Filter By
Updating status
AllOngoingCompleted
Sort By
AllPopularRecommendationRatesUpdated
Contracted Wife of the Billionaire

Contracted Wife of the Billionaire

Cassiane Dela Vega, isang 23-anyos na dalagang lumaki sa kahirapan, ay handang gawin ang lahat para sa kanyang pamilya. Nang magkasakit ng malubha ang kanyang kapatid na si Caleb, napilitan siyang tanggapin ang isang kasunduang magbabago ng kanyang buhay—isang kasal kay Kane Remy Finnegan, isang 25-anyos na CEO na kilala sa kanyang malamig at walang pusong personalidad. Para kay Kane, ang kasal ay isa lamang transaksyon para masunod ang kagustuhan ng kanyang lolo—walang emosyon, walang koneksyon. Sa simula, malamig at kontrolado si Kane habang pilit namang inaarok ni Cassiane ang bagong mundo na kanyang ginagalawan. Ngunit sa bawat araw na magkasama sila, unti-unting natutukso si Kane sa kabutihan at init ng puso ni Cassiane. Habang nababasag ang mga pader sa puso ni Kane, lumalalim naman ang komplikasyon ng kanilang relasyon. Sa likod ng kasunduang walang puwang ang damdamin, unti-unting namumuo ang emosyon na kanilang parehong pilit itinatanggi. Ngunit hindi naging madali ang lahat. Dumating ang sandaling sinaktan ni Kane si Cassiane, dala ng paniniwalang siya lamang ang may nararamdaman. Nangyari ang isang gabi na nagbago ng lahat, kung saan ipinilit ni Kane ang kanyang damdamin at pag-angkin kay Cassiane. Kalauna’y napagtanto niyang mahal din siya ng dalaga. Sa kabila ng mga pagsubok, sakit, at lihim na kanilang hinarap, natutunan nilang yakapin ang isa’t isa at ang tunay na kahulugan ng pagmamahal. Sa huli, nanaig ang pag-ibig. Napalambot ni Cassiane ang pusong dating tila yelo. Naging masaya silang mag-asawa at nabuo ang kanilang pamilya kasama ang dalawa nilang anak—isang patunay na sa likod ng kasunduan, maaaring umusbong ang tunay na pagmamahalan.
Romance
503 viewsOngoing
Read
Add to library
Wrapped In His Riches (SPG)

Wrapped In His Riches (SPG)

Raquel Aguas is the definition of spoiled. Wala siyang inatupag kundi party, shopping, gala, at pagwaldas ng pera ng magulang niya. Wala siyang pakialam sa negosyo, sa future, o kahit sa expectations ng pamilya niya—basta't masaya siya. Pero nang mapuno na ang magulang niya sa kawalang-direksyon niya, tinakot siyang hindi niya makukuha ang mana niya kung hindi siya matutong magpakatao. Dahil sa takot na mawala ang marangyang buhay na nakalaan sa kanya, wala siyang nagawa kundi tanggapin ang kondisyon—ang pumasok sa House of Aguas at tumulong sa kuya niya sa pamamalakad ng kompanya. Sa kasamaang palad, dala lang ni Raquel ang kalat at stress sa opisina. Hindi siya seryoso, laging palpak, at tila ba wala talagang pake. Kaya nagdesisyon ang kuya niyang bigyan siya ng isang project—isang mission na kapag matagumpay niyang nagawa, malaya na siyang bumalik sa dating buhay niya. Kailangan niyang papirmahin ang mayor ng Santa Monica para sa isang malaking proyekto ng House of Aguas Corporation. Sa una'y inakala niyang madali lang iyon. Pero nang makilala niya si Mayor Caelum Argente ay doon siya nagkamali. Guwapo man ito, ngunit masyadong matigas ang prinsipyo. Paulit-ulit siyang binigo at tinanggihan, tila ba sinasadya siyang pahirapan. Habang lumilipas ang mga araw, lalong nawawala ang pasensya niya. Pero dahil desperada siyang matapos ang trabaho at makuha ang kalayaang gusto niya, pilit siyang naghahanap ng paraan para mapasunod ang mayor. Ang hindi niya inaasahan ay ang kondisyong kapalit ng pirma nito—isang kondisyon na hindi pera o pabor ang hinihingi, kundi ang maging sex slave siya nito!
Romance
756 viewsOngoing
Read
Add to library
PRINCESS DELA BOTE

