Filter By
Updating status
AllOngoingCompleted
Sort By
AllPopularRecommendationRatesUpdated
Love Investment

Love Investment

Amora Mina came from a broken family. She was six when her parents decided to part their ways. Because of that, lumaki siya na lagi niyang iniisip na there's always a right person wherein she can invest her love, romantically or not. Pero hindi ganoon kadaling mag-invest kahit pa sa usapang pera. In investing, we always hope na in the future ay may makukuha tayong income at kung usapang pag-ibig, hindi tayo sigurado sa magiging laban natin. Pa-swerte-han, parang sugal lang. The question is, will Amora find the right person in which she can invest her love?
Romance
1013.7K viewsCompleted
Read
Add to library
Married to the Wrong Billionaire

Married to the Wrong Billionaire

Naniniwala si Sloane Persephone Rivera o mas kilala sa tawag na Percy na ang tanging makakapagligtas lang sa pamilya niya laban sa kahihiyan ay iyong pumayag siya na makipagpalit nang pwesto sa kanyang kakambal na si Blaire sa kasal nito pansamantala. Pero nagbago ang lahat nang 'yon nang maaksidente si Blaire at magpanggap si Percy bilang kakambal niya at mapunta sa buhay na hindi naman niya kinabibilangan. Hindi handa si Percy na makilala ang lalaking pinakasalan niya noong araw na 'yon lalo na ang pakisamahan ang ugali nito. Nangako siya sa sarili niya na kahit kailan ay hindi mahuhulog ang loob niya sa lalaking hindi naman niya talaga asawa dahil nagpapanggap lang naman siya.Pero sa bawat gabi na nagkakasama sila sa iisang bubong, mga pag-uusap at tawanan na tanging sila lamang ang may alam, ay unti-unti no'n nabasag ang pader na pilit niyang itinatayo para protektahan ang sarili niya. Nakulong si Percy sa pagkatao na kailanman ay hindi niya pinili na naging sanhi nang pagkahulog niya sa lalaking hindi niya naman dapat mahalin pero aksidente niyang minahal. Ang mapaglinlang ba na pag-ibig ay kayang mabuhay kapag dumating na ang katotohanan? Paano kung kailan handa ka nang ipaglaban ang taong mahal mo ay saka pa bumalik ang taong nagmamay-ari naman talaga nito?
Romance
416 viewsOngoing
Read
Add to library
The Billionaire's Mistress

The Billionaire's Mistress

Maganda, matalino at mayaman. Ganoon kung ilarawan ng karamihan lalo na sa Business Industry si Clariza Estebas. Siya ang CEO ng Estebas Beauty Cosmetics at siya'y isang sikat na International Model. Gumawa siya ng paraan para makarating ng Pilipinas ang EBC at magiging kilala sa bansang ito dahil sa isang malalim na dahilan. Tinayo niya ang EBC na hindi nalalaman ang kaniyang tunay na mukha at pagkatao at tanging ang business partner niyang si Lorenzo Altiche ang nagpapakilala bilang isa sa owner ng EBC. Sa muling pagbabalik ni Clariza Estebas sa Pilipinas, bitbit niya ang kaniyang matinding hangarin. Iyon ay ang makapaghiganti at sirain ang Sarreign Chain of Hotels. Gagawin niya ang lahat kahit pa ang maging isang billionaire's mistress ng nag-iisang Carriuz Sarreignto.
Romance
1014.4K viewsCompleted
Read
Add to library
Can I be Him?

Can I be Him?

Raeliana
Hindi dahil gusto mo ang isang tao at gagawa ka ng paraan upang magkalapit kayo, magkakaroon ka na ng tsansang maging kayo. Hindi rin porket pinipilit mong maging relevant sa buhay nila, ibig sabihin e mapapansin ka. Minsan, mananatili't mananatili kang nobody sa buhay nila.At ganoon na nga ang naranasan ni Lyle kay Ridge.Sinubukan niyang maging parte ng buhay nito, magbukas ng pinto ng oportunidad para sa kanilang dalawa at umasang may tsansa silang dalawa. Pero sa huli, sa ibang tao pa rin nakatingin si Ridge — iba pa rin ang minahal nito at wala siyang palag doon.Kaya heto siya ngayon sa kalagitnaan ng kawalan. Pinagmamasdan ang binatang kay tagal niyang minahal na sumaya sa piling ng iba. Bubulong na lamang sa hangin at sasabihing sana... sana siya na lang.
LGBTQ+
9.916.5K viewsCompleted
Read
Add to library
A Night With A Billionaire

