로그인Hindi alam ni Serrie kung bakit kailangang sumama ni Hidan. Hindi naman nito kailangang samahan pa siya. Kaya niya naman mamalengke ng mag-isa. “Isang kilo po rito sa hipon,” aniya sa babaeng tindera.“Ako na rito,” ani naman ni Hidan sabay bawi sa dala niya.Hindi na siya nakapalag dahil nabawi na nito ang dala niya. Kapansin pansin naman ang pagsulyap ng ibang tindera kay Hidan. Malamang! Dahil agaw pansin naman talaga si Hidan. Para itong modelong foreigner na naligaw sa sentro. Matangkad, abuhin ang mga mata, maputi ang balat. Takaw atensyon talaga. “Oh, heto," ani tindera matapos maikilo ang binili niya.Kaya lang nang akmang aabutin niya na iyon ay si Hidan kaagad ang nagbawi ng supot mula sa tindera. Kunot noong nilingon niya si Hidan. Medyo nairita na siya. “Pwede ka na pong maghintay sa kotse. Sibuyas na lang ang huling bibilhin ko," taboy niya kay Hidan na sunod pa rin nang sunod sa kaniya.Nag-aalala siya sa mga tindera sa palengke baka maputol pa ang kamay dahil naka
Napasinghap si Serrie nang matanaw ang mansyon. Nandito na sila. Kung pinayagan lang sana siya nitong sumakay ng ibang sasakyan. Hindi sana siya mahihirapang umiwas ngayon. "D-Dito lang ako!" Natataranta niyang pinahinto si Hidan bago pa sila makarating sa gate ng mansyon."Papasok na tayo sa gate, Serrie," anito na pagdududa sa mga mata."Hindi na. Dito na lang ako.""Papunta ka na rin do'n, Serrie," giit nito.Nagtagis ang bagang niya. Ayaw niya nga sabing bumaba sa mansyon. Ayaw niyang makita silang magkasama ngayon. Papaano kapag nalaman ni Hidan na hindi naman talaga siya inutusan ni Sandro? Na gawa gawa niya lang yun at bigla na lang siyang sumugod doon sa hospital ng hindi nag-iisip. Ayaw niyang magduda si Hidan. Ayaw niyang isipin nitong nagkukunwari lang siyang walang maalala. Sa mga oras na yun parang gusto niyang kaltukan ang ulo dahil sa katangahang nagawa. Bakit nga ba siya biglang nag-alala sa lalaki? Si Hidan ang dahilan kung bakit muntik na silang mapahamak ng kaniya
"Anong ginagawa mo?"Parang nagulantang siya sa nakikita. Nagkasundo na sila kanina na magtabi pero kasama sa kasunduan nilang haharangan nila ng unan ang gitna ng higaan. Alam niyang maliit lang ang hospital bed pero pinipilit ni Hidan na doon siya matulog at hindi sa sofa kaya napipilitan siya ngayong matulog na lang doon. "Nag-usap na tayo kanina, Hidan." Iritado na siya nang sabihin iyon. Hindi kasi ito tumutupad sa usapan.Pero hindi nakinig ang lalaki at nagpatuloy sa pagtabi sa mga unan. Kinakabahan na siya habang pinagmamasdan ang ginagawa ni Hidan. Kung pwede niya lang itong sigawan ay baka kanina niya pa ginawa. Kaya lang baka pag nagpakita siya ng panic at mapansin nitong affected siya ay baka isipin nitong may naalala na siya. Nagkukunwari lang siyang walang naalala kaya dapat hanggang ngayon isipin pa rin nitong wala nga siyang naalala.Nang maalis na nga nito ang mga unan ay tumingin sa kaniya si Hidan. Sumilay ang mapaglaro nitong ngisi. “Now we can sleep,” anito.Nap
Dahan dahan siyang humarap sa lalaki. Napalunok siya nang magsalubong ang mga tingin nila ni Hidan.May benda pa ang kabilang braso ng lalaki. Hindi niya alam kung talagang sinundan siya nito. "P-Pinapatila ko lang," pagdadahilan niya. Sa pagkakataong 'yon ay kinakabahan na siya. Baka tanungin nito kung ano ang sadya niya doon at bakit nandoon siya. Tiyak na wala siyang maisagot.Sinulyapan niya ang braso ng lalaki. Napansin nitong nakatingin siya sa braso nito."Just want to breath a fresh air," depensa ni Hidan.Kumunot ang noo niya sa sinabi ni Hidan. Anong klaseng dahilan 'yon? Gusto nito lumanghap ng sariwang hangin tapos dito talaga sa labas? E malakas ang hangin dahil bagyo. Dapat nasa loob ito ngayon dahil may injury ito. Tsaka hindi niya rin inasahang maabutan pa talaga siya ng lalaki hanggang dito e kanina lang kinakausap pa nito ang nurse na 'yon."Hindi po maganda ang panahon. Mas mabuting pumasok na ho kayo sa loob. Baka imbes na preskong hangin ang masagap niyo e baka s