PRINCESS DELA BOTE

Hindi pa sila gaanong nakalalagpas sa kasibulan ng kabataan nang magkakilala’t ma-fall sa isa’t isa sina Ana at Enrico. Madali silang nahulog sa patibong ng pag-ibig na sa una lang puro kilig. Maaga silang ikinasal sa huwes. Hindi man lang muna inihanda ang kanilang kinabukasan. Nang magsama sila sa iisang bubong at maharap sa krisis ng realidad ng buhay may-asawa, tulad sa pag-inom ng alak, matapos malasing sa pag-ibig ay matinding hangover ang sumubok sa katatagan ng kanilang ugnayan. Nagumon sa pag-inom ng alak si Enrico. Gumatong ito sa galit ni Ana dahil sa kaiintindi kung paano sosolusyunan ang kanilang mga problema. Hanggang sa mapuno ang salop at humantong sila sa maapoy at dramatikong sakitan ng damdamin. Pinalayas ni Enrico si Ana. Nagpakalayo-layo si Ana at pumunta sa rose farm ng matalik niyang kaibigan. Sa loob ng ilang panahon, humupa ang hangover ng bara-bara nilang pagkalasing sa pag-ibig. Kaalinsabay nito’y ang pagsisisi at pananabik sa isa’t isa. Nahimasmasan si Enrico sa nagawa niyang pagkakamali. Pati ang tadhana’y nakiayon sa kaniya upang maituwid ang lahat. Nakatulong din sa mabilis na pagbabago ni Enrico ang natuklasan niyang diary ni Ana. Nagtuloy-tuloy ang pagbabago ni Enrico para kay Ana. Si Ana nama’y nagtuloy-tuloy ang pananabik at pangungulila kay Enrico; umabot pa nga sa puntong hinahanap niya ito sa ibang lalaki. Hanggang sa di inaasahang araw, muling nagkurus ang kanilang landas. Ngunit naulit ang kahapon. Muling nagpakalayo-layo si Ana. Ang dahilan—may bagong babae si Enrico. Umuwi si Ana sa bahay ng Tiyo Narding niya. Si Enrico nama’y pursigidong tapusin ang gusot sa pagitan nilang dalawa. Sinundan niya si Ana. Sa bahay ng Tiyo Narding ni Ana naresolba ang lahat sa paraang kakatwa at nakakikilig. Sa huli'y opisyal na kasalan ang naganap. Kasalang puno ng luha ng kaligayahan.
Romance
4.2K viewsCompleted
Read
Add to library
Billionaire's Regret: One Night Stand with a Stranger

Billionaire's Regret: One Night Stand with a Stranger

Tinaguriang most eligble bachelor in town, owned a multi billionaire company pero iyon nga lang wala sa vocabulary ni Archer ang salitang "Relasyon o Marriage" para sa kaniya laro-laru lang ang lahat. Hindi niya na raw kailangan ng babaeng makakasama niya pera lang ang mahalaga sa kaniya. Kung usapang tawag ng laman madali lang sa kaniya iyan dahil may pera siya. Nagbabayad siya ng mga babaeng pera lang ang habol at basta na lang binibenta ang laman para lang sa pera. Pero nagbago ang lahat ng iyon sa isang gabi ng pagtatalik nila ng isang babaeng bayaran, sa lahat ng babaeng naikama niya iyong babaeng iyon lamang na may butterfly tattoo sa likod ang kakaiba para sa kaniya. Hindi niya maipaliwanag ang pakiramdam ng gabing iyon. Kakaibang sarap ang pinaramdam sa kaniya na hindi niya kailanman natikman sa mga naunang naikama niya. Ngunit nagising siya nang wala na ito sa tabi niya at nag-iwan na lamang ng isang sulat bilang pasasalamat sa isang gabi na puno ng ligaya. Binalikan ni Archer kung saang bar niya nakuha ang babae ngunit bigo siyang makita pa ulit ito at hanggang sa kasalukuyan ay pinapahanap niya pa rin ito. Hanggang sa nag-krus ang landas nila ni Choleen, ang pamangkin ng isa sa mga katulong nila. Pinasok ito bilang katulong sa isa sa mga resort nila, Doon na nagsimula ang kwento nila, noong una ay akala niya nangbu-bwesit lang ito dahil sa mga sunod-sunod na kapalpakang ginagawa sa trabaho. Doon niya lang nalaman na wala pala talaga itong alam sa kahit anong trabaho at gawaing bahay. Sa tinatagal-tagal nakayanang pagtiisan ni Archer ang pagiging inosente ni Choleen. Ngunit isang madilim na sekreto pala ang nakabalot sa pagkatao nito, malalaman kaya ni Archer na ang babaeng matagal na niyang hinahanap ay nasa harapan niya na mismo.
Romance
10923 viewsOngoing
Read
Add to library
Alipin Ng Tukso