A Night With A Billionaire

Nakatakda nang ikasal si Serrie matapos siyang isalang ng magulang sa isang fixed marriage. Ngunit nagbago ang lahat nang aksidenteng may nangyari sa kanila ni Hidan Alijer. Ang kinatatakutang CEO at bilyunaryo ng kilalang construction company. Ngunit ang problemang iyon ay nasundan pa nang magbunga ang isang gabing pagsasalong iyon. Ngunit papaano kung malaman niyang ang lalaking nakatakdang ikasal sa kaniya at ang lalaking siyang ama ng batang dinadala niya ay iisa?
Romance
107.8K viewsOngoing
Read
Add to library
A Night to Remember with Doctor's Billionaire (SPG/R18+)

A Night to Remember with Doctor's Billionaire (SPG/R18+)

Imbitado si Adah Santolaja sa isang oath taking ceremony na gaganapin sa Shangri-La Hotel. After ceremony, hindi namalayan ni Adah na napahimbing ang tulog niya sa isang VIP suite; hindi nito kwarto. Kalaunan, naramdaman niya na lang na may katabi na siyang natutulog roon, at sa isang galaw niya lang ay nagising ang lalaking katabi nito. Parehong lasing at wala sa sarili dahil sa impluwensya ng alak; naging mainit ang gabi ng dalawa nang magkaroon ng isang hindi makakalimutan na pangyayari. Subalit, bagaman, nang magising ang mga ito kinaumagahan, napagkasunduan ng dalawa na sila lang ang nakakaalam sa nangyari sa pagitan nila. A weeks later. Hindi inaasahan ni Adah na makikita at makakatrabaho niya ang lalaking naging dahilan ng kanyang malaking pagkakasala sa kanyang live-in partner—si Doctor Benjamin Alcantara. Si Benjamin Alcantara, presidente ng Alcantara Group and Medical Hospital. Sa edad na tatlongput-lima ay walang ibang naging kaabalahan ang binata kundi ang magtrabaho at travel abroad. Subalit, nang magkaroon ng isang one-night-stand sa isang babaeng hindi kilala nito sa hotel—nagbago ang lahat nang magkita ulit sila sa iisang pinagtatrabahuhan gusali. Naging madalas ang pagkikita ng dalawa hanggang sa—si Benjamin na mismo ang gumawa nang unang hakbang upang makilala niyabg muli si Adah; bagong nurse ng Alcantara Group and Medical Hospital.
Romance
10498 viewsOngoing
Read
Add to library
Lust In Love (Tagalog version)

Lust In Love (Tagalog version)

Latte
Nang makapagtapos si Charm ng kolehiyo sa England, bumalik agad siya ng Pilipinas para surpresahin ang kapatid na si Clara. Ngunit laking gulat niya nang matuklasan niyang apat na taon nang patay ang kanyang kapatid, at wala siyang ideya tungkol dito, at hindi rin ito ipinaalam sa kaniya ng mga kamag-anak nila. Kaya naman, nag-imbestiga siya tungkol sa nangyari sa kanya. Marami ang nagsasabi na ito ay nagpakamatay, ngunit naniniwala siya na hindi kailanman iisipin ni Clara na magpakamatay, at sa tingin niya ay kusa siyang pinatay. Hindi siya tumigil sa paghahanap at pagresolba sa krimen hanggang sa napagtanto niyang may tatlong lalaki na hinihinalang pumatay sa kanyang kapatid. Pero hindi lang sila ordinaryong tao na pwedeng lapitan at kausapin. Kaya, ang tanging naiisip niya ay ang pasukin ang kanilang misteryosong buhay. Plano niyang akitin ang tatlong lalaki na alamin ang katotohanan sa likod ng biglaang pagkamatay ng kanyang kapatid. Magtatagumpay kaya siya sa kanyang mga plano kung malalaman niya kung gaano kadelikado ang mga taong haharapin niya, o magagawa ba niyang itago ang tunay niyang pagkatao nang hindi nahuhuli ng mga ito?
Romance
6.9K viewsOngoing
Read
Add to library
Runaway Bride; Pregnant with the Billionaire's Heir

