Love Revenge Game
pag-aalinlangan kong wika sa kaniya, saka hindi makatingin nang direkta.
“Of course, itʼs possible!” sang-ayon niya kaagad. Dumaan ang ilang segundo bago niya ibinukas ang kaniyang bibig. “Because of Niah, you experienced how to be an ordinary or simple human being. Naranasan mong sumakay ng jeep kasama ang minamahal mo. Labis ang pawis at kaba mo noon dahil iisa na lamang ang natitirang upuan. Dahil ikaw ay isang lalaki, pinaupo mo siya sa roon kung kayaʼt ikaw, napakapit na lamang sa labas ng jeep. Walang tigil sa kapapatak ang pawis mo noon. Dahil isang anghel si Niah, pinaupo ka niya sa inuupuan niya, tapos kumandong na lamang siya sa iyo,” pagsasalaysay niya. Hindi niya maiwasan ang kil