Alipin Ng Tukso

Tumakas si Khaliyah Dadonza sa mansyon nila nang madinig niya sa papa niya na ipapakasal siya sa pangit na anak ng isang Mafia boss bilang bayad sa malaking utang niya rito. Kaya naman, agad-agad ay pumunta si Khaliyah sa probinsya, sa bahay ng kaibigang niyang si Moreya. Pero imbis na ang kaibigan niya ang madatnaan doon ay ang hot tito ni Moreya ang nakita niya. Ito na pala ang nakatira doon dahil nasa ibang bansa na ang kaibigan niya. Wala na siyang ibang mapupuntahan dahil nag-iisa lang si Moreya sa totoong kaibigan niya, kaya naman nakiusap siya sa Tito Larkin ni Moreya na doon muna siya magtatago at mag-stay, pero kapalit nito ay isang kasunduang magiging alipin siya sa bahay ni Tito Larkin Colmenares. Alipin ng isang hot tito na type na type niya ang katawan at mukha. Dahil sa sobra-sobrang pagmamakaawa ni Khaliyah, nagkaroon sila ng contract na ginawa ni Tito Larkin. Magiging mag-asawa sila habang doon nagtatago si Khaliyah. Pinakasalan siya ni Tito Larkin para hindi siya makasuhan ng kidnapping. Magiging mag-asawa lang sila dahil sa papel, pero sa loob ng bahay, alipin lang talaga siya ni Tito Arkin. Ayos lang kay Khaliyah ang maging alipin, lalo na’t isang Hot Tito ang paglilingkuran niya. Kaysa magbuhay princessa at magpakasal siya sa isang mayamang anak na mafia boss pero sobrang sama naman ng itsura ng mukha. Akala niya’y madali lang ang lahat ng ginagawa niya roon, magluto, maglinis, maglaba at sumunod sa mga utos nito Tito Larkin. Pero paano kung mas mahirap palang labanan ang tukso? Sa bawat araw na kasama niya si Tito Larkin ay lalo siyang nauuhaw sa isang bagay na hindi niya dapat pagnasaan. Magtatagal kaya si Khaliyah bilang alipin ni Tito Larkin, o tuluyan na siyang magpapasakop sa tukso?
Romance
1023.5K viewsCompleted
Read
Add to library
The World of A Marriage Life

The World of A Marriage Life

Walang mapagsidlan ng saya ang puso ni Nieves Solanna o mas kilala sa pangalan na Snow nang maikasal siya sa pinakamamahal niyang lalaki na si Dalton Travis Donavan. Simula pagkabata ay wala na siyang ibang hiniling at pinangarap pa kundi ang maikasal kay Dalton. Anak ito ng Tito Gilbert niya, isa sa mga matalik na kaibigan ng Papa niya at nang marinig niya na hinihingi nito ang kanyang kamay para sa isang kasal ay walang pag-aalinlangan siyang pumayag. Kahit na alam niyang ang tanging dahilan lamang nito ay para sa family business nila. Forced into a marriage to merge their family business, Dalton Travis Donavan found himself falling in love with his wife. Mabait, mapagmahal at maalaga ang kanyang naging asawa kaya naging madali para sa kanya na masuklian ang pagmamahal na ibinibigay ni Snow sa kanya. Pero kakasimula pa lang nilang dalawang mag-asawa nang muling bumalik ng bansa ang isang babaeng minsan na rin niyang minahal. Walang iba kundi si Samantha Perez. Tinukso at inakit nang dating kasintahan kaya nagawa niyang pagtaksilan ang babaeng walang ibang ginawa kundi ang mahalin at tanggapin siya. "NILOKO MO AKO! AKO NA WALANG IBANG GINAWA KUNDI ANG MAHALIN KA! IKAW ANG UNANG SUMIRA SA PAGSASAMA NATING DALAWA! ANG SAKIT NA IBINIGAY MO SA AKIN ANG SIYANG NAGING DAHILAN PARA KAMUHIAN AT GANTIHAN KITA!" malakas na sigaw ni Snow sa asawang si Dalton habang puno ng mga luha ang kanyang buong mukha. "Oo, inaamin kong nagkamali ako. Pero hindi sapat 'yon para gantihan mo ako, Snow! Nag-iba ka na, at alam kong ako ang may kasalanan sa lahat nang ito," puno ng pait na sagot ni Dalton. Kaya pa kayang ibalik muli ang dating matamis na pagmamahalan? Kung nakaukit na sa buong puso at utak nila ang sakit at pagtataksil sa isa't isa.
Romance
10849 viewsOngoing
Read
Add to library
ARCHANGELS BOOK 1: URIEL (THE HEART NEVER FORGETS)