Runaway Bride; Pregnant with the Billionaire's Heir

Elyse Saavedra, galing sa isang mayamang pamilya na ipinagkasundong ipakasal ng kanyang mga magulang sa anak ng kanilang kaibigang bilyonaryo, si Kyrex. Kahit na sa kanilang hindi magandang unang pagkikita, malamig na pakikitungo sa isa't isa dahil sa hindi kanais-nais na kagustuhan ng kanilang mga magulang, nagka-developan pa rin sila sa isa't isa nang totoong nararamdaman. Ngunit, lahat nang ito ay nagbago nang si Marco, childhood friend ni Elyse at si Maui na ex ni Kyrex, complicate things between them. Pagkatapos malaman ni Elyse na siya'y buntis at nasaksihan ang hindi kanais-nais na nangyari kay Maui at Kyrex, tinanggap nya ang alok na pera ng ina ni Kyrex kapalit nang paglayo kay Kyrex at pag-atras sa kasalan. Nagpakalayo-layo si Elyse kasama ng kanyang ibinubuntis na anak nila ni Kyrex.
Romance
10854 viewsOngoing
Read
Add to library
The Bittersweet Destruction

The Bittersweet Destruction

Caroline— isang anak na nanabik sa pagmamahal ng isang magulang. Nang magkaisip, ginugol niya ang lahat ng oras at panahon sa pagsasanay kahit ito'y labag sa kaniyang kalooban. Ngunit nang may natuklasan, lakas loob niyang tinalikuran ang tungkulin bilang kaisa-isang anak ng makapangyarihang pamilya upang buuin ang nawasak na bahagi ng kaniyang pagkatao. Then, she met Cade Ruiz in Isla Vierra, ang isang lalaking sakim sa kapangyarihan. Subalit nang makilala niya si Caroline, all he want is to protect her kahit masira pa ang imahe nito sa babae. Ngunit sadyang mapaglaro ang tadhana, sa kagustuhan ni Cade na buuin ang babaeng mahal, ito naman ang magiging dahilan ng kanilang pagkasira.
Romance
1.7K viewsOngoing
Read
Add to library
Moonlight Warriors (Tagalog)

Moonlight Warriors (Tagalog)

"What if I turned out to be someone you'd despise the most?" tanong ni Calista. "Then I'll be there to save you before that thing happens." Iyan ang binitawang pangako ni Clyde sa kasintahang si Calista bago ito naglaho nang parang bula. Ni minsan hindi sumagi sa isip ni Clyde na darating ang araw na mararanasan niyang ibigin at umibig nang tunay. Sa isang iglap, biglang nagkaroon ng kabuluhan ang dati ay magulo niyang buhay nang makilala niya si Calista. Subalit ang sayang ipinadama sa kan'ya ng tadhana ay hindi rin nagtagal nang isang gabi, natagpuan na lamang niyang walang buhay si Calista at ang mga magulang nito sa kanilang tahanan. Kasabay ng trahedyang ito ang biglaan ding pagkamatay ng kan'yang mga magulang. Pinaniniwalaan na ang may gawa ng mga pagpaslang na ito ay ang isa sa mga pinaka kinatatakutang nilalang sa mundong ito; ang mga taong-lobo. Isinumpa ni Clyde na kan'yang ipaghihiganti ang kan'yang mga mahal sa buhay mula sa mga mapaminsalang halimaw na ito. Subalit paano kung sa paglipas ng maraming taon ay muli niyang matagpuan ang pinakamamahal niyang babae na buong akala niya ay matagal nang patay? Paano kung malaman niya na ito na ngayon ang pinuno ng mga taong-lobong matagal niya nang inaasam na patayin? Mananatili kaya ang pag-iibigan nila sa isa't isa kung ang kapalaran nila ay ang puksain ang lahi ng bawat isa?
Other
1012.0K viewsCompleted
Read
Add to library
PREV
1
...
3839404142
...
50
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status