Malakas na ang hangin nang tanghali. Hindi inasahan ni Serrie na magkakaroon ng bagyo ng araw na 'yon. Kahapon pa hindi umuuwi si Hidan. Hindi man lang ito umuwi para kumuha ng gamit. Baka nag-check in sa hotel?"O baka may kasamang babae. Nag-enjoy siguro kasama ng babae niya," biglang naiusal niya ng hindi namamalayan."Sinong may kasamang babae, Mama?"Muntik na siyang mapatalon sa gulat nang biglang magsalita ang anak sa likuran niya. Kanina kasi ay nasa baba lang naman ito tapos biglang umakyat pala ito. Hindi niya man lang namalayan. Naabutan pa siya nitong nagsasalita mag-isa rito na parang tanga. "W-Wala naman. May naisip lang ako. Iyong mga katrabaho ko sa plantasyon, mga babae. Bagyo ngayon, paniguradong pahirapan ngayon doon sa plantasyon.""Nagpunta rin po si Tito sa plantasyon. Nagmamadali siya kanina. Ano kayang nangyari?"Kumunot ang noo niya. Nagmamadali si Sandro? Bakit nga kaya? Wala namang nabanggit si Sandro tungkol sa nangyayari sa plantasyon. Kaya lang sa pagkak
Paunti-unti ang pagsubo ni Serrie. Hindi niya akalaing magkasabay nga sila ngayon ni Hidan. Talagang pumayag siyang magkasabay silang kumain ngayon. "Eat more, Serrie," ani Hidan at nilagyan pa ng kanin at ulam ang lagayan niya."A-Ayos lang, Hidan. Okay na ako dito." Tipid ang ngiting binitiwan niya sa lalaki. Hindi niya naman talaga gustong ngitian ito. Hindi niya na ito boss pero ito pa rin ang may hawak ng plantasyon ni Sandro. Hindi niya pwedeng ipahalata ang iritasyon niya sa lalaki.Huwag na kasi nitong sagarin ang pasensiya niya. Huwag na siya sana nitong kausapin at baka hindi siya makapagtimpi rito. Nandito ito para sa anak niya. Akala siguro nito at hindi niya alam 'yon. Akala nito mangmang siya na pwede lang nitong utuin ng candy. Binilisan niya ang pagkain. Nang matapos ay agad niyang tinabi ang pinagkainan."Salamat sa pagkain, Hidan."Napansin niyang nakasunod ang mata sa kaniya ng lalaki. Napansin nito malamang ang pagmamadali niya. Sana naman sa pagkakataong 'yon ay
Hindi na magawang tingnan ni Serrie ang mga kasamahan matapos iyon sabihin ni Hidan. Hindi niya rin alam kung bakit sinabi iyon ng lalaki. Akala niya ay dapat niya iyon isekreto. Pero si Hidan na mismo ang nagbunyag no’n. Hindi niya lang maintindihan. “Ikaw pala ang asawa ng CEO?” Ani John at nakang
Nahihirapan nang sagutin ni Serrie ang cellphone niya habang hawak ang mga kape sa kamay. Mahaba pa ang pila sa coffee shop na iyon kanina kaya natagalan siya. May ibang coffee shop pero malayo na iyon at hindi siya pwedeng magtungo pa doon. Mas lalo lang siyang matatagalan.“Sorry, sorry, parating n
Hindi niya na matingnan ngayon si Hidan. Tapos nitong maabutan siya sa loob ng clinic, hindi niya na alam kung anong iaakto.“K-Kakain ako pagkatapos nito.” basag niya sa katahimikan.Nasa sasakyan na silang pareho. Habang hawak ni Hidan ang fetus picture.“Diyan! Ibaba mo na lang ako diyan. Diyan ako
Bumaba si Serrie sa sasakyan at napatingin sa sasakyan sa malayo. Ngumiti siya doon at tumango. Kahit distansiya siya sa sasakyan ni Sandro ay alam niyang nakita nito ang pagtango niya.Saka lang umalis si Sandro sa kinapaparadahan nito nang makitang nakapasok na siya.Pagkapasok niya ay naalala niyan