ARCHANGELS BOOK 1: URIEL (THE HEART NEVER FORGETS)

Jessica Adams
"You're breaking up with me kasi sa tingin mo mas magaan? Ganoon ba iyon?" ang mahinahon pero puno ng hinanakit na tanong-sagot sa kanya ni Uriel. Sinubukan niyang magbuka ng bibig para magpaliwanag pero walang anumang salita siyang naibulalas kaya nagpatuloy ang binata. "Kasi wala pa tayong isang taon kaya iniisip mong hindi pa kita ganoon kamahal?" noon na galit na napatayo si Uriel. "Very childish, and I should tell you, that was the most bullshit excuse that I have ever heard!" ang galit na sagot ni Uriel na tila ba hindi narinig ang sinabi niya. Malakas na sampal ang pinadapo ni Therese sa pisngi ng binata dahil doon. "Sa tingin mo madali ito? Ginagawa ko ito para sa'yo!" "Really?" ang binata na mapait pang tumawa. "para sa'kin o para sa sarili mo?" "How dare you!" si Therese na muling napaiyak. "Well same here! Bakit sa tingin mo ba may magbabago sa kundisyon mo kapag inalis mo ako sa buhay mo?" "Tumigil ka!" "No! Hayaan mo akong magsalita okay? You've done too much talking already so I guess it's my turn now!" Natigilan si Therese sa nakita niyang magkahalong galit at paghihirap sa mukha ni Uriel kaya hindi siya nakapagsalita at umiiyak na pinakinggan ang lahat ng sinabi ng binata. "Masakit oo, at ako mismo natatakot na ngayon palang. But I'm not like you. Kasi kahit natatakot ako at nahihirapan, sinusubukan ko paring ihanda ang sarili ko. Pinag-aaralan kong tanggapin ang lahat. Kasi gusto kong maging masaya ngayon, habang nandito ka pa, habang kilala mo pa ako," ani Uriel na tuluyan na nga ring napaiyak. "Simple lang naman ang gusto ko, bigyan mo ako ng role sa buhay mo, kahit maliit lang," ang pagpapatuloy nitong pakiusap saka nagpahid ng mga luha. "U-Uriel," aniyang isinubsob ang mukha sa palad saka napahagulhol.
Romance
1.7K viewsOngoing
Read
Add to library
CEO Fell in Love with Her Secretary (SPG)

CEO Fell in Love with Her Secretary (SPG)

Ms. Melody—isang maganda, palaayos sa sarili, mayaman at isang ‘CEO’ ng malaking kumpanya. May boyfriend ito na nagngangalang Grabriel, ang lalaking pumunta ng US upang doon ipagpatuloy ang trabaho nito. Ngunit isang araw, gumuho ang mundo ni Melody; sapagkat nalaman n’yang may ibang babaeng iniibig si Grabiel sa US. Kasabay ng araw na ’yon ang pagtawag at pagtatapat mismo ng lalaki sa kanya nang hindi personal, sa pamamagitan ng video call, “I’m sorry for this melody…..” paunang salita nito. " We have to break," sunod pa nito. Pagkatapos marinig ang mga katagang iyon binaba na nito ang cellphone. Mabuti na lamang ay nand'yan ang isang lalaki upang damayan at saluhin s’ya. Si David na matagal na n’yang secretary. Pogi at maskulado ito. Isang billionaire man. Ngunit nang mamatay ang mga magulang nito sa murang edad n’ya ay nalugi ang kanilang negosyo. He didn't know how to manage it at that time. When David was already twenty-two years old, he applied as a secretary in a company owned by the Fuentes family, where Ms. Melody Fuentes was a member. Nang gabi ding iyon niyaya ni Melody si David na uminom para na rin mabawasan ang sakit sa puso n'yang dulot ng pag-ibig nito sa lalaking si Gabriel. Habang umiinom ang dalawa patuloy na humahagulhol ng iyak si Melody. 'Di naman gano’n kadaling mag-move on. PRETENDED COUPLE Habang nagpapanggap ang dalawa bilang magkasintahan, hindi ito naging madali para itago. May mga time pa nga na naghahalikan sila sa harap ng iba para mas mapatunayan nilang mag-couple talaga sila. Marami pa silang pinagdaanang problema bago sila ikasal. Nagkaroon ng dalawang anak at nalimutan ang mga bad past scenario. ”Dahil sa pagpapanggap, nagkaroon ng pag-asa ang puso kong nasugatan, ngunit agad na humilom noong dumating ka…….. David." -Ms. Melody.
Romance
101.5K viewsOngoing
Read
Add to library
PREV
1
...
67891011
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status