa sarili na hindi na siya muling magpapaloko kay Nine, at isinumpa naman ni Nine na maghihiganti siya sa dalaga sa susunod na magkita sila. They were worlds apart. Akala nila hindi na sila magkikita ulit pero nang dahil sa utang ng mga pamilya ni Kristine sa pamilya ni Nine, napilitan siyang magtrabaho para sa mga ito.
429 viewsOngoingAdded to Library 15 Times as na hee-do
Read
+Library
The Monster Inside My Mind (Tagalog)

The Monster Inside My Mind (Tagalog)

HeartShamia
Paano kung malaman ni Ralfh na ang taong mahal niya ay ang matagal na niyang hinahanap? Matatanggap pa kaya niya si shannie? Ipapakulong ba niya ito?or hahayaan niya na lamang ito? Ngunit ang nais niya mabigyan ng hustisya ang kanyang ina na matagal na niyang hinahangad. Anu ang dapat gawin ni Shannie upang maiwasan ang paggawa ng mga bagay na ayaw niyang gawin?
108.6K viewsOngoingAdded to Library 335 Times as na hee-do
Read
+Library
PREV
1
...
454647484950
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status